Share

Kabanata 17: Ang paghaharap

 Magkasama ang magkakaibigan at ang prinsesa ng mga sandaling nahanap nila ang isa't-isa. Si Lero ay tahimik lamang habang ang mga kaibigan ng prinsesa ay nag uusap.

" Guys ano na ang gagawin natin dito, Let's go!" Wika ni Leila na naiirita.

Nasa loob sila ng isang silid sa palasyo.

"Leila, pwede ba manahimik ka muna dyan." Seryosong wika ni Robert.

" At bakit ka ba sumasabat, ha, di naman ikaw yung tinatanong ko. Di lang naman ikaw ang kasama ko dito nohh, hmmp." Naiinis na sabi ni Leila sa kaibigang si Robert.

" Alam nyo guys, kanina pa kayo nagbabangayan dyan. Pwede ba kumalma muna kayong dalawa." Wika naman ni Tin.

Napansin ni Cal ang pag-aaway ng dalawa ngunit natawa lamang si Cal sa kanila. Nakita ni Cal ang kaibigang si Jack na tahimik lamang sa isang sulok kaya nilapitan niya ito.

"Jack, okay ka lang?" Tanong ni Cal.

Napatingin sa kanya si Jack.

"Hmmm...Yeah, i'm okay." Sagot ni Jack.

Malapit na maghatinggabi ng mga oras na yun. Ang mga kaibigan ni Cal ay nag-uusap sa isang tabi. Ang queen of gold ay di pa dumarating ng araw na yun dahil abala ito sa paghahanda ng kanyang mga kampon. 

"Guys, ano pa ba inaantay natin at bakit di pa tayo umaalis?" Tanong ni Tin.

"Ang kabilogan ng buwan. Napasailalim kasi ako ng kapangyarihan ng queen at para mawala yun ay kailangan sumapit ang kabilogan ng buwan." Paliwanag ng prinsesa.

" At kaarawan mo ngayon Cal." Wika naman ni Robert.

"Ang pangit naman ng selebrasyon ng kaarawan ni Cal." Sabi ni Tin na nalulungkot para sa kaibigan.

"Okay lang, wag nyo na isipin na pangit ang araw na ito para sa akin." Wika ni Cal ng may ngiti.

Malapit na magkabilogan ng buwan. Ang bawat isa ay naiinip na sa kakahintay. 

"Alam nyo guys, lumas na lang kaya tayo para di tayo makita ng bruha dito sa loob ng palasyo. Alam nyo naman yun pasulpot-sulpot." Sabi ni Liela na lumapit na sa pintuan at nagbabalak lumabas.

" Hoy! Liela manatili ka nga dito." Pigil sa kanya ni Robert.

" Ayaw ko...! Bahala ka dyan!" Pang-iinis ni Leila at tsaka lumabas ng silid.

Kumalabog ang pintuan.

Nataranta ang lahat at dahil baka dumating ang gold queen.

"Itong si Leila pasaway talaga!"Naiinis na sabi ni Tin.

"Hali na kayo sundan na lang natin siya." Sabi ni Cal.

Lumabas na silang lahat para sundan si Leila.

" Leila....! Bumalik ka nga dito!" Tawag ni Tin ng makita si Leila na naglalakad pababa ng hagdan ngunit di siya nito pinansin.

Nainis si Robert sa kinikilos ni Leila kaya hinabol niya ito para pigilan.

"Leila ano ka ba? Mapapahamak tayo sa ginagawa mong yan eh!" Seryosong sabi ni Robert ng inabutan niya si Leila.

"Nakakainip na kasi dun. Hayaan nyo na kasi ako." Matapang na sabi ni Leila.

"Hindi ka namin pwedeng pabayaan dito. Umayos ka nga, nakakainis ka na." Sabi ni Robert.

Hinawakan ni Robert ang mga kamay ni Leila.

"Halika na at bumalik na tayo dun." Sabi ni Robert kay Leila habang hinihila nito ang malmabot at makinis na kamay ni Leila.

"Paano tayo babalik dun? Ayan na sila sa likuran mo. Tsaka ikaw Robert tigil-tigilan mo ang pag-astang tatay ko, huh." 

Binitawan ni Robert ang kamay ni Leila ng mapahiya siya sa sinabi ng dalaga at Saktong nasa likuran ang kanilang mga kasama. Natatawa sila Cal at Jack maging si Tin at Lero ay natawa na rin kaya biglang natigilan si Robert.

" Alam nyo, bagay kayo." Sabi ni Tin ng nakangiti.

Napabuntong hininga na lang si Leila sa narinig at palihim namang natawa si Robert.

"Ahem..ahem..Ohh guys..tapos na ba ang eksena nyo, huh?" pabirong sabi ni Jack.

Di kumibo si Leila at Robert at nagkatinginan pa silang dalawa na magkagalit.

"Mabuti pang lumabas na lang tayo." Singit ni Lero sa kanila.

Napatingin silang lahat kay Lero.

"Mabuti pa nga guys lumabas na lang tayo ng palasyo." Wika ni Cal sa mga kaibigan ng mapansin na grabe makatingin ang kanyang mga kaibigan kay Lero.

"Kaya nga guys, nakakabored naman kasi sa silid na yun." Singit ni Leila.

" Alright, lumabas na tayo lahat at baka biglang dumating ang bruha." Wika ni Jack.

Naglakad na ang lahat papunta sa pintuan ng palasyo at dahil sa may kahabaan ang palasyo ay di agad sila nakarating sa pintuan. Habang naglalakad ang bawat isa ay nag-uusap ang mga ito. Nauuna sa paglakad si Jack at Robert. Kasunod naman nila si Tin at Leila at nasa hulihan naman si Cal at Lero.

" Lero, pasensya ka na sa mga kaibigan ko,huh." Wika ni Sam.

" It's ok Sam, malay mo pag tumagal ay makakasundo ko rin sila." Magalang na sabi ni Lero.

Napangiti si Cal sa sinabi ni Lero habang nakatingin kay Lero. Napatingin na rin si Lero sa kanya kaya nagkatinginan silang dalawa. Saktong napasulyap si Jack sa gawi nila Sam. Di maiwasan ni Jack ang makaramdam ng selos sa tuwing makikita niya si Cal at Lero na magkasama.

" Jack, wag mo na kasi tingnan at masasaktan ka lang." Wika ni Robert.

Tumingin si Lero kay Robert.

"Wag mo ako tingnan ng ganyan Jack. Di tayo talo bro." Biro ni Robert at bigla itong natawa sa kanyang sinabi.

Biglang niyapos ni Jack si Robert at ginulo ang buhok nito.

"Ikaw talaga nang aasar ka talaga ah." Natatawang sabi ni Jack.

Biglang natanggal ang salamin ni Robert at nahulog kaya napahinto si Jack sa panggugulo kay Robert. Kinuha ni Robert ang salamin niya sa mata. Bigla namang lumapit si Leila kay Jack pagkakuha ni Robert ng salamin sa mata na nahulog.

"Jack, pwede mo ba ako buhatin? Masakit na kasi ang paa ko." 

" Kunti pa lang naman ang nilakad natin ah." Sagot ni Jack.

"Ako na lang ang bubuhat sayo." Wika ni Robert habang inaayos ang salamin nito sa mata.

" Ikaw, never!" Malakas na sabi ni Leila.

Ngumiti si Robert at nilapitan si Leila habang nakatingin ito sa ibang direksyon. Nabigla na lang si Leila sa ginawa ni Robert ng buhatin siya nito.

"Let me go! Robert..!" Sigaw ni Leila na nagbigay ingay sa paligid ng palasyo.

"Ayaw ko nga." Asar ni Robert.

"Ayeehhhh.... ang sweet naman." Asar naman ni Tin sa kanila.

Natawa na lang si Jack maging si Cal at Lero ay natawa na rin. Malapit na sila makarating sa pintuan ng palasyo ngunit hindi pa rin binitawan ni Robert si Leila kaya walang nagawa si Leila kundi ang manahimik na lang. Habang palapit sila sa pintuan ng biglang dumating ang gold queen at tumambad sa kanilang harapan. Napahinto sila sa paglalakad at dahan-dahan namang ibinaba ni Robert si Leila at umayos ng tayo.

" Saan naman kayo pupunta, huh?" Tanong ng bruha sa kanila.

Di kumibo ng lahat at napatingin silang lahat sa gold queen. Bakas sa mga mukha nila ang takot maliban kay Cal at Lero.

" Kamahalan.." Mahinang wika ni Lero.

Tinitigan sila ng bruha isa-isa at pinaikutan.

"Ano na ang gagawin natin Lero?" Tanong ni Cal ng pabulong.

 " Wala rin akong naisip sa ngayon." Bulong ni Lero.

Humarap muli sa kanila ang gold queen at tumingin sa kanila ng masama. Nakakatakot tingnan ng harapan ang gold queen dahil sa wangis nito.

"Nandito na ang bruha, mamatay na tayo."  Bulong ni Robert kay Jack na naluluha at natatakot.

"Tumigil ka nga sa pinagsasabi mo." Wika ni Robert.

Nakatingin si Jack sa gintong baston habang nakatingin sa kanila ang bruha. Maya-maya ay biglang kumilos ng mabilis si Jack para kunin ang gintong baston na hawak ng bruha ngunit nalaman ng bruha ang kanyang balak kaya nabigo si Jack na kunin ang gintong baston.

" Hangal!" Sigaw ng gold queen.

Itinutok nito ang gintong baston kay Jack at tuluyan itong naging ginto.

" Jack...!" Sigaw nilang lahat.

"Sino pang hangal ang gustong sumunod sa kanya?" Galit na tanong ng gold queen.

" Ang sama mo..!" Sigaw ni Leila habang tumakbo palapit sa gold queen ngunit naging ginto rin ito katulad ni Jack.

Napaiyak na lang si Tin sa nangyari kay Jack at Leila. Si Cal at Lero ay tahimik na nakatingin sa bruha ngunit galit na galit si Cal sa ginawa ng bruha sa kanyang mga kaibigan. Si Robert at Tin ay lumapit kila Cal at Lero. 

" Wala kang kasing sama Heira!" Galit na galit na sabi ni Cal.

"Kasalanan naman nila ang nangyari sa kanila!" Sabay tawa ng malakas ang bruha.

"Hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa mga kaibigan ko." Galit na wika ni Cal.

" Nakakatakot...hahhaha...!" Malakas na tawa ng bruha ang maririnig sa loob ng palasyo.

"Ganito na lang, para magkakasama muli kayong lahat ay gagawin ko na lang kayo tulad nila." Wika ng bruha at ngumiti ng nakakatakot na parang may masamang balak gawin.

Itinaas ng bruha ang gintong baston at itinutok sa gawi nila Cal at ng mga kasama nito. Naglabas ng kapangyarihan ang gintong baston na kulay ginto patungo kay Cal ngunit bigla ito napigilan ng kapangyarihan ng prinsesa/Cal. Sa di inaasahan pagkakataon ay naglabas siya ng kapangyarihan na siyang pumigil sa kapangyarihan na nagmumula sa gintong baston. Nagulat din ang prinsesa sa nangyari maging ang kanyang mga kasama.

" Paanong.?" Gulat na tanong ng bruha.

Maging si Cal at Lero ay nagulat din sa lakas ng kapangyarihan naipalabas ng prinsesa/Callea. Nanlaki naman ang mga mata ni Tin at Robert habang pinagmasdan ang dalawang kapangyarihan na nagtagpo.

"Sige Cal talunin mo siya!" Sigaw ni Robert.

Unti-unting ng nanghihina ang kapangyarihan ng gintong baston.

" Kunti na lang Cal at matatalo mo na siya." Wika ni Lero.

" Hindi maaari ito....!" Sigaw ng bruha ng matalo siya sa gitna ng paglalaban nila ng prinsesa/Cal.

Napaupo ang bruha at nanghina sa lakas ng impak ng kapangyarihan ng prinsesa.

"Talo ka na Heira, kaya tigilan mo na ang kasamaan mo." Matapang na wika ni Cal.

Nakatingin ang bruha sa kanila ng mga sandaling yun. Nakaramdam ng pagkapahiya ang gold queen.

"Hindi ako papayag na hanggang dito na lang matatapos ang lahat." Nasa isip ng gold queen.

"Umalis na tayo, hayaan natin siya." Wika ni Lero.

Sumunod naman ang prinsesa at ang kanyang mga kaibigan sa sinabi ni Lero. Naglakad na sila papunta sa pintuan ng palasyo. Dinaanan lang nila ang gold queen at tiningnan naman nila ang bruha habang naglakad palayo.

"Cal, paano sila Leila at Jack." Sabi ni Tin na nag-alala sa mga kaibigan naging ginto.

" Hahanap pa tayo ng paraan kung paano sila maibabalik sa dati." Sagot ni Cal.

Palabas na sana sila pagbukas ng pintuan ngunit biglang tumayo ang bruha sa kinauupuan nito at galit na galit.

" Hindi dito matatapos ang lahat...!" Sigaw ng bruha.

Sa tindi ng galit nito ay nagpakawala uli siya ng kapangyarihan galing sa gintong baston at nakatutok ito sa prinsesa/Cal. Nakatalikod si Cal ng mga oras na yun kaya pagkasigaw ng bruha ay saka lang siya lumingon ngunit palapit na sa kanya ang kapangyarihang pinakawalan ng bruha galing sa gintong baston.

" Cal.....!" Sigaw ni Tin at Robert.

Mabilis naman na niyakap ni Lero si Callea kaya natamaan si Lero sa likuran. Napaluhod si Lero sa sakit na naramdaman ng unti-unti siyang nilalamon ng ginto.

" Hindi, Lero..!." Wika ni Cal habang kayakap si Lero.

Malungkot naman na nakatingin si Robert at Tin kay Lero. Napahagugol sa iyak ang prinsesa/ Cal.

"Hahahhahaha...!.hahaahhaa....!" Tawa ng bruha.

"Hindi ka na talaga magbabago..!" Sigaw ni Cal na galit na galit.

Pagkatapos na naging ginto si Lero ay tuluyan din umalis ang gold queen at naglaho. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status