Kabanata 59

Tharia

Hinawi ko ang aking buhok nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako nang sa wakas ay naramdaman ko ulit na buhay ako ngunit nawala rin bigla nang maalalang hindi pa buo ang kontrol ko sa katawang ito dahil unti-unti nang natutunan ni Faith na labanan ako.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangang maging sapat ang oras ko para isagawa ang ritwal ng sakripisyo bago pa makabalik si Faith sa katawang ito.

Pumikit pa ako ng isang beses bago inutusan ang hangin na dalhin ako kung nasaan si Gabriela Marshall ngayon.

Sa isang iglap lang ay nasa skwelahan na nila ako sa Nuevo Pacto- ang lugar kung saan hindi gumagana ang ano mang itim na kapangyarihan. Alam kong may kinalaman dito si Sandrex Aragon. Nang nalaman niyang anak niya si Faith ay natutong lumaban ang taksil. Nag-aral siya ng iba't-ibang ritwal at pag gamit ng halamang gamot sa tulong ni Gladys Ortega. Kung inaakala niya ang kayang pigilan ng halamang gamot ang kapangyarihan ko ay nagkakamali sila, ako ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status