Home / Lahat / The Photo Collector / Chapter 4: Doubt and Curiosity

Share

Chapter 4: Doubt and Curiosity

last update Huling Na-update: 2021-05-06 05:05:15

Vhynz’s POV:

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad patungong school clinic. Kasama ko sina Andrei, Janvic, Geodie, Jermaine, Rabiya, at Yuri. Wala kaming motibo kung bakit nahimatay si Samantha. I thought it was just an over fatigue. Palagi kasi talaga siyang nahihimatay sa tuwing nagkulang sa kain at nasobrahan sa pagod. Palagi siyang pinagsasabihan nila Mom at Dad na uminom ng kaniyang gamot, pero minsan ay nakakaligtaan niya ito nang hindi sinasadya. Kaya ang mga senaryong ito, hindi na ito bago pa kay Samantha. 

Takang-taka kami ngayon kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante pati na rin ang mga guro. Lahat sila ay mukhang patungo sa likod—sa mini forest,  kung hindi ako nagkakamali.

“Eh? What’s happening?" Nagtatakang tanong ni Yuri. May mga linyang nakaguhit  sa kaniyang noo nang magsalubong ang kaniyang mga kilay sa gitna. 


“Is there any activities today? Like fire drills, earthquake drills, or something like that?” karagdagang tanong ni Rabiya.


“Di ka ba nag-iisip, Rabiya? Sino ba namang matinong tao ang pupuntang mini forest kapag may lindol? Geez, you’re getting into my nerves!” Pagtataray naman ni Jermaine. 

“By the way, Vhynz, bakit nga pala tayo papunta ng clinic?” tanong ni Andrei na huli ko lang naintindihan dahil sa siopao na nginunguya niya. 

“Oh, I forgot to explain,” singhal ko sabay kamot sa ulo. 

“Yes, inanyaya mo lang kaming sumama without even telling us why,” sambit ni Geodie sabay rolling eyes.

“Sabi sa akin ni Ma’am Krizel, nag-uusap daw sina sir Tan at ate habang nagmi-meeting. Hingal na hingal si Samantha na nagku-kwento kay sir. Tapos bigla na lang daw nahimatay.”

“Oh, bakit daw?”

“Wait. Why? What happened?”

“Kaya pala di siya nakabalik agad?”

Sabay-sabay silang napabitaw ng kanilang mga katanungan.

“Hindi ko nga rin alam kung bakit. That’s why we are here to find out what really happened.” Mahinahon kong paliwanag.

Nakarating na kami ng schoool clinic at nadatnan namin doon si Samantha na nakaupo sa kama at may hawak na isang baso ng tubig.

“Uhm, okay? So, mukhang ayos naman siya. Nakakahinga pa naman,” hirit ni Jermaine.

“You know what, Jermaine, hindi ka nakakatuwa,” sabi ni Samantha sa mahinang boses.

“So, bakit ka nga pala nahimatay?” direktahang tanong ni Andrei na siyang sinundan naman ni Rabiya. 

“Oo nga, ano ba talagang nangyari?”

“Mahabang istorya. Lumapit kayo dito.” At agad naman kaming nagtumpukan sa kama na kinauupuan ni Samantha. 

“Kanina diba nautusan akong hanapin ang principal?”

“Ahh, kaya pala hindi ka namin mahagilap kanina.

“Oo, wala akong kaalam-alam kung saan ko hahanapin si ma’am. Kaya nilibot ko ang buong University. Until I reached the old two-storey building sa likod,” paunang paliwanag ni Samantha. 

“Ano namang gagawin ng principal don?” tanong ko naman kay kapatid.

“Just shut up and listen, okay?” naririnding saway ni Geodie. 

“Noong una, ganyan rin ang inisip ko.”

“Eh naisipan mo rin pala, bakit ka pa tumuloy?” nakakunot-noong tanong ni Andrei na hanggang ngayo’y hindi pa rin nauubos ang pagkaing mag-iisang oras na niyang hinahawakan. 

“Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay naglilibot si ma’am principal noong mga oras na ‘yon ayon kay ma’am Dolores. Kaya pinahanap niya sa akin.”

“Ah ganun ba? Oh tapos anong nangyari?” naiwang nakanganga si Jermaine.

“Dumiretso na lang ako ng old building. Nagbabakasakaling doon ko siya makikita. It took me a while there, hanggang sa makasalubong ko si Keiciara na parang nagmula pa sa mini forest.” 

“And what the heck did that nerd doing there?” muling tanong ni Rabiya. 

“Hindi ko alam. Pero doon daw kasi yung paborito niyang tambayan tuwing vacant period eh.

“Ah. Kaya naman pala,” sabay-sabay naming tugon.

Natahimik kami ng mga ilang segundo upang hayaang maka-inom ng tubig si Samantha. Ngunit bigla itong nabilaukan nang biglang sumigaw si Geodie. 

“What the heck? Bakit may dugo yang skirt mo?!” Geodie screamed in shock. Napapisik kaming lahat dahil sa lakas ng kaniyang pagtili. 

“Ah eto ba?” tinuro ni Samantha ang bahagi ng kanyang palda na namantsahan ng dugo. 

“Yes. ‘Yan nga. Saan mo nakuha yan?” 

“Pinasok ko yung building. It was so dark there, that even a glimpse of light is nowhere to be found. I tried to contact you guys, but you were all out of reach. Kaya ang naging choice ko na lang ay gumapang papuntang dingding na may bintanang sarado. Baka kasi sa pagbukas ko, ay maiilawan na ang silid. Habang gumagapang ako ay may nakapkap akong isang malambot na bagay at basa. That’s how I got these stains.”

Nalaglag ang aming mga panga sa mga narinig. Nagtayuan ang aking balahibo habang pinakikinggan lang si ate. 

“Ano naman yung bagay na yon?” Yuri asked.

 

“A dead body. Our principal’s flesh bathing in her own blood,” pabulong na sagot ni ate habang iniwas ang mga mata sa amin. 

“Ha? At paano naman napadpad doon ang bangkay ni ma’am?” Andrei asked, again. 

“I don’t know. Basta ang alam ko lang, agad akong tumakbo palabas at hindi na lumingon pa. I reported everything to Mr. Tan. And I think, the police and the school is now investigating the incident.”

“ So it was a murder?”

“Yes, I think. May isang butcher knife malapit sa bangkay ni ma’am. Siguro iyon ang ginamit upang tagain at patayin siya,” ani Samantha sabay suot ng kanyang mga medyas at saka sapatos. “Tara. Punta tayo doon,” anyaya pa niya.

Travis’ POV:

Nasa building F ako nang makita kong dumaan sina Samantha sa aking harapan. Hindi nila ako napansin dahil sa hood na nakatakip sa aking mukha. 

Nagtaka ako kung saan sila pupunta. Sa katotohanan ay hindi lang naman sila ang dumaan. Halos kabuuan ata ng populasyon ng paaralang ito ay nagmamadaling pumunta sa parehong direksiyon. Kaya nagambala ako. 

Inimpake ko ang aking nakakalat na mga kwaderno sa bleachers at saka isiniksik ang mga ito sa aking bag. 

Tumayo ako na rin ako at nagsimulang maglakad nang paika-ika dahil sa hindi maayos na pagkakasuot ng sapatos. 

Nakaka-intriga ang pagkarambola ng mga tao. Kailangan kong maki-osyoso kung ano na ang nangyayari. Sa mga puntong ito kasi, ako na lang yata ang hindi pa uma-aksiyon. At ang ams nakakapagtaka pa, sa lahat ng mga estudyante dito sa loob ng malaking eskwelahang ito, ako na lang ang hindi natataranta. Ako na lang ang hindi tumatakbo. Ako na lang ang walang pakialam. 

Kaya upang masidlan rin ng kahit katiting na impormasyon 'tong kokote ko, pawalang-bahala akong sumunod sa karamihan na pumunta sa lumang gusali sa likod. Sa daan, may mga takaw na impormasyon akong narinig mula sa mga nagsisitakbuhan. 

Nakarating na nga  ako sa  old two-storey building. Bakas sa mukha ng karamihan ang lungkot at paghihinagpis. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa sabik akong malaman kung ano ang kadahilanan, nakipagsiksikan ako sa nakatumpok na mga estudyante na nag-uusap at pinakinggan ko sila ng palihim. 

“Pre, bakit kaya sa tingin mo ginawa sa kanya to? Eh sa pagkakaalam ko kasi, mabait naman itong si Ma’am," bulong ng isang lalaki sa kaniyang kasama matapos niyang sikuhin ito. 

“Siguro sa tingin ko ay mayroong hindi gusto ang pamamalakad ng principal sa paaralan kaya pinatay ito. Kawawa nga, halatang hindi talaga siya pinagbigyan," buntong-hininga naman ng isa. 

Nalito ako sa pinag-uusapan ng dalawang estudyanteng nakaharang sa harap ko. Ngunit kahit papaano ay alam ko na kung bakit maraming tao ang pumunta dito. 

Wala na pala yung principal. Patay na siya. 

Pumagilid muna ako at tumungo ng kakahuyang parte upang umihi dahil kanina pa ako nagpipigil nito. Ngunit bago ko pa man din mabuksan ang zipper ng aking pantalon ay nakita ko na naman sina Andrei na papasok sa pintuan ng likurang bahagi ng building. 

Dahil sa hindi matawarang pagtataka, hindi ko na lang itinuloy ang aking pag-iihi at naglakad na lang din papasok ng pinto upang sundan at kutuban sila. Hinintay ko muna sila na tuluyan nang makapasok sa loob bago ako sumunod upang sundan sila. 

Gayong ganito na ang nangyayari, ano naman kaya ang gagawin nila ito sa loob?

 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Photo Collector    Chapter 16: A Walk To Remember

    Jode's Pov:Ginising ko si Rex mula sa kanyang pag-iidlip nang mapansin kong tumila na ang ulan. Agad naman siyang bumangon at inunat ang katawan."Good. Sa wakas at tumigil na ang ulan," aniya sabay hikab."Kaya nga. Tara na, uwi na tayo."Kinuha ni Rex ang kanyang bag at saka isinuot ito. "Sige, ihahatid na kita sa inyo.""Kahit huwag na. Kaya ko na ang sarili ko," pagtanggi ko."Kahit kaya mo na ang sarili mo, kailangan pa rin kitang ihatid." Pagpupumilit nito sabay kuha sa aking mga gamit. "Tara na.""Oh sige na nga,hatid mo na ko. Bahala ka, baka pagsisisihan mo to bukas." Pagbabanta ko sa kanya habang nag-umpisa na kaming maglakad.Napatingin ako sa aking relo and it's almost 6:30. Kaya hinikayat ko si Rex na mas bilisan pa ang paglalakad dahil ayokong mapagalitan na naman ni mama. Napagk

  • The Photo Collector    Chapter 15: A Love In The Rain

    Rex's Pov: Dalawang linggo na ang nakalilipas matapos nangyari ang hindi inaasahan. Kasalukuyan akong nandidito sa sementeryo kung saan sila inilibing. Martes ngayon, galing akong Alejandro at dumaan lang ako dito para mag alay ng bulaklak at dasal. Hindi naging dahilan ang ulan para hindi ako matuloy. Mag-isa akong bumisita sa puntod nilang apat. Ang makita silang nakabaon sa ilalim ng malawak na libingan ay nagbibigay sa akin ng isang malungkot na atmospera. Hindi ko na kailangan pang makipag-sabayan sa ulan para lang mapagtantong umiiyak na ako. Alam ng lahat ng mga santo santo sa kalangitan kung gaano ako nagdadalamhati sa mga puntong ito. Kahit mismong ang Panginoon ay may ideya kung gaano ka bigat sa pakiramdam ang malunod sa mga emosyong ito. "You all will surely be missed," malumanay ngunit malugod kong bulong sabay patong ng mga bulaklak sa ibabaw ng lapida ng bawat isa sa kanila. Nag-uumapaw ang aking kalungkutan habang nakaluhod

  • The Photo Collector    Chapter 14: Minus Four

    Rosalyn's POV:Naiwan kaming apat dahil kakababa lang namin mula sa Senior High School building at hindi matawaran ang pagod sa katatakbo sa ilalim ng araw, kaya napili muna naming mamahinga kahit saglit. Nagpunas ng mga pawis, nag-asikaso ng mga sarili, at nagpulong-pulong tungkol sa sayaw na itatanghal namin mamaya.Apat na lang kami ang natitira dito sa dressing room, kaya medyo angkin namin ang lahat ng mga electric fan sa loob, maging ang sapat na espasyo ng buong silid para mag-unat-unat ng mga buto.Habang sinusuklay ko ang aking buhok, bigla akong tinanong ni Leigh Ann. "Alin sa dalawang ito ang sa tingin mo'y mas bagay sa'kin?" tanong niya, pinapakita ang dalawang contact lenses na nasa kulay asul at kulay kape. Hindi ko alam kung bakit siya maglalagay nito sa mata, gayong hindi naman ito makikita sa malayuan. Sobrang laki ng entabladong aming sasayawan, at sobrang layo sa amin ng mga manunuod. Imposibleng

  • The Photo Collector    Chapter 13: Special Performance

    Jermaine's POV:Tanghali na.Napagkasunduan naming kumain sa isang seafood restaurant ilang metro lang ang layo mula sa Hamlet Creek University. Maagang natapos ang klase dahil preparation na para sa program mamaya sa school, National Women's Day Celebration. Sampu kaming kasalukuyang magkakasama. Ako, si Arian, si Samantha, si Vhynz, si Yuri, si Cylvia, si Rabiya, si Philip, si Janvic, at si Andrei.Dalawang parihabang mga mesa ang pinagdugtong namin para lang magkasya kaming lahat nang walang hindi nakakasali. It's our odd behaviour as a group; we always settle for what makes us all comfortable. Habang naghihintay ng mga in-order na pagkain, hindi namin napigilang pag-usapan ang sunog na nangyari sa main entrance ng gate kagabi. It really happened so fast. It was just last night, but the way everyone acted today, it felt like it had been wiped out of the history. Tuwing sumasagi ito sa isip ko, bigla na lang lumilitaw

  • The Photo Collector    Chapter 12: Fusion

    Cylvia's POV:Tandang-tanda ko pa noong una akong tumapak sa paaralang ito, I was a seventh grader that time. Walang estudyante na hindi ngumingiti, na hindi tumatawa. Bawat daanang aking nalalampasan ay may grupo ng mga kabataang abot langit ang saya, kumikinang ang mga mata sa sobrang ligaya. Hanggang ngayon, malinaw na malinaw pa rin sa aking pananaw ang ganitong mga nakasanayan. Pero habang tumatagal, kumukupas na ang paniniwalang sadyang masayahin ang mga mag-aaral dito sa amin. Habang tumatagal, umiiba ang ihip dito ng hangin. Habang tumatagal, unti-unting nababalot ng misteryo ang dating payapang paaralan. At habang tumatagal, lumilisan na ang saya ng dating kabataan. Iba ang ngiti ng mga kabataan noon sa ngiti ng mga kabataan ngayon. Namin pala, dahil isa din ako sa mga iyon. Noon, ang ngiti ay ginagamit para maglahad ng kasiyahan. Pero ngayon, ginagamit na ito para magtago ng kasamaan. Alam kong may tao talaga sa likod ng bawat buhay na lumisan. At alam k

  • The Photo Collector    Chapter 11: The Cost of Keeping a Secret

    Rabiya's POV:Gabi na nang matapos namin ang pag-eensayo. Pauwi na kami mga bandang 8:30 nang madatnan naming nakahiga si Vhynz sa tapat ng nagliliyab na gate. Hindi pa man din kami nakakalayo sa aming pinanggalingan ay kitang-kita na namin ang malaking apoy kaya dali-dali kaming tumakbo papunta rito.Hindi maipaliwanag ang aming mga mukha dahil sa nasaksihan. Napatakip na lang kami ng mga mata dahil sa sitwasyon ng guard. Naaagnas na ito. Ang mga balat ay mistulang basang papel na sa isang dampi lang ng hanging mabini ay agad nang napupunit. Ang kaniyang mga mata'y tila holeng natusta sa malakas na apoy. Ang kaniyang uniporme'y hindi na mahahagilap pa dahil ito ay ngayo’y natatanging abo na lang na nakikipag-isa sa mainit na lupa na maihahalintulad sa impyerno.May pagyanig sa aming mga kalamnan nang masangkot kami sa hindi katangi-tanging sitwasyon.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status