Share

CHAPTER ONE

| Two years ago |

"Calissa!, Come back!" Her mom, Carla, screamed yet to no avail. Calissa continued her quick pace, hopping unto her car afterwards driving on high speed. 

She parked her car, somewhere dark. She doesn't know where, yet her emotions are too overwhelming to even give a damn about her location. 

"I hate you! I hate you! I hate you!" She screamed at the top of her lungs, tears streaming down her face. "How... how could you do this to me?! To our family?!" 

She sobbed, voice barely coming out. "Why, why?! All my life... I believed in you... I trusted you..." She cried.

"Yet you lied! And that's not it... you ruined everything! You ruined my relationship! You cost me my relationship!" 

Pinaghahampas niya ang steering wheel. Frustration written all over her face. "Ralph, please come back..." Halos wala na siyang boses dahil sa kasisigaw niya. 

Kahit malabo pa ang paningin, pinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Madilim. Malabo. Maski ang mga salamin. Hindi niya alam kung dahil ba sa luha niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa pamamanhid ng buong katawan niya. Pero hindi nakatakas sa paningin niya ang biglang pagsalpok ng isa pang sasakyan sa likuran ng kanyang kotse. 

Masakit. 

Malabo. 

Madilim.

Paulit-ulit nalang.

Wala na siyang iba pang maramdaman kung hindi ang sakit. Kung mula ba sa aksidente o kung dahil sa nangyari, hindi niya alam. Ang tanging naaalala niya lang bago mawalan mg malay-tao ay ang anino ng isang tao. 

At ang boses nito. 

"Serves you right, little sister."

-

|Present|

Calissa's Pov

"CALLY, CALLY IHA?"

Halos mabingi-bingi ako sa lakas ng kalampag ng pintuan ng kwarto ko, what the heck is going on?

"A-aray"- napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito.

"Ano bang nangyari kagabi?"- umupo naku sa kama,sapo-sapo ang ulo ko.

"Cally, iha bumaba kana riyan, at malilate kana hindi ba't unang araw ng klase niyo ngayon?"- Saad ng taong kanina pa kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Y-yes Manang, im coming"- saad ko, na parang naghihingalong isda

"Magmabilis kana riyan, mauuna na ang asawa mo"

Yes, at the age of 19 im already married!

On cue, halos lundagin ko na ang kama ko sa bilis kung kumilos . Jusko, bakit ko ba nakalimutang maaga nga palang gumigising si-------

"Oh Klent iho, aalis kana ba?"

"Yes manang!"- sagot nito, gusto kung magtatatalon sa kilig dahil boses palang ang hot na shemsss.

"Iha"- katok ulit nito . Sasagot na sana ako, kaso nagsalita si Klent.

"Hayaan niyo na siya manang, kung hindi magising. Kung ayaw wag pilitiin"

Gusto kung umalma sa sinabi niya, kanina pa ako gising . Nakakainis nagmadali na't lahat para lang makasabay sa kaniya kahit alam ko namang, he doesn't want me to be with him .

Dismayado akung binuksan ang pinto ng kwarto ko, pero pag bukas ko wala ng tao dun pero may sticky note sa pinto ko, and take note kulay pink pa.

-Stupid Remember what i've told you . KEEP DISTANCE--

                                        -K.

Gusto kung mainis . Gusto kung maglupasay!. Hindi dahil sa stickynote niyang kulay pink, kundi dahil nasayang yung effort ko kakamadali . Nasanay nako na ganito kami .

Siya si Klent Mariano, we got married 1year ago but he never treated me as his wife. He hated me for i dont know reason.

Naglakad nalang ako pababa.

"Oh iha, halika na't kumain habang maaga-aga pa . Nauna na si Klent"- saad nito, nang makasalubong ko siya sa salas. Siya si Manang Lourdes, siya ang taga pangalaga ni Klent since birth .

"Im okay Manang , im not hungry pa po . Sa cafe nalang po siguro ako kakain."- binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

"Huh, kahit kape man lang iha"- pagpupumilit pa nito.

"No Manang, ayos lang ako. I need to walk pa po kasi"

"Pasensya kana kay Klent iha, hindi ka man lang sinabay"- mas lalo akung napayuko, she even know that Klent doesn't want me to go ride with him.

"Naku manang, wala po yun .Sanay napo akung maglakad exercise nadin"- pagpapagaan ko ng ambiance.

"Sige lumakad kana iha. Mag iingat ka"- haplos pa nito sa balikat ko, t'yaka hinatid sa labas.

----------

Pag dating ko ng school, halos lumuwa ang mata ko sa dami ng studyanteng nagkumpulan sa Entrance gate.

What happening with this people? may arti-------- wait is that Klent?

Halos magngalit ako sa inis ng makita kung inaalalayan niya bumaba ang isang babae sa shotgun seat ng kotse niya

"kyaahhhhhhhhh Klent Marianoooo"

"Omo he's with her. They're so bagay"

"Margareth Asuncionnnnnnn"

"Wahhhhhh Margareth please notice us"

Halos mangisay naman ang mga studyanteng nagsisigawan

And yes they are Celebrities pero hindi masyadong familiar sakin yung babae . At hindi ko malaman kung bakit kelangan pang sabay silang pumasok sakay ng iisang kotse. .I never had a chance to ride in his car tapos tapos makikita ko ibang babae ang nakasakay sa kotse niya.  hindi ko alam kung parte lang ba yan ng pagiging artista nila o sadyang may mas malalim pang reason !

How dare him !

halos maningkit ang mata ko sa pagsulyap sa kanila habang inaalalayan niya maglakad ang isang babae papalayo sa kumpulan ng mga tao sa isip isip ko ilang libong beses ko ng pinapanalangin na madapa sila

"CALLLLLLYYYYYYYYYYYY"- Nawala lang ang tingin ko sa kanila ng biglang may sumigaw ng pangalan ko

"Anong ginagawa mo jan babae?"- kunot noong tanong nito napatingin naman ako ulit sa paligid ko nag aalisan na ang mga studyante napatingin ako sa pwesto ko nakatayo padin ako sa gitna ng Entrance Gate.

"Ahh wala . Tara na nga"- naglakad naku, at ramdam ko namang sumunod siya sakin .

She's Alonica Torres, my long time bestfriend . The person who knows every single bit about me !

"Anong klaseng mukha yan Calissa?. Mukha ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa !"- dada nito, at take note ang lakas ng boses niya . She look like a living microphone !

"Ano bang bago?"- saad ko, na para bang makukuha niya agad ang pinopunto ko.

"Is it about your husband? Pinaglakad kana naman?"- see? she get it.

"Hindi kapa nasanay . He never wanted me na sumabay sa kaniya"- mapaklang saad ko.

"Oh, ee bakit ganyan yang mukha mo ngayon?"

"I saw him with other girl kanina sa entrada ng school"

"I know!"- napakunot naman yung kilay ko sa sagot niya.

"Alam mo naman pala, ba't kapa nag tatanong kung anong ginagawa ko dun?"- angil ko, bigla naman siyang natawa.

"It's just that! para maiba lang, babaetang to!"

"Che! sino ba yung babaeng yun? "- naiinis na tanong ko.

"Tsk, hindi kaba nanunuod ng palabas niyang asawa mo? jusko pursanto, Calissa Hermosa-Mariano!"- biglang bulalas niya, natakpan ko pa yung bibig niya . Living microphone talaga.

"Lower down your voice, someone might hear you!"

"Tss! E ano naman? totoo naman hindi ba?"- depensa pa nito.

"Oo nga, pero hindi dapat malaman ng iba! ano kaba!"

"Tsk masyado kang worried sa asawa mong talo pa may monthly period !"- pagkasabi niya nun, nagkatinginan pa muna kami bago natawa.

"HAHAHAHA!"

"Ahem, anyway sino na ngaba ulit yun?"- pagbabalik ko ng usapan.

"Siya si Margareth Asuncion, new loveteam ng fafa Klenton mo! manuod kanga minsan ng TV para kang taong bundok. "- Minsan talaga, napaka taklisa ng babaeng to.

"Loveteam ba kamo?, so hanggang school kelangan loveteam padin?"- mapait kung tanong.

"Ewan ko ba naman kasi sayo, ba't kasi dimo pa bakuran yang asawa mo?"

"How would i do that?, kung banggitin ko pangalang ang pangalan niya dito sa school pinagbabawal na, bakuran ko pa kaya?"

"One year na kayong kasal, you have the right to do that girl"

"He doesn't want me to go near him nga ee"

"Bakit kaba nagtitiis jan sa klenton na yan?, he only want to live just for fame!"

"Wag ka nga magsalita ng ganyan!. He had a reason why,he dont want to know the whole world that his married at the young age!"

"Yun lang ba talaga? o talagang he doesn't care about you?"

Para naman akung tinamaan ng kidlat sa sinabi niya.

Eversince, gusto ko na talaga si Klent, even before our arranged marriage. Sabi nila mom, nung nag merge ang mga company namin dun nila nalaman that they're both preggy ng mom ni Klent, they are so happy kasi blessing daw kami, nung malaman nilang babae at lalaki ang pinagbubuntis nila binalak na talaga nilang pag isahin ang family namin, para sa mas ikakaunlad ng family bussiness naming lahat. According to our parents, since childhood hindi na daw talaga kami magkasundo ni klent kasi taliwas ang pag uugali namin, his a type of guy na sobrang cold, while me may pagka engot like he always saying im stupid !. When we're at the age of 16 nagtransfer ako sa U.S. for personal reason, after 2 years bumalik kami ng bansa, at dun na kami pinagkasundo nagsisimula na si Klent sa larangan ng pag aartista, hanggang umabot kami sa edad na 18 na kung saan pwede na kaming ikasal natupad ang plan ng parents namin, eventhough klent disagreed about the thought of getting married, pero wala siyang nagawa kaya he wants to keep this as a secret lalo na sa career niya.

"Miss Hermosa are you with us?"- nabalik lang ako sa ulirat, nang tawagin ako ng teacher namin, hindi ko man lang namalayan na nasa classroom na pala kami.

"Ano kaba girl? stop daydreaming na, kung ayaw mong mabugahan ng apoy ni dragona"- natatawang bulong ni Alonica sakin.

"Are you alright?, i called you several times!"- mataray na tanong ulit ng teacher sakin.

"Im sorry Miss, i was just-- just----" napalingon ako kay Alonica, para humingi ng tulong, nginisian lang ako nito.

"RINGGGGGGGGGGGGG"

Halos panawan ako ng dugo sa tingin ng teacher namin, terror pa man din.

"Class dissmiss"- nakahinga naman ako ng maluwag, nang dere-deretso na itong lumabas ng classroom.

"Save by the bell. HAHAHA! Ano bang nangyayari sayo babaeta? "- Alonica said, while mocking.

"Che! im just hungry thats why!. Tara na nga!"- hinila ko na siya pababa kasi gutom na ko, iforgot hindi pa pala ako nag breakfast.

"Preoccopied masyado ng klenton mo ang utak mo"

"Shattap Nicss"- naglalakad na kami papuntang canteen ng----

"Speaking of the devil"- napasilip kami sa classroom nila klent, na kung saan pinagkakaguluhan na sila ng mga studyante, nakaakbay ito sa babaeng kanina niya pa kasama.

Magkaklase sila?

"Nice shot babiess!"- bulalas ni Alonica, na sigurado naman akung iniinis ako lalo.

"Alam mo, dapat siguro pinapasalvage mo na yang si Klent, parang walang asawa kung kumerengkeng ee"- natatawang anas nito, babatukan ko na sana siya dahil napaka daldal niya, nang biglang may sumabat sa likod namin.

"Asawa?,si Mariano?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hayyy naku ang hirap nman nyan, d tlga maganda ang arrange marriage, madalas masasaktan lng ung taong totoong nagmamahal ...
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
naku may nakarinig na Asawa mo si Klent lagot ka sa kanya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status