Share

Chapter 3

Rice

Buong araw ay nag-asikaso lang ako ng mga costumer. Hindi naman ako napagod ng sobra dahil meron naman akong katulong na mga empleyado.

Ala-singco na. Nag-text si ate kaninang mga alas-tres sabi niya ay baka daw mga ala-singco na sila makapunta dito pero wala parin sila.

Nagtipa ako ng mensahe kay ate.

Ako:

Ate, nasaan na kayo? May mga research paper pa akong gagawin. Gusto ko na umuwi.

Pagka-send ko no'n ay may tumambad na katawan sa harapan ko.

Iniangat ko ang aking ulo para makita kung sino 'yon. Namuo na naman ang inis ko nang malaman kung sino ‘yon

"Wala pa ba sila?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako at tinalikuran siya. Inayos ko 'yong mga gamit ko, baka papunta narin sila dito.

Nag-aayos ako ng biglang higitin ni Jay ang braso ko, kaya napaharap ako sakanya. Kunot-noo ko siyang tinitigan.

"Ano ba?!" Angil ko sakanya.

"Tinatanong kita kaya wag mo akong tatalikuran!" Sigaw niya sakin. Ang late-reaction naman ng isang 'to. Inirapan ko siya sa inis ko.

"Obvious ba na nandito na sila? Kung andito na sila sana wala na ako dito! ‘Tsaka nagkibit-balikat naman ako a!" Sigaw kong pabalik.

Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay lumabas na ako ng shop kahit wala pa sila ate. Hindi ko na kayang makita ang pagmumukha ng kupal na 'yon.

Dumiretso ako sa Mang Inasal para kumain. Miss ko na rin kumain sa mga fast food, wala kasing malapit na mall or fast food sa school namin kaya tiis-tiis sa mga tinda ng canteen kahit na nakakasawa na.

Pumila na ako, buti nalang kaunti lang ang mga tao ngayon kaya mabilis ang service nila.

Kumakain na ako nang biglang may nagtext sakin.

Ate Shane:

Andito na kami sa shop, bakit wala ka dito at si Jay lang?

Ako:

Nandito lang ako sa Mang Inasal. Ginugutom kasi ako.

Ate Shane:

Sige. ‘Wag masyadong madami ang kaining kanin masama sayo ‘yon.

'Yon lang ang reply niya. Nagpatuloy na ako sa pagkain masarap talaga dito dahil unli rice kaso nga lang bawal sa’kin ang masyadong madami dahil baka bigla na naman tumaas ang sugar ko. Bata palang ako ay sakitin na ako. Kahit na gano'n ay kaya ko namang pigilan ang sarili ko sa mga bawal. Ngayon na nga lang uli ako kakain ng madami.

Tapos na ako sa pangatlo kong kanin pero madami pa rin ‘yong ulam, sayang naman.

Tinaas ko 'yong kaliwang kamay ko. Nakita naman agad ako ni kuyang rice man, nang biglang may pumigil dito na lumapit sakin. Tinignan ko ‘yong pumigil at nakita kong si Jay. Napairap nalang ako sa kainisan ko. Nandito na naman siya!

Lumapit siya sakin at umupo sa kaharap ko.

Tiningnan ko siya nang masama. Tuwang-tuwa pa ata siya dahil sa lawak ng ngiti niya.

"Bakit mo ginawa ‘yon? ‘Di pa ako tapos kumain, oh, andami pang chicken!" Gigil na sabi ko sabay turo sa plato ko.

"Sa pagkakaalam ko bawal ka sa madaming rice dahil sa sakit mo." Mahinahon niyang sabi.

"At kailan ka pa nagkaroon ng pake sa’kin, aber?" Pagtataray ko.

"Wala akong pake sa’yo, pinapunta lang nila ako dito para tingna ka!" Madiin niyang sabi.

"Sana hindi ka nalang pumunta dito para natapos ko ang pagkain ko!" Gigil kong sabi.

Tinaas ko uli ‘yong kaliwa kong kamay para tawagin si kuyang rice man na nakalapit agad sa table namin. Nilagyan agad niya ng kanin ‘yong plato ko. Walang nagawa si Jay dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

"Sabing bawal sayo yan eh!" Gigil niyang sabi at kinuha ‘yong plato ko at mga kubyertos na hindi ko nagamit dahil nagkamay ako para mas masarap.

Wala na akong nagawa dahil nakuha na at kinakain niya na! Wow! Ang galing naman ng isang ito sarap sapakin.

"Tss. Bahala ka diyan!" Sabi ko at tumayo para maghugas ng kamay.

Pagtapos kong maghugas ay kinuha ko na ‘yong bag ko sa upuan. Uuwi na ako para makapag-aral na din.

Tinignan ako ni Jay ng masama. Anong problema nito?

"Problema mo?" sarkastiko kong sabi at inirapan sila.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Uuwi na, pake mo?" Pagtataray ko at lumabas na ng fast food. Ramdam kong may nakasunod sa’kin, hindi na ako tumingin sa likod ko dahil baka si Jay lang yun.

Patawid na sana ako para makapunta sa pinagparkingan ko nang biglang may humigit sa bag ko na nasa kamay ko lang. Sa sobrang gulat ko hindi ko na nahabol 'yong magnanakaw. Sayang din ‘yong laman no’ng bag ko! Pero at the same time ay medyo panatag din ako… dahil walang nangyaring masama sa akin.

Bubuksan ko na sana ‘yong pinto ng sasakyan ko nang may humigit sa kamay ko. Pagharap ko sa taong humigit sa kamay ko ay ang sama-sama ng tingin niya sa’kin. Nang tingnan ko ‘yong kamay ko na hawak niya ay mas lalo lang niya itong hinigpitan. Ano na naman bang trip nito?

"What?" tanong ko sa kanya pero hindi pa din nawala ‘yong titig niyang masama. "Ano bang problema mo!? Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sabay hatak sa kamay ko.

"Wala akong problema! Ikaw ang problema!" Deretsong sagot niya sakin. Ang sakit naman magsalita ng isang 'to.

"Wow, ha! Ako pala ‘yon problema! Ano bang ginawa ko sa’yo!? Hanep ka din, e! Pakipaliwanag nga!"

Pinapakulo niya lang ‘yong dugo ko. Hindi na masama ‘yong tingin niya sa’kin galit na!

"Ang hirap kasi sa’yo ang kulit-kulit mo! Kanina kumain ka ng madaming kanin, alam mo namang bawal ‘yon sa’yo! Tapos ngayon hindi ka tumitingin sa paligid mo! Nakuhanan ka pa ng bag! Sa susunod nga mag-ingat ka!" Galit na galit niyang sabi.

Pake niya ba sa buhay ko!?

"E, ano naman sa’yo ‘yon? Problema naman ako para sa’yo ‘di ba!? Bakit hindi ka nalang lumayo? Taena, dahil ako gustong-gusto kong lumayo sayo! Alam mo ba ‘yon?!" Singhal ko sa kanya kung galit siya galit din ako.

Sa totoo lang para kaming mag-jowa na naga-away dito sa parking.

"Bakit naman ako lalayo sayo?" Nakatingin na siya sa’kin ng seryoso. Topak ata 'to, e. Sa’kin pa tinanong!

"’Di ba, sabi mo kanina ako ang problema? Kahiya naman sa’yo ayaw mo ata ng problema kaya lumayo ka nalang. Mas gugustuhin ko pa ‘yon dahil ayaw ko sa isang katulad mo na babaero!" Singhal ko sakanya.

Hindi niya ako madadala sa mga paganyan-ganyan niya! Alam ko namang trip lang nila akong magbabarkada, malalakas mga topak nila e! Akala ba nila bibigay ako kay Jay? Nahulog ako, oo, pero hindi ako aamin hindi ko sila hahayaang manalo dito. Kung laro ‘to sa kanila sasakyan ko sila kawawa naman.

"Anong sinasabi mong babaero? Nagseselos ka ba?" Lakas talaga ng tama ng isang 'to feelingero!

"Excuse me, bakit naman ako magseselos!? Unang una hindi kita gusto, okay? Bawas bawasan mo ang pagkain ng kream stick! Pati pagseselos nararating ng imahinasyon mo!" I smirked at him para maasar siya at pumasok na ako sa kotse ko.

Binuksan ko yung bintana para asarin ko.

"Bye, I hope to never see you again." kinindatan ko pa siya para lalong maasar. Akala niya siya lanv maalam mang asar pwes ako din.

Bago ko isara ‘yong bintana ay may sinabi pa siya.

"What? Hey, wait—" hindi ko na narinig ‘yong sinasabi niya dahil sinarado ko na ang bintana at pinaandar na ang sasakyan ko.

Habang nagda-drive ako iniisip ko 'yong sinabi niyang ako ‘yong problema.

The hell why me?

Anong problema niya sa akin? Pinapasakit niya lang ang ulo ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung 'yong pagkain ko ng madaming kanin at hindi pagtingin sa paligid ang pinagpuputok ng butchi niya. E, ano naman? Pake niya ba sa buhay ko!? Akin naman 'to e, hindi naman siya maapektuhan!

Lagi niya akong inaasar kaya bago sa’kin ang expression ng mukha niyang galit. Ang hirap niya talagang basahin, sa tingin niya pa lang kanina na galit na galit.

At isa pa ang babaw ng dahilan kung ‘yong pagkain ko at hindi pagtingin sa paligid ang dahilan ng ikakagalit niya. Para talaga kaming mag-jowa na naga-away kanina sa parking. Grrr. Nakakahiya kung nagkataon na madaming tao.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mama at Papa na bihis na bihis. Nang makita agad ako ni Mama ay lumapit agad siya sa akin.

"Andyan ka na pala… Kumain ka na sa kusina may vegies do’n, good for your health," sabi niya. Nagbeso naman ako sa kanya.

"Yeah, Ma, saan kayo pupunta? Pagabi na," tanong ko imposible namang magma-mall lang sila dahil naka turtle neck pa sila at nakaboots.

"Hindi ko nga pala na-kwento sayo kanina, 'nak. Pupunta kami ng Mama mo sa Japan para magbakasyon. Alam mo na kailangan ng break sa business," sabi ni papa.

"Kaya mo naman dito mag-isa ‘di ba? Mga two weeks lang naman kaming mawawala. Babalik din kami agad," sabi pa ni Mama.

What? Two weeks lang? Hanep din sila, a! Iiwan nila ako dito mag-isa.

Hindi kasi dito umuuwi si ate dahil may condo na siya simula pa lang nang mag-college siya. ‘Yong mga kasambahay naman namin dito ay hindi stay in dahil sabi nga ni mama kailangan din daw namin matuto sa mga gawaing bahay. Which is totoo pero hindi pa din ako marunong magluto.

Kaya ko naman sigurong mag-isa ‘pag gabi two weeks lang naman, e.

"Hmm... ayos lang po sa’kin," sabi ko. Nag-kiss na ako sa kanilang dalawa para maka-akyat sa kwarto. "Akyat na po ako, inggat po kayo." I waved my hand to the both of them at tinungo na ang hagdan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status