แชร์

Chapter Eight

ผู้เขียน: nhumbhii
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2020-08-19 18:15:24

CHAPTER EIGHT

CELINE's POINT OF VIEW

"Sup? Musta tulog mo?" bungad sakin ni Austin pagkarating ko sa parking lot ng condo ko. 

"Oh? Ikaw pala Austin? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Ang aga naman ata niyang napadpad dito sa parking lot

"Inutusan ako ni Drake na sunduin ka" walang ganang sagot niya

Bakit hindi na lang ang pervert na yun ang sumundo sakin? Diba nanliligaw naman siya? 

"Pumasok ka na, Celine" binuksan niya ang passenger seat kaya napa-shrug na lang ako at  pumasok sa loob tsaka inayos ang seatbelt 

"Nasaan ba si Drake?" tanong ko nang makaupo na si Austin sa driver's seat. 

Tumingin siya saglit sakin tapos muling ibinaling ang tingin niya sa kanyang seatbelt na kasalukuyang inaayos niya ngayon  

"Nasa school" simpleng sagot niya

Anak ng--- Edi sana siya na lang ang sumundo sakin dito. Hindi yung iistorbuhin niya pa ang kaibigan niya para lang masundo ako . Tsss

Humanda siya sakin oras na makita ko siya mamaya. Kahit sa panliligaw man lang, umaasta parin siya na parang senyorito? Ganun?

--

[SU's Parking lot]

"Bye Austin. Mauna na ako " pagpapaalam ko sa kanya.

Mukha kasing walang balak lumabas sa kotse ang loko dahil sa may kung anong ginagawa sa cellphone niya. 

"GE"

Tumango lang ako at nagpatuloy ng lakad papuntang gate ng school. Seperated kasi ang parking lot sa school namin kaya kailangan pang maglakad para makapasok sa main entrance.

"Good morning Celine. Flowers for you, pinapabigay nga pala ni Drake"

Pinapabigay? 

Bakit ba puro utos lang ang alam ng g*go? 

"Nasaan siya?" tanong ko Kay Jero na nag-abot sakin ng bulaklak pagkapasok ko sa gate. 

"Hindi ko alam. Inutusan niya lang ako na bumili ng bulaklak. Tapos ibigay ko daw sayo"

Ah ganun? Tsss

Bakit ba napaka ano niya? Hindi ba talaga siya marunong manligaw? Buti sana kung siya ang bumili ng bulakla, kaso hindi.

"Sige, thank you" tumango lang ako kay Jero at nagpatuloy din sa paglalakad papunta sa first class ko.. 

Bitbit ko pa din ang bulaklak na binigay sakin niya na pinapabigay ni Drake pero si Jero pa din ang bumili .

Panay naman ang tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko sabay bulong ng mga kung ano-ano.

Mga chismosa! Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosang binigyan ng bulaklak? 

Hindi ko na lang pinatulan ang insecurities nila. Aakmang bubuksan ko na sana ang pinto ng classroom ng first sub ko nang may biglang tumapik sa likuran ko. 

"Ano ba?" iritable kong nilingon ang tumapik sa likuran ko. 

Bwisit! Napakapa-epal naman nito. Tsss

"Ang ganda naman ng mga bulaklak, sinong nagbigay?"

Sino naman ang isang 'to? Feeling close lang? 

"Sorry but I don't talk to strangers" mataray kong sagot sa kanya tsaka siya tinalikuran.

Rude na kung rude. Kasalanan ko ba na bwinisit ako ni Drake ngayong umaga?? 

Walang katao-tao ang bumungad sakin sa loob pagkabukas ko ng pinto. 

Pumasok pa din ako. Ngunit nang aakmang ilalagay ko na sana ang dala kong bag sa upuan ko bigla na lang akong may narinig na..

Wait! Parang nasa unahan nanggagaling. Parang... Hindi ko ma-explain kung anong klaseng tunog. 

Wala naman sigurong multo dito sa school namin diba? 

Naglakad parin ako, papalapit sa unahan. Mas lalong lumakas ang tunog. Parang... Argh! Kasagwa sabihin. 

Saktong ilang hakbang na lang ang kulang para makalapit ako ng tuluyan, ngunit may naapakan akong.

UNDERWEAR NG BABAE?? 

The heck! Hindi ba lubusang nilinis ng janitor ang classroom namin? At bakit may panty na nakakalat, dito sa sahig? 

"Ohhh.. Ipasok mo na Drake"

Drake?? Yung bwisit na lalaki?? 

Mabilis pa sa alas kwatrong tinakbo ko ang unahan na kung saan nanggagaling ang ungol. 

Bumungad sakin ang nakahigang babae, tapos nasa itaas niya si Drake na busy sa kakalamas ng ano niya habang hinahalikan ang leeg ng haliparot.

Naka-cross arms akong tumingin sa kanila at nanlilisik ang mga mata sa kababoyang ginagawa nila.

Grabe! Sa sobrang busy. Hindi man lang namalayan na may taong nakapasok. Kaya pala si Austin ang inutusan niyang sumundo sakin. Dahil gusto niyang maaga siyang makipaglandian dito. Kaya pala si Jero ang inutusan niyang magbigay ng bulaklak dahil busy siya sa kalandian niya dito.. 

Hindi ko sila inistorbo. Umalis ako dun tsaka kinuha ang dala kong bag. Iniwan ko ang bulaklak na pinapabigay niya KUNO. 

bwisit! Maglaplapan sila hanggat sa magsawa sila sa kanilang kababuyan.

Mabilis akong naglakad papunta sa garden ng school.

May iilan pa 'kong nakabangga na mga estudyante dahil sa pagmamadali ko, ngunit hindi ko sila pinansin.

Nakakatang*na lang e. Yung feeling na umaasa kang magbabago ang isang fvckboy para sayo.

May pa-sabi sabi pa ng I love you tsss. Once a fvckboy is always a fvckboy, Ika nga. Hindi na magbabago ang katotohang.. Manyakis ang taong nag-ngangalang Carlos Drake Santillan. 

"Pare-pareho lang kayong mga lalaki. Mga manloloko at---"

"If all men are the same, why do women take so long to choose one?" napatingin ako sa taong sumulpot. 

"Tsk"

Hindi ko na lang siya pinansin. Ewan ko pero mukhang nagkalat na ang mga taong FC tsss. Gusto kong magpag-isa kaso nga lang may pa-epal na sumulpot. 

"Transferred student?"

Bahagya akong napatingin sa lalaking nakaupo sa bench na kaharap ng bench na inu-upuan ko. Siya yung lalaking sumulpot kanina. 

"I should be the one to asked you that." mataray kong sagot sa kanya

Makapag-sabi ng transferee. Wow ha. Siya nga yung bago lang dito tapos may gana pa siya tanungin ako ng ganun? 

"I'm Tyron. Dito din ako nag-aaral kaso nga lang naging exchage student ako sa Germany, twoyears ago"

Paki ko? Tinanong ba kita? 

"Nakita kitang naglalakad kanina sa hallway na nakabusangot ang mukha. Kaya sinundan kita papunta dito sa mini garden"

Gusto ko ng katahimikan kaya please lang. Kung nakikinig ka man sakin ngayon o'Dios na mahabagin dingin niyo naman ang dasal ko na sana mawala sa harap ko ang lalaking feeling close kung makipag-usap sakin. 

"Tapos ka na?" sarkastikong tanong ko sa kanya. 

"Makakaalis ka na, total mukhang tapos ka na din naman sa impromptu speech mo" dagdag ko tsaka siya inirapan

"Pft. Anong year mo na?" pag-iiba niya sa topic

"Tss. Paki mo ba?" pagtataray ko

Hindi ba marunong makiramdam ang isang 'to na ayaw ko ng kausap ngayon?

"Malaki yata ang problema mo"

Sabi ni mom, don't talk to strangers. Lalong lalo na kung panay ang tanong sayo. 

"Anong klaseng problema yan?"

Chismosong pa-epal. Hays! May ibang katangian pa ba siya? 

"May pagka-chismoso ka din ano?"

"Nagtatanong lang. Pero kung chismoso ang dating sayo nun, wala na 'kong magagawa" sabi niya sabay shrug

"Wala akong Problema, ok?" Sagot ko sa kanya

Totoo naman diba? Wala akong Problema. 

"GE. Pumasok ka na, Classes are going to start"

Katulad ng sabi niya. Umalis na'ko at iniwan siya sa garden. Hindi ako nagpaalam sa kanya, Hindi ko naman siya kilala at ganun din siya sakin kaya para sa'n pa? 

Medyo binilisan ko ang paglalakad para umabot ng sakto sa classroom.

Habang naglalakad binuksan ko ang dala kong bag para sana kunin ang ID card ko. Huminto ako sa paglalakad at hinalungkat ang laman ng bag nang mapagtanto kong wala akong makapa na ID. 

"Sh*t! Asan ka na ba?" Iritable kong bulong habang naghahalungkat pa rin.. 

Saan ko ba yun nailagay? Pano pa 'ko makakapag-attendance sa lagay na 'to?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad, habang palinga-linga sa hallway na dinadaan ko. Nagbabasakaling naiwan ko dito Yung ID

"nyaaaaaah! Nasan ka na ba? Bwisit !" Napapadyak ako sa labas ng classroom namin

Hindi ko talaga makita. 

"Sinong hinahanap mo babe?" Nakakunot noo kong nilingon ang lalaking nagsalita

Tingnan mo nga naman.

Mukhang tapos na makipaglandian ang g*go. 

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ng lakad sa loob ng classroom.

"Babe, sinundo ka ba kanina ni Austin?" Hindi ko pinansin ang manyak. 

At wala talaga sa plano ko ang pansinin siya ngayon.

Nagka-virus na yan kanina, 

Mahirap na. Baka mahawaan pa 'ko ng kalandian niya

"GOOD MORNING, CLASS" bati ni prof pagkapasok niya sa room

Pero as usual, walang may nag-atubiling batiin siya pabalik

"Our discussion for today is all about---"

Naputol ang pagsasalita ni prof at napahinto nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom 

"Excuse me sir"

Sabay sabay na lumingon ang lahat sa pintuan. 

Maliban lang sakin ha. Wala akong ka-interest sa taong pumasok. 

"Oh, Tyron my dear. May kailangan ka ba?" Tanong ng bakla Kong teacher

Ang landi, bes

Nakita ko, ang pagpunta ng lalaki sa unahan, na kung saan nandun si prof. 

May binigay siya Kay prof na mukhang form yata. 

Hays! 

Ano nga ba ang paki ko dyan? 

Kinuha ko na lang ang bag ko, at hinalungkat ulit ang laman neto. 

Siguro namamalik mata lang ako, at baka nandito ang ID ko. 

"OK. Kindly introduced your self, Mr. Tyron Santillan" automatiko akong napatingin sa harapan, pagkarinig ko sa sinabi ni prof 

Santillan??

Kaano ano niya si fvckboy? 

"Oh my god! Bumalik na si Tyron"

"Kyaaaah! This is one of my best school year, ever!"

Nabalot ng sigawan ang loob ng classroom, kaya hindi ko marinig yung sinsabi ng lalaki mula sa unahan. 

Siya yung lalaki kanina sa garden. 

Siya yung lalaking pa-epal at magaling mag-impromptu speech. 

Bakit kilala siya ng karamihan? 

Dito ba talaga siya nanggaling? 

Hays! 

Last year lang kasi ako nag-transfer dito sa SU (Santillan university) 

Kaya wala akong kaalam alam tungkol sa lalaking yan. 

"Hi" bati sakin ng lalaki ng mapadaan siya sa pwesto ko

"Tsss" inirapan ko lang siya tsaka tumingin Kay prof na nagsasalita. 

"Naiwan mo nga pala ang ID mo kanina" napabalik ang tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang nawawala kong ID

Ngumiti siya bago niya binigay sakin ang ID tsaka nagpatuloy ng lakad papuntang likuran

"Don't come near him" bulong sakin ng katabi ko at isinandal ang ulo niya saking balikat 

Manyak.

pilit Kong inilalayo ang ulo ni Drake na nakasandal sa balikat ko. Ngunit ayaw namang tanggalin ng g*go. 

"Umayos ka, kung ayaw mong baliin ko yang leeg mo" pabulong ngunit seryoso kong banta sa kanya. 

Asar niyang tinanggal ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko. 

At tumingin kay prof. 

Hindi pa ba siya nakuntento sa kalandiang ginawa niya kanina? 

Tsss

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Droplets of Rain (Tagalog)   Chapter Forty

    Chapter FortyCeline’s POV“Drake!” Napatingin ako kay Savanna ng bigla siyang kumaway. “I saved you a seat.” Nakangiti niyang sambit nang makalapit si Drake sa table namin.“Thanks.” Ngumiti pabalik sa kanya si Drake, kaya umiwas ako ng tingin.Required bang ngumiti ng ganyan katamis kahit na sekretarya lang ang kausap mo? Kung hindi ko pa nalaman na sekretarya niya ‘tong si Savanna, iisipin ko talaga na may namamagitan sa kanilang dalawa.Napagawi ang tingin ko sa katabi kong si Austin na biglang tumayo at naglakad papunta sa katabing upuan ni Savanna. Sunod namang umupo si Drake sa tabi ko dahilan para mapalitan ang nakangiting expresyon ni Savanna ng pagkadismaya.“What do you want to eat?” kaagad niyang tanong sakin.Luh? Siraulo ‘to. Hindi man lang ba niya na-appr

  • Droplets of Rain (Tagalog)   Chapter Thirty Nine

    Chapter Thirty-nineCeline’s POV“Saan ka ba nanggaling?” salubong na tanong sakin ni Megan pagkabalik ko sa kwarto namin. Mukhang tapos na siya sa pag-aayos sa mga gamit niya dahil nasa harap na siya ngayon ng salamin at inaayos ang buhok niya.“Nagpahangin lang.” maikli kong sagot.“Are you okay? ‘coz looks like you’re not.” Muli niyang tanong habang nakatitig sa repleksyon ko na nasa salamin.“I’m fine. Very much fine.” Pabagsak akong nahiga sa kama at tinitigan ang kisame.I’m not. Gusto kong sabihin iyan sa kanya pero ayoko namang mag-alala siya. Aaminin kong medyo hindi naging maganda ang pakiramdam ko pagkatapos kong makipag-usap sa sekretarya ni Drake. Bigla tuloy akong nakaramdam na ang selfish ko. Sarili ko lang ang inisip ko dati at hindi ko man lang nagawang alalahan

  • Droplets of Rain (Tagalog)   Chapter Thirty Eight

    Chapter Thirty-eightCELINE’s POINT of VIEWPumasok ako sa magiging kwarto naming dalawa ni Meg, while staying here at Palawan. They’ve already booked a room para sa isang linggo na pananatili namin dito. I also found out na kaya nila napagpasyahang pumunta dito sa Palawan ay dahil birthday na ni Drake sa susunod na linggo at dito sila magse-celebrate. Nadawit pa ako na wala man lang kamalay-malay sa mga nangayayari. Hindi ko nga alam kung makakapag-stay pa ba ako dito hanggang sa birthday ng lalaking ‘yon. Sigurado akong isang araw lang ang itatagal ko dito.“Here are your clothes. Drake bought that for you.” Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Meg na may dala-dalang bag sa magkabila niyang kamay.“Huh?” nagtataka kong kinuha sa kanya ang hindi kalakihang bag. Pagkabukas ko dito, medyo nagtaka pa ako nang buklatin ko ang isang damit na may tag pa. “Bagong bili ba ‘to?” tanong ko habang chini-check ang ilan pa.

  • Droplets of Rain (Tagalog)   Chapter Thirty Seven

    Chapter Thirty-sevenCELINE’s POINT of VIEW“Sandali na lang, pababa na ako.” Natataranta kong sambit sa kabilang linya ng tawag at nagmamadaling kinuha ang slingbag ko. In-end ko kaagad ang tawag saka lakad-takbong nagtungo ako palabas ng bahay.Tinawagan ako kanina ni Megan na at nagyayaya siyang pumunta ng mall. Balak kasi nilang mag-shopping ni Yuri, and since nandito lang din naman ako, gusto nila akong isama. Para kahit papano’y maipasyal nila ako dito, dahil ilang taon din akong nawala dito.Syempre, na-excite ako bigla pagkasabi niya no’n. Ang dami kasing pinagbago dito sa

  • Droplets of Rain (Tagalog)   Chapter Thirty Six

    Chapter Thirty-sixCELINE's POINT of VIEWI wake up early in the morning and did ny usual morning routine. Ang ganda ng araw ko kahapon kay nai-excite tuloy ako kung ano ang mangyayari ngayon.Nakausap ko na din kagabi si Xander about mom's approval, and as expected, he's happy and can't wait personally talk to mom to show how thankful he is.After kong mag-ayos sa sarili ko, saka ko lang napagpasyahang lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko, sinalubong kaagad ako ng masarap na amoy ng pagkain na hula ko’y galing sa kusina. E? wala naman dito si Mom dahil kaninang madaling araw pa siya umalis para magbakasyon sa Cebu. S

  • Droplets of Rain (Tagalog)   Chapter Thirty Five

    Chapter Thirty-fiveCELINE's POINT of VIEW"Thanks for tonight," I said to Tyron while unbuckling my seatbelt.Pasado alas diyes na ng gabi at inihatid ako ni Tyron all the way dito sa bahay. Tumambay lang kami kanina after naming mag-dinner, tapos umuwi din kaagad dahil may trabaho pa siya bukas."Siyanga pala, birthday na ni Drake sa susunod na linggo. Anong plano mo?"I move my gaze to Tyron and slowly forming my perfectly shape brow into an arc. "Anong plano ko?" pag-uulit ko gamit ang pinakamataray kong boses.Kailangan pala dapat may plano para sa birthday ng lalaking 'yon? Bakit hindi man lang ako na-informed?"Huwag mong sabihing wala kang gagawin? Kahit sa birthday ka na lang niya bumawi, ayos na 'yon." tila nanunuyong usal niya sakin.Anong gusto niya? Magpapa-surprise party ako? Tapos magpapalagay ako ng maraming c

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status