Share

Clouded Feelings 12: The Savior

Nang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.

Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.

Minsan lang akong kapusin ng hangin katititig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.

Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.

At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko: ang titigan naming dalawa.

Nilaba

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status