Share

Chapter Seven

CHAPTER SEVEN

THIRD PERSON's POINT OF VIEW

"WHOOO!  TAGAY PA!!!" sigaw ni Jero sa mga kasamahan niya

Nandito sila sa bar na pagmamay-ari ng magulang ni Austin para i-celebrate daw ang pagbabagong buhay ni Drake. 

"Ipagdiwang ang muling pagkabuhay ng puso ni kababayan. Hahahaha" nakisabay din sa pagsigaw si Blake

"CHEERS!"

Habang nagsisiyahan ang lahat, hindi mapigilan ni Drake ang mapatulala dahil sa sobrang pag-iisip kung papano niya sisimulan ang sinabi sa kanya ni Celine.

"Austin! Pahiram ng laptop" utos ni Drake sa kaibigan niyang lumagok ng alak.

"H-Ha? Bakit?" 

"G*go! Ang dami pang tanong, kunin mo na lang!"

Hindi na umangal pa si Austin kaya't kinuha niya na lang ang iniutos sa kanya ng kaibigan.

"Isigaw sa kalawakan ang pagbabagong magaganap sa kaibigan natin. CHEERS!!" muling sigaw ni Jero

Sabay-sabay nilang tinungga ang kani-kanilang baso tsaka ininum ang laman nito. 

"Tsss" naiiling na sabi ni Drake. 

Hindi siya sumabay sa pakikipag-inuman sa mga kasamahan niya. Mas lutang siya ngayon dahil sa sinabi sa kanya ni Celine.

Hindi siya marunong sa ligaw ligaw na tinatawag, mas pinaniniwalaan niya pa din na kapag mahal mo ang isang tao, hindi na importante ang panliligaw dahil sa huli'y isa lang din naman ang kahahantungan nito.

"Kay Mildred 'to. Yan na lang muna ang gamitin mo" napaayos siya ng upo nang ibigay sa kanya ni Austin ang isang laptop. 

"Connected na ba 'to sa Wi-Fi?" tanong niya

Tumango lang si Austin tsaka bumalik sa mga nag-aasaran na kaibigan habang si Drake naman ay may kung anong ginagawa sa laptop. 

Napahinto sa pag-aasaran ang mag-kakaibigan nang biglang sumigaw si Austin "Hoy mga ulol! Sino ang magbabayad sa lahat ng ininom niyo?"

Sabay sabay nilang itinuro ang nakakunot noong si Luis.

"Bakit ako? Si Jero ang nagyaya" tanggi nito at itinuro ang katabi niya.

"Ulol!! Suhesyon yun ni Pula" sagot naman ni Jero

Balak pa sanang sumagot ni Pula, nang sumingit si Drake sa kanilang usapan. "Ako na ang magbabayad" sabi nito nang hindi man lang tumitingin sa kaibigan. 

Busy ang mga mata nito sa kakatingin sa screen ng laptop kaya't sabay na nagtinginan sa isa't isa ang black Phoenix at..

"Galante pardz! Galante" natatawang sabi ni Blake sabay apir kay Red na katabi niya

"MINSAN LANG 'TO, KAYA ISA PANG TAGAY!!SULITIN NATIN ANG PAN-LILIBRE NI DRAKE" sigaw na naman ni Jero at nakipagtagay sa mga kasamahan. 

Hindi sila pinansin ng binata. Ayaw man niya ng istorbo sa kanyang ginagawa ngunit hindi naman niya kayang pigilan ang pagiging maingay ng mga ito. 

Napansin ni Luis ang pananahimik ni Drake sa gilid kaya naisipan niyang puntahan ito nang palihim para tingnan kung anong ginagawa nito.

"TIPS.ON.HOW.TO.COURT.SOMEONE?" dahan-dahang binasa ni Luis ang nakalagay sa screen ng laptop

Napahinto silang lahat at gulat na napatingin kay Drake na tutok na tutok parin ang mga mata sa ginagawa nito. 

Biglang lumapit si Red at kaagad na kinuha sa kanya ang laptop sabay sara nito. 

"P*ta! Akin na nga yan!" ngunit imbis na sundin ni Red ang sinabi ni Drake ay mas lalo pa niya itong inilayo.

Sinenyasan ni Red ang isang bartender na lumapit para kunin ang laptop bago umupo sa sofa katabi ni Drake tsaka inakbayan ang kaibigan. 

"Dude! Hindi mo na kailangangang tanungin si Google kung pano manligaw. Bakit hindi na lang kami tanungin mo? Diba mga pardz?" natatawang tanong ni Red sa mga kasama niya dahilan para mapatawa silang lahat maliban lang kay Drake. 

Kelan pa natutong manligaw ang isang fvckboy? 

Lumapit din si Blake tsaka umupo din sa tabi ni Drake. "Simple lang yan dude para mapasagot mo ang isang babae" pagkasabi nun ni Blake ay agad na tumingin sa kanya si Drake. 

"Bilhan mo siya ng napkin sa convenience store, panigurado kikiligin yon at kapag ang babae ay kinilig, hindi na magdadalawang isip yon na sagutin ka." napa-poker face na lang ang binata dahil sa suhesyon ng kaibigan, 

Anong connect ng napkin, sa panliligaw? 

"Pwede din na dalhin mo siya sa motel, patikimin mo ng pagkalalaki mo" natatawang sabi naman ni Red at nakipag-apir pa kay Blake

"Mga g*go! Anong klaseng panliligaw yang tinuturo niyo sa kaibigan natin?" lumapit si Austin sa direksyon ni Drake tsaka umakbay din sa kaibigan. 

"Ganito Drake, sumakay kayo sa yacht. Kung gusto mo, kina mommy ka na lang magrenta at sisiguraduhin kong makakatipid ka dahil sasamahan ko pa yan ng freebie para habang nakasakay kayo sa Yacht, hindi kayo mabo-bored sa mga pa-freebie ko. Ano? Ipapa-book na kita?." pakikipag-negosasyon naman ni Austin.

Business kung business.

"Mga ugok! Parang hindi kayo mga tunay na lalaki" pagpapansin naman ni Jero 

Tumingin siya kay Drake, kaya nakipagtitigan din sa kanya ang binata. 

"Ganito'ng gawin mo Drake. Pumunta ka sa bahay nila at magsibak ka ng kahoy, ipag-igib mo din siya ng tubig at bilhan mo ng isang sakong bigas, syempre sabayan mo na din ng ulam para all in. Sigurado akong hindi lang si Celine ang matutuwa dyan. Botong boto pa sayo ang mga magulang niyan, pagnagkataon" proud na proud nitong sabi sa kanyang kaibigan 

Napatawa na lang ang iba sa sinabi ni Jero. Panahon pa yan ng kapanahunan ng lolo niya. 

"Ano bang klaseng mga panliligaw yan?? Wala tayo sa 19th century. Nasa 21st na tayo mga ulol" naiiling na sabat naman ni Luis

Blangkong tumingin sa kanya ang magbabarkada at tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin. 

"Dalhin mo siya sa isang romantikong lugar" suhesyon niya kaya napatango-tango ang iba sa suggestion nito.

"ha?" tanong ni Drake

Wala siyang kaalam alam kung anong klaseng mga lugar ang matatawag na romantic. 

"Oo nga Drake, dalhin mo sa motel, romantic yun" dagdag naman ni Red

"Pwede din sa condo mo, para walang sagabal" Jero

"Mag-painit muna kayo bago niyo gawin ang romatic bed scene. Para mas intense" Austin

"Haha, para kapag narating na nila ang kasukdulan, diretso putok sa loob ni Celine" Blake

"Hahaha. iputok sa loob, Baka magka-anak pa sila" Red

Sabay sabay silang tumawa ng malakas maliban kay Luis at Drake. 

Kung tungkol sa PANLILIGAW ang itatanong mo sa black Phoenix. Iisa lang ang nasa isip nila at iyon ay ang salitang  KALIBUGAN

"Hahaha.. Mga g*go! Puro kayo kalibugan" naiiling ngunit natatawang sabi ni Luis 

"Tsss" inis na tumayo si Drake, tsaka naglakad papalayo sa mga kasamahan niya

Minsan, Hindi niya malaman kung anong gagawin, kapag kasama 'tong mga ugok niyang kaibigan. 

Kaya mas pinili na lang niya ang umalis at lumayo-layo muna. Baka mahawaan pa siya ng kabaliwan at kalibugan ng kanyang mga kasama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status