"Alessia..."
Natigilan si Bianca nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan lamang niya ay nagising siyang nasa ginta ng walang hanggang kakahuyan. Pamilyar sa kanya ang lugar pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
"Alessia..."
Muling narinig ni Bianca ang tinig ngunit hindi niya alam kung saang bahagi ng kakahuyan ito nanggagaling.
Luminga sa paligid si Bianca. Sinuyod ng kanyang paningin ang bawat bahaging tanaw ng mga mata niya. Umaasa siyang makikita niya ang babaeng tumatawag sa kanya.
"Nasaan ka?" pasigaw na tanong ni Bianca ngunit wala siyang nakuhang sagot.
Sandaling tumayo sa pagitan ng dalawang matatayog na puno si Bianca at matamang pinagmasdan ang paligid. Talagang pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. Alam niyang minsan na siyang nakapunta rito.
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi alam ni Daecon kung may oras pa ba siya para mag-isip dahil sa mga sandaling iyon ay nakatulala na lamang siya maging ang katabi niyang si Caelan. Batid niyang maging ang isa sa dalawang founder ng CAU ay nabigla rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang na-a-absorb ng isipan nila ang tungkol kay Jean pero heto at nakaharap naman sila sa panibagong rebelasyon. Sa harapan kasi nila ay nakatayo si Jean na nasa anyong lobo at balot ang katawan ng malakas na mahikang maging si Christine ay hindi ito magawang labanan. Nasa labas na silang lahat ng ancestral house ng High Priestess ng Night Shade. Nang makawala si Zoe mula sa pagpipigil ni Kathleen ay kaagad nitong tinulungan si Jean kaya mas lalong lumakas ang babae. At ngayon nga ay pareho nang nakalutang ang dalawang vessel ni Princess Shayna habang balot ang mga katawan ng nakakasilaw na liwanag. Ang huling naalala ni Daecon bago sila napunta sa labas ng bahay ay nang may tila kulay
Maingay ang buong paligid. Typical para sa isang pipitsuging club na nakatayo sa kahabaan ng Everett, isang hindi kalakihang baryo sa dulo ng Frostwood Territory. Humawak sa halos kinakalawang nang barandilya si Daecon at seryosong sinuyod ng tingin ang paligid. Kasalukuyan siyang nakatayo sa second floor ng club kaya kitang-kita niya ang lahat nang naroroon sa loob ng club. Malakas at maharot ang tugtog at mayroon na ring sumasayaw sa gitna. Ang ilan sa mga ito ay magkaparehang nagya-yakapan na habang magaslaw na sumasayaw at magkadikit ang mga labi.Nalukot ang mukha ni Daecon. These pervert wolves...Dumako ang mga mata niya sa salaming pinto nang bumukas iyon at mula roon ay bumungad ang isang grupo ng kalalakihan. Apat ang mga ito at malalaki ang mga katawan. Kumuyom ang mga kamay ni Daecon."You're so fucking dead, useless wretch!" Daecon cursed under his breath.
"Bianca, nasaan na ang ipinagmamalaki mong carbonara?!" Pasigaw na tawag ni Daecon.Nasa pack house na sila kasama si Jean."Sandali lang naman!" Pasigaw ding tugon ni Bianca mula sa kusina. "Iniinit ko pa sa microwave." Dagdag pa nito."Oh..." Tumatangong usal ni Daecon bago tumingin sa kaharap. Si Jean Caroleigh Trevino, ang ika-limang member ng CAU. A young lady general of North branch hunters cavalry. "Bakit ka nga pala nasa Everett, Ate Jean?" Tanong ni Daecon dito bago isinubo ang hawak na hilaw na mangga.Napangiwi si Jean at umasim ang mukha. Hindi talaga nito masakyan ang hilig ng pinakabatang member ng CAU sa manggang hilaw. Daecon was eating it like it was the most delicious food on earth.Lumunok muna ng laway si Jean bago ibinuka ang bibig para magsalita. "Nasa malapit lang ako when I heard from a group of young men from your territory that you were in Everett for a hunt
CLAWS AND ARROWS UNITED, HEADQUARTER"So, it's already settled?" Tanong ni Jessica, ang ika-pitong member ng CAU. Isa ring lady general na na naka-assign sa West branch Hunters Cavalry.Tumango si Priam. "Yeah." Tugon nito bago ibinaba ang hawak na envelope kung saan nakalagay ang ilang report tungkol sa isang grupo ng rebeldeng taong-lobo na nanggugulo sa isang teritoryo sa kanluran. Kasama rin sa report ang request for assistance mula sa CAU. "Daecon will surely be perfect for this assignment." Dugtong nito."Speaking of that devil," sabi naman ni Zypher, ang alpha ng Dashwood territory." Ano'ng oras ba darating iyon?" Tanong nito."He'll be here in a minute, for sure."It was Alec. Isa ring hunter na naka-assign naman sa East Branch Hunters Cavalry."Hey, Jean," tawag ni Austin sa babaeng abala sa pagkalikot sa string ng hawak nitong crossbow.
"Ready na ba lahat?" Tanong ni Jean kay Jessica at Bona. Naghanda sila ng ilang putahe para sa kaunting salo-salo. Aalis si Jean kinabukasan para sa bagong misyon. Si Daecon naman ay sa makalawa aalis kasunod si Alec na kailangan na munang bumalik sa East Branch ng hunters cavalry. "Luto na ang kare-kare ko!" Puno ng pagmamalaking sagot ni Bona. Napatingin sina Jean at Jessica sa malaking bowl na nasa harap ni Bona kung saan nakalagay ang kare-kareng parang maayos naman ang pagkakaluto. Mukhang sineryoso nga talaga nito ang sinabi nitong makikinig itong mabuti kay Bianca. "Wow, Ate Bona!" Tuwang bulalas ni Bianca na nakisilip din sa luto ni Bona. "Seems like you really made it right this time." Nangingiting sabi nito bago ibinalik ang atensiyon sa pag-aayos ng ginawa nitong salad.Pinaghalong ubas, pipino, mais at carrots, cutted in cubes. Mayroon iyong cube cut ding chee
"What?" Blangko ang mukhang untag ni Daecon kay Bianca nang maramdaman niya ang mahinang paghila nito sa suot niyang leather jacket.Kasalukuyan silang nasa airport dahil ngayon ang alis niya patungo sa Mystic Shadow. Isang teritoryo sa kanluran kung saan siya ipinadala ng CAU para sa bagong misyon."Hindi ba talaga ako p'wedeng sumama roon?" Mahina at nakayukong tanong ni Bianca kay Daecon.Daecon released a deep sigh. Ilang beses na ba siyang tinanong ni Bianca kung p'wede itong sumamasa sa kanya? At, ilang beses na rin ba niyang sinabi ritong hindi p'wede dahil masyadong delikado ang lugar na pupuntahan niya. Mystic Shadow ain't just an ordinary territory dahil halos napapalibutan ito ng kuta ng mga rogues o ng mga rebeldeng taong-lobo.At, iyon ang dahilan kung bakit humingi na ng tulong sa CAU ang alpha ng Mystic Shadow.Hinawakan niya ang baba nito at itinaas ang mukha para mag
"Hey, are you okay?" Tanong Asher kay Bianca na kasalukuyang nakapangalumbaba sa mesa at blangko ang mukhang nakatitig sa kawalan.Nakilala ni Bianca si Asher nang minsang atakehin siya ng mga rebeldeng taong-lobo ilang linggo pagkaraang umalis si Daecon patungo sa Mystic Shadow. At, simula nga noon ay naging malapit na si Bianca sa lalaki. Mabait si Asher kahit medyo maloko. Mukha rin itong hindi mapagkakatiwalaan dahil na rin siguro sa bruskong mga galaw nito at balbas-saradong mukha. Noong una ay nangingilag pa si Bianca rito pero nang mapagtanto niyang mabait naman ang lalaki ay napalagay na ang loob niya rito at idagdag pang iniligtas siya nito sa grupo ng mga rebelde. Oo nga at kaya niyang ipagtanggol ang sarili dahil sinanay siya ni Daecon pero kung sabay-sabay ang mga ito na susugod sa kanya ay hindi na niya kakayanin."Nothing." Tipid na tugon ni Bianca bago umunat ng upo.Naroon sila sa isang coffee shop na hind
"Welcome to Central, Midland, Zoe!"Napangiti ng maluwag si Zoe nang marinig ang sinabi ni Daecon. Nasa labas na sila ng airport at magkahawak-kamay na naglalakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa parking area. Kahapon pa iyon itinawag ni Daecon sa headquarter ng CAU kaya kanina lang ay inihatid iyon ni Zachary roon at iniwan kagaya ng bilin ni Daecon. Gusto niya munang dalhin si Zoe sa isa sa paborito niyang lugar bago tumuloy sa HQ kung saan naghihintay sina Caelan, Ezra, Zachary, Tobias, Akila, Austin, Bona at Bianca.Ah, yeah...he missed Bianca already and her cooking. He's been craving for it for months.Wala ang ibang members ng CAU sa headquarter dahil may mga bagong misyon ang mga ito. Si Alec ay pumunta sa Besmoth City para imbestigahan ang nawawalang relic sa museum ng Besmoth na pinaniniwalaang naiwan pa ng mga sinaunang taong-lobo.Si Jean naman ay nasa Campwood para sa panibagong mis