Share

Chapter Six

Chapter Six

Almost

The sun rays was beaming against the glass windows of our classroom. Kapag ganitong tanghaling tapat, nakakaantok makinig sa lecture.

Our teacher was busy discussing infront. Habang abala ang lahat sa pakikinig, hindi ko mapigilang magnakaw ng tingin kay Zephaniah. Stealing glances at him became like.. I don't know, a hobby? A pastime? It just always saves me from boredom. 

Nakaupo ito sa tabi ng bintana. Ang sinag ng araw mula roon ay direktang tumatama sa kaniyang mukha. Mukhang naiinip na ito. Tinatapik niya sa lamesa ang kaniyang ballpen at maya maya ay kinakagat iyon at pinaglalaruan gamit ang kaniyang mga labi. 

Napailing ako. Pilit na itinuon ko ang atensyon sa guro na nasa harapan. Pansamantalang nakinig ako roon. 

Sa muling pagsulyap ka ay nakayuko na si Zephaniah sa kaniyang lamesa at mukhang nakatulog na. 

"Kelsey, pakopya ng assignment." 

Nagmamadaling hinalukay ni Nathalie ang bag ko nang makalabas ang teacher namin sa first subject. Sinamantala niya ang bakanteng oras para kumopya ng assignment sa sunod na subject. 

"Bilisan mo Nath. Andiyan na si Sir."

pananakot ko. 

Lalo siyang nataranta at hindi magkandaugaga ang kaniyang kamay sa pagkopya. Maya maya ay tuluyan ng dumating si Sir Alex. Bakla ito at strikto kaya marami ang takot sa kaniya. 

"Shit. Andyan na siya. Dalhin ko muna itong assignment mo Kels. Ibabalik ko mamaya ha." 

Hindi na ako nakapalag nang nagmamadaling tumayo si Nathalie at lumipat ng upuan. May sarili kasing seating arrangement itong teacher namin. Umalis na rin ako at pumunta sa upuan ko. 

Nakaupo ako sa pinakahuling upuan sa dulo. Ang buong akala ko ay wala akong katabi dahil ako na ang pianakahuli kaya naman laking gulat ko nang tumabi sa akin si Zephaniah. Napasinghap ako at pilit na kinalma ang sarili. Tumikhim ako. 

"Dito ka nakaupo?" I asked. Tinignan niya lang ako ng masama na para bang napaka-bobo ng tanong ko. 

"Ah. Absent ka nga pala nong nag seating arrangement kami." 

Absent siya noon at wala na rin namang ibang bakante. Automatically, dito na siya sa tabi ko.

Tahimik ang lahat habang nagpapaliwanag si Sir Alex sa harapan. Matapos ang maiksing discussion ay tinawag niya na ang assigned reporter sa araw na ito. 

"Ferriol, dito ka na sa harapan. You can start your report now."

I nearly gaped when Zephaniah stood and brought a visual aid infront. Magrereport pala siya? Halatang hindi talaga ako nakikinig sa subject na ito. Wala akong kaalam alam. 

Ipinaskil niya ang kaisa isang cartolina na dala niya. Maganda sana ang sulat niya ngunit masyadong maiksi iyon. Kalahati lang ng cartolina ang nagamit. 

He started explaining the lessons under Structural Functionalism. He was on point. Tama naman lahat ng sinabi niya. But it seemed lacking. Mukhang hindi niya naaral ng maayos itong report. 

Natigil siya sa pagsasalita nang pumagitna si Sir Alex. Base sa pagsimangot nito ay halatang hindi niya nagustuhan ang pagpapaliwanag ni Zephaniah. 

May tinanong ito na hindi nasagot ni Zephaniah. I sighed. What is wrong with him? Matalino siya. It's unlikely of him to perform poorly. 

"Ano? Hindi mo alam?" Mataray na tanong ni Sir Alex. Naka-angat ang kilay nito at nakapa-mewang pa. 

"Mr. Ferriol, inaral mo ba itong report mo?" Nag-igting ang panga ni Zephanaiah at nanatili itong tahimik. 

Lalong nainis si Sir. 

"Matalino ka sana pero hindi ka nag-aaral. Puro banda ang inaatupag mo. If you're going to act that way, you won't pass my subject!" 

Nangibabaw ang matinis nitong boses nang sumigaw ito. 

"Go back to your seat! Walang kwenta iyang report mo. Ang taas pa naman ng expectation ko sayo. Such a disappointment!" 

Iritado nitong saad. The thing about Sir Alex is he's very harsh. Masakit itong magsalita kaya marami ang takot na mapagalitan nito. 

Tahimik na naglakad si Zephaniah pabalik sa tabi ko. Nang makaupo siya ay pinunit pa ni Sir iyong visual aid niya. Napasinghap ang mga kaklase ko. Maging ako ay nabigla.

I glanced at Zephaniah. His jaw was clenched tight. I wonder what he was feeling. Kung sa akin ginawa iyon ay baka naiyak ako, particularly because I am grade concious. I hate being a disappointment. 

Napakurap ako mula sa pagkakatitig sa kaniya nang maramdaman kong siniko niya ako.

"What?" Bulong ko. Hindi niya ako sinagot. May isinulat siya sa kaliwang pahina ng kaniyang notebook. Bumaba roon ang tingin ko. 

"Quit staring." He wrote. Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat sa kanang pahina.

"I am not staring."

Nakita kong pasimpleng sumulyap siya roon bago muling nagsulat sa sarili niyang notebook. 

"Caught in the act but still denying?" 

My cheeks felt warm. Ramdam ko na nilingon niya ako kaya agad na iniwas ko ang aking mukha. Yumuko ako at muling nagsulat. Inusog ko iyon sa gilid niya para mas makita niya. 

"Fine. I'm just curious... are you okay?"

Itinuon ko ang pansin ko sa harapan upang hindi mapansin ni sir ang pagpapalitan namin ng sulat sa notebook. Nagpanggap akong nakikinig habang hinihintay ang sagot niya. 

"No." 

Iyon ang tanging isinulat niya. I wrote back on my own notebook. 

"Forget about it. Bumawi ka na lang sa susunod mong report." 

Sumulyap ako sa notebook niya at nadismaya ako nang hindi na siya muling nagsulat. Hindi ko naman siya makausap dahil naglalakabay ang matalim na mga mata ni Sir Andres sa paligid. Baka lalong uminit ang ulo noon kay Zephaniah. 

I sighed before I payed attention to the lesson. Nagkaroon kami ng maiksing quiz. Pagkatapos ipasa iyon ay muli akong siniko ni Zephaniah. Automatikong dumako sa notebook niya ang mga mata ko.

"Rooftop." 

I frowned at the only word written on the page. 

"Anong meron sa rooftop?"

"Come with me, sa recess." 

My eyes instantly widened. The familiar uneasy feeling in my stomach arised. Yumuko agad ako sa notebook ko nang maramdaman ko ang kaniyang pagtitig. 

"Why?" 

He didn't answer my question. Instead he wrote

"I'll wait."

Kinabahan ako. Hindi malaman kung papayag o tatanggi. Pero naalala ko ang sinabi ni Nathalie... 

Hindi na nasundan ang pag-uusap namin ni Nathalie kagabi. Umuwi na ako pagkatapos noon. Hindi na rin niya inungkat ang bagay na iyon, siguro para maiwasan ang tensyon.

I know. Being near Zephaniah is wrong. No matter what he does, or what he wants, I should be the one avoiding him. It's better to prevent things from happening before they arise. It's better to avoid feelings before they develop.

"Ayoko." 

Ang tanging isinulat ko. He glanced at it for a second. Nakita kong saglit na napailing siya at hindi na ako muling liningon. 

As usual, noong recess ay sumabay ako kay Nathalie. Hindi ako umakyat ng rooftop gaya ng sinabi niya. Habang kumakain ay bumabagabag sa akin iyon pero pilit na kinalimutan ko na lang. 

There's really something about him that makes me slave under his words. And each time I go against him, I am bothered with guilt and... regret.

Maaga kaming natapos kaya pagbalik namin sa classroom ay wala pa iyong next teacher namin. 

"Kels, tapos na iyong essay ninyo sa english?" Tanong ni Nathalie. 

"Yung akin, oo. Yung kay Zeph, hindi ko alam."

Magkapartner kasi kami ni Zephaniah sa English. Alphabetical ang partnering at unfortunately, magkasunod ang apelyido namin. We were assigned to write essays on five given topics. Dalawa ang ginawa ko at nagpresenta naman si Zephaniah na siya na ang gagawa ng tatlo. 

"Ipapasa na iyon ngayon. Pahamak talaga itong si Dustin! Hindi niya nagawa yung inassign ko sa kaniya." Nagpapanic na kumuha ng bond paper si Nathalie at nagsimulang magsulat. Mukhang siya na ang gagawa noong hindi nagawa ng kapartner niya.

I suddenly felt anxious if Zephaniah was also able to do his part. Kumpleto na kami sa klase ngunit wala pa rin siya. I grabbed my phone and sent him a message through messenger. 

"Zeph, nasaan ka? Natapos mo ba iyong essay sa English?" 

Kinabahan ako nang makalipas ang limang minuto ay hindi pa rin siya nagrereply. Hindi ako mapalagay dahil abala lahat ng kaklase namin maliban sa akin. 

"Not yet." Sa wakas ay nagreply siya. My eyes widened. 

"What? Ipapasa na iyon ngayon. Nasaan ka ba?" 

"You know where." 

My shoulders dropped before I quickly typed a reply. Hanggang ngayon nasa rooftop pa rin siya? 

"Bumaba ka na ngayon. Anong hindi mo nagawa? Ako na ang magsusulat." 

"Isa na lang. Compare and contrast America's approach to democracy to another country's approach to democracy." 

Napasimangot ako. Ang hirap ng topic na iyon kaya ibingay ko iyon sa kaniya. Tapos hindi niya naman nagawa?! I'm not sure I can do it but as if I have a choice. 

"Sige na. Ako na ang magsusulat. Bumaba ka na at dalhin mo iyong nagawa mo."

"Magcucutting ako. Hindi ako pwedeng makita ni Sir. Kunin mo na lang dito." 

The fck? At tagalang inutusan niya pa ako para makapagcutting siya?! 

"Wala pa si sir. Bilisan mo na." 

A few minutes have gone and he didn't reply. Nagtype ulit ako ng mensahe. 

"Let's meet somewhere else then. Wag sa rooftop! Tinatamad ako umakyat."

I tried to persuade him but he didn't respond. Ni hindi man lang ako sineen! I guess he really won't be told. Dalawang essay ang na sa kaniya, sayang ang grade kapag hindi napasa iyon. I can't settle for a low grade. 

Labag sa loob na lumabas ako ng classroom at tumakbo papuntang elevator. Pagdating sa 7th floor ay nagmamadali kong inakyat ang hagdan paakyat sa rooftop. 

I was breathing heavily when I reached the rooftop. My legs hurt so bad after climbing. Halos hindi na ako makahakbang sa pagod. 

I found him on his particular spot. His knees were folded and a book was placed on his lap. Nakayuko ito at abala sa pagsusulat sa isang bond paper. 

Mukhang hindi niya namalayan ang pagdating ko. Dahan dahan akong lumapit at dumungaw sa isinusulat niya. 

A compare and contrast essay about America's approach to democracy to another country's approach to democracy.

Napangiti ako. Gagawin niya rin pala!

Pero agad ding naglaho ang ngiti ko nang mag-angat siya ng tingin. Mabilis na lumayo ako at tumuwid ng tayo. 

"Gagawin mo rin pala iyan. Buti hindi pa ako nakakapagsulat."

Umirap ito bago umiling iling. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat. 

"Ginawa ko na kasi alam ko namang hindi mo kaya." 

"Hoy kaya ko naman! Hindi lang ako ganoon kafamiliar sa topic. Ayoko namang magsulat ng essay na walang kalaman laman." I said in my defense. Tumango tango siya ngunit halata na sarkastiko iyon. Tumikwas ang nguso ko.

"Bilisan mo na nang maipasa ko iyan." 

Naglakad lakad muna ako upang libangin ang sarili ko habang hinihintay ko siyang matapos. Napansin ko ang gitara niya na nakasandal sa terrace nitong rooftop. Kinuha ko iyon. Umupo ako sa sahig at ipinatong ang gitara sa kandungan ko.

Inalala ko ang mga itinuro sa akin ni Varen. I placed my fingers on the according strings and frets. I tried doing the A and I strummed it. 

Nang wala na akong maalalang chord ay kung ano ano na lang ang pinagagawa ko. Nagpanggap ako na marunong maggitara at nagstrum ng wala sa tono. Inisip ko pa na rock star ako at linakasan ko ang pagkaskas sa gitara na sinabayan ng mahinang head bang. 

Huminto ako nang pakiramdam ko ay nagmumukha na akong tanga. Sumulyap ako kay Zephaniah para malaman kung tapos na siyang magsulat ngunit laking gulat ko nang makita itong nakatingin sa akin.

Naniningkit ang mga mata niya at lumilitaw ang perpekto niyang ngipin dahil sa mahina niyang pagtawa. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. It's my first time to see him chuckle and it's so precious! Nang magsalubong ang tingin namin ay agad siyang nakabawi at bumalik sa normal niyang ekspresyon.

"Tumatawa ka pala!" Bumungisngis ako. 

Hindi niya ako pinansin. Napailing na lang ako habang nakangisi pa rin. Muli akong nag-gitara.

Inalala ko ang itnuro sa akin ni Varen na transition. I tried shifting from E to A but the transition was rather confusing. Hindi talaga ako blessed ng ganitong talent. Frustrated ako dahil napaka-simple niyon pero hindi ko talaga magawa.

"What are you doing?" 

Naglakad papalapit sa akin si Zephaniah at naupo sa tabi ko. 

"Wala.." 

"Parang hirap na hirap ka ah" nang-iinsulto niyang saad. Sarkastiko akong ngumiti. 

"Hindi kaya. Marunong na ako ng ilang chords. Tinuruan ako ni Varen." 

Ipinilig niya ang ulo niya sa akin at nagtaas ng kilay, as if asking me to show him what I've got. Tumuwid ako ng upo. 

"This is A." I placed my first finger on the second fret, third string, next on the fourth string, second fret and the third one on the same fret but second string. Proud na proud ako sa sarili ko. 

I continued showing him all the other chords I learned and he just nodded. 

"Is that it?" He asked. Tumikhim ako at kumurap kurap. Minamaliliit niya nanaman ako. 

"Hindi. Uhm.. marunong din ako mag-transition!" 

I did the chord E and I tried transitioning from A. Nagpanic ako at hindi alam kung saan ilalagay ang mga daliri ko. Kung ano anong string ang nahawakan ko.

Napaubo siya na tila pinipigilan ang sarili na matawa. 

"Ang galing."

"Tss yabang mo! Nag-aaral pa lang naman kasi ako." Umirap ako. 

I tried doing it once again but my stupid fingers kept getting lost!

"You can do it like this instead." My heart nearly went out my chest when he placed his shoulder behind my back and held the guitar with my hand. I gupled to calm my untamed system. 

"Do the E major." Nanginginig ang mga daliri ko nang gawin ko ang sinabi niya. 

"And then if you will shift to A... do it like this." Lalong bumalot ang mga braso niya sa likod ko nang tulungan niya ako sa sumunod na chord. He moved my fingers and transfered it to where it should be. 

"Leave your first finger and move it to the second fret." Iginaya niya ang daliri ko sa pwesto na sinabi niya.

"Then you place your middle finger on the fourth string on same fret."

"And your ring finger on the second string..." he sounded so serious. His deep voice were soft against my ears, his breath warm against neck. Nananayo ang balahibo ko sa tuwing humahaplos ang hininga niya sa leeg ko. 

Pilit na binalewala ko ang naghuhuremtado kong puso sa sobrang lapit niya. Tumango ako kahit na hindi ko gaanong naintindihan ang tinuro niya. 

"Do it again." He said. 

I bit my lower lip before I repeated what he just taught me. Nangingiti ako nang magawa ko iyon ng maayos. 

"Mas madali pala kapag ganon." Saad ko. 

"I guess your tutor's not good enough then?"

I frowned at that. Is he refereing to Varen? Tumahimik na lang ako at hindi na nagkomento. 

"Anong oras na?" I asked instead. 

"5:00 pm."

"Exact?!"

Bale wala siyang tumango. Tumayo ako at bumalik sa kinaroroonan ng gamit ko. Dinampot ko na rin ang isinulat niyang essay. 

"Late na ako! Akin na yung iba mong essay." Nagpapanic na ako pero pirming nakatayo lang siya sa tabi ko.

"You're ten minutes late Kelsey. Ipapahiya ka lang ni Mr. Yosa kapag nagalit iyon sayo."

"You're not helping!" Lalo akong nag-alala sa sinabi niya. I'm pretty sure that would really happen. Mr.Yosa is so time concious.

"Wag ka na lang pumasok." 

I glanced unbelievingly at him.

"Hindi pwede."

"Wala namang gagawin ngayon." 

Kung tutuusin ay tama siya. Discussion lang kami ngayon. Speaking of discussion, I could easily keep up if I miss it because Mr. Yosa just bases on the text book.

"Pero kesa naman umabsent ako.." Nag-aalangan kong saad.

"Kesa naman mapagalitan ka at mapahiya ka." 

This guy knows exactly how to convince someone! Napanguso ako at nalaglag ang balikat ko. Fine. I give up. 

The only thing that bothers me is what excuse to tell my classmates. Sabihin ko kayang nag-cutting ako?

"Tell them you weren't feeling good and you went to the clinic." Zephaniah said, enough to answer my worry. 

"Paano iyong essays natin?"

"Ako na ang magpapasa." 

I heaved a deep sigh before I walked towards the terrace. I'm stuck with him here for the next 1 hour. Umupo ako sa sahig at sumandal doon sa terrace. He did the same and sat beside me. 

Tumingala ako at pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan. The ball of sun was slowly dipping and spreading colors of gold in the sky. It was another sun set, just like the last time. 

We looked like we were in an 80's movie because the sun set brought out vintage colors around. 

A smile drew in my lips, my eyes glimmered in awe. 

"Ang ganda..." namamangha kong saad. 

"Lagi bang ganito kaganda ang sun set dito?" 

"I don't know... I guess it's prettier now." He said before glancing at me and then quickly looking away. 

"Bakit parang lagi kang nandito sa rooftop? Bakit gustong gusto mo dito?"

"Tahimik. Walang tao."

"Anong ginagawa mo kapag nandito ka?"

"Natutulog. Minsan nagsusulat ng kanta." 

"Talaga? You write songs? Patingin!" Excited kong sambit. Ngunit sa halip na sumunod ay inisnob niya lang ako. 

"I write poems too, kung gusto mo lapatan mo iyon ng tono at gawin mong kanta."

"Anyway, patingin na kasi ng mga isinulat mo!" Nagpatuloy ako sa pangungulit hanggang sa napapayag siya. 

Tuwang tuwa ako nang kunin niya ang bag niya. Kinalkal niya iyon ngunit tila hindi natagpuan ang hinahanap.

"Hindi ko dala yung notebook." 

I was filled in dismay when he said that.

"Sayang naman. Next time, parinig ako ng mga kantang isinulat mo."

Tipid na tumango siya. Kinuha niya ang cellphone at earphones niya. He scrolled through his playlist.

"Fan ka ng The 1975?" Namamangha kong tanong. Ang dami kasi nilang kanta doon. Tumango siya. 

"Really? Ako din eh."

"Fan din ba nila si Sage?" I don't know why of all questions, iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Nope. She's not into music."

"Ah. So anong gusto niya?"

"Fashion. Modeling? She's stuck in her own ambitions." 

"You can't blame her if she wants to achieve her dream that bad. If you want something, you should do anything to get it right?"

Ang akala ko ay hindi niya ako papansinin ngunit seryoso ang naging sagot niya sa akin.

"There are some things.. or some people you can't have Kelsey."

It's his turn to look at me. He speaks so accurate that it never fails to drive some sense into me. There was this different weight in his tone. 

"Why?"

"because... you just can't."

"I don't believe that. If you don't do anything to have that person, then you might not want her enough."

Napatanga lang ito sa akin at tila hindi na alam kung anong sasabihin. Sa halip na magsalita ay kinuha niya ang isa niyang earphone at ikinabit iyon sa tainga ko. 

Hindi na ako umalma pa. I decided to just keep quiet. I kept my stare on the sky. 

Shoulder to shoulder. Rooftop. Shared earphones. The 1975 music and the pink skies above us. It was almost perfect. Almost.

It got me thinking, why do almost perfect moments like this need to happen with the wrong person? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status