Share

2

Kinuha ko ang si Cooper sa bahay, ang nag-iisa kong aso. Wala akong naabutan na kahit sino maliban lang sa mga maid na abalang naglilinis dahil mamaya ay padating na sina Mama at Papa.

"Inaalagaan ka ba nila ng ayos, Cooper?" Tumahol ang aso kong tagpian.Mukha naman siyang pinapakain ng ayos dahil sa taba ng kanyang katawan.

"Manang, iuuwi ko na siya." Pagpapaalam ko sa isa sa mga maids. Pero bago ko iyon gawin ay iniwan ko muna siya sa pwesto niya.

May nag-udyok sa akin na pumasok sa loob ng bahay. Maraming nagbago puro medalya lang ni Thylene ang nakasabit. Puro pictures iyon nilang tatlo. Sa isang hilera na malapit sa flower vase.

Ang dati kong pictures na kasama sila ay napalitan ng pictures ni Thylene na kasama ang kanyang mga kaibigan. Gano'n pa man mahalaga sa akin na inaalala pa rin nila ako-isa lang ang picture kong naroon ayon ay kasama ko ang apat kong kaibigan nu'ng huling birthday ko rito.

Bumalik ako kay Cooper at nilagay siya sa cage na binili ko bago ipinasok sa aking
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status