Share

Kabanata 3

Pagkatapos kumain ay nagmadali akong puntahan si Mr. Sown. Nagpumilit pang sumama si Mond dahil lagi iyon nakabuntot sakin kapag may pinupuntahan ko pero hindi ko na siya pinayagan at pinaiwan ko siya para may kasama si nanay sa bahay.

"Mr. Sown!"

Malaking ngiti ang naka paskil sa labi ko nang makita ko si Mr. Sown na kausap ang isang babaeng estudyante niya.

Sila yung matagal-tagal na sa grupo at sigurado akong bihasa na sila sa pakikipaglaban, sa tagal ba naman kasi ng ensayo nila at mga misyon nila na pumatay ng mga demon.

Baka nga may nakaharap na silang mga class A na demon.

"Oh! Aloisia! Ano nakapag-isip ka na ba? Hindi ka pupunta dito kung hindi ka nakapag desisiyon."

Nagpaalam muna siya sa kausap niya at madali namang umalis agad. Lumapit siya sakin para makapag-usap kami ng maayos.

"Next time, ipapakilala kita sa kanila."

Nahuli niya kasing sinusundan ko ng tingin yung babae.

"Ah hahaha! Tulad ng sabi mo dati, mr. Sown. Pumunta ako dito dahil gusto kong sumali sa grupo."

"Hmm, sige pasok muna tayo."

Tumango-tango siya at pumasok kami sa malaking templo kung saan tumitira o nag e-ensayo ang mga estudyante niya. Pero kapag malalakas na pag e-ensayo ang ginagawa nila ay lumalabas sila at sa bundok sila nag e-ensayo para malayo sa mga tao at walang masaktan.

"Kagabi ko lang ito natuklasan. Nasa labas ako 'non at nang may dumaan na alitaptap sa harapan ko ay sinubukan kong hawakan pero bigla na lang itong namatay."

Masayang ikinu-kuwento ko sa kanya kung paano ko iyon natuklasan.

"Makinig muna kayong lahat! may bago tayong miyembro. Siya si Aloisia Diamond. Umaasa akong ituturing niyo siya katulad ng mga pagtrato niyo sa iba. Umaasa akong magkakasundo kayo."

Nahiya naman ako sa biglang pagpapakilala sa akin ni mr. Sown dahil natigil silang lahat sa ginagawa at tumingin sakin.

Iginala ko ang mga mata ko ay wala naman akong nakitang pag-irap o mga bitches na mukha. Sorry.

Nakangiti silang lahat at nagpakilala din.

"Hi Aloisia, ako pala si  Dealla, yung kausap ni master kanina."

"Hello." Sabay yuko naman ako, kaya na tawa pa siya.

"Ako naman si Yeena." Matamis ang ngiti niya at mukang friendly.

Sinuklian ko ang mga ngiti niyang yun.

"Dust"

Bumaling ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Si Dust talaga! Mahiya ka naman bago pa lang yan!"

"Ahmm."

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at pasimpleng tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Mukang mabait naman siya at siguro ganito talaga ang ugali niya, hindi din naman siya yung klase ng manyak dahil magaan din ang loob ko sa kanya. Pero dahil hindi ako sanay ina-akbayan ng ibang lalaki ay naiilang ako.

Tanging si Mond lang kasi ang nakaka-akbay sa akin dahil kahit kailan hindi ako nakikipag-kaibigan sa ibang mga lalaki. May mga sumubok na manligaw pero tinatanggihan ko agad.

"Mukang magkakasundo kayo agad, turuan niyo minsan si Aloisia sa mga simpleng gawain bilang slayer ah." nakangiting saad ni mr. Sown.

"Akong bahala sa kanya, master."

Saad ni Dust na dikit nang dikit sakin.

"Ikaw talaga, Dust. Wag si Aloisia, alaga ko yan. Tara, kumain muna tayo."

"Aahh kayo na lang muna. Kakakain ko lang." Naiilang na saad ko sa kanila.

Nagtipon-tipon sila sa mahabang lamesa na kasya ang sampu sa isang side. Bale sampu rin sa kabila. Apat na ganoong lamesa ang nasa loob na puno ng mga katulad ko na naka-upo at nagsimula nang kumain.

"Aloisia, halika. Ipapasyal kita sa dito sa templo, tutal nauna na akong kumain kanina."

Nilapitan ako ni Dealla at natuwa naman ako sa sinabi niya.

"Sige!"

Habang naglalakad ay tinuturo niya ang mga kwarto na dapat at hindi dapat papasukin.

"Ito ang kwarto namin ni Yeena, Aloisia. Itong katabi ng kwarto namin, ito ang magiging kwarto mo. Gusto mo munang tignan?"

"Mamaya na lang, kapag pagod na ako sa paglilibot natin."

"Dealla, mahirap ba maging katulad niyo? May nakaharap na ba kayong muntik nang maging katapusan ng buhay niyo?"

"Hmm masasabi kong mahirap, masasabi ko ring masaya. Dahil kapag nakikita mo ang tuwa ng mga taong natutulungan mo at ang ginhawa sa mga mata nila, mararamdaman mo rin iyon. Mapapaisip ka na lang na, naubos man ang lakas ko, napagod at muntikan ng mapaslang, at least may tao akong natulungan. Kung tutuusin, parang tayong mga may kapangyarihan ang naninilbi sa mga ordinaryong tao lang. At kung siguro ang isang kapangyarihan ay napunta sa isang ganid at walang pusong tao, gagamitin niya ito sa kasamaan at pasunurin ang mga taong walang magawa kundi ang sundin kung anong gusto niya."

"Hmm tama ka."

Napatango-tango ako sa sinabi at nginitian lang niya ako.

"Oh! sandali."

"Huh?"

Tumapat kami sa isang kwarto na kakaiba sa lahat ng mga kwartong nadaan namin. Kulay ginto ang pituan nito.

"Aloisia, ito pala ang isang pinoprotektahan namin lalo na si master, mahigpit na pinagbabawal ni master na huwag tangkain na pumasok dito. Hindi madaling pumasok dito dahil sa araw-araw na pinapahigpit ni master ang barrier."

Hindi ko gaanong naiintindihan ang sinasabi niya dahil sa hindi ko mapangalang pakiramdam. Pagkakita ko pa lang at pagtapat pa lang namin dito ay parang may nag-uudyok sakin na hawakan ang seradura para buksan ito at pumasok.

Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong itaas ang kamay ko para hawakan ang seradura.

Malapit ko nang mahawakan ng tumalsik ang kamay ko at parang nakuryente.

"Aray!"

"Aloisia!"

Hinila ako ni Dealla at napalayo kami ng konti doon.

"Nakalimutan kong sabihin na kapag sinubukan mong hawak iyon ay masasaktan ka. Aloisia, nakikinig ka ba sa sinasabi ko kanina?"

"Huh?"

Napailing-iling siya.

"Hindi natin pwedeng hawakan lalo na at pasukin ang kwartong iyon, Aloisia. Maging si master ay hindi pumapasok doon dahil sa halimaw na nakakulong sa kwartong iyon. Sabihin mang malakas si master pero hindi niya kakayanin kapag nakalaban na niya iyon ng harapan. Ang tanging magagawa lang niya ay ikulong ito sa sagradong kwarto."

"Halimaw? Demon?"

"Oo, kaya kung hindi man nagagawang higpitan ni master ang barrier nito. Kami ang inuutusan niya. Marami kami. Kailangan araw-araw hinihigpitan iyon. Bakit mo nga pala sinubukang hawakan?"

"H-hindi ko alam. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong sinubukan nang hawakan ang seradura at nagulat na lang ako nang halos tumalsik na ako sa epekto nito."

Napabuntong hininga siya at muli akong tunulungan makatayo ng maayos.

"Epekto lang yan ng pagiging mausisa mo, Aloisia. Dahil bago ka dito ay normal lang yan na makaramdam ka ng kuryusidad. Halika ka na, kailangan mo na ring magpahinga."

"Dito na rin ba ako maninirahan, Dealla? Hindi na ba ako pwedeng umuwi sa bahay?"

"Simula ng pinasok mo ang ganitong trabaho, Aloisia. Hindi na pwedeng umuwi ka pa sa pamilya mo. Maaring masundan ka ng ilang demon at ipapahamak mo lang ang pamilya mo. Mas ligtas sila at mas ligtas tayo kapag dito tayo maninirahan at kapag malayo tayo sa kanila. Pero huwag kang mag-alala. Pwede mo parin naman silang bisitahin kahit anong oras ang gusto mo."

Nakahinga ako ng magaan dahil sa huling sinabi niya. Akala ko hindi ko na sila pwedeng makita pa. Okay lang naman. Hindi parin naman ako malalayo sa kanila. Para lang naman akong nakikitulog lang sa ibang bahay pero sa kanila parin ako pumupunta.

Lumipas ang ilang araw ay ganon ang naging buhay ko. Araw-araw akong sinasanay ni mr. Sown habang ang iba ay binibigyan niya ng misyon. Hindi pa niya ako pwedeng isabak sa mga misyon na iyon dahil kailangan ko pang mamaster ang kapangyarihan ko, tinuruan din niya ako kung paano makipaglaban ng hindi ginagamit ang kapangyarihan, tanging kamay lang at lakas at minsan ay kung paano gumamit ng mga patalim.

Dahil hindi sa lahat ng oras ay demon ang kalaban namin. Meron ding mga tao na may masasamang loob. Hindi namin pwedeng gamitin ang kapangyarihan namin sa kanila dahil pwede namang labanan sila ng pisikal. Kapag hindi na kaya, ay pangalawang option lang ang paggamit namin ng kapangyarihan sa kanila.

"Pagod ka na? Pahinga ka muna."

Halos hingalin ako sa pag e-ensayo namin ni mr. Sown o master.

Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat.

"Konti lang ang katulad mo. Mabilis kang matuto at mabilis mong nakontrol ang kapangyarihan mo. Yung iba umaabot ng taon bago maging normal ang paggamit ng kapangyarihan nila. Ang lakas mo ring sumuntok hija!"

Natatawa na lamang kami ni master at inabutan kami ng tubig nang ilang mga kasamahan ko dito na hindi binigyan ni master ng misyon.

Salitan kasi, yung iba maiiwan dito sa templo at ang iba ay maglalakbay at makihalubilo sa mga tao. Dinggin ang mga pagsamo nila na may mga demon daw na sumira sa mga tanim nila at ilang mga demon na pumapasok sa mga bahay para manira at manakit.

Ngayon ay sina Dust, Yeena at Dealla maging ang iba pa na hindi ko gaanong kakilala ang nabigyan ng misyon.

Kung iisipin ay mga ordinaryong demon lang ang mga gumagala sa bayan, pero meron ding iba na nahihirapan daw silang puksain.

"Anong klaseng halimaw ba ang nasa sagradong kwarto?"

Nagulat si master sa tanong ko at natigilan.

Ngumiti lang siya sakin pero may nabakas ako sa mga ngiti niyang iyon.

Alanganin na ngiti?

Iniling ko na lang iyon at pinakinggan ang sinasabi niya.

"Hija, wag mong sayangin ang oras mo sa pag-iisip kung ano ba ang nasa kwartong iyon. Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Huwag mong hahayaan na lamunin ka ng kuryusidad mo at huwag kang mag-alala. Darating ang araw na isa ka na sa mga maghihigpit ng harang doon. Tuturuan kita."

Hindi ko alam kung masusunod ko ba ang sinabi niya. Dahil ngayon palang nilalamon na ako ng kuryusidad. Pero dahil ayoko namang mag kagulo pa ay susubukan kong balewalain kung ano man ang nasa loob 'nun.

Tsaka sabi niya, balang araw isa na din ako sa mga maghihigpit ng barrier, kaya dapat ngayon palang ay ipagsawalang-bahala ko na.

May tiwala ako kay master. Lahat ng mga ginagawa niya ay para sa ikabubuti ng iba. Kung ano man ang ituturo at sasabihin niya kailangan kong sundin.

"Aloisiaaaa!"

Sigaw ng tumatakbong alikabok, I mean, si Dust.

Magulo pa ang buhok niya na parang sinabunutan ng ilang babae.

Kararating pa lang nila galing sa misyon nila. Saktong kumakain kaming lahat 'nun.

"Dust!"

Natatawa na lamang si Dealla sa akto ni Dust.

"Sakto, hindi pa kami kumain bago kami umuwi dito!"

"Dust! Ang takaw mo! Pinakain nga tayo ng marami kanina nung aleng tinulungan natin bago tayo umuwi!"

Sigaw ni Yeena kay Dust na ngayon ay nasa tabi ko na at nagsasandok na ng pagkain.

"Kulang pa nga yun eh. Tsaka napagod at nagutom ako agad sa pag-uwi natin. Aloisia, gusto ko rin yan!"

Tinuro niya yung nasa plato kong prinitong isda.

Natatawa na lamang si master sa kakulitan ni Dust ganon din ang iba na kasama namin dito.

"Kain na din kayo Dealla, Yeena. Hindi rin biro ang nilakbay niyo pa-uwi dito."  

Niyaya din ni master sina Dealla kaya naki-upo na din sila sa tabi namin at nakisalo sa pagkain.

"Kamusta ang misyon niyo? Hindi ba kayo napuruhan?"

"Okay lang, master. Kahit masakit ang balakang ko sa pagkabalibag ko kanina, basta nakita ko na ngayon si Aloisia, okay na ako! Diba Aloisia?"

"Huh?"

"Tumahik ka nga diyan Dust! Kanina pa ako banas sayo ah! ni hindi mo nga ako tinulungan kanina! Puro ka pakitang gilas sa nga tao doon!"

Saway sa kanya ni Yeena na nagdadabog.

"Oh selos si Yeena! Hahaha!"

Tinutukan lang siya ni Yeena ng kutsara kaya nagsi-tawanan ang lahat.

Hapon na at plano kong bisitahin sina nanay sa bahay. Noong sinabi ko nga na hindi na ako gaanong makakauwi doon ay halos hindi nila ako payagan sa pagsali ko sa grupo. Pero dahil alam naman nilang iyon na ang matagal ko nang gusto ay pinayagan rin naman nila ako.

Dala-dala ang mga prutas ay masaya akong naglalakad papunta sa bahay. 

Medyo malayo ang bahay namin sa bayan, ayaw kasi nila nanay ng maraming tao at halos siksikan na din kasi ang tao sa bayan kaya mas pinili nilang dito na lang sa may gilid ng kagubatan manirahan. May ilan ilan din naman kaming kapit-bahay pero malalayo ang agwat sa isa't-isa.

Habang masayang naglalakad ay naramdaman ko ang isang bagay na bumubulusok palapit sa akin mula sa likod.

Bago ko harapin iyon ay tumalon ako at halos umikot sa ere tsaka lumading sa may kataasang sanga ng puno. Nabitawan ko din ang basket ng prutas pero hindi naman iyon nagkalat. Maayos parin iyon sa may lupa.

Palaso?

Habang nakatayo sa may sanga ng puno ay nakita ko ang isang palaso na tumarak sa isang puno kung saan katapat ng pwesto ko kanina.

May sumusunod sakin. Kung hindi ito demon, sino?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status