Share

Kabanata 2

Aloisia Diamond Pov

Nag-aayos kami ngayon ni Mond ng mga paninda namin. Iba't-ibang mga bulaklak at mga prutas. May piyesta kasi dito sa Tracian at maraming dumalo na nagmula pa sa Spartacus at Mapuche.

"Ate, manonood ka ba mamaya?"

Tanong ni Mond sakin, meron kasing magpe-perform mamaya. Magpapakitang gilas, lalo na ang mga estudyante ni Mr. Sown. Sila kasi ang mga taong nabiyayaan ng kapangyarihan. Kaya para magamit iyon sa mabuting paraan pumapasok sila sa organisasiyon ni Mr. Sown, para maturuan ng tama sa paggamit ng kanilang kapangyarihan.

Sabi nila, kung meron ka mang kapangyarihan malalaman mo ito kapag tumuntong ka ng 18 na taon. Pero di na ako nagdasal pa na sana ako rin mabiyayaan. Dahil hanggang ngayon, 21 na ako wala parin naman akong napapansing kakaiba sa akin.

"Ate?"

"Ha? Ahh hindi na..Wala akong ganang manood ng mga ganyan. Ikaw na lang at ako na magbabantay dito."

Nginitian ko siya saka sinuklian yung bumili kanina.

"Sure ka?"

Ngiting-ngiti naman 'to!

"Oo nga."

"Basta kapag gusto mong manood ate. Iligpit mo na lang muna."

"Hmm." Maikling tugon ko at inasikaso ang mga bumibili.

Dumadagsa na kasi ang mga tao na nagmula pa sa iba't-ibang bayan. Kaya sigurado akong marami ang mabebenta namin ngayon.

"Pabili nga nito, Sia."

Nagulat ako nang makitang si Mr. Sown ang bumibili.

"Mr. Sown!"

"Hahaha! Mukang gulat na gulat ka?"

Natatawang tanong niya.

"Diba magpe-perform kayo mamaya? Eto po."

Binigay ko sa kanya ang binili niya.

"Oo. Pero mas maganda sana kapag isa ka  doon. Alam mo namang matagal na kitang nire-recruit sa grupo, Sia."

"Mr. Sown, naman. Paano ako makakasali doon kung wala naman akong kapangyarihan? Tsaka takot ako sa mga demonyo na pwede kong kaharapin kapag maglalakbay tayo para mag slay ng mga demon."

"Hahaha! Kaya nga demon slayer ang pangalan ng grupo, iha. Tsaka sigurado akong may kakayahan ka din. Kapag dumating araw na makita mo ang kakayahan na yun iha, Puntahan mo ako agad. Sige aalis na ako."

Nag paalam na siya para daw makapag handa na sa gagawin nila mamaya.

Napangiti na lang ako ng mapait, matagal ko nang gustong sumali sa grupo nila. Para maprotektahan ko sila nanay kapag dumating araw na magkakagulo ang lahat. Para maprotektahan ang mga taong hindi kayang protektahan ang mga sarili at pamilya nila sa mga demon na pagala-gala at naghahanap ng mabibiktima.

Kaso iniisip ko pa lang nawawalan na ako ng pag-asa. Paano ako makakasali kung wala naman akong kapangyarihan? Di tulad nila na nabiyayaan.

"Ate Sia, punta na ako doon ah. Kapag nagbago isip mo at gusto mong manood, iligpit mo na lang ito."

Dumating si Mond na umuwi kanina para makaligo. Grabe din kasi kanina ang pawis niya sa pagbubuhat ng mga paninda namin. Basang-basa pa ang buhok niya.

Binata na siya at sigurado akong maraming babae ang mahuhumaling sa kakisigan at kaguwapuhan niya. Hindi ako nagsisisi na nilapitan ko siya noon at inuwi sa bahay. Tinuring namin siya bilang pamilya, binihisan at pinakain kaya ngayon ay ibang-iba na siya sa Osmond na nakita ko noon na tulalang nakaupo sa may puno.

Kung hindi ko lang siya kapatid , siguro isa na ako sa mga babaeng naglalaway sa kanya.

Natawa na lang ako sa isip ko.

"Sige. Wag kang mag-alala, ako na bahala dito."

Ngumiti siya at niyakap ako. hinalikan niya ako sa pisnge at...

"Salamat"

Umalis na siya para makinood sa kumpulan ng mga taong nanonood din doon.

Napailing ako. Hanggang ngayon hindi parin siya nagsasawang mag pasalamat. Lagi siyang ganoon. Laging sinasabi na kung hindi ko siya inuwi noon siguradong hindi na siya isang makisig at malusog na lalaki ngayon. Ang masama ay baka patay na daw siya noon pa.

Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa mga mamimili para hindi ko muli maalala ang alok ni Mr. Sown. Bakit ba niya ako pinipilit na pumasok sa grupo nila kung alam naman niyang wala akong kapangyarihan?

"woaaahhhh!"

Rinig kong mangha ng mga taong nanood hindi kalayuan dito sa pwesto ko.

Hapon na pero marami paring tao. Paubos na din ang paninda ko.

"Bilhin ko na ang lahat ng ito."

Isang malamig na boses ang nagsalita habang binibilang ko ang perang naipon ko sa pagtinda.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lamig sa boses niya. Pero kahit ganon ay may kakaiba pa akong naramdaman.

Yung pakiramdam na ligtas ako? Yung pakiramdam na nakauwi ako galing sa mahaba-habang paglalakbay sa lugar kung saan komportable ako.

Bakit ko ba nararamdaman yun?

"Binibini?"

"A-ah ha?"

Hindi ko alam kung bakit natulala ako sa kanya.

Kung sinabi kong makisig at guwapo kanina si Mond, magsisinungaling ako kung sasabihin kong mas guwapo siya rito. Itim lahat ng suot niya at sobrang itim din ng buhok niyang may kahabaan.

Hindi ko alam kung namalikta lang ako nang dumapo ang tingin ko sa mga mata niyang purong itim. As in, pati yung puti sana sa mata ay itim din. Lahat itim.

Napapikit-pikit ako at nang magsalita siya ay natauhan ako.

"Bilhin ko na ang lahat ng ito binibini?"

Ang kaninang malamig na boses niya ay naging normal. Malumanay.

"Ah sige sige! Huli na naman na ito. Salamat ng marami!"

Inilagay ko lahat iyon sa supot at nang iniabot ko sa kanya ay muli akong napatingin sa mga mata niya.

Nawala ang kaba ko nang napagtantong namalikta nga talaga ako kanina.

Normal lang naman ang mata niya at yung maliit na bilog lang ang itim.

Haaayy! Kung ano-anong nakikita ko. Siguro dahil sa pagod kaya ganon.

Ini-abot niya sakin yung bayad at para akong nakuryente nang magdikit ang balat namin.

Bigla na lang siya umalis at hindi na hinintay ang sukli niya nang maibigay niya sakin ang bayad. Sisigawan ko sana siya para sabihin na nakalimutan niya ang barya niya pero hindi ko pala ang pangalan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at napaupo.

"Ate!"

"Mond!"

"Oh? Anong nangyari sayo? Para kang nagulat ng makita ako"

Natulala kasi ako nang hindi ko alam pagkaalis ng huling kostomer ko.

"Wala. Tapos na ba?"

"Tindi pa tapos ang seremonya, pero tapos na ang mga nagpeperform. Oh! Ubos na pala paninda natin! Mukhang napagod ka, Ate. Ano uwi na tayo?"

Tumango ako.

"Ahh sige, uwi na tayo. Napagod din kasi ako kahit wala naman akong ibang ginawa kundi magbantay dito."

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Samalat na lang din dahil naubos ang paninda namin at wala na kaming kailangan buhatin pauwi ulit.

Sila nanay naiwan sa bahay dahil hindi siya sanay sa ganito. Si papa naman nasa templo.

"Halika na." Lumapit sa akin si Mond at marahan na niyakap ako bago buhatin ang ilang mga gamit namin dito para makauwi na.

Nang makauwi kami ay naabutan namin si nanay na nagwawalis sa labas.

"Nakauwi na pala kayo mga anak. Hali kayo nagluto ako ng meryenda niyo."

Iniwan niya muna saglit ang ginagawa niya at sinamahan kami sa maliit naming kusina.

Sabay kaming nagmeryenda ni Mond at pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo para magshower.

HINDI ako makatulog, tulala nanaman ako at hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.

Pakiramdam ko totoo yun eh, yung nakita kong mata niya. purong itim. Pero noong tinignan ko ulit biglang bumalik sa normal.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog, pero ayaw talaga ng katawan ko.

Kaya tumayo muna ako at lumabas ng bahay. Hindi naman masyadong madilim dahil maliwanag yung buwan.

Sabi nila, kapag gabi daw mas nakakagala ang mga demonyo. Gabi sila lumalabas para maghanap ng bibiktimahin. Sa loob ng dalawampu't isa na nabuhay ako dito sa mundong, marami na akong nakikitang namamatay dahil sa kagagawan ng mga demonyo. Ilang beses na din ako sinubukang atakehin pero suwerte ko at nakakatakas ako.

Naupo ako sa labas habang tinititigan ang buwan at inalala kung paano ako atakehin ng demonyo. At kung paano ako tumakas noon.

Natawa ako nang maalala ko ang nangyari noon.

Nagpaalam ako kay nanay na pumunta sa sakahan noon para pumitas ng mga gulay. Habang pumipitas ako ay may isang itim na usok, sabi nila ang mga demonyo daw na nagpapagala-gala at mga umaatake ay ang mga mabababang klase ng mga demonyo. Sila ang mga walang permanenteng kalagayan sa demon realm.

Katulad na lang sa mga tao, ang mga taong walang matitirhan at mga pagalagala lang diyan sa paligid, nagnanakaw at nananakit sila ng kapwa para may makain.

Kaya nga nang makakita ako ng itim na usok ay alam kong demonyo iyon, ganon lagi ang mga umaatake. Tumakbo ako noon nang tumakbo hawak-hawak ang basket kung saan nakalagay ang mga gulay na pinitas ko. Lumingon ako sa likod para tignan kung hinahabol pa ako ng demon na yun pero naginhawaan ako ng makitang wala nang humahabol sakin.

At dahil nga nakatingin ako sa likod habang tumatakbo biglang akong natapilok at sumubsob ang mukha ko sa lupa, ang sarap nga, nakain ko pa ang lupa na iyon at nagasgasan ang mukha ko. Umuwi ako noon na umiiyak at tanong nang tanong naman si nanay noon, umiling-iling lang ako at hindi ko na sinabi kung bakit. Halos maiyak din noon si Mond nang makita ang itsura ko.

Haaayy. Demon realm? Ang sabi nila makikita daw ang demon realm sa bayan ng Spartacus. Malayo-layo iyon dito kaya bihira ang mga demonyong nakakarating dito. Madalas daw ang atake ng mga demon doon.

Masasabi kong swerte namin dahil hindi kami doon nabuhay.

Pero hindi ko alam kung totoong doon nga ba makikita ang demon realm. Ang heavenly realm naman kasi ay nasa Mapuche.

"Anak?"

Nagulat ako nang makita si nanay.

"Nay, gising pa kayo."

"Anak, pumasok ka dito! maraming demonyo ang naliligaw kapag gabi."

Halos hilain naman ako ni nanay papasok.

"Hay, kung meron man dapat kanina pa ako inatake. Kayo na po ang pumasok."

Hindi siya nagpumilit at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig.

Bumalik ang katahimikan kanina at may isang alitaptap na palipad-lipad sa harapan ko.

Nilapit ko ang kamay ko at sinubukang hawakan iyon. Pero nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang namatay ang ilaw niya at dahan-dahang nahulog pababa.

Anong ginawa ko?

Anong nangyari?

Tinignan ko ang kamay kong inilapit ko kanina.

Para namang may karera sa dibdib ko nang may pag-asang pumasok sa isip ko.

Para masiguro iyon ay sinubukan ko muli sa isang dahon na kinuha ko sa bulaklak na tanim ni nanay.

Hinawakan ko iyon at tinitigan.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makitang dahan-dahan natutuyo ang dahon at mukang nasusunog na at nagiging abo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Saya, kaba, takot na baka sa natuklasan kong ito ay masaktan ko ang sarili kong pamilya. Na baka hindi ko makontrol at masaktan ko sila.

Pero naalala ko si Mr. Sown, siya ang makakatulong sakin pagdating dito. At matutupad na din ang pangarap kong makapasok sa grupo nilang pinangalanang demon slayer.

Masaya akong pumasok sa loob at may ngiti sa mukha nang makatulog ako.

Nagising akong may ngiti sa labi at masiglang lumabas sa kwarto ko. Tignan mo nga naman, ako na nahirapang nakatulog kagabi ay ako pa ang unang nagising sa aming lahat.

Masigla akong nagluto at naghanda ng umagahan.

Sunod-sunod na din naman silang nagising.

Nakita ko si papa na kalalabas lang sa kwarto. Gabi kasi siya umuuwi at maaga din siyang umaalis kaya hindi kami gaanong nagkikita dito sa bahay.

"Anak, ang aga mo naman yatang nagising."

"Kain ka muna pa bago ka pumasok sa templo."

Lumapit siya at marahan akong niyakap bago umupo sa may upuan.

Sumunod si Mond at nanay na nagtaka din kung bakit maaga ako ngayon. Dati kasi si nanay ang nagluluto sa umaga dahil siya ang pikamaaga sa amin na nagigising at ako ang laging huli.

Kumain kaming lahat ng walang pinoproblema pagkatapos ay umalis na si papa.

"Mukang ang saya mo ngayon ate."

"Oo nga, ano bang dahilan ng mga ngiti mong yan anak?"

Mas lumawak ang ngiti ko bago nag salita.

"Pupuntahan ko ngayon si Mr. Sown, nay. Tatanggapin ko ang lagi niyang inaalok sakin sa pumasok sa grupo niya."

"Ha? anong ibig mong sabihin, ate?"

"Ano sa tingin mo?"

"Anak."

Maiyak-iyak na si nanay sa nalaman. Alam niyang ang makakapasok lang doon ay ang may kapangyarihan. At base sa mga sinabi ko, mukhang alam niyang may natuklasan ako.

"Ate, sigurado ka ba?"

May pag-aalalang tanong ni Mond.

Tumango ako.

"Oo, sigurado ako kaya nga para mas masigurado ko ay pupuntahan ko ngayon si Mr. Sown para rito."

Ngumiti siya at sinuklian ko iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status