Share

Chapter Seven

Chapter Seven
Waited

I figured I needed to do something else. Noong isang araw ay nakita ko sa bulletin board na naghahanap ng bagong miyembro ang team ng school paper. Nagpasa ako ng sample articles at natanggap naman ako. I am not really into this but atleast, I have something else to do.

"Hi! Ikaw ba ang bagong member?" 

Isang pamilyar na babae ang pumasok sa Publication room. Palakaibigan ang ngiti na ipinukol niya sa akin.

"Yup. I'm Kelsey."

"I'm Madelaine Aldrid. Maddi." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Natigilan ako nang makilala ko ang buong pangalan niya.

"Oh. Kilala kita.." namamangha kong saad.

That's why she looked familiar. Sikat siya sa social media dahil sa mga short film na gawa niya. It's my first time seeing her in person.

"I've watched some of your films."

Naglakad lakad siya loob ng kwarto, hindi alintana ang pagkamangha ko sa kaniyang presensiya.

I've heard her name inside the campus too. She's quite famous because except for her works, she's also a beauty. White porcelain skin, curvy body and raven hair. She looked like a modern snow white.

"Really? Thank you. Sa HUMSS week, ipapalabas ang isa sa mga ginawa kong film. Manood ka ha?"

"Sure. Aabangan ko iyan."

I agreed because I really admire her works. I would gladly watch her entry on the HUMSS week.

Sabay kaming napalingon nang muling pumihit ang door knob. Iniluwa noon ang gwapo at maaliwalas na mukha ni Varen. Bahagya pa akong nagulat kung anong ginagawa niya rito.

"Kels! Congratulations!" Nilapitan niya ako at ginulo ang buhok ko. Iniwas ko ang ulo ko at mahinang tinampal ang kamay niya.

"For what?" Natatawa kong tanong.

"For being a part of the Journalism Team!" At paano nakarating sa kaniya iyon? No need to congratulate me anyway. Hindi naman big deal ito.

"Hoy ikaw Maddi! Alagaan mo si Kelsey dito ha."

Nakita ko ang pagngisi ni Maddi bago pabirong umirap. Hindi na ako nagtaka kung paano sila nagkakilala. Both their social circle might really be huge.

"No need to tell me Austria. Tsaka umalis ka nga dito. Members only." Itinulak niya sa braso si Varen ngunit agad ding tumigil nang hindi ito natinag.

"Don't make her do so much work! Kelsey, isumbong mo sa akin kapag inabuso ka nito ha."

"Var, tumigil ka nga. I should be productive."

"But still--"

"Oo nga naman. Wag ka ng makiealam dahil hindi ka naman miyembro." Nanunuksong sabat ni Maddi. They seem really close.

"Shut up or I'll tell Draco that last night you were with--" hindi niya naituloy ang akmabg sasabihin nang muli siyang hampasin ni Maddi.

"Ikaw ang manahimik!"

Kinuha ni Maddi ang back pack niyang kalalapag lang sa lamesa ko.

"Aalis na ako. May klase pa ako. Kelsey, heto ang susi. I-lock mo na lang kapag may klase ka na at wala pang tao dito." Pagkatapos ay nag-amba na siyang aalis. Tumango lamang ako.

"Mauna na ako. Wag kayong gagawa ng kung ano dito ha!" Muli nitong saad bago tuluyang lumabas ng pinto. Natawa na lang ako sa panunukso niya.

Ibinalik ko ang paningin ko sa monitor na nasa harap. Magbabasa na lang ako ng soft copy ng mga previous school paper para lalo akong matuto.

"Mamaya na yan Kelsey. Kumain ka muna. Heto oh." Saka ko lang napansin ang dalang styro ni Varen. Inilapag niya iyon sa harap ko.

"Hindi naman ako nagugutom Var. Tsaka hindi mo naman ako kailangang bilhan ng pagkain." Nahihiya kong saad.

"Binili ko iyan para sa akin. Nabawasan ko na iyan pero hindi ko nagustuhan ang lasa kaya sayo na lang." Nagtaas ako ng kilay, tinatantya kung totoo ba ang sinabi niya. Ngumiti lang si Varen at nagkibit balikat.

Binuksan ko ang styro at mabilis akong natakam nang makita ang tatlong siomai sa ibabaw ng kanin.

"Baka may lason ito ha?" Nagbibiro kong saad bago kunwaring sinipat ang pagkain.

"Baka nga."

Napailing na lang ako. Varen is not good at lying. Halata namang bagong serve at walang bawas ito. Hindi na ako umimik pa. Nagsinungaling na nga siya para lang tanggapin ko ito kaya ayoko ng madismaya siya.

"Share tayo?" Inalok ko siya ng pagkain. Umiling ito at naupo sa lamesa.

"Ayoko nga ng lasa diba?"

If you say so. Hindi na ako namilit pa at kumain na lang.

Pagkatapos sa Publication room ay sabay na kaming umakyat ni Varen para sa una naming klase. Pagsalampak ko sa upuan ko ay sumalubong sa akin ang makahulugang ngiti ni Nathalie.

"Hmmmm."

"Ano nanaman Nath?"

"Bakit sabay kayo?"

"Pinuntahan niya ako sa Pub at sabay na kaming umakyat." Kaswal kong sagot. Tumango tango si Nathalie, hindi pa rin nabubura ang malawak na pagngisi.

Pagdating ng break time ay agad kong namataan ang pamilyar ngunit bagong mga mukha sa tapat ng lamesang pinuntahan namin ni Nathalie. Hindi ako makapaniwala nang umupo kami sa harap nila.

Infront of us was Varen who immediately greeted us. Si Kyovee ay lumipat at tumabi kay Nathalie. Si Zephaniah ay nanatili sa tabi ni Varen.

Ramdam ko ang mga matang naiiwan ang tingin sa amin. Marami ang napapahinto at nagbubulongan tuwing nagagawi sa lamesa namin. Kagaya nila ay nagtataka rin ako. I wonder why are we suddenly eating with them?

May isang box ng pizza at may kaniya kaniya kaming fries at frappe sa lamesa.

"Kain na kayo. Treat ni Kyovee yan." Masiglang sabi ni Varen bago nilantakan ang fries.

"Ngayon lang yan dahil nandito si Nathalie." Sabat naman ni Kyovee bago mapang-akit na ngumiti sa kaibigan ko.

Yep, they are really close now. I heard from Nathalie that they exchanged numbers. Lagi din silang magkachat at video call. Ano namang aasahan mo kay Kyovee? He's a play boy. Hindi nagpapadalos dalos iyan. If he wants to flirt, he will definitely do it. Si Nathalie naman ay hindi rin papatalo.

It's obvious that both of them are just playing around. Hindi na ako tumutol ngunit binalaan ko rin si Nathalie. It's all fun and games until somebody gets hurt. And as her friend, I wouldn't want her to get hurt.

"Hey, i don't like that." Lalagyan na sana ni Kyovee ng hot sauce ang buong pizza ngunit pinigilan ito ni Zephaniah. Tumango naman ito at hindi na lang nilagyan ang lahat.

"Nath, dapat pala lagi kayong sumabay sa amin para nanlilibre itong si Kyovee!" Ani Varen.

"Tss! Gustong gusto mo naman kasi kasama si Kelsey." Ngayon ay si Kyovee naman ang nang-asar.

Napangisi si Varen at nag-iwas ng tingin. God, why does he look cute when he's shy?

"Varen, you're blushing!" Dagdag pa ni Nathalie.

I glanced at Varen. He's still as pale as ever. Hindi naman siya namumula! Pero mukhang nahihiya pa rin. Pinigilan ko ang pagngisi ko.

"Bat hindi ka makatingin ng diretso? Man up Var! Hindi kita pinalaking ganiyan. Asan na mga itinuro ko sayo?" Humagalpak si Kyovee.

"Wala kang naiturong mabuti sa akin Kyovee. I wouldn't use your ways with Kelsey."

Kapwa kami natigilan nang biglang umubo ng pagkalakas lakas ang kanina pa tahimik na si Zephaniah.

"Zeph? Ayos ka lang? Nasamid ka ba?" Inabutan siya ni Kyovee ng tubig ngunit hindi naman nito tinanggap.

Pinanatili niya ang madilim niyang ekspresyon bago muling kumain.

"Asan nga pala si Sage?" Biglang tanong ni Kyovee.

"Bakit hindi mo siya sinama? Ikaw lang ang walang kapartner dito oh."

"Hindi na natin nakakasama girlfriend mo ah. Sobrang busy na ba?"

Hindi ko alam kung insensitive ba si Kyovee o hindi lang talaga siya natatakot sa masasamang tingin na kanina pa ipinupukol sa kaniya ni Zephaniah. He's obviously pissed.

"She's probabaly busy with modeling." Sagot ni Varen upang matahimik na si Kyovee.

"Sa bagay. Habang busy siya, bakit hindi ka muna maghanap ng iba Zeph?"

Sinaway agad ito ni Nathalie at hinampas sa braso. Natawa lang si Kyovee.

"Loyal yan si Zeph." Ani Varen.

"Oo nga. Wag mong itulad sayo." Segunda naman ni Nathalie.

"Okay okay. I give up. I'm just suggesting..." inangat ni Kyovee ang parehong kamay sa ere habang hindi pa rin naaalis ang mapanuksong ngiti. 
Wala pa ring imik si Zephaniah habang tamad na kumakain ng fries.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza. Wala nga lang iyong hot sauce dahil tingil ni Kyovee ang paglalagay roon.

"Pahingi ng hot sauce." Sabi ka sa kung sino man ang mayroon.

Nakita ko ang pagpulot ni Zephaniah sa isang sachet ng hot sauce sa harap niya. Inilahad niya ang kaniyang kamay at mukhang iaabot iyon sa akin.

"Kelsey ito." Ngunit nauna ng inilapag ni Varen ang isa sa harap ko.

Narinig ko ang pagtikhim ni Kyovee na pinipigilan ang pagtawa. He might have seen what happened.

"Uy Zeph, akala ko ba ayaw mo ng hot sauce?" He asked sarcastically. Pag-angat ko ng tingin ay nilalagyan na ni Zephaniah ng hot sauce ang kaniyang pizza.

"Kailan ko sinabi?" Patay malisya nitong tanong gamit ang malalamig niyang mga mata.

As for me, I didn't try to speak anymore. I let them converse while I diverted my attention to the food infront of me.

"Kelsey, sabay ka na sakin." Pagkatapos ng klase ay sinalubong nanaman ako ni Varen. Tuwing uwian ay lagi siyang nagihihintay sa labas ng classroom namin at inaalok akong sumabay sa kaniya though I am persistently denying his offer.

"May pupuntahan pa ako Var." I said honestly.

"Saan? Samahan na kita."

"Wag na. Sa NBS lang naman. I just need to buy some things."

Pupunta kasi akong bookstore para mamili ng ilang gamit para sa gagawin kong portfolio at report.

"Sakto! Pupunta din ako dun. May bibilhin ako." He said with a wide grin. I wonder if he's actually going to buy something or this is just his another stunt.

"Really?"

"Yup." Tumango tango siya. Natawa na lang ako. He's really persistent.

"Okay then. Magpapaalam lang ako kay Nathalie."

"Sure."

Muli akong pumasok sa classroom. Naroon pa si Nathalie at kausap ang ilang kagrupo niya para sa isang activity. Tinapik ko ang balikat niya upang kuhanin ang atensyon niya.

"Nath, mauna na ako. Sasabay ako kay Varen." Nagliwanag ang mukha niya sa tinuran ko.

"Talaga? Omg finally! May pupuntahan ba kayo? Lovelife potential na ba ito?"

"May bibilhin lang kami sa NBS tapos uuwi na rin."

"Sige sige. Go! Bye!" Excited niya akong itinulak palayo na para bang ibinubugaw ako kay Varen. Natawa na lang ko.

Sa back door ko naisipang dumaan. Naglalakad pa lang ako sa may huling row ng mga upuan nang bigla akong matalisod. Someone intentionally tripped me! Muntik na akong masubsob ngunit maagap niya ring sinalo ang kamay ko.

Seriously?! Iritado akong nag-angat ng tingin sa kung sino mang naisipang pagtripan ako.

Namilog ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang perpektong mukha ni Zephaniah. Hawak niya pa rin ang kamay ko at matalim akong pinagmasdan.

Nang makabawi ako sa pagkabigla ay tumuwid ako ng tayo at binawi ang kamay ko.

"Anong problema mo?" I asked annoyed. I don't know how I managed to raise my voice despite his peircing eyes.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi."

I was about to walk past him but he immediately held me back.

"Uuwi? Hindi iyon ang narinig ko." Mariin niyang saad. Napahinto ako, hindi maintindihan kung bakit bakas ang iritasyon sa kaniyang boses.

"Going out with Varen?" He said with emphasis, making the veins in his neck appear. Sarcasm was also evident in his tone.

"Nakikinig ka sa amin ni Nathalie?" I asked unbelievingly.

"Sasama ka sa akin sa library. Gagawa tayo ng report." We have a report together in English, pero next week pa iyon ippresent!

"Next week pa naman iyon--" muli ko sana siyang lalagpasan ngunit hinila niya ulit ako pabalik. Hindi niya pinakawalan ang braso ko nang sinubukan kong bawiin iyon.

"Zeph, bitawan mo ako." Pinaglakbay ko ang mga mata ko sa paligid. Naiilang na ako dahil baka mapansin na kami ng ilan naming kaklase at magtaka sila.

"Let's go." He started dragging me with him but I immediately stopped.

"Zeph, bukas na lang natin gawin iyong report."

I dont want to reject Varen again. Ilang beses ko nang tinatanggihan ang alok niya. It would be rude to leave him hanging after finally agreeing.

Nag-igting ang kaniyang panga at saglit na gumuhit ang galit sa kaniyang mga mata. Marahas na binitawan niya ang kamay ko.

"Fine. Be home at 8:00."

"What? At bakit naman?"

"Tatawagan kita. I'll ask you some details about our report."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kating kati siyang gawin iyong report namin.

"Tatawagan kita at exactly 8:00."

Really? 7:30 ang uwian namin. Saan aabot ang 8:00 o clock niya? Mas strikto pa siya sa mama ko. 

"9:00." Tawad ko.

"8:30." He said firmly. I sighed. Pumayag na lang ako para matapos na.

"Fine!" I said before quickly making my way to the door.

Varen was leaning on the balcony of our hallway. The subtle breeze was messing his dark hair. Lumapit agad ito sa akin nang makita ako.

"Let's go?" Tumango ako at sumunod na sa kaniya.

Pagdating sa bookstore ay namili ako ng cartolina, marker, colored paper, stabilo at mga pangdesign sa portfolio.

"Akala ko ba may bibilhin ka?" Tanong ko kay Varen nang pumipila na kami sa counter.

"Oo nga. Eto oh." Pinakita niya sa akin ang isang pirasong ballpen.

After the bookstore, we went to eat dinner at BonChon because I mentioned how much I love korean food. I just wanted to head home but Varen insisted to eat first.

"Magkakasundo pala kayo ni Jaewon.." he said after munching his food.

"kapag kasama namin iyon, puro Korean food ang nirerequest niyang kainin."

"Bakit nga parang hindi niyo siya laging nakakasama?"

Hindi ko na kasi ito laging nakikita, maliban na lang sa gig nila.

"He's a lazy ass. Pumapasok lang sa school kapag gusto niya."

"Oh.. kaya pala."

"Why? Gusto mo ba siya?" Muntik akong masamid sa tanong na iyon ni Varen. I quickly grabbed a tissue to cover my mouth.

"Hindi. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala lang. Mahilig ka kasi sa kdrama kaya akala ko type mo siya since half korean siya."

Well, I do like chinito and korean looking guys. But I'm not really attracted to Jaewon. Maybe because from the very start I'm already attracted to someone else.

"That's good then. I don't want to be his competent."

I raised my head to look at him. He was giving me a serious yet soft stare.

"Competent...?"

"I like you Kelsey. If that's not yet obvious." Natawa ito ng mahina bago saglit na nagbawi ng tingin.

My heart felt warm. I swallowed hard. I am not naive nor insensitive. Everytime he can't look me in the eyes, everytime he makes way to make simple efforts, I knew it. His actions, his gestures, they scream sincerity.

"Sometimes I'm thinking you don't like me back." There was a hint of sadness in his voice. I felt guilty.

"Lagi mo kasi akong tinatanggihan." Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan niya bago umiling.

"It's because I don't want to waste your efforts. I don't want to give you false hopes."

Sinalubong ko ang mga mata niyang nababalot ng curiosidad. Nagpatuloy ako sa isang marahang tinig. As much as possible, I don't want to sound harsh. He's a nice guy. Hurting him would never be my intention.

"You can't like me Var. Masasayang lang ang oras mo sa akin dahil ayoko naman ng relasyon. You dont need to shower me with efforts because I can't offer anything in return."

"I can wait..." he uttered softly. I firmly shook my head. He can't wait. There's nothing to wait for.

"I just don't really want relationships. Ever. Nothing can change that."

"What? Why? Ayaw mo ng committment? Are you a player? Let's just have a fling then." Nagpapanic niyang saad, hindi alam kung paano ako iintindihin o kukumbinsihin.

"I-I have issues, okay?"

"Sabihin mo sa akin. Maiintindihan ko."

Lalong bumigat ang loob ko. I hate to break my walls down. I hate to let anyone in. But I think it's not a harm to tell him since he's Varen. Varen with the purest heart and warmest smile.

"I'm a product of failed marriage Var. Watching my parents grew out of love and hurt each other, I promised I wouldn't let myself get hurt that way."

Nagsusumigaw ng pag-unawa ang maamo niyang mga mata. He clenched his jaw before he nodded.
Ang buong akala ko ay muli niyang kukumbinsihin na magbago ang isip ko.

"It's okay.." sa halip ay ginulo niya lang ang buhok ko.

"Let's just be friends then. Should I call you girl friend?" He chuckled. Samantalang nanatili akong naguguluhan sa reaksyon niya.

"Uy Kels, sorry I opened up that topic. I know it's personal to you. Wag ka nang nagdrama dyan!" He leaned forward and watched my face.

"Don't feel sad okay?" He said. And I thought he's the one who's going to feel sad! He ended up comforting me.

"Hindi naman kita papakasalan Kels." Humalakhak ito.

"Dont overthink okay? I'm not going to hurt you like how you parents ended up hurting each other."

Nagulat ako nang bigla niyang tinusok ng chop stick ang ilong ko.

"Var!" Pinunasan ko ang naiwang sauce sa ilong ko. Napailing ako bago nahawa sa hagikhik niya. I thought our situation would end up awkward but it still ended light and fun, thanks to him.

We were walking out the restaurant when Varen's phone rang.

"Hello? Ma?"

"Po? Okay. I'll be home immediately." Napansin ko ang pagkabahala niya nang maibaba ang tawag.

"Who's that?"

"My mom. Bigla kasing dumating iyong lolo ko. There was a sudden family dinner. We need to be there immediately."

"Then go."

"Nope. Ihahatid muna kita."

"Var, seriously. Magcocommute na lang ako."

Nakita ko ang kaniyang hesitasyon bago marahas na sinuklay ang kaniyang buhok.

"Sigurado ka?"

"Yup. I'll be fine. Traffic on the way sa amin, baka malate ka pa sa dinner ninyo. Mauna ka na."

Hinintay muna ni Varen na makasakay ako ng bus bago ito nagpaalam. Kumaway ako mula sa bintana noon. I took a nap the entire ride since the traffic was heavy.

Pagbaba ko sa bus stop ay nagsalubong ang kilay ko nang mamataan ang isang pamilyar na bulto sa waiting shed. Naglakad pa ako papalapit. Linubayan ako ng antok nang mapagtanto kung sino iyon.

His face was covered in shadows but his intense dark eyes shot fires in my heart.

"Zeph?"

My mind was instantly bombarded with questions. Why is he standing in the bus stop near our house? Nakatira ba siya malapit rito?

Humakbang siya papalapit sa akin. Madilim ngunit ang presensiya niya ay sapat na upang pakabahin ako ng husto.

"It's 10:00 pm already Kelsey. Kababae mong tao at umuuwi ka ng ganito kagabi?"

I was taken aback when I sensed deep anger in his voice. My heart pounded crazily.

"I'm sorry okay? If this was about the report, ako na ang gagawa."

Hindi siya nagsalita. Ang marahas niyang paghinga ang tanging naririnig ko.

"Bakit ka nga pala narito? Malapit ba dito ang bahay niyo?" Nagawa kong sambitin sa kabila ng nanginginig na tinig.

Umiling ito. His jaw clenched before he swallowed hard.

"I waited for you."

My eyes instantly widened. Nanuyo ang lalamunan ko at nahigit ko ang hininga ko. Stunned and also perplexed, my senses seemed to leave me.

A lot of questions ran through my mind. The usual questions everytime he acts strange towards me. Why did he wait for me? Is this one of his games? Is he bored? Why would he, a person who doesn't give a fck with the world around him, give me his fcking attention?

Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko ngunit walang namutawi sa bibig ko.

"Just.. go home." Sa huling salita ay napaos ang tinig niya.

Hindi na ako sumagot. Linagpasan ko siya at pumunta sa terminal ng tricycle pauwi sa amin. My heart still untamed until I got home.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status