Trenta minutos na ang nakalipas, alas-otso na pero wala pa ring tao ang front desk na sinasabi ni manong sekyu. Maya’t-maya rin kaming napapatingin sa isa’t-isa nitong sekyung ito. Hindi ko alam, mukha kaming mga timang na dalawa, promise.
Napapatingin ako sa kaniya kasi nararamdaman kong maya’t-maya talaga ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba kay manong sekyu. Nakaka-intimidate talaga.
Mahigpit ang naging hawak ko sa plastic envelope na dala ko, tiningnan ko ang mga empleyadong isa-isang nagsipasukan na sa loob. Sa tuwing titingin ako sa front desk, wala pa rin talagang tao.
Hanggang ang trenta minutos na paghihintay ko ay naging isang oras. Tiningnan ko ang orasan sa aking cell phone.
Eight thirty-eight A.M. na pero mukhang wala pa ring tao roon sa front desk.
Maya-maya lang ay biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono rito sa tabi ko. Tiningnan ko si manong
‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako
Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs
Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yong sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.
Nagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.Ano na ang nangyayari?Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.Anong ginagawa niya roon?May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer
AYLA ENCARQUEZMahirap daw ang buhay ng isang taong hindi kilala ng iba. ‘Yong tipong parang alikabok lang sa earth at walang silbi.Mahirap daw kapag hindi ka pa kagandahan, walang papansin sa ’yo kasi hindi ka naman talaga kapansin-pansin.Mahirap ka na nga, mas lalo ka pang pinahirapan dahil sa mga pinagdaanan mo sa buhay.Hindi ako maganda. Mahirap ako. Walang nakakapansin sa akin.Alikabok ako sa earth kaya automatic daw na wala akong karapatan sa lahat ng bagay.Pero no’ng makilala ko siya, no’ng aksidente akong nakapasok sa buhay niya, sa unang pagkakataon sa buhay ko… pinangarap ko na sana naging ka-level ko na lang sila, mas mapapadali siguro ang buhay at mas lalong hindi ko sisisihin ang sarili ko sa nangyayari ngayon sa leche kong buhay.Huminga akong malalim at pinagsalikop ang a
"Ayla, bumangon ka na riyan at ihatid mo na itong agahan sa Tatay mo."Napasinghap ako at pinutol ang pakikipagtitigan sa bubong ng aming bahay nang marinig ko ang sigaw ni Nanay mula sa labas ng aking silid.Bumangon ako at humarap sa maliit na basag na salamin ng aking silid. Pinusod ko ang buhok ko at tinanggal lang ang muta at ang mga natuyong laway.Lumabas ako ng aking silid at agad kinuha kay Nanay ang isang basket na nilagyan ng pagkain, tubig, basahan, at extra'ng damit."Bilisan mo para makapasok ka sa eskuwelahan mo nang maaga," bilin pa sa akin ni Nanay nang ma-i-abot sa akin ang basket."Opo."Tinalikuran ko si Nanay at kahit hindi pa naliligo, tinahak ko ang daan papunta sa bukirin kung saan ngayon ang trabaho ni Tatay.Papasikat pa lang ang araw at palabas na ako ng kawayang bakod ng aming bakuran nang may dumaan mismo sa t
Panghihinayang sa lahat ng nangyari sa nakaraan, isang pakiramdam na pinakamahirap sagupain.“Ayla!”Nabalik ako sa realidad at agad pinutol ang titig ko sa litratong iyon nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko sa dagat ng tao.“Ayla! Saan ka ba galing? Kanina pa ako nagti-text sa ’yo ha!” Agad kong nakita ang pagmumukha ni Zubby.“Dinaanan ko pa—““Halika na, baka mawala pa ‘yong ni-reserve kong bangko natin doon, e.”Napa-iling na lang ako sa biglang paghablot ni Zubby sa akin pero nagpapasalamat din na hindi niya binanggit ang tungkol sa tarpaulin na iyon. Kapag nalaman na naman ni Zubby ito, tatalakan na naman ako ng babaeng ito.Bitbit ang malaking bag ni Sia, nakipagsapalaran kaming dalawa ni Zubby sa medyo masikip na entrance. Mabuti na lang talaga at medyo pal
“Sayaw tayo, Ayla!” Biglang kinuha ni Fabio ang dalawang kamay ko at iwinagayway sa ere.Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay pansamantalang nawala dahil sa ginawa ni Fabio.“Fabio, hindi ako sumasayaw,” pasigaw na sabi ko sa kaniya dahil hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay.Malapit kami sa barikada, ‘yong barikadang naghihiwalay sa aming mga walang sinabi sa lipunan at sa mga taong malaki ang sinabi sa lipunan.Itinigil din agad ni Fabio ang ginagawa niya pero sinasabayan ko naman ng pag-sway sa ulo ang musikang naririnig ko. Ibang banda naman ngayon ang nagpapatugtog sa stage.Nang mawala sa akin ang atensiyon ni Fabio, inilipat ko ang tingin ko sa loob ng barikada at tahimik na pinagmasdan ang mga kasing-edad ko na nandoon.Hindi sila katulad ng nandito sa labas, na ‘yong tipong halos magwala na sa kakasayaw. Chi