Share

Kabanata 64

Nang bahagyang kumalma si Marcus ay pinahiram siya ng damit ni Levi na nakita niya sa sasakyan, siguro ay kay Zandrex iyon basi na rin sa laki ng mga ito. Ininom niya ang inalok kong tubig at tumulong na rin na ayusin ang mga naglakat na sala.

"Dios por santo, anong nangyari dine?"

Sabay halos kaming napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Lola Josephine at Aling Mumay. Ang matalim na titig ni Lola ay naroon kaagad sa akin. Napalunok ako.

"Faith..." Siniko ako ni Margareth.

"Ha? Uhm, yeah... pasok po," saad ko nang maisip na may kultura pala ang mga witch or mga manggagamot na huwag pumasok sa isang tahanan kapag hindi iniimbita. Opisina nga ito ni Lola Kristel ngunit nang malipat ito sa aking pangalan ay parang naging tirahan ko na rin.

Umupo kami sa maayos nang mga sofa, ilang minutong nagpakilala kay Marcus at Lola Josephine bago nag simula ang mga seryosong tanong.

"Lola Pina, hindi po iyan si Tharia," si Aling Mumay nang mapansing kanina pa matalim ang mga titig ni Lola
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status