Share

CHAPTER 4

"Kamusta ang eskuwela?" bungad ni mama pagkauwi ko.

Bukas na ang alis namin papuntang Batangas kaya after ng klase ko ay umuwi na agad ako sa bahay. Gabi na, gusto ko na magpahinga.

"Buti pa 'yong eskuwela kinamusta mo, ako hindi."

Natatawa si papa sa gilid. Mana kaya ako sa kaniya. He could effortlessly make you laugh.

"Pilosopo ka, ha!" She pinched my leg.

"Ouch! Okay lang. Mukha namang ayos lang. Hindi lang ako sure sa Chemistry dahil tagilid ako sa unang quiz. Absent pa ako sa Friday kaya ewan ko. Mukhang okay lang siguro, mama," I sarcastically said.

Bakit ba kasi kailangan pang sumama ako? Hindi naman ako importante. Magpapayabangan lang naman sila roon ng pera. Nakakaumay.

"Kaya mo 'yan, Bella."

Lagi niya sa aking sinasabi 'yan, what if hindi? Hindi naman ako sobrang talino. Consistent honor student ako simula elementary, pero ibang-iba ang college.

Nagdaan ang Biyernes, na-enjoy ko naman ang beach outing. Pwera lang sa tanong ng mga kamag-anak ko kung may boyfriend na raw ba ako. Excited ba sila o ano? Taon-taon na lang. Wala pa nga sabi. Ang kulit.

"Belle, you just missed the 20 points seatwork," balita ni Les. "But it's fine. Seatwork lang naman."

Anong seatwork lang? Mahalaga kaya bawat puntos! Patay talaga ako nito. I need to exert more efforts pagbalik ko.

"Fudge! I really need to catch up."

"Enjoy ka muna diyan. Balitaan kita bukas sa Physics."

Stable naman ang mga activity ko sa Physics kaya hindi ako nag-aalala. Chemistry lang talaga. At hindi ko ma-enjoy itong bakasyon dahil sa sinabi niya.

"Thanks. Pahiram ako ng notes mo, ah?"

"No problem! Enjoy. 'Yong pasalubong ko pala," pahabol niya.

Masaya naman ngayong araw. Maganda ang beach rito sa Batangas. Fine white sand and crystal clear water. Sponsor yata ng mga kamag-anak ni papa. May mga pera kasi kaya afford ang kung ano pa man.

As usual, nagpapayabangan sila ng mga properties, money and all. Tahimik ang pamilya ko sa ganiyan dahil wala naman kaming maipagmamalaki.

"Kumain ka diyan nang mabuti para magkalaman ka naman," sabi ni tita Eli.

I'm so petite. I don't know why. Malakas naman akong kumain. Lahat talaga napapansin nila sa akin. Susme, gusto ko na umuwi.

"Nakaka-stress ba ang pag-aaral?" usisa naman ni tita Lena.

"Medyo po," tipid kong sagot.

I'm really not interested sa ganitong social gatherings. I just feel like people do not really care about me, they are just curious.

"'Wag ka muna magbo-boyfriend," bilin ni tita Eli.

As if namang may nagkakagusto sa akin. Susme, ang chaka ko kaya gaya ng sabi ng anak niyang si ate Jeni. Pero ano bang paki ko?

Mabuti na lang at mabilis lumipas ang mga araw para sa akin. Hindi ako gaanong close sa relatives ni papa. Hindi ko naman kaedaran ang mga pinsan ko. Kami yata ni James ang pinakabata sa magpipinsan sa side ni papa.

"Nag-enjoy ka, James?" tanong ko.

Pansin ko kasing lagi siyang nakatingin sa cellphone niya. Gaya ko, hindi rin siya interesado sa ganito.

"Medyo," suplado niyang sagot habang nakatutok sa cellphone.

Hindi talaga siya nakakausap nang maayos. Napakasungit na bata kaya ang sarap niya inisin.

"May girlfriend ka na ba?"

Sa gulat niya sa tanong ko ay nabagsak ang phone niya. Napangisi na lang ako sa reaksyon niya.

"Pinagsasabi mo?"

"Hoy, umayos ka! Aalis ka rin dito at sa Bulacan ka na titira next month! Saka Grade 7 ka pa lang!"

Inis siyang umakyat sa kwarto niya. Ang bata na 'yon talaga. Humanda siya kay mama. Isusumbong ko siya.

Time flies so fast. Malapit na ang finals. Parang kailan lang nagmamaktol pa ako sa init ng paligid. Wala man lang aircon. May electric fan nga, sira naman. Hindi ako nagrereklamo. Masama bang maghangad ng maayos at well-maintenanced facilities?

Medyo busy na rin ngayon dahil March na. May kaniya-kaniyang pasabog ang bawat prof namin. Tinatambakan na kami ng mga gawain. Kabi-kabilaan na rin ang mga exams at recitations.

"Nahihilo ako sa 'yo!" inis na sabi ni Les.

Ngayon na kasi ang ang reporting ng grupo ko sa Surveying. Pinapraktis ko kung paano maid-deliver nang maayos ang mga sasabihin. There's no room for mistakes here. Kailangan kong galingan para magpa-impress kay Sir.

"I need to rehearse. Ayaw ko namang mapahiya kay Sir," I said as I sat down. "Dapat galingan ko da—"

"As if namang papasok si Sir. Duh, wala nga siya kapag may reporting," sabay irap niya.

Right. Oo nga naman. Why am I expecting him? Lagi nga pala siyang wala. Bahala siya sa buhay niya.

"Okay na 'yong mga sinabi mo kanina. Magaling ka magpaliwanag at marunong ka magdala ng grupo kaya it'll be fine," she assured.

Naligo si Les habang ako naman ay nagkakalikot sa laptop. Biglang nangati ang kamay ko at tinipa ang pangalan niya sa Facebook.

Got it!

I stalked him and checked the girls who commented on his posts. Mukhang okay naman siya. May sense of humor din.

Eliza Martinez: Ang sungit mo kasi, pogi.

I checked her account and— OMG! Ito 'yong girl na kasama niya last time! She must be his girl.

"Belle, I'm done!" Dumungaw siya sa siwang ng pinto ng kwarto ko. "Are you still rehearsing? That's enough. You're all good. Get up!"

So her name is Eliza Martinez. How lucky.

Pagdating ko sa room, nag-aayos na ang grupo ko para sa presentation. Maya-maya lang ay nag-umpisa na kami kahit wala si Sir. Mukhang wala talaga siyang balak pumasok.

It was my turn to present nang biglang bumukas ang pinto. Nabitawan ko pa ang librong binabasa ko kanina.

Oh, what?

"Sorry, I'm late. Proceed, Ms.?"

"Engracia, Sir," simpleng sagot ko.

Nagpatuloy ako sa presentasyon. Kinakabahan ako dahil minsan ay kumukunot ang noo ni Sir sa sinasabi ko.

May mali ba, baby boy?

Masalimuot na computations kasi ang mga napunta sa amin. Mahirap na magkamali sa field na 'to. Buhay ang kapalit kaya naman sineseryoso dapat. Hindi pwedeng may discrepancy, dapat laging accurate.

"This is the observed bearing of BA which is 30 degrees North..."

Dami ko pang paliwanag. Madali lang naman kung talagang aaralin, pero ang hirap i-deliver nang malinaw. Napakahirap nito. Kahit ako noong una ay hindi ko naintindihan. Nakakadugo ng utak.

"And that's all. Any questions?" I asked.

Umiling sila pero sure akong may hindi sila naintindihan sa parte ng report namin. Parang may invisible na question mark sa noo nila. Ayaw na lang din nilang pahabain dahil gabi na rin. Gusto na umuwi ng mga 'yan.

"Very good, Ms. Engracia and to your group."

Nag-discuss pa siya ng ilang mga bagay. He clarified some things and mentioned the ones that we forgot to include.

"Gusto ko na umuwi. Palong-palo talaga si Sir mag-discuss," reklamo ni Jes.

Alas-otso y media na kasi at mukhang sasagarin niya talaga hanggang alas-nuebe.

"Okay lang. Hindi naman na rush hour pag-uwi," sabi ni Arnold.

"Prepare yourselves for next meeting. We'll have our finals that includes all, as in from the top. Study hard and smart. Is that clear? If yes, you may go now."

Fudge! Ang dami naman. Grabe talaga 'to! 

Nagtayuan na ang mga kaklase ko pero nakaupo pa rin ako at nakatingin kay Sir Cy. May balak akong itanong. Hindi ako mapakali, eh.

"Hoy, tara na. Baka matunaw 'yan!" tukso ni Les. 

"Una ka na, magluluto ka pa. I need to clarify something," I replied immediately.

"Like what?" tanong niya pero tumingin lang ako sa kaniya. "Whatever," she said before she stormed out.

"Yes?" puna ni Sir.

Lumapit ako sa kaniya. "I did great, right?"

His forehead creased at my sudden question but never the less answered, "I guess?"

"You guess?"

"Yeah," he answered like it was the most stupid question that ever asked to him.

Lumabas ako dahil mukhang wala naman akong mapapala sa kaniya. Gusto ko lang naman malaman kung magaling ba ako sa paningin niya.

"Akala ko magtatagal ka pa?"

"Lesliana, nagtanong lang naman ako sa kaniya kung magaling ba ang ginawa ko, he just answered me, 'I guess'. Stupid." pagmamaktol ko.

Natatawang inakbayan ako ni Les. "Ikaw ang stupid. Bakit mo naman naisip itanong 'yon?"

"Stop laughing!"

Pero hindi pa rin siya tumigil. Tiningnan niya pa ako na parang tangang-tanga siya sa akin.

"I can't help, stupid."

"Tara na nga!" Nagmartsa na ako palabas ng building.

"Seryoso, ang lakas ng loob mo. Ganoon mo siya kagusto?" kuryoso niyang tanong.

"I don't know. Well—I'm stupid."

"That was stupid, really... and lame." Tawa pa rin siya nang tawa hanggang sa makarating kami sa apartment. "Magluluto lang ako. 'Wag ka na malungkot."

Dumiretso na lang ako sa kwarto at nagmukmok.

I guess? That's not the answer to my question, baby! Dapat magaling ako sa paningin mo, hmp! That was indeed stupid and lame.

But anyway, next time na lang ulit. Babawian ko siya. Sisiguraduhin kong mamahalin niya ako. Pero paano?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status