CHAPTER SIX:
"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer.
"Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.
Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay.
Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas.
Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas.
"Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango.
"Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.
Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang poloshirt na kulay asul din.
At tila bagong shower na rin si Reymart.
Ngunit saglit lang ang pagtataka ni Natasha. Naisip niya agad na baka natutulog pa siya nang bumalik para mag-shower ang nobyo.
Dagling lumipas ang pagkalito nang lumantad ang dalawang singsing na makintab at ginintuan.
"Oh, Reymart!" Muling naantig ang kalooban ni Natasha. Tuluyan nang bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Napasinghot siya.
"Napapaiyak na ako sa sobrang saya ko." Pinahi ng mga daliri ang mga basang pisngi.
"Isukat mo nga muna, Natasha. Baka maluwag ang sukat."
Maluwag nga sa palasingsingan ni Natasha, pero hindi nabawasan ang excitement niya.
"Okey lang. Saka na lang natin ipabago ang sukat," agap niya.
May kumatok sa pintuan.
"'Yan na siguro ang Kapitan ng barko," panghuhula ni Reymart.
"Pakiayos mo na nga muna ang kama, Natasha." Tumalikod ito upang damputin ang pulang cosmetics case.
Di-sinasadyang nasundan ng tingin nang ipasok sa loob ng aparador na nakadikit sa dingding.
Napuna tuloy ni Natasha ang nakasarado pa ring maleta ng nobyo.
Ibig sabihin, hindi doon nagpalit ng damit si Reymart.
Magtatanong sana si Natasha, ngunit nabuksan na ng lalaki ang pinto ng kabino.
Nakasuot ng puting uniporme at sumbrero, hindi maikakailang ang Kapitan ng barko na ang bagong dating.
Bagama't taliwas ito sa inaasahan niyang hitsura ng isang taong may mataas na posisyon sa isang napakalaking sasakyang pantubig.
"Magandang hapon sa inyo, Mr. Reyes. At sa 'yo rin, Miss Villanueva," ang magalang na bati ng panauhin. Bahagya pa ngang yumukod.
"Magandang hapon din po, er, Kapitan Cuesta," ang ganting bati ng ninenerbiyos na si Natasha.
"Tuloy ka, Kapitan," ang malugod na imbita ni Reymart.
Niluwangan nang kaunti ang pagkakabukas ng pinto. Para bang ayaw ipakita nang husto ang interyor ng kabino sa mga taong nagdaraan sa koridor.
Napansin ni Natasha na magkasingtangkad at magkasingkatawan lang sina Reymart at ang Kapitan.
Kundi nga siya nagkakamali, baka magkasing-edad pa ang dalawa. Pareho ding maputi.
Mas malapad nga lang ang mga balikat ng huli. At mas mahaba ang medyo kulot na buhok.
"Buweno, hindi na ako gagamit ng maraming seremonyas. Ikakasal ko na kayo agad--para matapos na ang pagkasabik ng iyong nobyo, Miss Villanueva."
Ikalawang ulit nang nabanggit ang apelyido sa pakaswal na paraan, medyo nabahala si Natasha.
"Kilala n'yo po ba ang pamilya ko, Kapitan?" ang diretsang tanong niya.
"Hindi. Sinabi lang ni Mr. Reyes ang pangalan at apelyido n'yo kaya nalaman ko," paliwanag agad ng Kapitan.
"Don't worry, sweetheart. Hindi kilala ni Kapitan Lando ang mga magulang mo. Isa pa, hinding-hindi niya tayo ipagkakanulo. Hindi ba, Kapitan?"
Isang sikretong mensahe ang lumipad sa hangin nang magtama ang mga mata ng dalawang lalaking kaharap.
Niyapos ni Natasha ang sarili dahil biglang nakaramdam ng di-maipaliwanag na lungkot.
Para bang naiwanan siyang mag-isa sa ere kahit saglit lang.
"May tiwala ako kay Kapitan, er, Lando." Nautal si Natasha nang sambitin ang pangalan ng panauhin.
Habang tumatagal, nawawala ang impresyon ng awtorismo ni Kapitan Lando Cuesta.
Unti-unting tumitindi ang pagtataka niya sa pagkakaroon nito ng isang mabigat na obligasyon, sa kabila ng napakabatang edad.
Kakaiba rin ang mga manerismo. Paminsan-minsan, kapuna-puna ang pagtilamsik ng daliri habang nagsasalita.
"Ikasal n'yo na kami, Kapitan. Dala n'yo na ba ang marriage contract namin?"
"Oo naman." Isang sobreng puti ang hinugot sa vest pocket ng unipormeng pambarko. "Heto. Pirmahan n'yo na habang ikinakasal ko kayo."
Naibahan si Natasha sa sobrang bilis ng naturang seremonya, pero wala siyang magawa kundi ang magpatianod.
Pumayag siya sa gayong klase ng kasal kaya wala siyang puwedeng ireklamo.
Pero isang romantikong matrimonyo ang ipinangako sa kanya, hindi ba?
Matapos pumirma sa malutong na papel ng marriage contract, iwinaksi na ni Natasha ang sari-saring agam-agam.
Kundi siya makukuntento sa pagpapakasal ni Reymart, wala siyang karapatang lumigaya.
Dapat niyang tanggapin ng maluwag sa loob ang simpleng kasal na nakayanan ng lalaking pinili niya.
Abala pa rin sa pagsesermon sa sarili si Natasha habang hinahagkan siya ni Reymart sa bibig at habang kinakamayan ng Kapitan ng barko.
Kaya nagulat pa siya nang iabot sa kanya ang isang kopita na may lamang alak.
"A-ano 'to?"
Tatanggi sana siya dahil hindi naman sanay uminom ng alkohol, pero nakapagpigil nang mapasulyap sa seryosong mukha ng bagong kabiyak.
"Celebratory toast lang, Natasha," paliwanag ni Reymart. "Para sa isang maligayang bukas!"
"Cheers!" dugtong ni Kapitan Lando.
"Cheers," gagad ni Natasha. Medyo alanganin siya nang lumagok.
"Ubusin mo, Natasha," udyok ni Reymart. "Para suwertihin tayo."
Tumalima si Natasha. Inubos niya ang laman ng kopita kahit parang napaso na ang dila at lalamunan.
"Isa pa," wika ni Kapitan Lando.
"B-bawal maglasing ang Kapitan kapag nasa biyahe ang barko, hindi ba?" Pinadulas ng alak ang dila ni Natasha. Nasabi na niya agad ang paalala kahit hindi pa iniisip. "Sorry! Lasing na 'ata ako." Bumawi agad siya. Pulam-pula ang mga pisngi.
Tumawa si Reymart. "Natasha, tayong dalawa na lang ang iinom. Aalis na si Kapitan." Bumaling ito sa kapwa lalaki. Nakipagkamay bago umakbay para igiya patungo sa pintuan.
"Maraming salamat uli," ang naulinigan niyang wika nito.
Hinipo ni Natasha ang singsing na kasusuot pa lang sa daliri niya. Parang hindi siya ikinasal. Parang dalaga pa rin siya.
Pero mawawala na ang kakatwang pakiramdam sa sandaling magsiping na sila ng lalaking pinakasalan.
"Reymart?" tawag niya nang mapunang nagtagal pa sa labas ng kabino ang bagong asawa.
"Sandali lang, Natasha. May inihahabilin lang si Kapitan Lando sa akin," paliwanag ni Reymart nang luminga sa kanya.
"Ubusin mo na ang laman ng kopita mo para hindi ka mainip," utos pa bago isinaradong muli ang pinto.
Muling sinagilahan ng di-maipaliwanag na lungkot si Natasha.
Sinubukan niyang lunurin iyon ng maligamgam na alak. Inubos uli niya ang isinalin sa kanyang kopita.
Nakaramdam ng liyo, naupo siya sa katre. Pumikit, ngunit lalong naliyo dahil parang umalon ang sahig.
"Reymart...!" daing ni Natasha. "Reymart!" Paulit-ulit ngunit papahina ang boses niya. Mas malakas ang malakulog na ugong sa loob ng utak niya.
Walang Reymart na dumating hanggang sa tuluyang pumanaw ang kanyang ulirat.
CHAPTER SEVEN:"SUWERTE mo, bosing. Hindi pa umaalis ang M/V Carmina II. Isa 'yan sa mga barkong bumibiyahe patungong Zamboanga," ang masiglang pahayag ng taxi driver habang maliksing nagmamaniobra sa mga nakakalat na kumpol ng mga pasaherong naghihintay sa palibot ng malawak na piyer."Salamat, 'dre. Heto'ng bayad ko. 'Wag mo ng suklian." Iniabot ni Jake ang dalawang malutong na tigli-limang daan."Salamat din, bosing! Gusto mong samahan kitang bumili ng tiket?""'Wag na. Alam ko na ang bilihan ng tiket." Nakangiti si Jake nang tumanggi."Ituloy mo na ang pamamasada para makarami ng iuuwi sa pamilya," dugtong niya, bilang paalam."Saludo ako sa bait mo, bosing! Sana'y makita mo na ang hinahanap mo." Sumaludo ang tsuper bago isinara ang pinto."Sana nga," wika ni Jake sa sarili.Isinukbit niya sa isang balikat ang malaking travelling bag na kulay itim bago humakbang sa direksiyon ng ticket booth.*****SAMANTALA,
CHAPTER EIGHT:NANG humupa ang unos ng paghihinagpis ni Natasha, nakahiga na naman siya sa ibabaw ng magulong kama.Nakatagilid at nakabaluktot.Nakayakap sa sarili at bahagyang yumuyugyog.Sa sandali ng matinding sakit na dinaranas, kusang naghahanap ng paraan ang katawan upang maalo ang kalooban. Nagmistulang bata siyang inihehele sa duyan.Humihikbi na lang si Natasha nang makatulog, pero mugtung-mugto at basa pa rin ang mga mata nang magising makalipas ang maraming minuto.Hindi siya bumangon. Walang dahilan para kumilos.Kung puwede lang na huminto na ang kanyang paghinga...May kumatok na naman sa pinto ng kabino. Ngunit hindi man lang natinag si Natasha. Ni kaunting igtad. Nanatiling nakatitig sa kawalan ang mag matang binlangko ng matinding disilusyon.Naulit ang mga katok. Mas malakas. Mas imperatibo.Umiral ang pagka-masunurin, napilitang bumangon si Natasha. Mistulang robot na hindi na
CHAPTER NINE:ANG pangakong iyon ay imposibleng tuparin, lalupa't ang kinaroroonan ay punum-puno ng mga tagapagpaalala.Kahit saan bumaling si Natasha, naaalala niya si Reymart. Nakatatak na yata sa lahat ng sulok ng kabino ang mapag-imbot na personalidad ng dating nobyo at huwad na asawa!Hindi niya kayang tagalan ang manatili sa kabino kaya hiniling niya sa steward na nakatoka doon na ilipat siya sa ibang accomodation."Pasensiya na po, ma’am. Wala nang bakanteng kabino. Napuno agad ng mga pasahero ang barko.""Kahit saang lugar ay maaari mo akong dalhin. Puwede nang ibigay sa ibang pasahero ang kabino.""Sandali po, ma’am.” Muling kinunsulta ang record book. “May bakante po sa third class, bunk section.”"Okey na doon. Sige, ilipat mo na ako agad.”Ilang sandaling nagsulat ang steward sa record book. Inayos naman ni Natasha ang mga personal na gamit habang naghihintay.“Halina
CHAPTER TEN:"BAKIT papunta ka sa Maniog?"Parang imposibleng magsinungaling sa mga matang bilugan at tila napakainosente pa kahit may bahid na ng panggigipuspos."Hinahanap ko ang asawa ko," pagtatapat ni Jake. Mababa at seryoso ang baritonong tinig.Isang mapait na ngiti ang unti-unting sumilay sa mag labing mapusyaw."Iniwan ka rin pala ng mahal mo," ang malungkot na sambit ni Natasha.Napamaang si Jake. "Hindi ako iniwan ni Celia," pagtatama niya. "Binawi siya ng mga biyenan ko. Itinakas at itinago sa akin pero hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita uli."Lumamlam ang mga matang nakakalunod. "Ang suwerte ni Celia.""Ikaw? Iniwan ka ba ng mahal mo?"Marahang tumango si Natasha. Humugot ng isang maikling buntong-hininga bago tumugon."Oo." Pabulong. Para bang hiyang-hiya. Bumawi pa ng ng tingin at yumuko. “Umalis siya ng walang paalam sa akin... Iniwan niya ako dito sa barko na para
CHAPTER ELEVEN:"HINDI ko alam kung pagmamahal ang namagitan sa amin," ang alanganing tugon niya."Ngayong nalaman ko na ang tutoong kulay ni Reymart, hindi ko na alam kung minahal ko ba siya talaga--o ginagamit lang.""Paano mo ginamit--?"Nakarating na sila sa bukana ng maluwang na kapeterya. Wala pang gaanong kustomer pero lumapit agad ang isang weyter kaya hindi na nasagot ni Natasha ang kuryosong katanungan ni Jake."Marami pong bakante sa deck, ma'am, sir."Luminga si Natasha kay Jake. Nasa gawing likuran lang niya ito.Mas matangkad ang lalaki kaya sa bibig lang umabot ang pantay na paningin niya.Napatitig si Natasha sa mga labing pirmi ang pagkakahubog pero parang may nakatagong lambot.Mamula-mula rin. Pantay ang kulay at walang bahid ng mantsa ng nikotina.Walang bisyong paninigarilyo si Jake. Hindi katulad ni Reymart na patago ang paghitit ng usok..."Mas maganda ang view
CHAPTER TWELVE:HINDI na rin umimik si Jake nang tumahimik si Natasha. Nakuntento na siya sa panonood sa paunti-unting pagkain nito sa isang hiwa ng kalamay sa latik."Ano'ng paborito mong ulam?" Walang abug-abog ang pagtatanong ni Natasha."Sinigang. Kahit na ano, basta't maraming gulay at tama lang sa asim at alat.""Pareho kayo ng Papa ko," wika ni Natasha. Bahagya na namang umaliwalas ang ekspresyon. "Kahit na ano rin 'yon pero ang pinakagusto niya ay sinigang na tiyan ng bangus.""Ako naman ay espesyal na sa akin ang sinigang na buntot ng baboy. Marunong ka bang magluto ng sinigang, Natasha?""Marunong din. Tinuruan ako ni Mama.""Mahilig ka siguro magluto?"Tumango si Natasha. "Isa sa mga libangan ko ang pagluluto.""Anu-ano ang iba pa?""Paghahalaman, pag-aayos ng bahay, pananahi. Pulos pambahay lang. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas sa amin kapag walang pasok.""Ano'ng trabaho mo?""Ako a
CHAPTER THIRTEEN:SAKA lang pinahulagpos ang pigil-pigil na paghinga nang matanaw ang matangkad na hugis ni Jake sa tabi ng mga balustraheng bakal na puti.Nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa at seryosong nakatanaw sa malayo.Luminga ito nang maulinigan ang paglapit ng magagaan na yabag ni Natasha. Huminto siya nang may dalawang dipa na lang ang layo sa kinatatayuan ng lalaki.Nagtagis ang kanilang mga mata. May mga piping mensaheng sumagitsit sa hangin ngunit tanging ang katawan lamang ni Natasha ang nakaunawa.Parang tuyong yagit na nagdikit at naglagablab agad.Bahagyang bumuka ang mga labi ni Natasha nang maubusan ng oksihena ang mga baga, dahil sa sobrang init na nadarama.Lalong nag-alab ang pakiramdam ni Natasha nang lumipat sa kanyang bibig ang paningin ni Jake. Para na rin kasing inangkin ng nagbabagang halik.Lumahad ang isang palad na magaspang.Hindi nagdalawang-isip si Nat
CHAPTER FOURTEEN:DAGLING pumutok ang bula ng mahikang ibinalibol ni Jake sa kanya.Itinulak niya ito at bumangon upang tumakbo patungo sa banyo. Ini-lock ang pinto.Sumalubong sa kanya ang repleksiyon sa salamin.Ang kanyang buhok ay nawala na sa pagkakatali. Ang kanyang mga pisngi ay pulam-pula. Pati na ang kanyang mga labi.At ang kanyang mga mata ay tila ba sa mailap na hayop.Hindi na niya makilala ang sarili.Pumikit siya. Huminga nang malalim. Ilang ulit hanggang sa unti-unting magbalik sa normal.Binuksan niya ang tubig sa lababo at naghilamos.Mainit ang mukha niya.Pati ang buong katawan.Tumapat siya sa pinong bugso ng tubig. Dali-daling sinabon ang buhok at ang katawan. Paano’y parang mga haplos ni Jake ang daloy ng maligamgam na tubig.Ni hindi siya naginhawahan. Parang inaapuyan pa rin ang pakiramdam niya.‘I’m on fire…’ Um