Share

CHAPTER 2

Ilang linggo ang pinalipas kong hindi tinitigilan si Luhennce. I was planning to visit him today but...

"Amanda!" Nilingon ko si Meast ng tawagin niya ako.

"What is it?"

"Spy him..." May inabot ito sa akin na larawan na agad kong tinanggap ng hindi manlang iyon tinitingnan.

"What do you want to know?"

"His connection to Mia Vida."

"And who's Mia Vida?"

"Name of Organization, one of our target." Tumango ako at nagpaalam narin. Tiningnan ko saglit ang picture saka mabilis na umalis. 

I contacted August to track his location, siya lang kasi ang maaasahan kong mabilis na magawa 'yun, na hindi naman ako nabigo. Hindi ko tinantanan ang lalaking nakilala ko s Gregor Estamilla. Kahit saan ito pumunta ay naroroon ako, buong araw ay iyon ang trinabaho ko at naiinis ako dahil hindi ko mapuntahan si Luhennce. 

Alas sais ng pumasok ito sa isang bar kaya mabilis kong dinampot ang damit ko na nasa back seat at sinuot, inayusan ko rin ang sarili bago naglakad papasok. 

I can attract guys while walking confidently, but I am not here to flirt with them at kahit na wala akong pakay dito, wala akong lalandiin sa kanila dahil isang tao lang ang kaya kong landiin sa kahit anong paraan. 

Tinungo ko ang table malapit sa kung saan sila pumunta, I ordered light drinks...and pretend that I was just there to have fun. Maya maya ay tumabi ito sa akin.

"Hey, Alone?"

"Uhuh and you? Are you alone?"

"Well, just to have fun with my colleagues."

"I see," ngumisi ako palihim ng muli nanamang lumapit ang mukha niya sa tenga ko.

"I'm greg," Shit! Ayoko ng may lalaking ganito kalapit sa akin.

"Oh, I'm Gab."

"Fiesty, do you have a boyfriend?" Tumawa ako sa sinabi niya.

"Yet to come darling!" I answered before drinking again.

"Wanna go out?" Doon na ako napalingon sa kaniya at nakita ko sa mukha niya ang kagustuhan sa isang bagay na hindi magagawang gawin.

"I need to leave, I still have to attend on my own party." I winked at him before storming out that place. I've got enough informations, confirmed...connected siya sa Mia Vida. 'Yung mga kasamahan niya ay miyembro ng Mia Vida at kahit hindi man siya parte ng organisasyon ang katotohanan na konektado siya sa kanila ay sapat na. Nagmadali akong umalis, umuwi muna ako at nagpalit ng damit. Nagpasundo ako kay Clover na agad naman nitong ginawa. Pagkarating doon ay medyo kompleto na ang red society. I almost forgot that it's my birthday today. Kung hindi pinaalala ni Mavis kanina.

"Amanda! Bakit ang tagal mong dumating?!" Nilingon ko si Mav, na agad yumakap sa akin. Lahat ng napansin akonay binati ako at pinapasalamatan ko naman sila. I wonder where is Sab, ng makita ang babaeng nag-aasikaso ng mga pagkain ay napangiti ako.

"Sorry Mav, may pinagawa lang sa'kin 'yang magaling mong kapatid!" Nagpaalam agad ako sa kanila at nilapitan si sab.

"Ang sipag!"

"Natural beer day mo!" Natatawang sabi niya. Kumuha ako ng inumin at mabilis na uminom bago naupo sa isang bench malapit sa kaniya. 

"Hindi ko siya nakita ngayon."

"Gaga! Inaaraw araw mo naman!"

"Miss na miss ko siya eh."

"Miss ka ba?"

"Napakasama talaga nito."

"Ewan ko ba sa'yo, kung nung una okay pa sa'kin na ipagpatuloy mo, pero ngayon? Nakuh Amanda, please stop! 29 ka na...maybe you should let him go now and accept someone new."

"No, siya lang ang gusto ko." Magsasalita pa sana siya ng makita kong dumating si August. Kasama nito si Mitsuika kaya mabilis kong nilagok lahat ng laman ng beer at agad silang nilapitan.

I want to tease Mitsui, parang siya ang nagiging happy pill ko. Makita ko siyang naaasar sa'kin laking tuwa ko na. 

"August!" Mabilis kong pinulupot ang braso ko sa braso niya habang si Mitsui naman ay nahila na nila kiara at mav.

"Ano nanaman ba?!"

"Where's my gift?!"

"Nakalimutan ko!"

"Gago! Anong nakalimutan?! Hindi pwede 'yun! May gift nga sila sa'kin kahapon nila pinadala tapos ikaw?!"

"Oh sige padadalhan nalang kita ng isang buong lechon, sagot mo na apple."

"Tangina ka gusto mo ako ma high blood?! Sabihin mo lang kung gusto mo akong patayin!" Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Padala ko nalang bukas, naiwan ko sa bahay."

"Salamat!"

"Happy birthday," Ngumiti ako at niyakap ko siya at pinaalis narin. Wala akong kapatid kaya naman masaya akong nakilala ko si August.

Bumalik ako sa may kay sab at doon pinagpatuloy ang pag-iinom, binabati ako ng mga napapagawi roon na ngayon lang ako napansin, at pinapasalamatan ko naman sila.

Like what I've said, wala akong balak na magcelebrate ng birthday. Kahit nandito ako, I feel like I wasn't celebrating my birthday. This is just a party for me, na kung saan may inuman, kaininan at sayawaman. I didn't even brought a swimsuit, ang gusto ko lang magpakalunod sa alak sa isang sulok. 

"Hoy, tama na 'yan."

"Ano ka ba! Di ka pa ba sanay sa'kin?"

"Gusto mo na bang mamatay?"

"Matagal na akong patay." I murmured before drinking again. Hindi ko na mabilang kung ilan na ang nainom ko meron pa nga akong naubos na hard liquor. Nang ramdam ko ng tumatama na ang alak sa akin ay nagsimula na akong makihalubilo. 

"Ikaw amanda? Kelan mo balak magpakasal? Mavis and Meast have their family now..." Nawala ako sa mood bigla at ang tawa ko ay naging mapakla.

"Oh, not in my priority for now! Masaya pang maging malaya!" Tumawa ako ulit ngunit hindi maikakaila ang pait doon. 

Nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin lang pero ang totoo, gusto ko ng umuwi. 

Hindi na nga deretso ang lakad ko, at kahit ang paningin ko'y hindi na ganun kalinaw. 

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang taong hinihintay kong pakasalan ako. He's the only one I want. 

"Pick it up Luhennce, I miss you!"

"Amanda! Saan ka pupunta?!" Naibaba ko ang phone ko ng hindi alam kung sinagot ba iyon ni Luhennce o hindi dahil sa tumawag sakin.

"Uuwi na!"

"Anong uuwi na! Ipapahatid kita kay Clover o kay Meast! "

"Don't mind Sab! Kaya ko pa! Bye!"

"Amanda you're dunk!" 

"I can handle myself Sab! Let me go alone for now! I'll be okay I promise! Bye!" Muli akong kumaway sa kanya at gumegewang na naglakad lakad. 

Muntik muntikan na akong madapa habang tinatahak ang gilid ng kalsada. 

"This is my birthday? Is this really my birthday? You fool Amanda!" I laughed sarcastically before my breathing becomes harsh. Nang makalayo na ako ay saka ako unti-unting napahinto at pinagmasdan ang mga sasakyan na dumaraan.

"Luhennce...can you pick me up?" Tanong ko sa hangin at humigpit ang hawak sa wallet at phone na nasa kabilang kamay ko. I slowly took off my shoes at binitbit iyon bago bumuntong hininga at nagsimula nanamang maglakad. 

Habang papalayo, ay unti-unti akong nagsimulang kumanta...

I was singing 'happy birthday to me...' And humming it...hindi ko na namalayang bumubuhos na pala ang luha ko.

This is the date that we broke up, ano pang rason para maging masaya ako sa araw na ito? Ayokong icelebrate ang birthday ko dahil naaalala ko kung paano kami naghiwalay. 

Lahat bumabalik sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang mapaupo sa gilid na iyon habang umiiyak. Ayoko mang humikbi pero hindi ko na mapigilan. Para akong bata roon na naiwan ng pamilya. Alone, drunk and crying. 

I know why Sab didn't tried anymore because she knew, how hard it is for me...at sa ganitong panahon, gusto kong gawin ang kahit anong gusto ko. Para lang makalimot. 

I covered my eyes using my palm trying to stop my tears from falling.

"H-happy birthday to you A-amanda..." I uttered between my sobs. 

Patuloy lang akong umiiyak ng may maramdamang mga palad ang humawak sa mga kamay ko at inalis iyon mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. 

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang taong minahal at patuloy kong minamahal.

Am I just drunk for this hallucinations?

"You will always be the bitch that I know Amanda." Mas lalo akong naluha sa sinabi niya. Mas lalo akong nawalan ng lakas. Ang huli ko nalang naramdaman, pinulot niya ang mga nagkalat ko ng cellphone, wallet at sapatos bago ako binuhat papasok sa isang kotseng hindi ko na namalayang huminto pala sa gilid ko. 

Isinakay niya ako sa passenger seat and when he was about to let me go, mabilis kong nahila ang damit niya. I stares at him with my eyes only half open at nakasalubong nito ang malalamig niyang tingin, na tumatagos mula sa suot niyang salamin. Just this time, kahit bago lang ako makatulog, I want  to tell him the words I wanted him to hear. 

"Mahal kita, Mahal na mahal kita...Luhennce." Kasabay noon ang pagpatak muli ng mga luha ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status