Share

Chapter 2

Ava Sofia's POV

I stared at the screen of my computer. Para akong nawala sa mood. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Dalawang araw na ang lumipas nang tanggapin ko 'yong project na 'yan. Sinabihan pa ako ni Mrs. Acosta na I should start by this week para kapag nagkaproblema ay marami pang time para ayusin.

Bakit naman magkakaproblema? Hindi ba siya magpapa-interview? Kailangan ba siya pilitin? Eh, bakit sabi ni Mrs. Acosta hindi naman ako mahihirapan? Sana hindi siya maging maarte lalo na sa pag-shoot ng video and photoshoot for magazine cover and other photos na kakailanganin. Damn, sana talaga hindi!

Ang bilis naman kasi! I suggested kung pwede na next week na lang, hindi pumayag! Hindi na lang din ako namilit dahil ayoko naman silang magtampo at ma-disappoint sa akin. Sa ganitong trabaho lang ako nagtagal. Journalism graduate ako at buti na lang maganda ang naging trabaho ko rito. 

Five years na akong nagtatrabaho sa Make Magazine at ang mga nagugol ko na taon dito ay naging maayos, wala man lang ako naging problema. Maganda naman kasi ang sweldo at kada project ay may bonus pa, lalo na kapag naging maganda ang outcome ng sales ng nilabas na magazine. 

Sa pagsusulat ko ng mga articles regarding business at pag-i-interview sa mga successful business owners ay nahirapan ako sa una, nangangapa pa ako no'n. At ang unang rejection ko ay 'yong ayaw magpainterview nung owner, eh pumayag naman na siya nung unang pag-u-usap! Sabi niya wala raw siyang naalalang pumayag siya sa interview. Napaiyak ako no'n pero kinausap ako ni Mrs. Acosta na gano'n talaga sa una at masasanay ako. Kaya ayon sa mga sumunod na interview mas naging confident ako na harapin sila at makipag-usap. Bihira na lang din ako maka-encounter ng mga gano'n. Actually, tuwang-tuwa pa nga ako sa lagay ko ngayon, pwera na lang sa iinterview-hin ko ngayon. 

I sighed and started to type his name. 

Dominic Montoya, Five Star Holdings.

Bago ako pumasok sa Make Magazine, naririnig ko na ang pangalan na 'yan. Naging matunog iyon hanggang sa maging writer ako. Sa mga nagdaang taon ay hindi ko pa siya nainterview kahit isang beses, but I know na nafeature na rin siya sa magazine namin. 

Dominic Montoya, 30 years old, owner of Five Star Holdings, Inc. He owned and operates thousands of properties in and out of the country, mostly hotels and real estate property for six years. He is also known for being the 'Young Leader of the Year" for five consecutive years! and 'Global Filipino Executive of the year' for three years straight. 

Namangha ako sa nabasa pero kalaunan ay umikot ang mata ko. Edi siya na! Marami pa akong article na nabasa at mukhang marami-rami ang pwede kong maitanong. Habang nagsscroll ay napunta ako sa mga pictures niya. It's his photo a decade ago at ngayon taon. Ibang-iba na ang itsura niya, I mean, mas lalo siyang naging mature, mas nadepina ang mukha niya at pangangatawan. He has this dark aura na kapag tititigan mo 'yong larawan niya ay talagang mapapalunok ka at matatakot. 

Itinagilid ko ang ulo ko sabay masahe sa batok. The last time I saw him, that was a decade ago, hindi pa siya ganito successful at estudyante pa lang kami no’n. Hindi ko rin naman siya nakikita sa social media dahil hindi ko alam ang mga social media accounts niya. Hindi rin ako babad sa social media like facebook or Instagram. More on google ako para magbasa ng mga articles or news para sa mga gagawin ko. I rather spent my free time watching movies or k-drama, o kaya gumawa ng mga bagay na may kapalit na pera, like, working part-time. 

Sa naunang taon ko sa Make Magazine ay sa umaga pumapasok ako rito at sa gabi ay nasa bar ako, performing in front of the customers. I love singing, kaya nung may mag-alok sa akin na kapitbahay ay hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon at sinunggaban ko talaga, pero nitong mga nakaraan ay bihira na lang ako magpunta roon dahil naging busy at tinatamad talaga ako! 

Tinigil ko na ang pag-se-search sa Dominic Montoya na iyon, buti na lang at naisend na ng aming management sa Five Star Holding, Inc. ang letter para sa interview at hindi na ako mahihirapan. Kailangan ko na lang talaga ihanda ang sarili ko. Am I really ready? 

Napatitig ako sa isang picture frame na nasa desk ko. May dalawang picture na nalakagay doon. It's a picture of my old self and the new me. Iyong una ay 'yong panahon na malapad pa ang bewang ko at may bilbil. Malalaki pa ang braso at ang taba ng pisngi! Putok pa sa akin ang suot kong t-shirt dito. 

Fat shaming. I experienced that. Mahirap lalo na hindi ko akalain na mangyayari sa akin iyon at sa College pa. Elementary and High School, hindi ko naranasan ang ma-bully ng todo, kaya nakampante ako na pagdating sa college ay mas tatahimik ang buhay ko, hindi pala. 

I read an article about fat shaming na those words na ina-a-address sa amin ay nakakatulong daw to motivate us na magdiet and exercise everyday, but I think hindi lahat ganun. Depende pa rin talaga sa sitwasyon. Harassment ang natanggap ko, not just by verbal but physical. Dumating sa punto na they will do something para hindi ako makapasok, slime, flour powder, eggs at kung ano-ano pa, at kagagawan iyon ng isang babaeng inis na inis sa akin kasama ang mga alipores niya. 

That was a decade ago, pero hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang bawat pangyayari na 'yon, lalo na ang mga masasakit na sinabi nila sa akin.

Even what he did to me.

Napangiti naman ako nang makita ang pangalawang picture. It's a half body picture pero kitang-kita ang pagkakaiba sa naunang picture. Ang laki ng ipinayat ko sa pangalawang picture. Kung ano ang katawan ng lumait sa akin ay mas may ikinaganda na ang katawan ko. I am not the fatty Ava anymore na tinatawag nila. 

"Ava?" 

Natigil ako sa iniisip nang may tumawag sa akin. Nag-angat ako ng tingin at aking nakita si Dave na nakadungaw sa partition na nakaharang sa cubicle ko at sa kanya. I smiled at him before asking why. I saw his eyes twinkled and he also flashed a smile. 

"Mag-time out na ako, ikaw ba?" he asked.

Napatingin ako sa desktop ko at nakitang 5:00 in the afternoon na.  "Sabay na tayo!" masayang sambit ko. I shut down my computer at inayos ang mga nakalagay sa mesa bago kinuha ang bag at lumabas ng cubicle. 

"Oh, Dave! Sabay kayo? Aba! Araw-araw na lang ha!" Natatawang sambit nung isang employee habang nakapila kami sa biometrics for time out.

Nakita ko ang pagkamot ni Dave sa batok at halatang nahiya sa narinig. Nailing na lang ako habang natatawa. Dave is the prim and proper type of man, he's also a content writer like me pero more on foods and beautiful places naman siya. 

About sa pang-aasar nila sa aming dalawa ay normal na lang 'yon. Masyado kasing tahimik at mahiyain si Dave, tapos nung una ay nalaman ng mga co-workers na may crush daw ito sa akin, umamin naman si Dave pero ilang taon na rin ang lumipas ay hindi pa rin siya tinatantanan kahit na may girlfriend na siya ngayon. 

"Where is your girlfriend?" tanong ko sa kanya nang makasakay kami ng elevator. 

"Susunduin ko siya sa may fast food malapit sa pinagtatrabahuan niya," sagot niya habang nakangiti. Ang alam ko two years nang may karelasyon si Dave, nakita ko na rin 'yong babae sa instagram niya.

    “Eh, ikaw? Nasaan ang sa ‘yo?” 

Kumunot naman ang noo ko sa narinig. Mahina siyang natawa at napanguso ako nang ma-realize kung ano ang tinutukoy niya. Tinutukoy niya iyong si Travis Guevara na na-featured ko sa last magazine issue namin tapos bigla-bigla na lang nagpadala ng flowers nung mga sumunod na araw. 

“Hindi ko naman iyon boyfriend. Nagpapadala lang siya ng flowers with note, diba?”

Nag make face na lang siya na parang hindi naniniwala sa akin. Hinampas ko na lang siya sa braso. Napatitig naman ako sa mukha ni Dave, he has this light aura na matutuwa kang titigan siya araw-araw. Hindi makabasag pinggan. Sobrang puti pa niya. Nailapit ko tuloy ang braso ko sa kanya. 

"I wanna have this skin color, too. Ano bang soap o kaya lotion mo?" parehas kaming natawa sa tanong ko. 

"Safeguard minsan Dove!" 

"Taray ng dove mo ha! Sure kang hindi ka nagsasabon ng kojik?" I asked him. 

Nailing naman siya at saktong bumukas ang elevator. "Hindi na kailangan, baka mamaya maging labanos na talaga ako! Pagkamalan pa akong multo." 

Naglakad kami ni Dave habang naguusap, napapahinto pa kami dahil may nakikita kaming kakilala at kinakausap namin. 

"Dave, I'll just buy a frappe." Sabay turo sa stall ng Café Tribu sa dulo. Tumango naman siya at nagpatuloy sa pakikipagusap. 

Natakam kasi ako bigla sa dumaang babae na may na frappe. Habang naglalakad ay binuksan ko muna ang bag ko at hinalungkat ang wallet. Napatigil pa ako nang hindi ko makita iyon.

Saan na ba iyon? 

"Ay!" Natigil naman ako sa paghahalungkat nang may maramdaman akong tumama sa hita ko. Agad akong nakarinig ng iyak ng bata kaya napatingin ako roon. 

"Oh my god! Baby!" Agad kong nabitawan ang bag ko at yumuko para itayo 'yong batang nakaupo sa sahig at bigla na lang pumalahaw ng iyak. 

Pinantayan ko pa siya at pinagpag ang suot niyang dress. "Hala, baby! Sorry!" pag-aalo ko rito at kinuha ko pa ang panyo ko para punasan 'yong luha niya. 

"Hindi kita nakita, baby. Sorry talaga!" mahinang sambit ko. 

Hindi ko naman siguro kasalanan diba? Nakatigil naman ako tapos may bigla na lang tumama sa hita ko. Damn, Ava! Nagpaiyak ka pa ng bata. 

"D-Daddy," she mumbled.

Dahan-dahan siyang tumigil at bahagya pa akong natawa nang suminga siya sa panyo ko. Aba, iba rin itong bata na 'to!

"Baby? Sinong kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?" luminga pa ako sa paligid para tingnan kung may kasama siya pero wala. 

May itinuro siya sa likod ko at natanaw ko ang entrance ng isang restaurant dito sa lobby. 

"Andoon ba ang parents mo?" Inayos ko pa 'yong beige dress niya. 

Umiling siya at kita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Can you bring me to my D-Daddy? I wanna see him," mahinang sambit niya at hinila ang kamay ko. 

Napakamot naman ako sa pisngi. Nasaan na ba ang magulang nitong bata na ito? Mukha pa namang anak mayaman ang isang ito. Ang ganda ng kutis at englishera pa! 

"Baby, I'm a stranger. Dalhin na lang kita sa recep——" 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may sumigaw ng pangalan ko at ikinalingon naming dalawa ni baby girl. 

"Ava!" 

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status