Share

Chapter 3: The Principal

Ok, this is it. At the count of three.

One.

Two.

Three.

Buong lakas kong tinulak ang nangangalawang na pinto at lumikha ito ng isang malakas na tunog. Agad na bumungad sa akin ang ‘di hamak na dilim. Nakakabulag na dilim. Nakakalulang dilim.

Iniwan kong nakatiwangwang ang pintuan para kahit papaano’ y may kaunting liwanag man lang na magsisilbing ilaw sa silid. Subalit hindi ito naging sapat. Sa katunayan, kinain lang ito ng kadiliman.

Kaya napilitan akong paandarin ang flashlight ng aking cellphone na sa pakiwari ko’y hindi na rin magtatagal dahil 12% na lang ang natitirang baterya nito.

Nagmatyag ako at muling tinutukan ng atensiyon ang tinig na kani-kanina ko lang narinig. Sa mga puntong ito, mukhang malabo nang maulit pa iyon.

Then all of a sudden, namatay ang kakarampot na ilaw na nagmumula sa aking cellphone. I tried to contact any of my classmates to ask for help but no one replied.

I first chatted Cylvia. But she’s not active on messenger.

Then next, I texted Vhynz. But just like Cylvia, he’s inactive.

Hanggang sa naalala kong hindi pa pala nag-expire ang load ko kaya sinubukan kong tawagan si Andrei. Pero hindi niya ito sinasagot.

I glanced on my phone’s screen and I was shocked on what I saw.

“No-no way!” I uttered.

Five percent left. 4:15pm.

Isang malakas na hangin ang biglaang umihip na naging dahilan ng pwersahang pagsara ng pintuan. Naiwan akong kabado sa loob.

Nababalot ng dilim.

Nababalot ng takot.

Right after the door shut, everything turned black. Itim lahat. I’m not exaggerating pero honestly, wala na talaga akong makita. It was pitch-black. Dark enough to compare my sight to a blind man’s.

I tried to assess my cellphone’s flashlight for the second time but its battery was too low.

Until I realized that I had to walk towards the window and open it para magkaliwanag man lang ng kaunti. The nearest window, which was on my right, was only few meters away.

That’s why I decided to walk step by step slowly. But it didn’t work. I was careful. I knew to myself that I was careful. But regardless, I still tripped anyway.

Matapos makahakbang ng mga limang beses ay bigla akong natumba at tumilapon ang aking cellphone kung saan. I knew it that I stepped into something weird yet I don’t know what it was.

Parang kung anong malambot. I can’t even tell that it was a piece of wood because it was surely soft.

I was trying to convince myself to stand, but the darkness was just too much for me to handle. It made me felt nauseated every time I attempted to move a single nerve.

Kaya gumapang na lang ako. Mabagal na pagkakagapang ang ginawa ko para mailapit lang ang sarili sa kinaroroonan ng bintana. Subalit hindi ko pa man din nakakalahati ang aking destinasyon ay biglang may nakapkap ako sa sahig.

Basa.

Malagkit.

Malangsa.

My entire body quivered in chills as I felt the tingling sensation on my left palm.

Ipinunas ko ito sa aking palda at saka nagpatuloy sa paggapang kahit na ang isipan ko’y pilit na binubulabog ng kung ano ang nahagip ng aking kamay.

Sa wakas, matapos ang nakakangalay sa tuhod na paggapang ay narating ko na rin ang pader na may bintana.

Tumayo ako at saka pinagpag ang palda at damit na sa pagkakaalam ko’y balot na ng dumi at alikabok.

At nang masigurado kong nalinis ko na ang lahat ay saka ko binuksan ng walang pag-aalinlangan ang bintana.

As I opened the window, rays of light began to scatter all over the place. I could see how it illuminated the darkness and lit up all of the four corners of the room. It was fascinating.

My hopes blossomed like the flowers on May. For a second, I was yhe most satisfied person in the world. But it only lasted for a second. No. Not even a second.

Ang ngiting nakaukit sa labi ko’y biglang namutawi matapos mahagip ng aking mga mata ang isang bagay na hindi ko ninanais makita.

Ang bagay na kanina ko pa hinahanap.

Ang bagay na hindi ko inaasahang dito ko matatagpuan.

Isang malakas at mahabang sigaw ang aking pinakawalan habang ang mga mata ay nakatutok sa nakahimlay at duguang bangkay sa sahig.

I saw a flesh of a familiar person, a flesh with bloods covering her entire body. It was her flesh. Our principal’s flesh.

Ipinikit ko ang aking mga mata, bumagsak sa sahig, at napasandal sa dingding na kinalalagyan ng bintana habang ang mga kamay ay nakapatong sa aking bibig, hindi makapaniwalang ganito ang aking madadatnan.

Natulala ako. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagka-estatwa ay biglang nahagip ng aking mga mata ang isang malapad, balot na balot sa dugo, at kinakalawang na chopping knife na bumubulusok sa kanang binti ni Ma’am; dahilan upang mahati ito sa dalawang parte at magbulwak ng napakaraming pulang likido.

Nanlaki bigla ang aking mga mata. Lumakas bigla ang pagtibok ng aking puso. Agad akong bumangon mula sa pagkakabagsak at sinubukang ipedal nang mabilis ang aking mga paa kahit dama ko pa ang pangangatog ng aking mga tuhod na nagiging hadlang sa pagtakbo ko nang mabilis.

Ang aking paningin ay hindi maalis-alis kahit pa papalabas na ako ng pinto. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakalaya mula sa panandaliang pagkakabilanggo sa gusali na puno ng kababalaghan.

Tuloy ako sa pagtakbo. Kahit na hapong-hapo at balisang-balisa, pinilit ko pa ring ihakbang itong mga paa ko.

Sino kaya ang salarin sa pagkamatay ni Ma’am?

Kung muli kong babalikan ang aking mga nakita, sobrang pinaglaruan talaga ang biktima.

Patay na ngunit mulat pa ang mga mata. Nakakatakot. Sa telebisyon at sa sinehan ko lang ito nakikita noon. Ngayon, alam ko na kung gaano kasaklap sa pakiramdam ang makakita ng aktwal na ganito.

Sa pagkakaalam ko nama’y walang masyadong kaaway si Ma’am. Kung iisipin ay mabait nga siya at marami na siyang natutulungan. Kaya malabo para sa akin na sabihing pinatay siya dahil nakagawa siya ng masama. She’s not even bad in the first place.

Nakaapak na ako sa bukas na parte ng covered gym kung saan kasalukuyang ginaganap ang PTA meeting. Pinagmasdan ko ang mga nangyayari. Nag-aaway-away ang mga magulang at ang mga guro. Maingay. Dinig ko ang sabatan at pagbatuhan ng mga maaanghang na salita mula sa dalawang panig. Hindi ko alam kung bakit.

Sa puntong ito, bibilangin na lang ang hakbang na makakaya ko. Naninilim na rin ang aking paningin at tila hindi ko na mahabol pa ang aking hininga. Kaya pinilit kong maghanap ng pinakamalapit na pwedeng pagsumbungan.

Hanggang sa nakita kong dumaan sa aking harapan si sir Tan, ang science professor namin.

Agad ko siyang nilapitan at saka tinapik ang likod.

“Oh, Samantha, ikaw pala. Anong problema?” Bati nito habang may ngiting nakaukit sa kaniyang labi. Ngiti na araw-araw niyang sinusuot. Ngiting ni minsan ay hindi niya tinago.

“Si—Sir! Si Ma’am principal, na—nandoon sa old building,” pautal-utal kong sabi habang ang mga pawis at luha’y muling nagkita sa pagitan ng aking mga pisngi.

“Anong nangyayari? Namumutla ka yata?” Biglang napawi ang kaniyang ngiti at napalitan ng pangamba habang hinahawakan ang aking mga bisig.

“Sir! Wa—wala na si Ma’am!"

Those were my last words before I completely ran out of energy. After that, I saw no light. I felt no pain. I heard nothing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status