Share

Glimpse 02: Admirer Or Stalker

Leandro’s P.O.V.

Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga katagang ‘yon kay Claire o mas kilala ko sa tawag na Diane.

I didn’t mean to scare her or anything, I just wanted her to know that I would be always here for her... at kahit kailan ay hindi ako susuko kahit sino pa ang makalaban ko sa pagkuha ng puso niya.

Oo, simula pa lang ay alam ko na ang tunay niyang pangalan. Dayanara Clariz Rivera. Pero sinasakyan ko na lang ang kung ano mang trip niya dahil kahit baliktarin ko man ang mundo, alam ko sa sarili kong siya lang talaga ang babaeng gusto ko!

I experienced dating a lot of famous personalities all my life. Ang ilan nga sa kanila ay abogado pa at mga artista sa ibang bansa, pero bumabalik pa rin ako kay Diane.

Lahat ay gagawin ko mapasa-akin lang siya. Gano’n ko siya kamahal!

Nandito ako ngayon sa mansion namin, prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng red wine pampa-init. Tinitingnan ko ang mga naggagandahan at nagseseksihang pictures ni Diane sa cellphone ko. Dahil doon, lalo tuloy nag-init ang pakiramdam ko.

Ang ilan doon ay ako mismo ang kumuha — lalo na kapag sumasayaw siya sa club. Pero ang karamihan doon ay galing sa taong inutusan ko para manmanan siya.

I could still remember the first day I saw her and how I made some moves para lang mapansin niya. Graduating student ako noon sa Quego del Mar School for Business and Finance — isang prestihiyoso at pribadong unibersidad na katapat ng Quego del Mar Public University na pinapasukan ni Diane. Freshman naman siya noon at ako ay nag-aasikaso ng mga requirements for graduation.

Aminado akong na-love at first sight ako sa kanya, kahit pa sabihing may girlfriend ako noon. Siya ang pinakamaputi, pinakamaganda at pinaka-sexy sa lahat ng mga babaeng nakita ko. Kung pwede nga lang bumalik ako ng first year college ay ginawa ko na. Kung bakit naman kasi matanda pa ako ng apat na taon sa kanya.

Business Administration ang course ko at siya naman ay Accountancy. Kahit hindi ako masipag mag-aral noon, willing akong turuan siya dahil ang ilang subjects niya ay natapos ko na rin.

Dahil anak-mayaman ako at natural lang na marami akong koneksiyon sa loob at maging sa labas ng campus ay agad kong nakuha ang kanyang pangalan. Diane — short for Dayanara. Kasing-ganda niya ang pangalan niya. Ang problema, maging sa loob ng campus nila ay wala raw kahit isa mang lalaki na kinakausap itong si Diane.

From what I had heard, she was really a man-hater kung kaya’t mas na-challenge pa ako! Lalo kasing nakaka-challenge ‘yong mga tipong pa-hard to get eh! Getting her was like an achievement of winning a golden trophy, lalo na ang isipin kong virgin pa siya? Tang-ina, lalong nakakadagdag ng libog sa katawan!

So that was why I made a plan. Nakuha ko ang schedule niya at inabangan ko siya sa oras ng kanilang uwian. Matagal akong naghintay roon pero para sa kanya, I was willing to wait no matter how long it would take for me to get her heart!

Tumambay muna ako sa tindahan sa labas ng campus at saka ako nag-abang sa gate ng university nila. Nang masilip kong papalabas na siya ng gate ay dali-dali akong nagpapogi at inayos ang aking props.

Nilagay ko ang softdrinks sa baso at saka patay-malisyang naglakad pasalubong sa kanya... hanggang sa nagkabungguan na nga kaming dalawa.

Damn! Ang kinis at ang lambot ng balat niya!

As I was already expecting, natapon ‘yong softdrinks. Pero dapat ay sa akin. Hindi ko naman inaasahang sa kanya pala matatapon at matatalsikan lang ako. Basang-basa tuloy ang suot niyang puting uniform at hindi naiwasang bumakat ng kanyang malulusog na dibdib dito.

Saglit akong natigilan dahil kailangan kong lumunok. Parang may bumara sa lalamunan ko at pakiramdam ko ay biglang nag-init ang buong katawan ko. May tumigas din sa ibabang bahagi ko. I couldn’t control it. Hindi ako mapakali sa una, pero agad din naman akong nakabawi.

“Miss, I’m so sorry.” Lumapit ako sa kanya at agad siyang inalok ng panyo. I made sure na pinabanguhan ko pa ‘yong panyo ko.

God! Mas maganda pala siya sa malapitan.

Hindi siya umimik. Saglit siyang tumingin sa akin, ngunit halata namang pinipigilan lang niya ang sarili na magalit. Naglabas siya ng tingin ko’y wet tissue mula sa bag at tumalikod na habang pinupunasan ang kanyang dibdib.

“Miss, basang-basa ka. Uuwi ka nang ganyan? You know, I can offer you a ride. I can take you home if you would let me,” paghabol ko sa kanya. Naka-ready na rin ang red sports car ko sa ‘di kalayuan para ihatid siya sa bahay nila.

I didn’t want to give up. If she was really a man-hater, then I would make sure na kakausapin niya pa rin ako in any way possible.

Hindi pa rin siya nagsalita bagkus ay dire-diretso lang sa paglalakad.

Woah! Ganito ang gusto ko eh... pahabol!

At humabol nga ako sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad. “Miss... I’m sorry, okay? Hindi ko sinasadya. By the way, I’m Leand,” pakilala ko sa nickname ko para medyo katunog ng Diane. I extended my right hand on her.

Alright! This will be our start, Diane. Mahawakan ko lang ang kamay mo ay sobrang saya ko na!

Tumigil siya sa paglalakad at isang naiiritang tingin ang ipinukol niya sa akin. Ni hindi man lang nga niya sinulyapan ang kamay kong gustong makipag-kamay sa kanya.

“Hindi ko tinatanong ang pangalan mo, Kuya. Apology accepted, okay? Now, get out of my way kung ayaw mong isumbong kita sa pulis na stalker ka! Ano?” She gritted her teeth while pointing the policeman a few meters away.

Nabigla ako. Ang sungit niya pala talaga. Dahil doon ay hindi ako nakapagsalita. Parang na-guilty ako roon dahil totoo naman ang paratang niya sa’kin na stalker ako. Gwapong stalker!

Peste naman kasing softdrinks ‘yon! Dapat ay sa akin natapon ‘yon para ako sana ang inasikaso niya. Hinayaan ko na lang siyang lumayo. Mahirap na at baka lalo lang siyang magalit sa akin kapag sinundan ko pa. Ayokong mapahiya rito gayong may ilang tao na rin ang dumadaan.

I didn’t want her to be mad at me. I wanted her to love me.

After graduation, umalis kami ng Pilipinas at lumipad papuntang America. I studied Masters in Business Administration at Harston University for two years kasama si Kuya.

Nagpaka-dalubhasa ako sa larangan ng business bago ako nakapagpatayo ng sarili kong kumpanya. It was a Manufacturing Company focused on automobile parts.

Siyempre, maraming foreign chicks akong nakilala, ang iba nga sa kanila ay naka-one night stand ko pa... pero ni minsan ay hindi pa rin nawaglit sa isipan ko si Diane.

Hindi naman na kasi virgin ang mga babae sa States. ‘Yong last kong naging girlfriend, sixteen pa lang. Accelerated kaya nasa college na. Akala ko’y naka-jackpot na ako ng virgin, because she kept on saying that she was one. What the heck? Hindi pa rin pala! At sixteen, malaki na agad ang butas!

Bumalik ako ng Pilipinas at nalaman ko sa informant ko na nagtatrabaho si Diane bilang dancer sa isang club. Hindi ako nag-aksaya ng ano mang sandali at kahit kagagaling ko pa lang sa airport pagkatapos ng twenty-four hours kong flight ay agad akong pumunta roon para lang makita siya. Walang epekto sa akin ang jetlag kung masisilayan ko naman si Diane!

Kahit nakasuot ng maskara ay alam kong siya ‘yon. Agad na nag-init ang buo kong katawan nang muli ko siyang makita. Lalo pa kasing gumanda ang hubog ng katawan niya, lalo pang lumusog ang mga dibdib niya, at tingin ko’y lalo pang kuminis ang balat niya — bagay na kinasasabikan kong mahawakan kahit noon pa man.

At an instant, gusto kong bugbugin ang lahat ng mga customer na kung makatingin ay akala mong kung sinong mga naglalaway sa kanya!

Tinanong ko sa bouncer kung sino ang may-ari ng club at agad akong pumasok sa opisina nito. Kinausap ko ‘yong may-ari kung pwede kong i-table ang babaeng nakamaskara at napag-alaman kong hindi raw ito nagpapa-table.

Napangiti ako sa narinig. Masungit pa rin talaga si Diane. Pero gagawa ako ng paraan and this time, failure would never be an option. I would make sure na ako lang ang makaka-table sa kanya sa lahat ng customers dito!

“One hundred thousand pesos!” offer ko sa may-ari ng club.

“Sir, hindi kasi talaga siya pwede eh. Pasensya na, pumili ka na lang ng iba.” Nakayukong sabi nito na hindi malaman ang gagawin.

Padabog kong binagsak ang palad ko sa mesa niya at saka niluwagan ang necktie kong tila sumasakal sa akin. “I don’t want anybody else aside from her, you hear me? I will triple the price. Or you want it quadruple? Just tell me! Name your damn fucking price... or you want to deal with one million pesos?” mahabang litanya ko sa may-ari. Nakakaubos kasi ng pasensya eh.

What Leandro wants, Leandro gets! And I can’t wait for another moment! I want Diane now!

Agad siyang tumalima at lumabas kami sa opisina niya. Pinuntahan niya si Diane na ngayon ay nakikipag-usap sa babaeng bartender, pagkaraa’y ibinulong dito ang gusto kong mangyari.

Matagal bago tumingin sa direksiyon ko si Diane. Halatang ayaw niya noong una dahil todo ang mga pag-iling niya senyales na tumatanggi siya. Pero nagulat na lang ako nang biglang tumango siya. Papunta na siya sa direksiyon ko dahilan upang bigla na lang akong mataranta.

“H-Hi,” nauutal na sambit ko. Parang bumalik ako sa pagiging batang mahiyain. Hindi kasi ako makapaniwalang nasa harapan ko na naman siyang muli!

“H-Hello, Sir. I’m C-Claire. What can I do for you?” Hindi ko alam kung bakit pero bakas ko sa boses niya ang kaba.

Bahagyang kumunot ang noo ko. What the hell? Ibang babae ba itong nakamaskara na ito? Pero sigurado akong siya si Diane. Wait... Claire, Claire, Claire... ah, okay! Claire comes from Clariz, her second name.

Pero anong trip niya at kailangan pa niyang magpalit ng pangalan? Hindi bale, sasakyan ko na lang ang kung ano mang gusto niyang mangyari at baka walkout-an lang niya ako kapag tinawagko siya sa tunay niyang pangalan.

“Wala naman, Dia— Claire. I just needed someone to talk to.” Oops, muntik na ‘ko ro’n! “Nice meeting you, I’m Leandro.” I extended my right hand for a handshake and this time, she accepted it.

Hindi ko naman napigilang bahagyang pisilin ang kamay niya. Tang-ina, ang lambot! Handskake pa lang ay tinigasan na ako. I wouldn’t mind spending a million for a night, iisipin ko na lang na nag-invest ako sa club na ‘yon.

At doon na nga nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Claire o Diane. Pagkakaibigang pinilit kong tiisin sa loob ng isang taon hanggang sa hindi ko na nga napigilan ang sarili kong umamin sa kanya. Hindi niya alam kung gaano katagal na akong nagpipigil na tawirin ang pagitan ng aming mga labi sa tuwing kami ay magkasama.

She already rejected me from the start when I admitted my true feelings towards her. Ako lang itong makulit na punta pa rin nang punta sa club at sunod pa rin nang sunod sa kanya — bagay na hindi niya alam.

Napag-alaman ko ring graduating na siya ngayon sa kolehiyo. Siguro ay magla-lie low muna ako at palalampasin ko na lang muna ang graduation niya. Saka ko na lamang ipipilit muli ang isang bagay na paniguradong tatanggihan na naman niya.

Pero hindi ako susuko. Ngayon pa ba na may mas maipagmamalaki na ako? Matagal akong naghintay kung kaya’t hindi ko sasayangin ang pagkakataong ‘to.

“Malalim yata ang iniisip ng kapatid ko kung kaya’t hindi niya namalayang kanina pa ako nandito? Babae na naman ‘yan, ano?” Someone’s voice dragged me out of my reverie.

Napatingin ako sa nagsalita. Si Kuya L.A. pala! Short for Liam Arthur. Nakasuot ito ng black pants and suit. Pero anong ginagawa niya rito? Ang alam ko ay nasa America siya dahil sobrang patok ng D’ Jewelry Business niya roon, kung kaya’t hindi niya ‘yon magawang iwan.

Teka, kailan pa siya dumating?

“Bro, kailan ka pa dumating?” I voiced out my thoughts. “Hindi ka man lang nagpasabi, eh ‘di sana nasundo man lang kita sa airport.” Excited na nag-fist bump kami at saka nag-manly hug sa isa’t isa.

Isang taon lang ang tanda sa akin ni Kuya pero magkamukhang-magkamukha kami. Lagi nga kaming napagkakamalang kambal sa mga social gatherings na sabay naming pinupuntahan dati. Mas malaki nga lang ang katawan niya kaysa sa akin, pero alam ko naman na ‘di hamak na mas gwapo ako!

“Kanina lang. Mamaya na lang tayo mag-usap, bro. Magpapahinga na muna ako. ‘Yong mga pasalubong ko sa’yo, kunin mo na lang sa mga bagahe ko sa kotse nang lumaki naman ‘yang katawan mo. Lampayatot ka pa rin eh!” tumatawang sabi niya.

“Ang yabang mo talaga, bro! Eh ‘di ikaw na ang macho!” Binato ko siya ng unan sa sala na agad din naman niyang nasalo.

Tumatawa pa rin siyang umakyat sa hagdan papunta sa kanyang kuwarto.

Dalawa lang kaming magkapatid at masasabi ko na magkasundong-magkasundo kami sa halos lahat ng bagay... maging sa mga babae! Pareho kaming habulin eh!

Pero ang akin ay akin. Ang kanya ay kanya. Depende sa kung sino ang nauna.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status