Share

CHAPTER 7

"Engracia?" tanong ni Sir habang nakatingin sa index card.

Hala, may recitation ba? Bakit hindi ko alam? Wala man lang nagsabi sa akin?

Kinakabahan akong tumayo. "Yes, Sir?"

Bakit hindi man lang siya nagsabi? Grabe naman. I'm not prepared. Ayaw ko pa namang bumagsak. Ilalaban ako sa giyera na wala akong dalang sandata.

Sir naman.

"You can do it. 'Wag ka kabahan," sabi ni Les na nasa tabi ko lang.

Sinong hindi kakabahan dito? Susme, parang lalabas na sa dibdib ang puso ko. Ano na lang ang isasagot ko? Baka magkalat lang ako.

"Relax. Hindi ka makakasagot kung kabado ka," bulong niya.

"What is more flexible? Cast iron pipes or PVC? And why?" tanong ni Sir habang nakatitig sa mga mata ko.

Tumitig din ako. Hindi ako papatalo kaso ang hirap ng tanong pero sigurado naman akong nabasa ko 'yon. Kahit papaano, may tumatak sa isip ko.

Bakit ganiyan ka, Sir?

Mahigpit kong piniga ang laylayan ng denim short ko. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Uhm, according to what I've read, PVC is more flexible than cast iron," I recalled. "...which is heat resistant. Though it is brittle, it may break when strong trauma is applied. However, PVC can stand such forces without even breaking," I proudly said kahit kabang-kaba ako.

Hindi ako mapakali dahil hindi rin ako sigurado sa sinasabi ko. Mabuti na lang na-retain sa utak ko ang itsura ng PVC pipe at cast iron na sinasabi niya.

"Is that all, Ms. Engracia?" kunot-noong tanong niya.

Hindi ka pa satisfied sa paliwanag ko? Dami na noon, ah? Wala bang sense?

"T-thus, cast iron pipes may have rusty and becomes breakable as time passed. That explains why PVC is more flexible than cast iron," dugtong ko.

"Okay," he simply said. "Marco."

"Sir," sabi ni Arnold na halatang ready.

At dahil nakapagbasa na sila, mas handa sila kaysa sa akin. Minsan na lang talaga mabunot, sa recitation pa. Noong college week, hindi man lang ako nabunot sa kahit anong raffle. Ang malas. Pero kapag sa recit, unang bunot pa lang, ako na agad.

Nag-thumbs up si Joy sa 'kin. "Galing mo," bulong niya.

"Hindi nga ako sure sa sagot ko, eh," nakasimangot kong sabi.

"Tama ka. Nabasa ko 'yan kanina," sabat  ni Les.

"Bakit hindi mo sinabing may recitation?" inis kong tanong.

"Duh, I don't know either. Nag-advance study lang ako," she answered. "Puro kain kasi nasa isip mo."

Oo nga pala. Masipag nga pala siya mag-aral. Makikita mo sa apartment nagbabasa sa sofa. Past time niya na talaga ang mag-aral, samantalang ako, sa sobrang stressed, puro pagkain lang ang inatupag ko nitong mga nagdaang linggo.

Napasimangot ako kasi hindi ko alam kung paano sipagin ng kagaya sa kaniya. "Paano ka ba sinisipag?"

"Nakakapagbasa ka nga ng mga libro ni Nicholas Sparks, tapos 'yong notes mong isang page lang, hindi mo pa matapos," mahabang litanya niya. "Tamad."

"Che! Iba naman ang novel–"

"Shh, hindi pa ako natatawag," sabay harang ng libro sa mukha ko. "Tahimik."

Hindi ko na lang siya ginulo. Baka magalit kapag hindi nakasagot, eh. Iyakin pa naman 'to. Pero buti grade conscious siya, nakakadamay ako sa pag-asenso.

Tulala lang ako buong oras kasi ako unang natawag. Pinanood ko lang kung paano sila kabahan. Wala na akong interes sa mga sagot nila, dahil inaantok na 'ko. Grabe, gusto ko na umuwi. Ayaw ko talaga sa night class. Nakakawala ng ganda.

"Ok, next meeting will be our last meeting. Final exam niyo kaya pumasok kayo. Class dismiss," sabi ni Sir at nauna pang lumabas.

"Okay naman ang recit ko kanina, 'di ba?"

Kita mo 'tong hangal na 'to. Nakapagbasa na't lahat, hindi pa na-satisfy. Ako nga nanghula lang ng sagot, eh. Ayaw ko na ring pag-usapan kung anong nangyari para hindi ako mabaliw kaiisip.

"Lahat naman ng sinabi mo ay tama," sabi ni Callie sa kaniya. "Okay na okay, Les."

"Nakalimutan ko 'yong sa size ng tubo," sabi ni Joy.

"Okay lang 'yan. Bawi sa exam," sabat si Jes bago nagpaalam na uuwi na.

Dumiretso na rin kami sa apartment. Buti na lang at nagluto na kami kanina. Bukas ng umaga na lang ako magr-review para sa Chem. Kumain lang kami at natulog na ako, si Les—'yon, subsob sa libro!

Isang linggo na lang naman at end of semester na. Kaunting kembot na lang talaga, makakatulog na ako nang mapayapa—tipong walang pag-aalala kung maipapasa mo ba ang exam o hindi.

Sa college kasi, hindi pwede ang pwede na. Dapat pwede pa! Kung lagi kang tatamarin at mangongopya, hindi ka matututo.

"Balitaan ko na lang kayo kung sinong magre-remedial at hindi. Goodbye, engineers," paalam ni Sir at lumabas na.

Hell, ang hirap ng exam! Buti na lang pasado ako sa dalawa. Potek, bakit ba kasi hindi ako nagising sa alarm? Nasabi ko na bang ang malas ko kapag may exam sa Chem?

"Mukhang babagsak ako," sabi ni Callie. "I can't! Magagalit si mommy."

Pareho kami ng standing. Hindi namin naipasa ang una kaya ewan ko na lang talaga. Kung saan man galing ang mga nakalagay sa exam ni Sir, wala kaming ideya.

"Think positive. Papasa tayo!" pagc-cheer si Les.

Palibhasa kasi stable siya sa lahat. Naku naman! Ang malas ko talaga lagi kapag may exam. Lagi akong pumapalpak. Ano bang Chemistry 'to? May galit yata sa akin.

"Ikaw, Belle Amethyst, tulog pa more," asar niya habang paalis kami ng room.

"Belle, gising na. May exam pa tayo ngayon," tawag ni Les habang kumakatok. 

Dali-dali akong bumangon at tiningnan ang oras. Alas-siete na. Hala, 7:30 ang klase. Chem pa naman 'yon. Pasado ako sa nakaraang exam at dapat maipasa ko rin itong ngayon. Dahil kung hindi, paniguradong lagapak ako.

Dumiretso na agad ako sa banyo at mabilisang naligo. Mukhang kakapusin ako sa oras. Bagal ko pa naman kumilos.

"Kumain ka muna bago tayo umalis." Nakaupo siya sa sofa habang nagbabasa ng notes. "R-review-hin kita habang kumakain. Mal-late daw si Sir. Baka alas-otso y media na raw makarating."

"Buti naman. Umpisahan mo na," atat kong sabi.

Kumakain ako habang siya naman ay nagtatanong ng kung anu-ano. Sinasagot ko naman nang maayos.

"Ito namang mga formulas. I-breakdown natin," sabi niya habang nagsusulat. "Kapag ang delta G is at standard condition, anong formula ang gagamitin?"

"AGAHTAS!" nae-excite kong sabi. Iyon lang alam ko, eh. "Which means delta G system is equal to delta H system minus temperature times delta S system."

"How to get delta H system?"

Nag-isip ako pero hindi ko matandaan talaga, kaya naman ipinaliwanag niya. Nakuha ko naman agad. Dami kasing pasikot-sikot.

"Delta H system is greater than zero, spontaneous or not?"

"Non-spontaneous," I replied.

"Mukha namang ok ka na. Tara na," sabi niya at nauna nang lumabas. "Kailangan mo lang tandaan 'yong mga formulas. Importante ring alam mo ang pasikot-sikot," paalala niya.

"Yes, ma."

Nadaanan namin ang mga nag-iiyakang accountancy students sa hallway habang pababa kami ng building. Nagmistulang punerarya and paligid. Hindi siguro nakaabot sa retention. Wala pa namang awang nagaganap sa university na ito, kaya nakakaiyak talaga. Kapag bagsak ka, bagsak ka talaga. No mercy. Shift course ka na lang kung gusto mong manatili.

"You did great!"

"Kulang ako sa aral. No need to justify my fault," sabi ko kay Les dahil binili niya ako ng ice cream. "Makakapasa naman siguro ako. Kahit tres lang sana.

"That's for sure! Pero sayang latin honor kung tres."

"Bahala na. Basta makapasa, ayos na 'yon." Ayos lang iyon.

"Kainin mo na 'yang favorite mong cookies na may ice cream tapos mag-aaral tayo dahil final exam sa Surveying mamaya," sabi niya habang naglalabas ng gamit.

Mabilis na nagbago ang timpla ko. Na-excite ako bigla. Makikita ko na naman si Sir! Kinikilig na agad ako. Inspired ako kaya masaya akong nag-aral. Dapat ako ang highest dito. Pabida lang. Syempre para mapansin!

"Sakit sa mata!" reklamo ni Les sa tabi ko.

Nanatili lang ang mata ko sa libro at sa notes ko. Kailangan kong maintindihan lahat para hindi ako mangulelat. Kapag hindi matalino, edi daanin sa sipag!

"Belle, paano nga itong stadia distance?" tanong ni Joy.

"KS+C," sagot ko.

"Ano 'yon?"

Binalingan ko siya saka itinuro. "Itong interval im-multiply mo sa S—which is upper minus lower. Iyong product, add mo lang sa constant. Gets?"

"Gets!" nakangiti niyang sabi.

"Bago 'yan, ah?" puna ni Lesliana.

"Alin?"

"Aral na aral ka."

"Girl, hindi sapat ang ganda lang. Dapat may..." saka itinuro ang ulo.

"Nice—"

"Nandiyan na si Sir, guys!" sigaw ni Eric kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.

Ako naman tahimik lang na nakaupo habang nir-recall ang mga ni-review ko kanina. Confident naman akong maipapasa ko ito, nag-aral ako nang mabuti, eh.

"May I remind you, this will be your final exam. Galingan niyo dahil wala nang paraan para bumawi kung maibabagsak niyo man ito," sabi niya.

Nalungkot ako bigla. Last meeting na pala namin. Paano kaya 'yon? Hindi ko na siya makikita. Imbes na exam lang ang problemahin ko, dumagdag pa ito.

Sinagutan ko na lang ang mga tanong. Nahihilo na ako sa mga numero. Usually kasi kapag engineering, hindi na masyadong pinapansin ang mga terms. Pinagtutuunan talaga ng pansin ang formulas. Kung paano kunin ang ganito, paano kung ang ganiyan. Mahirap na mamali ng calculations, makakapatay ka ng tao. Sobrang halaga ng accuracy sa kursong ito.

"Last 30 minutes."

"Hala, Sir!"

"Naku naman."

"Ang hirap!"

Samu't saring reaksiyon ang natanggap ni Sir mula sa mga kaklase ko. Pero dahil nga snob siya, hindi niya kami pinansin. Tsk.

Ang hirap niya magpa-exam. Nakalimutan ko pa 'yong sa sag correction. Potek, ano ba namang buhay 'to? Nag-aral ka na't lahat, nakakalimutan mo pa rin. Nakaka-stress!

"Ok, get your notes. Last ten minutes," sabi niya na nagpakinang sa mga mata namin.

"Yooown!" sigaw ng mga kaklase ko habang maingay na naglalabas ng notes.

Tuwang tuwa ang mga gunggong. Syempre, ako rin. Buti naman at may awa pala siya. Mabilis kong hinalughog ang notes ko. Buti naman, natapos ko at nasagutan lahat.

"Time's up. Pass your papers to Ms. Engracia. You may now leave the room."

Ha? Ako? Bakit ako?

Kinalabit ako ni Les sabay sabing, "Hoy, babae, ikaw daw."

Napaawang ang labi ko. Magkahalong gulat at tuwa ang gumapang sa sistema ko. Kunot-noo ko lang na kinolekta ang mga papel nila.

"Congrats," sabi nila.

Parang mga tanga. Pero sige na nga, kinikilig ako. Syempre, hindi ako nagpahalata. Mahirap na. Ayaw kong magkalat at mapahiya.

Kami na lang ang tao sa room dahil nagsilabasan na ang lahat. Binulungan lang ako ni Les na mauuna na siya dahil mukhang may pag-uusapan pa raw kami ni Sir. Ano naman kaya 'yon? Siraulo.

"Sir," tawag ko sabay bigay ng mga papel. "Una na po ako," paalam ko.

"Sit down," utos niya kaya wala rin akong nagawa. Nag-check siya ng isang papel.

Clueless ang mukha ko habang nakatitig sa kaniya. "You need something, Sir?" lakas-loob kong usisa.

Ano namang kailangan mo sa 'kin? Duh. Pinakikilig mo na naman ako.

"Check the papers."

"Sige po," sabay kuha ng mga papel sa lamesa. "I'll give it to you next week, Sir, or e-mail ko na lang po?"

"Nah, last meeting na 'to. Do it right here, right now... in front of me," sabi niya at nag-check pa ng ibang papel.

Pinagpawisan ako nang malamig. Okay. Anong problema ng isang 'to? Bakit ako? Alam niya bang gusto ko siya kaya pinagbibigyan niya ako? 

Wala rin naman akong magagawa kaya nagsimula na ako. As if namang hindi ko ito gusto. Inaamin kong kinikilig din ako. Syempre, si Sir Cy 'yan! Kahit may chance na tumanggi, hindi ko tatanggihan. Palay na ang lumalapit. Choosy pa ba?

Busy siya sa pagc-check kaya kinuhanan ko siya ng pictures. Last meeting na 'to. Bigla tuloy akong nalungkot. Bagalan ko kaya mag-check para matagal kami rito?

"Sir, may girlfriend ka po ba?" tanong ko kasi ang tahimik namin.

Nakakabingi. Socially awkward pa naman ako. Madali akong mautal at maging clumsy kapag hindi ako komportable.

"Wala," simpleng sagot niya.

Halatang ayaw niya makipag-usap. Pero dahil nga makulit akong tao, tinatadtad ko siya ng tanong.

"Nice," bulong ko.

"What?" kunot-noong tanong niya.

"Po? Wala po talaga?" pagkukunwari ko, hindi nakatakas ang saya sa boses ko. "I mean, Sir, sa gwapo niyo pong 'yan, wala? Engineer pa tapos ayos naman ang katawan, matangkad, singkit, matangos ang ilong, kissable lips—" naputol ang sasabihin ko dahil nag-angat siya ng tingin.

"Kissable lips," he echoed.

"S-sir, ibig ko pong sabihin, ano... bakit wala?" nauutal kong tanong.

Susme, ano ba namang klaseng dila 'to? Matabil masyado. Nakakadisgrasya!

"Simply because I am my lola's baby boy," nakangiting sagot niya. "Bawal pa ako magka-girlfriend."

Ang gwapo! Susme, Sir, 'wag ka nga ngumiti.

"Sayang naman, Sir," madrama kong sabi.

"May boyfriend?"

Uy, interesado sa 'kin. Kinikilig na naman ako. Ang landi! Natutuwa ako sa takbo ng pag-uusap namin. Pakiramdam ko, may chance kami.

"Wala po since birth."

"Sa ganda mong 'yan?" he taunted.

"Wala nga po," sabay lagay ng buhok sa tainga ko. Ang pabebe pero nakakaaliw talaga.

Natawa lang siya. "Manliligaw?"

"Wala rin, Sir," I answered.

Tapos na akong mag-check pero ayaw ko pang magpaalam. Kung kailan huli na, saka pa kami nagkaroon ng conversation.

"What is it?" tanong niya.

Naramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kaniya, kaya dahan-dahan akong tumayo.

"Sir, tapos na po," saka inilapag sa mesa ang mga papel.

"Thank you," he politely said.

"Welcome po."

Nalungkot ako bigla dahil hindi na kami magkikita ulit. Sumabay na lang ako sa kaniya palabas. Ito na yata ang huling sandali.

Nakatitig lang siya sa akin kaya naghihintay ako ng sasabihin niya.

'Wag ka ngang ganiyan! Baka isama kita sa pag-uwi.

"See you around," sabi niya at saka umalis. Diretso ang lakad niya at walang lingon-lingon.

"Hanggang sa muli," mahinang sabi ko.

Hindi na rin siguro niya narinig dahil nakaalis na siya. Sana magkita ulit kami. By chance.

See you around, my prof.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status