The Contract Husband - Chapter 19
"Humiling ka na ng iba, Franchesca--huwag lang ang iwanan ka," ang mariing pahayag nito nang muntik nang maubusan ng pasensiya kagabi.
Nangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa tuwa. "I don't deserve to have you, Carlo. You're so wonderful," she said in a broken voice.
"God, I'm sorry," bulalas naman ni Carlo nang makitang naiiyak na siya. "I made you cry. Oh, darling, forgive me. Hindi ko gustong paiyakin ka."
"N-naiiyak ako sa galak, Carlo," pagtatama niya. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo. You gave me hope. Binigyan mo ako ng bagong dahilan para mabuhay pa."
Ginawaran ng masusuyo at mapagmahal na halik ang mga labi ni Franchesca. Pati ang kanyang mga mata upang mabura ang kanyang mga luha.
"Ikaw rin, sweetheart. Ibinigay mo ang lahat ng mga kailangan ko para makalampas sa mga problemang nakaharang sa akin. Thank you very much, even though I don't deserve you."
Mistula silang ma
The Contract Husband - Chapter 20Maraming araw na ang lumipas matapos ang tagpong iyon.At ngayong kaharap niya si Carlo, wala pa rin siyang naiisip na paraan kung paano uumpisahan ang bagong proposal.Ano ba ang puwede niyang ialok na maaaring magustuhan ni Carlo?Walang halaga ang kayamanan niya. Ilang ulit nang tumangging maging tagapagmana niya ang asawa.“Hindi gaanong nagtagal ang pag-uusap namin ni Doc.” Tinugon ni Carlo ang tanong ni Franchesca matapos tumitig nang ilang sandali sa kanya. Para bang may hinahanap.Dahil may itinatago, umiwas siya nang tingin. Kunwa’y luminga sa gawi ng mga ibong nakadapo sa mga sanga ng mga punongkahoy na nasa hardin.Sinapo ng mga daliri ni Carlo ang baba niya at masuyong ibinaling ang kanyang mukha upang muli silang magkaharap. Hindi siya nakailag nang arukin ng titig ang kanyang mga mata.“I can’t believe it.” Pabulong ang pagsasalita ng lalaki hab
The Contract Husband - Chapter 21“Yes, my sweet.” He kissed her lips quickly but passionately.“I love you, Franchesca. I adore you, I lust after you. I want you, I need you. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang kaligayahan ko. I love you so much!”“Y-you love me…?” Franchesca was stupefied. “B-baka naaawa ka lang sa akin—““No!” Mariin ang pagtutol ni Carlo. “I never pitied you. Admiration, yes. Ang tapang mo kasi. And you’re so charismatic. Napatiklop mo si Carlota. Napaamo mo ang lahat ng mga relatives ko.”Namula ang mga pisngi ni Franchesca. Ngayon lang siya pinuri nang husto ni Carlo.“Thank you…”“But you still don’t believe that I love you,” salo ng lalaki.Bumuntonghininga muna bago nagpatuloy.“Hindi ko dapat pinairal ang loyalty ko sa company ni Lolo. Dapat ay pinili ko na lang ang merg
The Borrowed HusbandNatasha was stranded when her fiance faked their marriage and ran off with her money.Jake was looking for his lost wife of ten years.Their fates were similar but with different circumstances.Natasha wanted to have a child and she chose a good man.Jake could not say ‘no’ to her. Maybe because she was the first woman to awaken his desire, since his wife?* * *CHAPTER ONE:"NATATAKOT ako, Jake.""Huwag kang matakot, Celia." Hinaplos ng isang palad ni Jake ang isang braso ng kasintahan bago kinawit ang maliit na beywang para mapasandal ang malambot na pisngi sa malapad na dibdib."Hindi kita pababayaan.""H-hindi ako mapapatawad nina Mama at Papa." Tumukod ang mga palad kaya nakakawala si Celia buhat sa maluwang na pagkakayapos ni Jake."Pakakasalan kita, Celia. Mahal na mahal kita.""A-alam ko, pero ayaw nila sa 'yo. Tu
CHAPTER TWO:ILANG minuto lang ang ginugol ni Jake sa pagpapaalam sa kasera at sa pagtanggap ng maingay na pagbati ng mga dating kasambahay.Kaya gayon na lang ang pagtataka niya nang matuklasang naglahong parang bula ang taksing pinag-iwanan kay Celia.Bitbit ang isang travelling bag, lumapit siya sa katapat na tindahan para magtanong."Manang, nakita n'yo ba 'yung taksing nakaparada d'yan kanina?""Oo. Kaaalis-alis lang n'un, a?""Umalis? Kasama 'yung nakasakay na babae?" Hindi makapaniwala si Jake."Hindi. Maraming nakasakay d'on.""Ilan ho?""Kundi ako nagkakamali, dalawang lalaki at isang babae ang nakasakay sa taksing 'yon. Pawang may mga edad. Parang kinagagalitan nga 'yung dalaga.""Ano'ng hitsura ng dalaga?" Parang nanlalaki na ang ulo ni Jake."Mahaba ang buhok. Maganda. Nakasuot ng puting bestida."Si Celia nga!"Sige ho, salamat ho!" Humangos si Jake, patungo sa labasan
CHAPTER THREE:"MASASABI mo ba sa akin na ni minsan ay hindi nanukat at nangmata ng kapwa ang mga magulang mo, Natasha?" bawi ni Reymart."Kahit nga ikaw, namimili ka rin ng mga kakaibiganin, hindi ba? Kung naging gusgusing kargador ba ako sa palengke--kakausapin mo kaya ako nung maglakas-loob na makipagkilala sa 'yo noon?"Walang maisagot si Natasha. Paano'y may katotohanan ang mga sinabi ng nobyo.Wala siyang nagawa kundi ang mamutla at ilahad ang mga palad bilang pahiwatig ng pagsuko sa argumento."Pasensiya ka na." Si Reymart uli ang nagsalita. Mababa na uli ang tono. "Ayokong idamay ka, Natasha, pero kailangan kong ipaintindi sa 'yo na imposible ang gusto mo."Humugot ng isang mahabang buntonghininga si Natasha. Nalilito pa rin siya."P-p'ano kapag kasal na tayo? Hindi ka pa rin papasok sa bahay namin?"Nagkibit ng mga balikat si Reymart. Para bang ni minsan ay hindi pumasok sa isip nito ang pagpasok sa loob ng
CHAPTER FOUR:MAKALIPAS ang tatlong oras, nasa loob na ng isang kulay pulang cosmetics case na yari sa matigas na plastic/leather at may sariling kandado ang lahat ng ari-ariang naipon ni Natasha sa loob ng maraming taon."We hope to serve you again, Miss Villanueva." Halos hindi maitago ng bank manager ang kuryosidad.At ang panghihinayang dahil nawala siya sa listahan ng masusugid na depositor. Mas mahalaga lang marahil ang trabaho kaya napairal pa din ang prupesyonalismo."Of course, Mr. Romano. I always prefer your services because your bank is known for its confidentiality," ang makahulugang pahayag ni Natasha."Inaasahan kong mananatiling confidential ang lahat ng serbisyong idinulot n'yo sa akin ngayon, sir," dagdag pa niya para maging klarung-klaro ang mensahe."Of course, Miss Villanueva," agap ng manedyer. "Walang problema tungkol sa bagay na 'yan. Hindi pa kami nasisira sa aming mga kliyente.""Mabuti. Have a go
CHAPTER FIVE:NAMIMILOG ang mga mata ni Natasha habang palinga-linga sa paligid. Mistulang musmos siya na bagu-bago pa lamang nakakakita ng maraming bagay sa mundo."Ay!" dahil hindi nakatingin sa dinaraanan, muntik nang sumubsob si Natasha nang matalapid.Maagap na umalalay si Reymart. "Kaunting ingat, Natasha. Ako na ang magdadala n'yan." kinuha ng nobyo ang pulang cosmetics case."Ingatan mo lang, Reymart." awtomatiko ang paalalang numulas sa mga labi, matapos ipaubaya ang munting bagahe."Bakit?" taka ng lalaki. Inakalang mga pangkolorete ang laman ng magandang sisidlang kaya palaging dala ni Natasha kahit saan."Nandiyan ang mga alahas at ang cash." Bahagyang inilapit ni Natasha ang bibig sa teynga ng nobyo para ibulong ang napakahalagang impormasyon.Kapuna-puna ang pagkislap ng mga mata ni Reymart. "Talaga?" Yumapos ang isang bisig nito sa beywang ni Natasha."Bakit hindi mo sinabi agad? Nag-alala pa naman ako na baka ma
CHAPTER SIX:"ANG wedding present ko naman para sa magiging esposa ko." isang pulam-pula at perpektong buko ng rosas ang hinugot ni Reymart buhat sa bulsa ng suot na blazer."Ang ganda!" Muling bumulalas sa katuwaan si Natasha.Inilapit agad sa ilong ang bulaklak matapos tanggapin ng dalawang kamay.Muntik nang hindi maitago ang pagka-dismaya nang matuklasang hindi tutoo ang rosas.Isang makatotohanang imitasyon lamang pala. May bango pero nanggaling lamang sa bote. Hindi amoy-rosas."Maraming salamat, Reymart," sambit niya matapos samyuin nang marahan ang masangsang na bango."Pasensiya ka na. Kulang ang pera ko. Ibibili sana kita ng enggament ring--kahit na simple lang. Wedding ring na lang muna, ha?" Isang asul na kahita ang inilabas ng lalaki buhat sa bulsa ng pantalong slacks.Hindi sinasadyang napuna ni Natasha ang kawalan ng gusot sa suot na slacks ni Reymart. Parang bagong palit lang iyon, pati na ang