THE MEETING WITH THE organizers went well. Iyon nga lang, grabe ang kaba nila ni Raffy habang inilalatag ang gusto nilang mangyari para sa music festival. Hindi naman kasi nila inaasahan na kasali si Sir Ace sa meeting.
“The school really appreciate your offer, Mr. Amelincx,” all smile pa na sambit ni Mr. Quintua. “And I'm sure that your products will get a large market.”
“Well... if it wasn’t for this lady.” Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kaniya ng boss. Napayuko na lang siya nang ngitian din siya ni Mr. Quintua. Palihim pa siyang siniko ni Raffy na ngingisi-ngisi sa tabi niya.
“Behind every man’s success is a woman,” Mr. Quintua concluded. “We'll see you on the event, then.”
Muli pa silang nagpaalaman bago lumabas ng opisina ni Mr. Quintua. Hindi niya maiwasang pamulahan nang maalala ang sinab
NASA BUKANA PA LANG ng cafeteria sina Shen at Sir Ace nang matanaw nila sa gitnang bahagi ng kainan sina Stephen. Nakangisi pang kumaway sa kaniya ang kaibigan habang sumesenyas na may bakante pa sa pwesto ng mga ito.“That's your friend,” pagtukoy ng lalaki sa pwesto nina Stephen. “Let's go there.”Awtomatikong napahawak si Shen sa matigas na braso ni Sir Ace. Gusto niya itong hilain at sabihin na sa iba na lang sila kumain. Ngunit animo’y napapaso siyang napabitaw rito nang sulyapan siya nito at nginisihan.“Something wrong, Shen?” anito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.“W-Wala ho, sir.”Napapayuko siyang nagpatiuna sa paglalakad. Sir Ace cannot help himself but to smile. While Shen... kulang na lang ay sabunut
“HOY, DAY! BA'T ISANG box na lang 'to?” tanong pa sa kaniya ni Stephen na nakasilip sa loob ng paper bag habang tinutunton nila ang daan papuntang elevator.Natapos ang lunch nila na puro panunukso sa kaniya kay Sir Ace. Nahihiya na nga siya sa lalaki na wala nang ginawa kung ‘di ang maki-ride on sa kalokohan ng mga kasama niya. Buti na nga lang ay tinawagan ito ni Sir Spade. Mukhang urgent talaga ang kailangan nito base na rin sa sinabi ni Kristie kanina.“Kinain ko kanina sa biyahe. Nagutom ako, eh.”“Naku! Kung ako ang kasama ni sir kanina ay malamang hindi na ako makakaramdam ng gutom,” palatak pa ni Stella. “Tingnan mo naman, itsura at katawan pa lang busog ka na.”Napangiwi siya nang sang-ayunan pa ito ng mga kasama. True, gwapo naman talaga si Sir Ace.
“CAN WE TALK?”Gulat siyang napalingon kay Kristie na naka-chin up at crossed arms. All of their presentation was already approved by Sir Spade. Tuwang-tuwa pa ito nang ma-realized daw nito na may mga talented employees pala ang Brooch. Masyado kasing nakaasa ang CEO sa mga head ng iba't-ibang department at wala na itong ibang inasikaso kung ‘di ang mga nakabinbin na investments at partnership local and overseas.“N-Ngayon na po ba?” Kunwari ay kabado siya sa presensya nito. Pero sa loob-loob niya ay gusto na niya itong pagtaasan ng kilay.Sila na lang ang nasa conference room. Nauna nang lumabas ang iba right after the meeting. Tinapos lang niya ang ibang suggestions ni Sir Ace at Sir Spade para sa music festival. Mukhang hinintay lang ni Kristie ang pagkakataon na mapag-isa sila nito sa loob.
NANG GABI RING IYON ay mas inabangan ni Shen si Third sa kaniyang bintana. Alas sais pa lang ay nag-dinner na siya para mas maantabayanan itong secret admirer niya. She even kept her phone on her hand. Baka may tumawag na naman at maisahan siya ng lalaki.She took a glance on her wrist watch. Pasado alas otso na. Wala pa ring nagdu-doorbell. At wala rin siyang mamataan na tao na umaaligid sa labas ng kaniyang gate. Napakagat-labi siya sa lamig ng simoy ng hangin. Mukhang uulan pa yata, aniya sa isip.Panay ang sunod ng tingin ni Shen sa mga taong napapadaan sa tapat ng kaniyang apartment, nagbabakasakaling isa sa mga iyon ang hihinto at magsasabit ng paper bag sa gate niya. Kung noon ay bale-wala lang sa kaniya ang ginagawa nitong pagpapadala ng mga bulaklak at chocolate, ngayon ay hindi na. At this moment, she's now eager to know the identity of Third.
HALOS MAPANGALAHATI NA NI Shen ang in-order na caramel machiatto ay hindi pa rin dumarating si Stephen. Kanina pa niya ito tini-text pero laging 'On the way' ang sagot nito. Napasulyap siya sa wrist watch. She groaned in annoyance. Thirty minutes na lang ay malapit nang mag-alas otso.Agad na dumako ang tingin niya sa pinto nang tumunog ang chime na nakasabit doon. Kinawayan niya si Stephen na halos magkandahaba ang leeg sa paghahanap sa kaniya. Her friend waved back and immediately went straight to her table."Ba't ngayon ka lang?" salubong niya nang makaupo na ito sa tapat niya."Naku, day! Ang daming ganap sa bahay. Galit na naman si mudra!" ani Stephen na kunwa ay nagpahid ng pawis sa noo. "So, ano'ng chika ngayon, Madam Shen?"She
"ANG TAGAL NAMANG MAG-LUNCH!"Napaismid si Shen sa atungal ni Stella. Eh, limang minuto na lang naman ay malapit nang mag-lunch break. Kung siya lang ay ayaw na niyang sumapit ang alas dose. Nagsisisi siyang inimbita niya si Sir Ace. Nasisiguro niyang aasarin na naman siya nina Raffy."Ang bilis um-oo sa'yo ni Sir Ace, 'no? Madali na talaga akong maniwala na type ka no'n.""Tigilan mo nga ako, Stella!" she hissed. "Tsaka boss natin 'yon. Nakakahiya pa naman 'yong mga pinagsasasabi niyo no'ng nakaraan."Nag-make face pa si Stella bago bumalik sa ginagawa nito. Samantala, nagpahalumbaba naman si Shen sa kaniyang desk. Bukod sa marketing strategy na tinatrabaho ay tumutulong din siya sa paggawa ng marketing campaign. She need to extract those ideas of her. Target niyang mapa-impress ang mga big boss sa quality of w
EVERYONE WAS HAVING A good time at that moment. Si Raffy ang may pinakamalakas na sense of humor na ginagatungan pa ni Stephen. Stella was just laughing along the jokes. The boys beside her were just silently eating. Paminsan-minsan din ay sumasali ang dalawa sa biruan nina Raffy.While her, she can't even swallow her own food. Gustuhin man niyang makisali sa usapan ng mga kasama ay hindi niya magawa. Panay ang buntonghininga niya habang nilalaro ng tinidor ang pagkain. Pinakahihintay pa naman niya itong lunch simula nang utusan siya ni Kristie na gawin ang mga reports. Buong akala niya ay mari-relax siya sa pagkain. Iyon naman pala ay mas lalo lang siyang mahihirapan sa pagnguya.She felt guilty for Diego. And at the same time, she felt anxious with their boss. At inis na inis siya sa sarili dahil hindi niya malaman kung bakit gano'n ang nararamdaman niya sa dal
SHEN TOOK A DEEP breathe while saving seven files on her laptop. Finally! Nangalahati na rin siya sa kakagawa ng reports. She leaned on her chair and stretched her arms. Kaunti na lang ay matatapos na siya sa assignment na ipinagawa sa kaniya ni Kristie. Ito talaga ang inuna niya kanina pagkatapos ng lunch break. Gusto niyang mag-beauty rest sa weekend, tapos iyong gala pa nila bukas. Target niyang matapos ito bukas para wala na siyang ibang aalalahanin bukod sa music festival this coming week.“Uy, Shen... kape tayo,” yakag sa kaniya ni Stella na bahagyang nakasungaw sa cubicle niya.She agreed as they stood up and made their way to the pantry. Ang simpleng pagkakape nila ay sinamahan pa ng kaunting snacks. Medyo nagutom din siya sa kaka-encode ng reports na dapat sana ay si Kristie ang gumagawa. Alas dos pa lamang ng hapon at masyadong abala ang mga katrabaho nila sa mg