Share

Chapter Four

Chapter Four

Band-aid 

Nakapangalumbaba ako sa lamesa ng arm chair ko habang hinihintay na mag-umpisa ang first subject namin. Babagsak na ang mata ko dahil sa antok kung hindi lang ako kinalabit ni Nathalie.

"Kels, tignan mo si Zeph. Ang tamlay niya." Kumunot ang noo ko bago ako sumulyap kay Zephaniah. 

"I don't think so. Bakit mo nasabi?" 

"It's true. Wala siya sa mood kanina pa. Narinig ko kasi na napa-away siya dahil kay Sage. Hindi iyon nagustuhan ni Sage kaya maging sila ay magkaaway na ngayon." 

Tumikwas ang kilay ko bago ako napatango ng marahan. 

"Talaga? Saan mo naman nasagap yan Nath?" 

Bago pa makasagot si Nathalie ay pumasok na iyong teacher namin. Tumayo ang lahat at binati ito. 

Hindi na kami nakapag-usap dahil nag-discuss na ito ng lesson. Habang abala ang lahat sa pakikinig, hindi ko mapigilang magnakaw ng tingin kay Zephaniah. 

Mukhang wala nga itong gana. His aura was glum. He seemed uneasy and stressed over something. Napapansin ko ang maya't mayang paggalaw ng kaniyang panga at pagpikit niya ng mariin. May sugat sa ilalim ng labi nito. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Nathalie na nakipag-away siya. 

Nang magkaroon ng group activity ay tahimik lang siya sa isang sulok. Sinagutan niya ang buong activity na ibinigay sa kanila pagkatapos ay hindi na siya nakipag-usap sa mga kagrupo niya. Tahimik at tulala lang ito. 

He's not his usual self today. Bagay pala sa kaniya kapag hindi siya masyadong suplado at nakakatakot tignan. Iyong mukha siyang problemado at kawawa. 

"Kelsey, kanino ka sasabay?" Nangingiti si Nathalie nang tanungin ako kung kanino ako sasabay sa pagrecess. 

"Sa'yo syempre." Patay malisya kong tugon. 

"Hmmm...paano si Varen?" Katatapos lang ng tatlo naming subject. Pareho kaming nag-aayos ng gamit at naghahanda na sa pagbaba. 

"Sasabay siya sa atin." 

Inaya kasi ako ni Varen na sabay kumain ngayong break time. Pumayag naman ako. But I can't leave Nathalie alone. Hoes before boys. 

"Ano ka ba? Nagbibiro lang ako. Sabay na kayong dalawa!" Napahalakhak si Nathalie. 

"Nath, sabay na tayong tatlo." 

I don't really find it a big deal. If Varen wants to eat with me then that's fine. But I always eat with Nathalie so that means he'll hang out with us. I don't like the idea of leaving friends out for boys. 

"Seriously Kelsey. I'm giving you alone time. Sabay na lang ako kila Kate." Aniya na ang tinutukoy ay iyong isa naming kaklase na medyo ka-close niya.

Napabuntong hininga ako bago tumango. Lumabas na ako ng classroom at tinahak  ang hagdanan pababa. Ang sabi ni Varen ay magkita na lang kami sa music room. Naroon kasi siya para sa practice ng banda nila. 

Sumilip ako sa maliit na salamin sa pintuan ng music room upang hanapin siya. Kung saan saan naglakbay ang paningin ko pero mukhang wala ng tao doon. Aalis na sana ako ngunit may nahagip ang aking mga mata. 

Natuptop ko ng palad ang bibig ko nang makita si Zephaniah at Sage sa isang sulok. Hawak ni Zephaniah ang magkabilang pisngi ni Sage habang mariin itong hinahalikan. Napako ako sa kinatatayuan ko. 

Biglang huminto si Zephaniah at lumayo mula kay Sage. Pansin ko ang marahas na pagkawala niya ng hininga. Namuo ang iritasyon sa mukha ni Sage. I couldn't hear through the sound proof walls of the music room but based on her actions, I knew she was yelling in anger. 

Sa una ay tahimik lang si Zephaniah ngunit kalaunan ay mukhang naubusan na rin ng pasensiya. Nagitla ako nang mapansin ang pagsigaw niya. They started screaming in each other's faces. 

Hindi ko magawang umalis dahil sa nasaksihan. What could be their problem? Malala ang away nilang ito. 

Naglakad si Zephaniah palayo kay Sage. Kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong papunta siya sa direksyon ng pinto. 

Masyadong mabilis ang mga hakbang niya. Bago pa ako makagalaw ay tuluyan na niyang nabuksan ang pintuan. 

"Aray!" Nasapo ko ang noo ko nang mauntog ako sa pagbukas nito.

Nang mapunta ang mga mata ko kay Zephaniah ay abot abot ang tahip ng dibdib ko. Bakas ang pagkagulat sa kaniyang ekspresyon. 

"Kelsey?" Hindi siya makapaniwala nang sambitin ang pangalan ko. 

"Anong ginagawa mo dito?" Malalim ngunit galit ang kaniyang tono. Pilit akong humagilap ng sasabihin ngunit walang namutawi sa bibig ko. 

Kapwa kami natigilan nang lumabas si Sage. Tinapunan lang ako nito ng matalim na tingin bago nagmartsa palayo.  Now I'm left alone with Zephaniah and his blazing anger. 

Marahas na hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako papunta sa katabing kwarto ng music room. Maliit lang iyon at iilang gamit sa panglinis ang naroon. I figured it was the Janitor's room. 

Itinulak niya ako sa pader habang hindi pa rin pinapakawalan ang pulso ko. 

"Are you trying to listen?" Naniningkit ang mga mata niya. Napalunok ako bago umiling. 

"Anong narinig mo?" 

I could feel my cheeks heating up in embarassment. I shook my head like a little kid. 

"Wala. I swear, I-I didn't mean to--" I stummered crazily. Napabuga siya ng hininga bago umiling. His jaw clenched harshly.

Hinawakan ko ang noo ko. Humahapdi ito dahil sa lakas ng pagkakauntog kanina. Dumako roon ang mga mata ni Zephaniah. Nagsalubong ang kilay niya at mukhang lalong nairita. 

"Pwede na ba akong umalis?" Lakas loob kong tanong. 

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinignan lang ako ng masama. What's with him and his deathly stares? He should atleast try to speak something! Nakakatakot iyong puro masamang tingin lang ang ipinupukol niya sa akin. Hindi ko alam kung ano bang iniisip niya. 

Makaraan ang ilang segundo ay kinagat niya ang labi niya bago ako pinakawalan. Nakahinga ako ng maluwang nang lumayo siya sa akin.

"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Hinahanap ko lang naman si Varen." 

"Varen?" Natigilan siya. 

"Oo. Sabay kasi kami--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang naglakad patungo sa pintuan. Bago pa niya maipihit ang door knob ay sinundan ko siya. 

"Sandali." 

Huminto siya at inis na nilingon ako. 

"Heto oh." Kinuha ko ang band aid mula sa bulsa ko at inabot iyon sa kaniya. 

Lagi akong may dalang band aid dahil linalagyan ko iyong paltos sa paa ko. Nang mapansin ko ang sugat sa ilalim ng labi niya ay ibibigay ko dapat ito sa kaniya kanina. Hindi nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon. 

"Lagyan mo iyan." Itinuro ko ang sugat niya. 

I'm trying to help him but I'm also hoping that this could lessen his anger towards me. I hope this could serve as a peace offering. 

Nagpabalik balik lang ang tingin niya sa akin at sa band aid. Naghintay ako na kukunin niya iyon ngunit binuksan niya lang iyong pinto at tuluyang lumabas. 

Bumagsak ang tingin ko sa band aid. Dismayadong ibinalik ko iyon sa bulsa. 

Paglabas ko ay nasalubong ko si Varen sa hallway. Tumakbo ito ng makita ako. 

"Kelsey, kanina ka pa?" Humahangos ito paghinto sa tabi ko. 

"Sorry ha? Bigla kasi kaming pinaalis ni Zeph kanina dahil mag-uusap daw sila ni Sage. Umakyat ako para sunduin ka sa room niyo pero mukhang nauna ka ng bumaba."

Napangiti ako. Varen's really kind. It makes me comfortable around him.

"Ayos lang. Maaga din kasing nagdismiss iyong teacher namin." 

Habang naglalakad kami sa canteen ay ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. That proves how famous Varen is. Nakaka-ilang maglakad kasama siya. 

Binilisan na lang namin ang pagrerecess dahil kakaunting minuto na lang ang natira para sa amin. Pagbalik sa classroom ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Sumakit bigla ang puson ko. 

"So ano nang nangyari Kels? Anong pinag-usapan niyo?" 

Pilit na chinichika ako ni Nathalie sa naging recess ko kasama si Varen. Hindi ko magawang sumagot dahil pakiramdam ko ay pinipilipit ang puson ko sa sakit. Fck, dysmenorrhea. 

Kamalas malasan ay nagkaroon pa kami ng group activity at kagrupo ko si Zephaniah. Hindi maipinta ang mukha ko habang pilit akong ngumingiti sa mga kagrupo ko. 

Roleplay iyong activity namin. Si Zephaniah ang gumawa ng istorya at siya na rin ang nag-assign ng gagawin ng bawat isa. Panay lang ang tango ko habang sinasabi sa akin ang gagawin ko. 

Natapos ang 10 minutes na groupings at nagsimula ng magperform ang unang grupo sa harap. Pang-apat kami. Nang malapit ng matapos iyong pangatlong grupo ay halos maiyak na ako. Gumuguhit ang sakit sa puson ko. 

I couldn't fcking do this anymore. Natapos ng magperform iyong pangatlo at nagpalakpakan ang lahat.  Tinawag ang pangalan ng grupo namin at isa isa ng tumayo ang mga kagrupo ko sa harap.

"Kelsey, tara na! Dalian mo!" Nagpapanic na saad noong isa kong kagrupo nang makitang nakaupo pa rin ako.

Kapag hindi ako nakapagperform, masisira iyong kwento na binuo ni Zephaniah. Siya pa naman ang leader nito. Ayoko ng dagdagan ang inis niya sa akin. 

You can do it Kelsey. It's just a five minute performance. I took a deep breathe. Pilit akong tumayo ngunit agad din akong napaupo. Napapikit ako sa sakit. Shit.

"Kelsey, ano na?" 

Napalunok ako. 

"Hindi ako makakapagperform." Nahihiyang saad ko. 

"Ha? Bakit?"

"Ang sakit ng puson ko." Mangiyak ngiyak na tugon ko. Mabilis na napalitan ng pag-aalala ang mukha niya. 

"Oo nga namumutla at pinagpapawisan ka. Okay ka lang? Gusto mo mag-clinic?" 

"Hindi na." 

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay biglang lumitaw si Zephaniah. 

"Ano pang ginagawa niyo?" Saad nito sa malamig na tono. Kinabahan agad ako.

"Zeph, hindi daw makakapagperform si Kelsey. May dysmenorrhea siya." Ani ng kaklase namin.

Nakagat ko ang labi ko sa pagkahiya. Dumako sa akin ang tingin niya at napansin ko ang pagkairita niya.

"Can't you really do it?" He asked irritatedly. Umiling ako. He ran his fingers through his hair in frustration. Do I really disgust him? Pakiramdam ko ay napakalaking inconvenience ko sa kaniya ngayong araw. 

Narinig kong inutusan niya ang isa kong kaklase na dumoble ng gagawin dahil sa kawalan kom Hindi niya na ako nilingon at dumiretso na sa harapan. Isa isa niyang ininstruct ang mga kagrupo namin. Napayuko na lang ako sa lamesa ko. 

Mabuti na lang at noong uwian na ay bumuti na ang pakiramdam ko. Kasabay ko si Nathalie at nagpaalam ito nang makalabas na kami. Mag-isa akong nag-abang ng masasakyang bus. 

Wala ng gaanong estudyante dahil late na kaming nakalabas. May tinapos pa kasi kaming activity sa Math. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring dumaraang bus. 

Medyo natatakot na ako dahil bakanteng lote itong katabi ng sidewalk na pinaghihintayan ko. Mayroon namang waiting shed sa may bus stop pero ayokong maghintay doon. Masyado kasing maraming tao doon at mauubusan lang ako ng upuan sa bus. Ayokong tumayo sa lagay ko ngayon. Kaya kahit na nakakatakot ay pinili kong maghintay dito para mauna akong makasakay. 

Kinilabutan ako nang may marinig akong sumipol. Hindi ko iyon pinansin. I cursed mentally. Seriously?! Ngayon pa ba ako mamamanyak? Ang malas ko naman yata ngayong araw. 

"Hi Miss sexy."

"Bakit mag-isa ka lang?" 

"Sabay ka na sa amin." 

Isa isang lumapit sa akin ang tatlong construction worker mula sa ginagawang building sa di kalayuan. Hinawakan ako sa braso ng isa ngunit mabilis akong umilag. Nang maglalakad na ako palayo ay pinigilan niya ang braso ko. Bago niya pa ako tuluyang mahila ay may humigit na ng kaniyang kwelyo

Napatalon ako sa gulat. Pumalag ang iyong manyak at mukhang mananapak ngunit naunahan ng suntukin noong pamilyar na bulto.

Napakurap kurap ako. Umawang ang labi ko nang makitang si Zephaniah ang may gawa noon. 

Dahil sa ginawa niya ay hindi na gumanti iyong iba. He quickly scared the others off. Kapwa sila nasindak at nagsitakbuhan palayo.

Nag-aalab ang mga mata niya sa galit nang bumaling sa akin. Dinig ko ang marahas niyang paghinga. Hindi ako nakahuma dahil sa labis na pagkabigla. 

Naiwang naka-awang bibig ko. Nahimasmasan lamang ako nang may dumating na bus. Sumakay ako agad at umupo sa tabi ng bintana. But what sirprised me is when Zephaniah also rode the bus. Tumabi siya sa akin. 

We sat in awkward silence for a while. Hindi ko alam kung paano magsisimula o kung paano siya titignan. I'm still in shock of what he did! I tried to compose myself a few times before finding the courage to speak.

"Bakit mo naman pinagsasapak iyong  construction worker? Kawawa naman."

His cold stare darted into me with brows furrowed exaggeratedly. Kitang kita ko ang iritasyon sa malalim na pares ng mga mata.

"Really? Binastos ka na nga naawa ka pa?" He scoffed mockingly.

"No. I mean, no need to be very brutal." 

I remember how the man's face bleed with his strong punch. Not only I am concerned in his welfare but I'm also worried about Zephaniah. Paano kung laging ganito siya kapisikal makipag-away? Paano kung may magsampa ng reklamo at makulong siya? Things like that ran in my mind. But anyway, it's weird of me to be concerned about him so I shrugged the thoughts off.

"But thanks anyway." I said truthfully. I am deeply grateful of what he did. If he didn't come any sooner, I might have been sexually assaulted.

"Thanks? It's not for free."

"Oh. I'll pay you then." 

"Ililibre kita ng noodles!" Bulalas ko. Ngunit bigla rin akong natawa nang mapagtanto ko ang sinabi. 

Mayroon kasing maliit na korean restaurant sa tabi ng school namin. They serve the best kimchi ramyeon. But it's a ridiculous idea to treat him there. Feeling ko naman sasama talaga siya sakin.

His lips protruded a bit. Nakita ko ang nagbabadyang ngiti sa kaniya pero hindi ipinapakita ng lubusan.

"When?" Walang emosyon niyang tanong. Muli ng naging seryoso ang mukha at wala ng bahid ng pagngiti sa labi.

Nagliwanag ang mukha ko dahil roon. I didn't expect that answer. So pumapayag siya?

"Ikaw ang bahala." 

Tumango lang siya at hindi na muling nagsalita. The perfect structure of his side profile blessed my eyes.

"Lagi ka bang nag-bubus? Akala ko hindi ka nagcocommute. Naka-kotse ka kasi noong nakaraan." 

"Bakit ka nag-bus ngayon?"

No reply came out his mouth. Kapag siya ang kasama mo, dapat masanay ka ng makipag-usap sa hangin. 

"Sorry ha. I caused you so much trouble today. Una, hindi ko dapat nakita na nag-aaway kayo ni Sage. Pangalawa, muntik pang masira iyong performance task dahil sa akin. Tapos ngayon eto.. Are you still pissed?" 

His adam's apple moved when he gulped. He leaned his head on the head rest and glanced at me. 

"Stop causing so much trouble."

He said in a deep voice that made my stomach turn. Tumango ako. 

"Wag kang mag-aabang ng bus mag-isa sa dilim. Matalino ka naman pero minsan parang tanga ka." His sarcasm was filled with mockery.

Umawang ang labi ko. Hindi naman kami close pero ang sakit niyang magsalita. And why does he sound so mad? Hindi ko naman ginusto iyong nangyari. Bumuntong hininga ako uoang pahabain ang pasensya. 

"Yes." I smiled sarcastically.

"Wag ka ring papasok kung masama ang pakiramdam mo." He reprimanded sternly. May kung anong nagbara sa lalamunan ko. Bakit siya ganito magsalita? Why the sudden concern? His intense dark eyes bore into me before he spoke again.

"Stop bothering me okay?"

There was the different seriousness in his tone. I couldn't help but nod.

Bumangon siya mula sa pagkakasandal sa upuan. Huminto ang bus at napansin ko na mukhang bababa na siya. Pero bago siya tuluyang tumayo ay may iniabot siya sa akin. Nangunot ang noo ko bago ko iyon kinuha. 

"What's this?" 

Walang gana niya akong tinitigan. As if I'm asking a stupid question again. Nagtaka ako nang maglahad siya ng kamay sa akin.

"Ano?" 

"Yung band aid. Akin na." Aniya bago muling inilahad ang palad niya. 

Pinigilan ko ang pagngisi ko. Nagmamadaling kinuha ko ang band aid mula sa bulsa ko at inabot sa kaniya. Kinuha niya iyon at tuluyan nang tumayo. Sinundan ko ng tingin ang paglabas niya.

Nang muling umandar ang bus ay saka ko lang tinignan ang binigay niya sa akin. A smile formed in my lips but I grew more perplexed. My fingers traced the little tablet. It's a pain reliever for dysmenorrhea. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status