Share

CHAPTER 3

Nagising ako ng makarinig ng musika. Marahan akong bumangon at sapo ang ulong nilibot ang paningin ko.

It wasn't my place!

Nang mahingawan ay unti-unti kong naalala kung sino ang dumating kagabi.

Luhennce...

That's when I heard a voice, Sinasabayan niya 'yung kanta mula sa kaniyang speaker. Hahakbang palang sana ako ng bigla akong manigas sa kinakatayuan ng tuluyang marinig ang kanta na sinasabayab niya.

Akala ko sa'yo natagpuan...

Pag-ibig na walang hanggan..

Ang ating pagsasama

Pinaglaruan ng tadhana...

Nagmahal ka ng iba

Iniwan mo akong mag-isa

Hindi ko maturuan ang pusong

'Wag magmahal ng tapat sa'yo...

Kahit pa, ako'y bahagi na lamang

Ng nakaraan mo, oh

'Andito lang ako sa'yo

Ramdam ko ang unti-unti nanamang pagkabasag ng kung ano sa dibdib ko. I can feel how sad his voice is, kung gaano iyon kasakit ay tumatagos sa akin. Sumisikip ang paghinga ko at parang gusto ko nalang bumalik sa pagtulog kung saan hindi ko maririnig ang pagkanta niya, ang boses niya at ang lyrics ng sinasabayan niyang kanta na unti-unting winawasak ako.

Unti-unti kong pinilit na humakbang palapit sa pinto at sumandal doon, papaupo habang pinapakinggan siya at impit na umiiyak.

Hanggang kailan aasa?

Hanggang kailan magdurusa?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan aasa?

Hanggang kailan magdurusa?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan?

Bakit ang sakit magmahal?

Mariin kong pinigit ang mga mata ko para pigilan sa pagluha ngunit ayaw nun magpatalo.

Tanggap ko, ako'y muling masasaktan

Pagdurusa sa piling mo'y pagdaraanan

Ang tanging tanong ko lang

Hanggang kailan?

Luhennce, I'm sorry.

Batid kong hanggang dito na lang

Kaya pipilitin ika'y talikuran

Ika'y aking lilimutin

Hanggang kailan?

Dapat ba ako rin?

Hindi, hindi ayoko! Hindi ako papayag...hinanap kita... Minsan na kitang nawala, kahit anong mangyari hindi ako titigil, hindi ako hihinto...hindi kita tatalikuran.

Mariin kong pinunasan ang mga luha ko, sinubukan kong tumayo ngunit biglaan ko nalang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko na muntik ko ng ikabagsak. Mabuti nalang ay nagawa kong kumapit sa door knob.

I composed myself and dried my tears first. Pasimple akong pumasok sa bathroom ng kwarto niya saka naghilamos ng mukha at nagmumog ng mouth wash. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang unused towel para tuyuin ang mukha ko. Paglabas ay nilibot ko ang paningin at nakita ang isang gitara sa gilid ng bed niya, may mini book shelf din siya at mini study room na connected dito sa bedroom saka may built-in closet.

The room was painted white and gray. Manly talaga ang dating, napakalinis din. He's always been the organized man, he's till the Luhennce Evans I know.

Ililibot ko na sana ang paningin ko ng biglang bumukas ang pinto. I was stiffed to see him, wearing only white shirt and black pants, suot parin niya ang salamin niya at seryosong nakatingin sa akin. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang itim na itim niyang magulong buhok and I remembered how I usually grasp my fingers on it, feeling its softness.

"Gather your things and you can leave,"

Binuksan niya ng malaki ang pinto at sumandal doon bago minuwestra ang papalabas.

Ayoko pa, ayoko pang unalis. Now that I am inside his unit, I want to stay.

"How did you found me last night?" Walang emosyon niya akong tiningnan. I bit my lips and fought his cold stares.

"You called me," Kumunot ang noo ko sandali para isipin at naalala kong tinawagan ko siya pero hindi ako sigurado kung sinagot niya.

"Don't act like you didn't know what you did last night. Isa nanaman 'yun sa paraan mo para mapansin kita hindi ba?"

"I didn't know, yes I called you pero hindi ko alam na sinagot mo." Marahan akong lumapit sa kanya hanggang sa konti nalang ang agawat naming dalawa. Without even breaking our stares.

"Bakit mo ako pinuntahan?" I was searching inside his eyes, I want to see those emotions I am longing for.

"I am not giving you false hope so don't think too much. Leave my unit now Amanda, I hope it's enough for you to stop now."

"You just gave me one reason to stay Luhenn. Why? Kung wala na talaga! Bakit ka pumunta?! Bakit mo ako dinala dito?! Bakit pinuntahan mo ako?!"

"Your friend texted me right before you called me, pupunta sana ako roon para kay Mitsuika pero nakita kong kasama na siya ni August. I have no choice but to get you kasi hindi naman ako katulad mo." Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi niya. I am hurting, but this is not the right time.

"At least ginawa mo parin, I know Luhenn may konti ka paring nararamdaman sa akin. Kasi hindi mo ako pupuntahan dun kung wala na talaga. Kahit pa makita mo ako, kahit pa itext ka ng kaibigan ko, pag ayaw mo! Ayaw mo! Kaya hindi ako titigil hangga't hindi mo 'ko minamahal ulit."

"I did that because I see yoy as a person who's in need! Eto ang ayaw ko eh! Masyado ka kong magbigay ng malisya! Kahit hindi ikaw 'yun if someone asked me a favor I will do it! Kahit ibang babae 'yun pupuntahan ko rin siya."

I won't accept that.

"No, you won't do that unless you still care for me."

"Don't test my patience Amanda, I am warning you." I saw how his jaw tightened. Mas lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang mukha niya, mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at marahas iyong inalis bago nagtitimping pinakatitigan ako.

"Umalis ka na bago pa kita kaladkarin, alam kong alam mo na kaya kong gawin 'yun." I breathed out before fixing myself. Ngayon ko lang napansin na damit ko parin ang suot ko.

What am I thinking? Iniisip ko ba talaga na he would touch me?

"Pwede ba kitang ipagluto ng almusal? Promise after nun uuwi na ako!" Nakangiting sabi ko pilit na itinatago ang lungkot.

"Kumain na ako, umuwi ka nalang." Pagkasabi niya noon ay mabilis na niya akong tinalikuran pero hinabol ko siya.

"Sige na Luhenn please! Promise aalis na talaga ako ng kusa, just let me cook for you." Huminto siya saglit habang nakatalikod sa akin kaya agad din naman akong napahinto, magkahawak ang kamay ko at umaasang papayag siya. He breathed out, at pansin ko ang tila nauubos na pasensya niya sa pinakawalang malalim na hininga na iyon. Konti nalang mumurahin na niya ako, alam ko. Pag humarap siya, alam ko na...at hindi nga ako nagkamali.

"Putangina sabi ko umuwi ka na diba?! Alam kong hindi ka ganun katanga para hindi maintindihan ang ibig kong sabihin! Don't make me regret that I brought you here so go the fuck home!" Halos gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko habang galit na galit niyang sinabi iyon sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig at pinaglaruan ang kamay ko bago kinagat ang sariling labi.

"S-sige, uuwi na muna ako. Thank you sa pagdala mo sa'kin dito at sa pagsundo kagabi." Umangat ako ng tingin sa kaniya at wala na akong mabakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. I gave him the sweetest smile I've got, before walking slowly towards his door.

Nang makalabas ako ay saka ko lang naalala ang sapatos kong naiwan sa loob. I was about to knock ng bumukas bigla ang pintuan niya at pabalang niyang itinapon sa gilid ko ang sapatos ko at mabilis na sinara ang pinto.

I even flinched because of that.

I know he's being rude, but I deserved that. Hayaan ko siya sa gusto niya, sa kung paano niya ako ituring, not that it could stop me.

Sinuot ko sa harap ng unit niya ang sapatos ko, nanatili pa ako roon ng ilang segundo---nakatayo lang at nakatulala sa harap ng pintuan bago nagpasyang umalis.

Habang pababa ako sa ground floor ay nagt-type ako ng message for him.

To Hun:

Good morning pala, I forgot to greet you. Thank you ulit! I love you! Btw, nice voice! Namiss ko voice mo every time you're singing.

Tulad ng inaasahan, hindi siya nagreply. Okay lang, alam ko naman.

Umuwi ako sa unit ko para maligo at magbihis saka pumasok sa trabaho. Naabutan ko si Sab na nakataas ang kilay sa'kin pagkapasok ko palang.

"Kamusta? Nakaisa ka naman ba?" Sinimangutan ko siya at padarag na naupo, at napiling paglaruan ang swivel chair ko.

"He didn't even touched me! Hindi ko pa nga alam kung marahan niya akong binaba sa kama o itinapon." Tinawanan naman ako nito na mas kinasimangot ko.

"Nawala na talaga ang karisma mo sa kaniya sist!" I even frowned more, I know he won't really touch me, not because I am not attractive for him anymore...dalawa lang ang naiisip kong dahilan.

First, maybe he still respects me not just a woman but a person...

And the other possible reason is...because he disgust me.


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status