Samantha’s POV
Cylvia badly needed me now. She needed someone's shoulder to lean on. Someone who could make her feel comfortable despite of all the problems that had been breaking her. If there's anyone who could fit in that position, it had to be me.
Kung hindi lang sana kasi ako inutusan ni Ms. Dolor na hanapin ang principal, maybe I was able to lessen the burden of my dear friend. I'm worried about her. But right now, there's nothing I can do except to find the principal as soon as possible para mabalikan ko si Cylvia.
I found myself strolling, following the trail away from the students' study area while giving a gaze at the wide blue sheet of skies with the cottony clouds up above. The glimmering rays of the afternoon sun kissed my face as I went on.
I must admit, it felt kind of boring to walk alone in the pathways beneath the green broad quadrangle of the University, that's why I convinced myself to take my headphones out of my skirt's mini pocket to listen to the music in my shuffled playlist. When the feeling of loneliness finally flew out of my body, nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Limang minuto na lang at mag-aalas tres na. We don't have classes this entire afternoon because of the PTA Assembly na magsisimula na maya-maya. Kaya siguro pinapahanap si Madam Principal because the meeting won't start kapag wala siya.
I've been walking around here for almost ten minutes but still I wasn't able to find her. Narating ko na rin ang pinaka-dulong bahagi ng University, which was the old and abandoned two-storey building. I heard a lot of haunted stories tungkol dito pero I don't believe in any of them. To see is to believe, ika nga nila. So far, wala pa naman akong nakikita kaya wala rin akong dahilan upang maniwala.
Walking alone here would be something you'd never like. It's indeed scary and I don't deny it. Lalo na't nasa tabi lang ng building ang school's mini forest na sabi ay puno rin ng kababalaghan. Masyadong liblib, napakaraming nagtatayugang mga puno, na kung titingna'y mahigit ilang dekada nang nakatayo. But there's this one tree, narra tree to be exact, that caught my attention as I roamed around. Its size was really huge. Ang mga naglalakihang ugat nito'y nakagapang patungo sa gusali na kupas na ang mga pintura at nababalot na ng mga lumot.
Masyadong tahimik sa lugar na ito. Yung tipong sa sobrang tahimik ay halos maririnig mo na maging ang paghinga ng paru-parong taimtim na nagta-trabaho sa bulaklak ng santan. Nakaka-panindig balahibo.
"Samantha!"
A good while later, someone called my name. I felt a sudden jolt struck my entire body and paralysed me for almost three seconds. Napalingon ako sa bukana ng mini forest dahil sa pakiwari ko'y nandoon nagmumula ang tinig. At hindi nga ako nagkamali.
It was Keiciara.
"Hey, Keiciara?" I walked towards my classmate.
"Why are you here?" she asked. There were lines drawn on her forehead when she spat out her words.
"Hindi ba't ako dapat ang magtatanong niyan?" I replied while having an imaginary question mark carved on my face. "Why are you here?" I added.
"Wala lang. Tambay lang. I find this place peaceful kasi. Gusto ko lang magpahinga kaya dito ako pumunta," she explained, which for me was really weird.
I looked straight at her eyes and I saw a couple of orbs sparkling mysteriously. It seemed like they were about to burst into tears, but maybe Keiciara had some special ability of controlling them that's why at some point they never made it out.
"Oh! By the way, babalik na pala ako sa gym, sunod ka ha!" wika nito sabay takbo papalayo habang kumakaway.
I don't know pero bigla na lang siyang na-hotseat. I actually had few questions to ask her pero agad naman siyang umalis. Kaya naiwan akong tuliro, tulala sa aking kinatatayuan.
Kinuha ko na lang ang aking cellphone at saka sinubukang tawagan si Vhynz, my twin brother. I want him to tell Ms. Dolor that I'm not able to find the principal.
It took me six dials before he answered my call.
"Hello, ate? Bakit napatawag ka?" he said, deadpan.
"Have you seen Ma'am Dolor, Vhynz?" tanong ko habang pinapadyak ang mga paa dahil sa alikabok na ngayon ko lang namalayan.
"Hindi. At mukhang hindi ko pa siya nakikita magmula noong pumasok ako kaninang umaga. Bakit?" tanong niya pabalik, may tunog ng nagtitipahang mga daliri sa keyboard na maririnig sa kaniyang paligid.
"Inutusan niya kasi akong hanapin ang principal. Pakisabi sana kay Ma'am na hindi ko siya nakita,” mahinahon kong sabi.
"Okay. Sige sasabihin ko," he replied calmly.
"Nasaan ka nga pala?" I asked in a low and soft monotone.
"Nandito ako sa research laboratory. Kasama ko ngayon ang iba pa nating mga kaklase. Bakit, ikaw? Saan ka na?"
"Nandito ako sa quadrangle. Pero babalik na rin naman ako diyan mamaya."
"Okay. End call mo na. Medyo nahihiya na ko dahil nakakaabala na ako sa mga estudyante dito."
"Sige, sige." I then ended the call.
I was on my way back to the covered gym when I heard a loud scream coming out of nowhere. I froze for a moment. Biglang lumakas ang pagtambol ng aking dibdib. Tila nais nitong kumawala.
That was creepy.
It sounded like a scream of pain. I'm trying to recall where that sound came from pero hindi ko na matandaan.
At this moment, I didn’t know what exactly I should do.
I thought I was the only person here in this portion of the school, and hearing that strange sound made me tremble in fear. But not until I realized that I am with someone a while ago. I am with Keiciara a while ago. Bigla akong kinabahan dahil baka si Keiciara talaga 'yon. Baka napapaano na siya. Pero kung hindi ako nagkakamali, sa mga minutong ito' y nakabalik na sana siya sa gym. Kaya sigurado akong masyadong imposible na sa kaniya nanggaling ang tinig na iyon.
Pero kung hindi si Keiciara ang sumigaw, edi sino?
I kept on telling myself, "Keep calm Samantha. Keep calm."
I stood for a while, habang pinapakalma ang sarili at pinag-iisipan kung ano ang dapat na gagawin.
Tinititigan ko pa lang ang old building, pero nalulula na ako dahil sa negativity na mararamdaman mo dito. I know that even if I don't really believe in ghost stories, there could be some paper-thin chances and possibilities na totoo nga sila.
I urged on asking myself. Should I enter, so that I could know who screamed few minutes ago? Or should I just run away to keep myself safe? Ngunit paano kung may nangangailangan nga talaga ng tulong ko?
I gave myself a couple of minutes to think. Not long after, I was able to finally decide for my self.
Papasok ako.
Naglakad ako papalapit sa pintuan ng two-storey building habang ang mga kamay ko ay naka-sign of the cross.
Nang maapakan ko na ang door way sa tapat ng pintuang kalawangin, huminga ako nang malalim at saka pinihit pabukas ang pinto.
Ok, this is it. At the count of three.
Ok, this is it. At the count of three.One.Two.Three.Buong lakas kong tinulak ang nangangalawang na pinto at lumikha ito ng isang malakas na tunog. Agad na bumungad sa akin ang ‘di hamak na dilim. Nakakabulag na dilim. Nakakalulang dilim.Iniwan kong nakatiwangwang ang pintuan para kahit papaano’ y may kaunting liwanag man lang na magsisilbing ilaw sa silid. Subalit hindi ito naging sapat. Sa katunayan, kinain lang ito ng kadiliman.Kaya napilitan akong paandarin ang flashlight ng aking cellphone na sa pakiwari ko’y hindi na rin magtatagal dahil 12% na lang ang natitirang baterya nito.Nagmatyag ako at muling tinutukan ng atensiyon ang tinig na kani-kanina ko lang narinig. Sa mga puntong ito, mukhang malabo nang maulit pa iyon.Then all of a sudden, namatay ang kakarampot na ilaw na nagmumula sa aking cellphone. I tried to c
Vhynz’s POV:Kasalukuyan kami ngayong naglalakad patungong school clinic. Kasama ko sina Andrei, Janvic, Geodie, Jermaine, Rabiya, at Yuri. Wala kaming motibo kung bakit nahimatay si Samantha. I thought it was just an over fatigue. Palagi kasi talaga siyang nahihimatay sa tuwing nagkulang sa kain at nasobrahan sa pagod. Palagi siyang pinagsasabihan nila Mom at Dad na uminom ng kaniyang gamot, pero minsan ay nakakaligtaan niya ito nang hindi sinasadya. Kaya ang mga senaryong ito, hindi na ito bago pa kay Samantha.Takang-taka kami ngayon kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante pati na rin ang mga guro. Lahat sila ay mukhang patungo sa likod—sa mini forest, kung hindi ako nagkakamali.“Eh? What’s happening?" Nagtatakang tanong ni Yuri. May mga linyang nakaguhit sa kaniyang noo nang magsalubong ang kaniyang mga kilay sa gitna.“Is there any activities today? Like fire drills, earth
Sobrang takang-taka ako kung bakit sila pumasok dito gayong nalinis na rin naman ‘yong crime scene. Ano pang gagawin nila dito? Are they looking for evidences? Or are they getting rid of them?Bunsod ng labis na pagtatak at labis na pagkasabik na malaman ang kadahilanan kung bakit sila naririto, napilitan akong sumunod sa likod nila. Pinauna ko lang sila nang kaunti upang hindi nila ako maramdaman, habang sa parehong pagkakataon ay naghahanap na rin ng ligtas na lugar na pwedeng pagtaguan. Pumasok ako sa ilalim ng hagdanan sa pagitan ng first floor at second floor ng old building para masiguradong walang makakakita sa akin.Medyo madilim at maalikabok dito pero okay na rin. Kahit papaano ay malapit-lapit sa kanila nang kaunti kaya masasabi kong maririnig ko ang mga pag-uusapan nila nang hindi nila ako nakikita.Malamok sa loob ng limitadong silid na pinagtataguan ko. May parang teacher’s table na luma na; kung ako ang magkikilatis ay mukhang
Rabiya’s POV:Parang hagibis ng hanging habagat ang mabilis na pagdaan ng Sabado at Linggo. Parang bente segundos lang ang lumipas at ngayon ay Lunes na naman. Sariwang-sariwa pa sa aking isipan kung paano kami tinakot ng grabe. Kung paano kami pinagpawisan ng grabe. Kung paano kami nanginig ng grabe. Parang sintimyas ng bukang liwayway kung pababalikin pa namin ang mga alaalang iyon. Ang hirap, mga bangungot na hindi na pwedeng takasan, mga sigwa na hindi na pwedeng pagtaguan. Sobrang hirap, pero sigurado akong bukod pa doon ay may mas hihirap pa.“Rabiya! Wala ka bang balak pumasok? Lunes na Lunes ngayon ah?” nakaramdam ako ng isang malakas na yugyog na siyang bumasag sa aking mahimbing na pagkakaidlip. Teka, Lunes na pala? “Bumangon ka na diyan. Wala ka talagang plano sa buhay mo no?” dagdag pa ni Mama na mas maingay pa sa mga manok ni papa, at sa busina ng mga sasakyan na nagsisidaanan sa labas.While taking a quick look a
Samantha's POV:When Ma'am returned from the first section, we remained flooded by our tears. Make-ups were fading on the faces of some girls, while on the eyes of some boys were a massive color of red. In that short span of time, we were able to bring back every single detailed memory of our friend. It was a dumb move. Because as sure as the eggs are eggs, we indeed were hurting.We went directly to the discussion but the atmosphere wasn't fine. Iyong iba ay tulala lang na nakatitig sa labas; may mga hindi mapigilan ang mga luha kung kaya't patuloy pa rin ang paghikbi, samantalang mayroon rin namang dinadaan na lang sa kwentuhan ang emosyon. Kung pagbabasehan ang sitwasyong ito, masasabi kong labis talaga kaming nasaktan sa nangyari.Siguro dahil napalapit na rin kami sa isa't-isa. We've made a lot of memories together. Marami na kaming napagdaanan, siyempre sa star section kasi isa kaming pamilya. Palagi kaming sama-sa
Samantha's POV:Nandito ako ngayon sa classroom ng first section at naghihintay na dumating si Keiciara dahil kailangan naming mag-usap. Kailangan kong masiguradong mananatiling nakatago ang sikreto naming dalawa.Medyo mangiyak-ngiyak na ang kalangitan pero hindi ito naging hudyat upang maubusan ako ng pasensiya sa paghihintay sa kaniya. Lumabas ang mga estudyante sa first section dahil wala rin silang klase. Walang tao ngayon sa kanilang classroom maliban lamang sa'kin. Nakaupo ako malapit sa bintana kaya't napadungaw ako sa labas. Mula sa qking pinagpupwestuhan, kitang-kita ko ang mga kaklase ko sa baba na naglalakad sa ilalim ng nagbabadyang pag-ulan. Alam kong ninanais nilang mahanap ako pero dapat ko talagang makausap si Keiciara.I've been here for more than five minutes already, yet not a single progress had beeen made. Nagtago na ang haring araw sa likod ng nangungulimlim na mga ulap at ang malalaking patak ng u
Nicole's POV:Nakaupo ako ngayon sa students study area at nagbabasa ng paborito kong librong To All The Girls In My Dreams habang naghihintay na ipatawag ng principal para sa final instructions bago ako opisyal na maging student ng Alejandro University.Yes, I am a transferee from a public school somewhere in Los Angeles. Napalipat kami dito sa Pilipinas because of some family problems. Naghiwalay sina Mama at Papa nitong nakaraang buwan lang, at ngayon ay kasalukuyan akong naninirahan sa bahay ni Tita kasama si Mama. Sanay na sanay na ako sa pariwarang buhay. Hindi naman kami mahirap, pero kung tutuusin ay mas mahirap pa kami sa sinumang mahirap dito sa mundo. Sa sobrang gahaman sa pera ng mga magulang ko, nagkulang na sila sa pag-aruga, pagmamahal, at atensiyon sa akin. And it's killing me softly. Minsan na akong nagtangkang lumayas kaso pinigilan nila ako. Sabi nila hindi na mauulit ang mga problemang iyon. Kaya hindi ako natuloy. Pero days,
Andrei's POV:It's almost 6:00 p.m. at uwian na. Walang masyadong estudyanteng umaaligid sa loob ng University. Nagsi-uwian na ang mga teachers at ganoon na rin ang mga staffs, habang kami naman ay nakatambay pa rin sa benches malapit sa students' lockers at wala pang planong umuwi. Nagpa-iwan kaming halos lahat sa star section dahil mag-eensayo kami ng aming intermission number para sa program bukas, National Women's Day Celebration.Hindi ako nag-expect na ang bago naming kaklase na si Nicole ay magaling rin pala sumayaw, hangang-hanga na lang kaming lahat."Woah, uwian na girls, may nanalo na," namamanghang sabi ni Rabiya sabay alay kay Nicole ng palakpak."Iba din itong batang to eh," dagdag ni Jermaine na marunong ding sumayaw ngunit mas dalubhasa sa pagkanta.Magkaakbay na inalayan ng masigabong palakpakan ng dalawa ang bagong lipat naming kaklase na siyang na