Share

OWNING MY EX
OWNING MY EX
Author: Luna

PROLOGUE

I was flicking my pen and tapping it on the surface of my glass table. My eyes glances on my wall clock, checking it time-to-time.

"Amanda!" I almost jump when I heard someone screamed my name.

"Damn it Sabria! You almost gave me a heart attack, what is it?" Umayos ako ng upo at nilapag na ang pen sa gilid ng laptop ko.

"Guess what?"

"Oh quit it Sab?! Just tell me now!" Ngumisi siya sa akin bago naupo sa harapan ko.

"He's here!" Nakaramdam ako ng pagtataka at excitement.

"Are you sure?" I must make sure that he's really here. After 5 years of looking for him, it excites me to finally know that he's here.

"Yup! Kakahire niya lang as a college instructor sa Dastan." Kinagat ko ang dulo ng sign pen na nakuha ko na pala ulit kanina.

"A college instructor huh?" Tumayo ako at pinatong ulit ang pen sa table. Humarap ako sa glass wall ng gusali kung saan ko nakikita ang siyudad. Papalubog na ang araw, ganitong panahon rin ng mangyari 'yon.

"Ano ng plano mo?" I pursed my lips, seryoso akong nakatingin ngayon sa malayo.

"Gaya ng dating plano," Hindi magbabago ang plano ko noon at ngayon. Iisa lang, at hindi ko iyon papalitan ng panibago.

"You m-mean---" Nilingon ko si Sab, bago kinuha ang blazer ko't sinuot 'yon.

"I will get him back," Gagawin ko lahat para maging akin siya ulit, even if by force I will.

I am not selfless, I am not like everyone around me. Kung noon hinayaan ko siyang mawala sa akin dahil din sa akin mismo, ngayon hindi na ako makakapayag. Kukunin ko siya ulit, mamahalin niya ako ulit, iingatan niya ako ulit, gaya ng kung paano niya ako minahal at iningatan noon at sa kung paano niya pinagmalaking sakin lang siya.

Umuwi ako sa condo, I've checked my IG where I can always see his newest post and IG stories. Bihira siya mag post ng pictures niya, karamihan mga ginagawa niya lang, kinakain or iniinom.

I bit my nail upon seeing him preparing for his dinner. I've visit my account and post what's mine. Showing my tats on my wrist saying 'Still you'. Wala akong pakialam kung hindi niya 'yon makita.

I was busy stalking him, when Mav messaged me.

Mav:

Weeks from now is your birthday, any plans? Meast is asking me too...

Me:

Just a pool party will do.

I am not really into celebrating my birthday. Simula nung maghiwalay kami, nawalan na ako ng ganang mag celebrate ng birthday ko. Nalulungkot lang ako dahil noon, kasama ko siya sa bawat pagdagdag ng edad ko. He was always there, at kahit sa kwarto ko lang niya iseset up lahat sobrang saya ko na.

Tears escape my eyes remembering those times.

Nung ako pa 'yung kayakap niya, nung ako pa 'yung kasama niya, noon ako pa 'yung hawak niya...at nung ako pa 'yung babaeng mahal niya.

Now that he slipped away, I would use my love to pull him back and hold tighter than before. He still loves me, I know he won't be able to forget me that easy. Kahit limang taon, kahit ilang taon pa hindi niya ako basta basta makakalimutan.

I was trying to convince myself. Cause I will never accept that he's really over me now. I opened my laptop and emailed one of my friend to track his place. Wala pang isang oras ay nakareceive na ako ng email contains his unit's number, and address.

Iniwan kong nakabukas ang laptop at mabilis na nagshower bago nagbihis. There's still a time do some shits. Nagsuot ako ng isang red plain dress, hindi ako nagsuot ng heels dahil hindi ako komportable. I pony tailed my hair before getting my phone and wallet. Nang makalabas ng unit ko'y agad kong tinahak ang papunta sa address na nareceive.

Pagkababa ko sa building ay nakaramdam ako ng kaba. Kaba dahil sa ilang taon na hindi kami nagkita, alam ko may mga bagay na hindi talaga maiiwasang nagkaroong pagbabago. The guard greeted me and I simple nodded my head on him before heading my way through the elevator. Habang pataas ay mas ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko.

Get yourself together girl, you have to be strong. Hindi ka sumuko sa paghahanap sa kaniya, ngayong nahanap mo na---grab the chance to get him.

Matagal ko ng hinanda ang sarili ko, matagal ko ng inalis ang hiya ko. Nang sa ganun, magawa ko siyang harapin ng taas noo.

Pagkarating sa floor kung saan naroroon ang unit niya'y inayos ko muna ang sarili ko, bago huminga ng malalim at nagsimulang hanapin ang Unit number 206. Nang mahanap iyon ay tumayo ako saglit sa harapan at ng masigurong kaya ko na talaga, walang pagaalinlangan kong pinindot ang buzzer button.

It took him a while before I heard that 'click' sound, means the door lock was opened. Kasabay ng marahang pagbukas ng pinto ay ang dahan dahan kong pagkakita sa mukha niyang matagal kong hindi nakita.

Nang tuluyan nang magtama ang paningin namin, ay mabilis kong hinanap sa mga mata niya ang kahit katiting na emosyon na nais kong makita. Ngunit, bigo ako...wala akong makitang kahit anong emosyon.

"What do you want?" His voice, I missed it. I missed his soft hair against my fingers. I missed his softand addicting lips. Lahat ng tungkol sa kaniya.

"You, I want you." I can see how his jaw tightened.

"Leave now, I have no time for your games." Akmang isasara niya na iyon ng mabilis ko siyang pinigilan at mabilis na pumasok.

"Come on Luhennce, I am not here to argue with you."

"Get the hell out Amanda, there's no reason why you have to be here!" Mariin niyang sabi ngunit nagmatigas ako at hinarap siya.

"I just want us to talk, that's all. It's been 5 years since, Luhennce.

Don't tell me galit ka pa rin?"

"Exactly! Akala ko tanga ka na para hindi malamang limang taon na ang lumipas! 5 years Amanda! 5 years after what you did!" Bakas ang galit sa mga mata niya, wala akong makitang kahit konting saya at pagmamahal doon. He hates me, no he loath me.

"Now you're here!? Asking me to talk to you like there's nothing happened?! Na parang wala kang ginawa?!"

"I'm sorry, I'm so sorry Luhennce! Hinanap kita, to make it up to you pero hindi kita mahanap. I am just asking for a chance, let's talk please." I almost begged like a peasant.

"Stop acting like we are okay Amanda, cause we are not. I won't talk to you about it cause there's nothing else to talk about the past, Now get out!" Muli, hindi ako sumunod.

"No, I'll stay... If you're not okay, if we're not yet okay. I'll still keep on asking for another chance to make everything okay for us." Mas lalong nagngalit ang mga mata niya.

"I don't need you to make everything okay, cause it will never be! Now get out! Get the fuck out!" Galit na sabi niya at mabilis akong kinaladkad papalabas na parang gamit na siya rin niyang itinapon. I almost broke my face on the floor after what he did, tatayo palang sana ako para habulin siya ay malakas na niyang isinara ang pinto.

My lips trembled, tears escape my eyes and I was just stunned in front of his unit, for a moment.

Kumuyom ang kamao ko at pinunasan ang mata gamit ang braso, tahimik akong napahagulhol habang pilit na pinapawi ang mga luha still using my arm at nanatiling nakatayo sa harapan ng unit niya.

That's when my mind was flooded by memories, sa kung paano niya ako iningatan at hindi hinayaang masaktan. It was my fault after all, pero kahit na alam kong mali ako...mahal ko siya. And it's enough reason for me to still go on.

Bumalik rin isa isa sa alaala ko lahat ng sinabi niya,  nung panahon na umiyak siya sa harapan ko dahil sa sakit na naidulot ko.

"Mahal na mahal kita Amanda pero bakit mo ako ginago?"

"I can fucking do everything for you! I could even give up what I have just for you! Pero anong sinukli mo?! Dinurog mo ako!"

"I want to know?! I want to fucking know where did I've gine wrong?! Did I do something wrong?!  Saan ba ako nagkamali amanda?! Saan ba ako nagkulang para gaguhin mo ako ng ganito?! Hindi ba ako sapat?! Hindi pa ba ha?!"

"Time will come Amanda, malalaman mo rin kung sino at ano ang sinayang mo! At sa panahon na 'yun pinapangako ko sa'yo! Wala ka nang makikita at mararamdamang pagmamahal mula sa akin."

I cried harder, at kahit ulit ulitin ang panahon, hinding hindi ko babaguhin ang ginawa ko. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko at hinding hindi ko pagsisisihan 'yon! Pero masakit, sobrang sakit ng naging kapalit. I can't go on in life without him, sa loob ng mahabang panahon tinitiis ko lahat lahat! Pinag-aaralan ko kung paano masanay sa sakit dahil alam kong malayo na siya sa akin, at wala ng kasiguraduhan kung pipiliin niya paring bumalik. Pero kahit na ayaw na niya, hindi parin ako titigil.

I know this is not a game, but I will do everything to win and to own him again.

Hindi ako susuko, gagawin ko lahat, kahit na ikadurog ko, kahit na maubos ako.

I am Amanda, a known bitch and I love to manipulate other people's life and If I can't get him by begging...I'll took him by force, I'll make him dance in my hand until he fall for me again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status