Share

V

PABILING-BILING SI SHEN SA kaniyang kama at kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binabagabag pa rin siya ng note na kasama sa mga padala ni Third. Gano'n pa man ay pinalitan pa rin niya ng mga bagong bulaklak ang flower vase kanina. She even put temporarily the chocolates to the fridge.

She heaved a sigh. Sa sobrang pag-iisip ay pinili niyang kunin ang cellphone saka tinawagan si Stephen. It's a little bit late night pero umaasa siya na sana ay sagutin nito ang tawag niya.

Napaupo siya nang sagutin ng kaibigan ang tawag. "Gabi na, Shen," anito sa nababagot na boses. "Hindi ba 'yan makakapaghintay ng bukas?"

"Listen, nagpadala ulit si Third ng bulaklak at chocolates."

"Magugulat pa ba ako? Eh, tuwing gabi naman 'yan nagpapadala sa'yo."

"No. I mean, may kasama na namang note."

"Lagi rin namang may note ang padala niya," bale-walang sagot nito sa kaniya.

She hissed. "Ang weird kasi ng note niya ngayon."

Humikab pa si Stephen sa kabilang linya. "Wait. Ano ba ang sabi sa note?"

"Seeing you up close feels so heaven to me. 'Yan ang sinabi niya sa note." Bumuntong hininga pa si Shen saka sumandal sa headboard ng kaniyang kama. "Malamang ka-trabaho lang natin ang lalaking ito."

"Hala, day!" Tila nagising ang diwa ni Stephen sa sinabi niya. "Baka si Diego 'yan," bulong pa nito sa kabilang linya.

Matik nang umarko ang kilay niya sa sinabi ni Stephen. "Paano mo naman nasabi?"

"Look, he didn't asked you kanina kung saang lupalop ng Taguig nakatirik iyang tinitirhan mo. Did you even remembered giving directions kanina habang pauwi tayo?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga. Ni hindi man lang ito nagtanong kung saan siya banda nakatira. Basta na lang huminto ang sasakyan kanina sa tapat nitong apartment niya.

"Not to mention na first time ka niyang hinatid," dagdag pa nito. "At tsaka, siya lang naman ang nagpapakita ng motibo. The cake thingy.  Tapos 'yong lunch. Naku, day! Skeptical ako."

"Eh, kung siya talaga si Third bakit naman may mga pa-ganito pa siya? Pwede namang sa office na lang niya ibigay 'yong flowers and chocolates."

"Para unique?" natatawang tanong pa ni Stephen. "Anyway, theory pa lang naman 'yan. Hindi lang naman siya ang lalaki kanina sa gathering."

She arched her brow. "So, that includes you?"

"Gaga ka! Lalaki pa ba ako sa ganda kong 'to?"

Natawa siya sa sinabi nito. "Pikon."

"O siya, matulog ka na't inistorbo mo na ang beauty rest ko. Bukas na natin ayusin iyang problema mo."

She paused at the moment and was about to speak. Kaso ay naunahan siya ni Stephen.

"By the way, I did some stalking do'n sa bagong boss. In fairness, ah. Mukhang may future na ako ro'n." Napahagikhik pa ito sa kabilang linya.

"Wala kang future do'n." Pambabara niya rito.

"Sige na! Sleep na, day! 'Yong note itabi mo lang. Dalhin mo na rin bukas."

"Ha? Bakit?" takang tanong pa niya sa kaibigan.

"Duh? Bukas nga natin iko-confirm kung si Diego ba talaga ay si Third. Hindi naman tayo pwedeng basta na lang mag-point out."

"Tama ka," aniya at napatango pa. "Sige, matulog ka na rin. Thanks sa time."

"Hoy gaga! 'Yong chocolate, ha?" paalala pa ng nasa kabilang linya.

"Oo na. Sige na. Bye na."

She ended the call and put the phone back to the bedside table. Muli siyang humiga at sinubukang pumikit. Pero hindi pa rin siya madalaw-dalaw ng antok.

Hindi niya rin lubos maisip ang theory ni Stephen. Si Diego? Padadalhan siya ng bulaklak at tsokolate sa gabi? They have all the time in daylight tapos mag-aaksaya pa ito ng panahon sa ganitong galawan. Na-a-appreciate nga niya ang pagpapadala nito ng mga regalo sa gabi, kung si Diego man ito. But she find it creepy, though.

THE next day ay maaga na namang pumasok sa trabaho si Shen. Hindi rin naman siya nakatulog ng maayos. Bitbit ang kaniyang bag at paper bag na may lamang baon from Diego's birthday yesterday at iyong chocolate na padala kagabi ni Third ay nanlalatang binagtas niya ang direksyon papuntang elevator. She pressed the up button at napahikab pa.

"Still sleepy?"

Napaigtad siya saka nilingon ang nagsalita. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino iyon.

"S-Sir Ace..." aniya at biglang nag-iwas ng tingin. "G-Good morning po."

"Palagi ka bang maaga kung pumasok?" tanong nito na sa elevator nakatingin.

"Hindi naman po."

"I see," anito na napatango pa.

Bumukas na ang elevator pero hesitant si Shen na pumasok sa loob. Nasa tabi niya ang bago nilang boss. She think na it's rude kung siya ang mauuna sa loob.

Natigil lamang siya sa pag-iisip nang magsalita ulit ito, "After you." He gestured his hand to the elevator.

Kiming napangiti si Shen sa lalaki saka maliliit ang mga hakbang na pumasok sa loob. Bahagya pa siyang napasandig sa metal na pader nang pumasok na rin ito. Tuloy ay nasa likuran na siya nito.

He pressed the floor button at ramdam ni Shen ang kanilang pag-angat. Masyadong nakakabingi ang katahimikan sa loob. Ang pink sweatshirt lamang nito ang nasa harapan niya pero gano'n na lang ang pagtahip ng dibdib niya sa hindi malamang dahilan. At kung susuriin, hanggang balikat lang siya nito. Partida naka-heels na siya niyan.

"You are Shen, right?" anito sa baritonong boses. Feeling niya ay nag-echo ang sinabi nito sa loob ng elevator.

"Y-Yes, Sir," she stuttered. "Shen Tiu po."

Nilingon siya nito at hindi niya maiwasang mapatingala sa itsura nito. Gwapo pala ito sa malapitan, she thought.

"Chinese?"

"M-Mga one-eight po?" balik-tanong niya rito, tila hindi rin sigurado sa sinabi.

Nagitla siya nang bumunghalit ito ng tawa. Tuluyan na itong napaharap sa kaniya at napahawak pa sa railing. Wala namang nakakatawa sinabi niya pero hindi niya maiwasang matawa na rin. Her weird feeling immediately faded. His laugh is so contagious.

"I like your humor, Shen," anito na natatawa pa rin.

"Hindi naman 'yon joke, Sir," feeling close na sambit niya rito. 

"I like you."

Natigagal siya sa sinabi nito. Humigpit ang hawak niya sa dalang paper bag at tila naumid ang dila niya. Mas lalong nagpalakas ng pagtahip ng dibdib niya ang matiim nitong mga titig.

She didn't know what to say. Nabigla siya sa pagiging straightforward ng lalaki. Laking pasasalamat niya nang tumunog ang elevator at huminto iyon sa fourth floor. Daig pa niya ang naipit sa loob ng MRT sa lalim ng buntong hininga niya.

"Um, mauna na po ako, Sir," ika niya at akmang lalabas na nang matigilan siyang muli at napalingon sa sinabi nito.

"Have a great day today, Shen." He smiled to her at hindi niya maiwasang mailang sa pagkakangiti nito.

She just nodded to him at agad ding lumabas ng elevator. Sapo niya ang dibdib na naglakad papasok sa kanilang department. Ewan ba niya! Simula no'ng tinarayan niya ito kahapon ay naging kakaiba na ang pakiramdam niya rito.

Naku! Paano kung tini-trip lang ako no'n?

Naisip niyang baka gumaganti ito dahil sa ginawa niya. Pero napaka-childish naman nito kung gano'n. Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang tama sa mga hinuha niya.

"Hoy!" Napaigtad siya sa sigaw ni Raffy. "Maaga pa para matulala."

"Ano ba? Ba't ka pa naninigaw?" asik niya rito.

"Wala lang," bale-walang sambit nito. Inirapan niya ito at walang lingon na iniwan niya itong napapakamot sa ulo. Sinundan pa siya nito hanggang sa cubicle niya. "Oy, ano 'yang nasa paper bag mo?" Pagtukoy pa nito sa dala niya.

Inilapag niya sa desk ang mga dala saka padaskol na naupo sa swivel chair at nagpaikot--ikot do'n. "Kahapon 'yan sa birthday ni Diego."

"Buti pa kayo nakapunta. Na-busy kasi ako kahapon, eh. Family event," kibit-balikat na sambit nito.

"Kuha ka na lang kung gusto mo," bale-walang sambit niya saka kinuha ang folder at muli iyong binasa. Ngayong araw niya sisimulan ang marketing strategy.

Ngingisi-ngisi pang hinila ni Raffy ang swivel chair ni Stella papunta sa cubicle niya saka iyon ipinwesto malapit sa kaniya. Wala pa naman si Stella. Agad nitong kinuha ang paper bag at isa-isang inilabas ang mga food container.

"Oy Shen salamat, ah! Timing talaga! Hindi pa ako nag-breakfast, eh." Saglit pa itong napahinto nang makita ang chocolate sa loob ng paper bag. "At may pa-chocolate pa talaga si Diego. Naols talaga!"

"Hindi 'yan galing sa kaniya. Padala lang 'yan sa'kin." Kinuha niya ang journal book sa kaniyang bag at doon nag-jot down ng mga important terms na mula sa laman ng folder.

"Teka, may boyfriend ka na?" hindi makapaniwalang tanong nito. Kinuha lang nito ang isang lalagyan ng macaroons saka ibinalik sa loob ng paper bag ang mga container at inilapag muli ang paper bag sa desk niya.

She stopped jotting down and played her tongue inside her cheek. Muli niyang pinaikot ang upuan at huminto sa harapan ni Raffy. "Wala akong boyfriend. May naghahatid lang niyan sa apartment tuwing gabi."

Hindi natuloy ni Raffy ang pagbukas ng food container dahil sa sinabi niya. Nanlalaki pa ang mga mata nitong napatingin sa kaniya. "You mean, secret admirer?"

She shrugged. "Parang gano'n na nga."

"Kakilabot naman niyang chocolate mo," nahihintakutan pa nitong sambit. "It sounds creepy."

She leaned towards him saka mahinang bumulong. Nagsisidatingan na rin kasi ang iba nilang ka-trabaho. "So, you think creepy ang mga ganiyang galawan?"

"Well... for me, ha." Pinaikot din nito ang swivel chair at nagsimulang kainin ang macaroons mula sa lalagyan. "Look, if I were the guy, hindi kita padadalhan ng gifts lalo na't sa gabi pa. Ako, I never gave a present to someone I like in a secretive way. Alam mo 'yon? Mga may sayad lang sa pag-iisip ang gagawa niyan."

"Grabe ka naman," aniya at kinuhaan ang macaroons nito. "Malay mo sa gabi lang siya available."

"Well, if he's really sincere dapat harap-harapan niyang ibigay 'yon sa'yo." He shrugged and spin again the swivel chair with his feet. "Alam mo 'yong pinatay noong nakaraan sa Hotel Krista? Iyong sa Ortigas branch?"

Kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Y-Yeah. What about that?"

Muli pa itong sumubo ng macaroon bago magsalita. "Kapit-bahay kasi namin 'yon. Minsan ko silang narinig na nag-uusap ng pamilya niya about sa secret admirer niyang never pa nilang nakita. So, 'yon nga. The last time she left ay may lakad daw 'yong babae. Then the next day, tsugi na."

Nagtindigan ang mga balahibo niya sa kwento ni Raffy. She spin again the swivel chair to ease that unusual feeling.

"Kakaawa nga, eh. Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita 'yong gumawa no'n," sambit pa nito habang panay ang kain. "O siya, una na ako, Shen. Working hours na. Thanks sa macaroons."

Nakaalis na si Raffy ngunit nanatili si Shen sa pag-iisip. Tuloy ay nagka-ideya siya na ang secret admirer no'ng namatay at si Third ay iisa. Naisuklay niya ang mga daliri sa nakalugay na buhok. Hindi pa nga siya nakakagawa ng marketing strategy pero heto at na-i-stress siya sa identity ni Third.

"Ba't andito ang upuan ko sa cubicle mo?" biglang tanong ni Stella na nakapagpaigtad sa kaniya. Naitukod niya ang mga palad sa kaniyang itim na pencil cut skirt at piniling bumalik sa pagdya-jot down.

"Kinuha 'yan ni Raffy kanina. Namburaot kasi ng pagkain sa'kin," nasabi na lang niya.

Ibinalik iyon ni Stella sa sariling cubicle saka naupo at agad na humarap sa laptop nito. While her... she cannot focus anymore to work. Tuloy ay bumalik siya from the start just to review again the paper.

"Oo nga pala," agaw-pansin sa kaniya ni Stella. Bahagya pa siya nitong dinungaw. "Kararating lang ngayon ng memo. May urgent meeting ang Marketing team with Sir Ace after lunch."

"Okay..." tipid niyang sagot at napahilot pa sa kaniyang sentido dahil pilit pa rin siyang binabagabag ng kwento ni Raffy.

Mas lalong hindi siya nakapag-focus nang maalala rin ang theory ni Stephen.

Oh my... could it be him?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status