Share

CHAPTER 03.

Bellona.

Iniisa-isa nang ipakilala ang mga bagong staff sa boss namin. Samantalang ako hindi ko man lang magawang tingnan s’ya dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko na nakabunggo ko s’ya.

Kinakabahan ako baka makilala n’ya ako. Dumadagdag pa sa kaba ko ang mga yapak n’ya. Mabuti na lang at nasa pinakadulo akong hilera. Kung hindi baka kanina pa ako nanigas sa sobrang kaba. Hindi ko rin kinakaya iyong atmosphere sa loob ng kitchen parang ang bigat-bigat.

“This is Tj, our Assistant Manager,” pakilala ni Ma'am Lily kay Tj.

“Hi, Sir,” pa-sweet na saad.

Wala akong narinig mula rito, kanina pang tahimik ang Boss namin. Ramdam ko ang pagiging Bossy n’ya kahit na hindi ako nakatingin.

“And this is Amanda Guerrero. Our Waitress, Cashier handler and at the same time she can be a Delivery Girl.”

Hindi ako nakagalaw nang tumapat sila sa pwesto ko. Hindi ko pa rin magawang tumingala sa kanila. Gusto kong umayos at maging normal pero binabalot talaga ako ng konsensya ko. Hindi naman ako ganito, malakas ang loob ko kahit na alam kong may ginawa akong kakaiba. Pero hindi ko yyata magagawa iyon sa Boss ko. Nakasalalay iyong pera na kailangan ko rito.

“Really?” hindi ko naiwasan tumindig ang balahibo ko nang magsimulang magsalita ang Boss namin.

“Pasensya na, Sir. Gan’yan talaga si Amanda, wala talaga s’yang pakialam sa paligid n’ya hehe,” sabat ni Tj na nasa gilid ko.

Narinig kong tumikhim ang lalaking nasa harapan ko. Kapag tapos ay bigla n’yang tinapik ng bahagya ang name tag ko gamit ang daliri na lalong ikinakaba ng puso ko. 

“Interesting,” saad nito dahilan para mapatingala na ako.

Hindi naiwasan na manlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko. Nakatitig lamang ito sa 'kin na parang isa akong estranghero.

Nag-uunahan na sa pagtibok ang puso ko. Parang gustong lumabas nito sa sobrang pagkabog.

Pinakatitigan n’ya pa muna ako bago s’ya tuluyang umalis sa harapan ko at naglakad sa harapan ng iba. Kung tingnan n’ya ako parang hindi n’ya ako kilala. 

Pero may parte sa akin na, mas okay ang ginawa n’ya, Ayokong malaman ng mga ka-trabaho ko na may ugnayan kami ng taong 'to.

Pero bakit s’ya pa? sa lahat ng magiging Boss ko bakit s’ya pa?

“Teh, papasukan na ‘yang bibig mo nakanganga ka pa rin,” bulong ni Tj sabay tabig sa akin ng kaunti.

Natauhan naman ako at saka ako napaayos ng tayo. Pero saglit pa ay muli kong sinilip ang lalaki dahil pakiramdam ko nananaginip lang ako.

Mariin ang nagawa kong pagpikit nang magtama ang paningin namin dalawa.

Bakit ikaw pa, Kieffer?

“When I'm about to start working at my office. Don't interrupt me as long as wala akong kailangan. If you need something, mag-request kayo kay Manager Lily para makyatapak kayo sa office ko. And by the way minsan lang akong nasa opisina dahil may inaasikaso rin ako sa Hospital namin ng ASAWA ko,” diin na sabi n’ya.

Kahit hindi ako interesado sa sinasabi n’ya, nag-init ang tainga ko sa huling narinig. Parang sa 'kin n’ya sinasabi ang mga 'yon.

Hindi ko tuloy naiwasang mapasinghal pyatago. Akala n’ya ba ay nandito ako dahil sa kan’ya? Kung gano’n nagkakamali s’ya.

Nang matapos s’yang mag-speech ay agad akong umalis sa pwesto ko.

Pumunta ako agad sa Cashier dahil hindi ko maatim na makita ang lalaking 'yon. Hindi ko pa rin matanggap na s’ya ang Boss ko.

“Kanina pang nakatingin sa 'yo si Sir, magkakilala ba kayo?” usisa ni Tj.

Hindi ko s’ya pinansin dire-diretso lang ako sa pagkalikot sa cashier kahit wala naman akong kailangan dito.

Hindi ko na nga napansin na padabog kong pinipindot ang keyboard. Pati ‘yong baso na titimplahan ko ay naibagsak ko nang wala sa oras.

“Teh? Nagdadabog ka ba? Hindi ka naman galit ‘no?”

Tiningnan ko s’ya nang walang reaksyon. Ayokong malaman nila na may koneksyon kami. Gusto ko ng payapang buhay.

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ito sa bulsa ko. Kinabahan ako agad nang makita ko ang text message ni Cyrus.

“Aalis na ako, may aasikasuhin pa ako sa Hospital,” seryosong sabi ko.

“Ganito kaaga? Mamaya pa darating ‘yong kapalit mo,” sabi nito.

“Pakisabi na lang kay Ma'am Lily na nagtyatae ako o sumama ang pakiramdam ko,” bilin ko, tinanggal ko na ang apron ko at ang sumbrelo.

Sinundan ako ni Tj hanggang sa staff room. Kinuha ko naman ang bag at jacket ko na nasa locker room.

“Tumalikod ka maghuhubad ako,” seryosong utos ko.

“Hayst, palagi ka na lang nagmamadali,” sabi n’ya nang sundin ako. “Bakit kasi hindi ka na lang magtrabaho sa Hospital para maalagaan mo si Ally.”

Hindi ko s’ya pinansin, alam naman n’yang hindi na ako tinyatanggap sa mga hospital dahil lahat ng hospital ay banned na ako. At lahat ng 'yon ay kagagawan ng ama ko, sobra ang galit sa 'kin ni Papa nang umalis ako sa puder n’ya kaya kinausap n’ya halos lahat ng ospital. Malakas ang hyatak n’yon kahit saan. Kahit yyata sa kasuluksulukan ng Bansa ay sakal-sakal n’ya.

Sinara ko ang locker ko kapag tapos kong magpalit ng white t-shirt. ”Aalis na ako, kamo hindi na kaya ng tiyan ko.” Nagmamadali akong naglakad palabas.

“Malalagot na naman ako nito e! Ako papagalitan hindi naman ikaw!” sigaw ni Tj.

“Babawi ako. Thank you!” Binigyan ko s’ya ng malaking ngiti bago ako tuluyang tumalikod at umalis.

“Mag-iingat ka!” pahabol na an’ya.

Sa secret exit ako lumabas dahil ayokong maagaw ang atensyon ng iba. Mabilis akong tumakbo papunta sa Hospital. Tulad ng sinabi ko kanina wala akong sapat na pera para mag-commute.

Kaya pa naman ng mga sapatos kong tumakbo. Hinihingal akong nakarating sa tapat ng Ospital. Tiningnan ko pa muna ang kyataasan ng building at saka ako pumasok sa loob. Mabigat ang nagging pagbuntong hininga ko nang sumakay ako sa elevator. Parang doon ko lang nagawang ilabas ang pagod ko.

Hindi naman ito ang main hospital pero ang laki-laki na n’ya para sa 'kin. Ito ‘yong pinangarap kong pagtrabahuhan. Pangarap kong gumamot ng tao hindi ang maglinis ng lamesa at magtipa ng order ng customer.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Ally ay mabilis kong binuksan ito. Saglit akong napapikit nang makita kong maayos naman ang lagay n’ya.

“Mama!!” tawag nito sa 'kin.

Kahit hinihingal ay nagawa kong lumapit sa kan’ya at yakapin s’ya nang mahigpit. Si Ally na lang ang natitira sa 'kin ayokong pati s’ya ay mawala pa sa 'kin.

“Okay ka lang? Ano’ng pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ko nang makakalas ako sa yakap.

Malaki ang ngiti nito sa 'kin. “I'm okay na Mama, Hindi naman ako hinayaan ni Tito Cyrus.” 

Ang mga ngiti nito... parang nagiging gamot ko sa tuwing napapagod ako.

Tiningnan ko si Cyrus na may pag-aalalang nakatingin sa 'kin. ”Bell, p’wede ba tayong mag-usap?” tanong n’ya.

Tiningnan ko pa muna si Ally bago ako tumango. “Dito ka muna Ally ha. May pag-uusapan lang kami ni Tito Cyrus mo,” paalam ko.

“Sige po, Mama.”

Nang bigyan kami ng pahintulot nito ay lumabas kami ni Cyrus mula sa kwarto. Hindi ko naman naiwasang kabahan sa sasabihin n’ya dahil parang importanteng-impoetante.

Naupo kami sa gilid ng hallway at hinintay ko na magsalita s’ya.

“May nahanap ka na bang pangbayad?” tanong n’ya.

Napabuntong hininga ako. “Oum... pero hindi pa rin sapat para sa gamot n’ya.”

May sakit si Ally, may acute leukemia s’ya, stage 2. Kaya nagpapasalamat ako dahil kahit may nakaraan kami ni Cyrus ay hindi n’ya pinabayaan ang Anak ko.

“Si kuya...” nanghina ako nang muli s’yang magsalita.

“Ayokong humingi sa kuya mo,” diretsang sabi ko.

“Pero nandito na s’ya sa bansa p’wede mo nang sabihin sa kan’ya ‘yong totoo,” sabi n’ya, hindi nawawala sa boses nito ang pag-aalala.

“Cyrus napag-usapan na natin 'yan. Ayokong malaman ng kuya mo na may anak s’ya sa 'kin. At isa pa nagkita na kami kanina,” nakakunot ang noo na sabi ko.

“Nagkita na kayo? Ano’ng sabi n’ya? Kinamusta ka naman ba n’ya?” sunod-sunod na tanong n’ya.

Umiling ako. “Hindi n’ya ako kinausap,” tipid na sagot ko.

“Hindi ko nasabi sa 'yo na pagmamay-ari n’ya ang Coffee shop na pinagtatrabahuhan mo. I'm sorry,” nanlulumong sabi n’ya.

“No. That's okay.” Binigyan ko s’ya ng pilit na ngiti.

Saglit kaming nyatahimik hanggang sa basagin n’ya ito ulit.

“Bell, kailangan nang ilipat si Ally sa main hospital dahil kulang ang gamit dito.” Napalunok ako bigla sa sinabi n’ya. “Pagmamay-ari rin ni Kuya ang main hospital sa tingin mo hindi n’ya malalaman ang tungkol sa anak mo?”

Mabigat ang naging paghinga ko. Ang akala ko ay madi-discharge na ang Anak ko pero hindi pa rin pala.

“Cyrus can you do me a favor?” Tiningnan ko s’ya sa mga mata.

Ayokong gawin 'to but I don't have any choice.

“Hmmm?”

“Gusto kong ikaw ang tumayong Ama ni Ally,” seryosong sabi ko.

Flashback.

Ramdam ko ang kalasingan ng katawan ko pero ang utak ko ay nagpa-function pa naman ng maayos.

Bitbit-bitbit ako ni Cyrus na kapatid ni Kieffer. Ang sabi n’ya ay pinapunta raw s’ya ni Kieffer sa bar para sunduin ako dahil nag-aalala na s’ya at hindi pa raw ako umuuwi ng bahay.

Kinikilig ako, nag-aalala ang asawa ko sa 'kin.

“Why are you wearing this kind of dress? It's too revealing. Hinahayaan ka ba talaga ni kuya na gan’yan ang suot mo tapos ang pupuntahan mo ay Bar?” asik na usal n’ya habang gumegewang kami.

Parang kalahati yata ng katawan ko ay buhat-buhat n’ya. Hanggang sa makarating kami sa parking lot. Mabilis n’ya akong sinakay sa backseat ng kotse n’ya. Nagtataka ako na sumakay s’ya sa tabi ko at hindi sa driver's seat.

Pero imbis na usisain ko s’ya ay hiniga ko ang ulo ko sa upuan. Nahihilo ako parang nawawala na ako sa sarili.

“I don't want to do this pero ayoko rin na mabigo si Kuya.” Hindi ko naiintindihan ang sinabi n’ya kaya pumikit na lamang ako.

Kinilabutan ako nang makaramdam ako ng halik sa leeg ko. Sinisipsip nito ang parteng 'yon, hindi ko alam kung bakit nagsusumamo ang isip ko pero ang katawan ko ay parang gustong-gusto nito ang ginagawa.

“Hmm...” nakagat ko ang labi ko nang simulan n’yang hawakan ang bewang ko dahilan para mapaliyad ako.

Sa tuwing gagalawin n’ya ang katawan ko ay kakaibang sensasyon ang binibigay nito. Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagtaas ng kamay n’ya papunta sa mukha ko.

Nagulat ako nang siniil n’ya ako ng halik. Gusto ko s’yang itulak pero hindi ko magawa dahil mas lalo n’yang hinawakan ang ulo ko. Nagsimulang gumalaw ang mga labi n’ya. Napapikit ako dahil sumabay ako sa paggalaw ng labi n’ya.

Bakit ganito? Hindi ko mapigilan, nalulunod ako. Dala ba 'to ng kalasingan?

“Cyrus...” ungol ko nang bumalik s’ya sa paghalik sa leeg ko.

“I love your scent,” namamaos na bulong n’ya na nakapagpadagdag sa sensasyon na nararamdaman ko.

Parang may kung ano sa katawan ko na gusto ang ginagawa n’ya.

Binuhat n’ya ako para magkaharap kami. Nakatanday ang dalawang hita ko sa hita n’ya. Ramdam ko na ang pamumula ko, naiinit ako.

“Cyrus...” tawag ko nang bigla n’yang itaas ang dress na suot ko. “Don't,” pigil ko na sinunod n’ya.

Hinayaan ko s’ya na halikan ako ulit sa labi. Ibang-iba ang halik na 'yon. Masyadong mapusok.

Habang nakayakap ako sa kan’ya ay may natanaw ang mga mata ko. Lasing ako pero alam ko kung ano 'yon.

Nangunot ang noo ko nang makumpirma ko kung ano ang bagay na 'yon kaya naitulak ko agad si Cyrus. Bigla akong natauhan nang makita ko ang mukha n’ya.

This is a trap.

Kinuha ko ang camera na nasa unahan at Tiningnan ito. ”Making s*x with me while recording? Bullsh*t!” hindi ko naiwasan na mainis.

Nakaramdam din ako ng hiya. Ano’ng ginagawa ko sa sarili ko?

“Bell, let me explain...”

Tiningnan ko s’ya ng masama at saka ako lumabas ng kotse. Hinagis ko ang camera sa sahig at pinagtatapak ko ito hanggang sa masira dahil sa sobrang frustration. 

“Ahh!!!” hindi ko maintindihan pero naiyak na ako sa sobrang galit.

'Yong inaalagaan kong katawan mapupunta sa ibang tao at hindi sa asawa ko? Nagsusumamo ang puso ko!

“Bell, stop.” Sinundan n’ya ako sa labas. Sinubukan n’ya akong pigilan sa pagsira sa camera.

Humarap ako sa kan’ya para sampalin s’ya. Napahawak s’ya sa kaliwang pisngi n’ya dahil mukhang napalakas ang sampal ko sa kan’ya.

“T*ng*n* Cyrus! Pinagkatiwalaan kita pati ba naman ikaw?” napahawak ako sa buhok ko.

“Bell, I'm sorry, hindi ko ginusto 'to.”

Muntik na akong magalaw tapos sorry? Napasinghap ako sa kawalan. “Tell me, kuya mo ba ang nag-utos sa 'yo na galawin ako?” Tiningnan ko s’ya nang seryoso sinusubukan kong ikalma ang sarili ko.

Tumango s’ya. “I'm sorry.”

Bahagyang umawang ang bibig ko kasabay n’yon ang pagbagsak ng balikat ko.

“Sino-sino pa ba ang uutusan n’ya para malayo ako sa kan’ya? Pati ba sarili n’yang kapatid,” nanlulumo na bulong ko.

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko. Nasasaktan ako, parang pinipiga ang puso ko.

Napapagod na ako, kalahati pa lang ng taon parang sukong-suko na ako. Hindi pa ba sapat 'yong pagmamahal ko para mahalin n’ya ako pabalik? nagawa n’ya pa akong ipaubaya sa iba.

Wala akong ginawa ng mga oras na 'yon kundi ang umiyak sa harapan ni Cyrus. Ayokong sisihin s’ya dahil alam kong biktima lang din s’ya rito.

--

“Bakit mo 'yon ginawa?” seryosong sabi ko habang kaharap s’ya. ”Muntik nang mawala 'yong-” napahinto ako, hindi ko kayang ituloy ang dapat na sasabihin ko dahil bumabalik lang iyong alaalang iyon. “Muntik nang mawala ‘yong bagay na iniingatan ko…” bulong ko.

Malamig ang tingin nito sa 'kin habang nakataas ang isang kilay. “So?” tipid na sagot nito.

Lalong sumakit ang puso ko sa sinabi n’ya. “Muntik na akong galawin ng kapatid mo tapos ayan lang sasabihin mo sa 'kin?! G*go ka ba?! Hanggang kailan mo ako sisirain?! Hanggang kailan mo ipaparamdam na hindi ako deserving?!” parang mawawasak ang lalamunan ko sa pagsigaw. ”Hindi pa ba sapat na sinasaktan mo ako pisikal? Pati ba naman emosyonal?” bulong ko.

“Pagod ako Dawn, kaya lumabas ka na sa opisina ko.” Sinubukan n’ya akong tulakin palabas pero nanatili ako sa pwesto ko.

“Dito lang ako,” seryosong sabi ko.

Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa sofa. Hindi na ako nagulat nang hawakan n’ya ako sa magkabilang braso ko nang sobrang higpit.

“Kapag sinabi kong lumabas ka! Lumabas ka!” Sa sobrang lakas n’ya ay naitayo n’ya ako nang gano'n kabilis.

Parang walang kahirap-hirap sa kan’ya na bitbitin ako palabas ng pinto. Nahawakan ko ang magkabilang braso ko nang tulakin n’ya ako nang malakas, dahilan para tumalsik ako sa pader.

“Ayokong makita 'yang pagmumukha mo.” Dinuro pa muna n’ya ako bago s’ya pumasok sa loob at isara ng malakas ang pinto.

“Your highness...” bulaslas ng isang taga paglingkod at saka ako tinulungan itayo nito. “Ayos lang po ba kayo?”

Mariin akong tumango. “Ayos lang ako.”

End of Flashback.

“Kung ayan ang gusto mo gagawin ko.”

“Salamat Cyrus… Salamat.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status