Share

Kabanat 15: Ang paghahanap sa prinsesa

Alas tres ng hapon habang naglalakad sa harden ang prinsesa kasama si Lero. Masaya ang mga sandaling magkasama silang dalawa. 

"Lero, bukas na ang aking kaarawan ngunit." Natigilan ang prinsesa.

"Oh bat parang natigilan ka.?" Tanong ni Lero.

"Naalala ko lang mga magulang ko at mga friends ko." Sagot ng prinsesa.

"Wag ka mag alala matatapos din ang lahat ng to." Niyakap siya ni Lero.

" Thank you Lero at nandyan ka." Pasasalamat niya.

Tumungo na sila sa palasyo. 

"Lero sandali."

"Ano yun?" Tanong ni Lero.

Nasa tapat sila ng pintuan ng mga oras na yun.

"Ah wala. Sige pumasok na tayo."

Hinawakan niya si Lero sa kanang kamay at hinila papasok ng palasyo.

" Be lated happy bday Cal." Ngumiti ito sa kanya habang papasok sila ng palasyo.

"Thanks," Bumawi siya ng malaking ngiti kay Lero.

Napansin nila na wala ang Queen sa truno.

" Saan na naman nagpunta ang Queen?" Tanong ng prinsesa.

" Lagi talaga nawawala yun. Mamalayan mo na lang na nawawala siya at bigla namang susulpot na lang bigla." 

Pumunta sila sa truno at napaupo ang prinsesa dito. 

" Ano Lero? Bagay ba?" 

" Oo naman, ikaw naman talaga ang dapat na nandyan." 

" Teka Lero di ba darating ang mga kampon ng dilim.?"

"Oo bakit?"

"Napansin ko kasi di pa sila dumarating."

"Baka naghahanda pa sila para sa paglusob sa sanlibutan."

Biglang tumahimik ang prinsesa ng sandaling yun. Dumating naman ang fairy sa kinaroroonan nila. Napansin siya agad ng prinsesa.

"Lila..., " Natutuwang nakita niya ang fairy.

" Prinsesa, pasensiya na at ngayon lang ako dumating." 

" It's ok Lila." 

"Prinsesa, Kailangan mo sumama sa akin. Kailangan ka nila makita."

"Sinong tinutukoy mo?" Tanong ng prinsesa.

" Basta tsaka ko na sasabihin sayo." Sabi ng fairy.

" Paano di nga ako makaalis dito." 

" Bukas pagsapit ng kabilogan ng buwan ay mawawala na ang bisa ng sumpa sayo."

Natuwa si Cal sa kanyang narinig.

"Paano mo naman nalaman yan?" Tanong muli ng prinsesa.

" Nong mga sandaling bumalik ako dito ngunit di ako dumeritso sayo. Nakita ko ang queen na kinakauusap ang gintong baston. Narinig ko ang sinabi niya kung paano mawawala ang sumpa na binigay niya sayo."

Napatingin siya kay Lero hanggang sa napayakap sya sa makisig na katawan nito.

" Ahh prinsesa sobra na ang pagkakayakap mo....." Sabay ngiti ni Lila.

"Ay, sorry." napatawa siya.

Napangiti na lang din si Lero.

" Aalis ulit ako Prinsesa, babalikan kita bukas." 

"Sure Lila...basta mag ingat ka."

Lumipad na muli ang fairy at nagtungo sa kung saan. Sabay nilang tiningnan ang fairy habang papalayo ito.

" Lero, narinig mo yun. Makakalaya na ako sa kapangyariha ng Queen."

"Natutuwa ako at makakalaya ka na." Natutuwang sabi ni Lero sa prinsesa.

Habang magkasama sila ng mga sandaling yun ay abala naman ang queen sa paghahanda ng kanyang mga kampon sa isang malawak at madilim na kweba kung saan nananatili ang mga kampon ng dilim. Nagtipon tipon ang mga nakakatakot na nilalang ng dilim. Napasailalim sila ng kapangyarihan ng queen.

" Magsihanda kayo at malapit ko na kayo pakawalan...!" Malakas na tinig ng queen ma nagbigay ingay sa tahimik at nakakatakot na kweba.

Nagsiingayan ang kanyang mga kampon na natutuwang makalaya sa mga oras na sinabi ng Queen.

"Tahimik......!" Sigaw ng Queen.

" Makinig kayo, lahat ng iuutos ko ay susundin nyo kung ayaw nyong maging ginto." 

Iba't- ibang uri ng nakakatakot na nilalang. Mga nilalang na lumalabas at naghahasik ng lagim kapag sasapit na ang gabi. 

Sa  mundo ng mga tao ay abala naman ang kanyang mga kaibigan sa paghahanap kay Cal sa madilim at nakakatakot na gubat.

"Wait.,, Bakit natin hinahanap dito si Cal?" Tanong ni Liela.

" Ano ka ba Liela, Dito lang naman siya biglang nawala diba....remember...?"  Sagot naman ni Tin.

" Guys manahimik nga kayo....baka biglang may bubulaga sa inyo dyan.." Biro ni Robert na napatawa ng palihim. 

Patuloy sa paglalakd ang magkaibigan ngunit ni anino o bakas ni Cal ay wala silang makita. Sa kanilang paglalakad  sa nakakatakot na kagubatan ay may kung anong alolong silang narinig. Bigla naman natakot ang dalawang babae na si Tin at Leila sa kanilang narinig. Sa sobrang tahimik ng paligid ay di maiwasan na matakot ang bawat isa. Umiihip ang hangin sa paligid, ang mga dahon ay nalalagas maging ang mga puno ay sumasabay sa ihip ng hangin. Nangunguna si Jack sa kanilang apat at sa gitna naman ang mga babae, si Robert naman ang panghuli.

" Jack,wait...." Humawak si Liela sa malaking braso ni Jack.

Napansin yun ni Robert at Tin na nagpapacute si Liela kay Jack. Lumapit si Robert sa kanila.

"Leila...ahas...!" Sigaw ni Robert.

Nabigla si Leila kaya napabitaw siya sa pagkakahawak niya sa braso ni Jack.

"Ahhhhh....asan...asan...!!!" Malakas na sigaw ni Liela.

" Hahhahahhahah...." Tawa ni Robert.

Napansin yun ni Leila kaya bigla niyang hinampas ng kanyang kamay si Robert.

" Ano ba Robert....? Nakakainis ka na." Naiinis na sabi ni Leila.

" Sarap mo kasi asarin." Natatawang sabi ni Robert.

Si Tin at Jack naman ay bahagyang natawa rin sa kanila.

"Tara na nga Jack, Nakakainis kasi yung isa dyan." Hinawakan ni Leila sa kamay si Jack at hinihila palayo. Inirapan naman niya si Robert.

"Hoy...Leila biro lang wag ka na magalit..!" Sigaw ni Robert na nagbigay ng ingay sa paligid.

"Bahala ka dyan." Mataray na sagot ni Liela kay Robert.

Sa kanilang paghahanap sa kaibigan nilang si Cal ay natagpuan nila ang isang malaking puno. Napatingin sila at napamangha dahil nagliliwanag ang punong ito. Natanaw nila bigla ang isang maliit na pintuan.

" May maliit na pinto guys." Sabi ni Tin sa kanila na naglakad papunta sa mahiwagang pinto.

Nagliliwanag sa likod ng pintuan. Isang katanungan sa kanila ang bagay na yun. Lumapit rin sa pintuan sila Jack, Robert, at Leila.

" Buksan mo na Jack." Utos nila kay Jack.

Sinubukan buksan ni Jack ngunit bigo siya.

" Oh bakit, hindi ba mabuksan?" pagtatakang tanong ni Robert.

"Oo mukhang kailangan ng kung anong susi." Sagot naman ni Jack.

" Pano yan?" Tanong naman ni Tin.

"Bumalik na lang tayo guys, i want to go home na." Sabi ni Liela na may pagkamaarte ang pananalita.

Di na nila pinilit buksan kaya naisipan na lang nilang umuwi na at dahil hapon na rin sa mga oras na yun at baka abutin sila ng gabi.

"Sige umuwi muna tayo. Ipagpatuloy na lang natin ang paghahanap sa ibang araw." Nalulungkot na naglakad pabalik si Jack.

Di na nagsalita ang ilan at sumunod na rin kay Jack palayo sa nagliliwanag na puno. 

"Ahh..guys natandaan nyo ba kung saan ang daan pabalik?" Tanong ni Tin.

" Wag ka mag alala Tin alam ko ang daan pabalik." Seryosong sagot ni Jack.

Napansin nila ang pagiging Tahimik at balisa ni Jack. Nangunguna sa paglalakad si Jack at ang tatlo ay magkasabay sa paglalakad.

" Bakit biglang seryoso ni Jack?" Tanong ni Tin. 

" Di natin kasi nahanap si Cal kaya ganyan siya, para....ng binagsakan ng langit at lupa." Sagot ni Robert sa tanong ni Tin.

Biglang nainis naman si Leila sa narinig. Matagal na rin siyang may gusto kay Jack ngunit ayaw siya nito pansinin.

" Ano ba meron kay Cal ha...!?" 

"Oh bakit parang apektado ka dyan, siguro may gusto ka kay Jack noh.?" Pang aasar ni Robert.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Leila.

"Guys tumigil na kayo at  ang layo na ni Lero sa atin." Sabi ni Tin sa kanila.

Napatakbo silang tatlo kay Jack at nagkatakutan pa. Bigla namang nadapa si Leila Kaya napahinto silang lahat.

" Aray....my uncle.."Wika ni Leila. 

"Ok ka lang?" Tanong ni Robert na mukhang guilty sa nangyari.

" Mukha ba akong ok Robert, Anong klaseng tanong yan." Pagtataray ni Leila.

" Sorry di ko naman akalain na lalampa-lampa ka eh." 

"Anong sabi mo!?" Galit na nakatingin si Leila kay Robert.

" Ah wala akong sinabi.."Tanggi ni Robert.

" Hhhrrrr.......nakakainis ka talaga kasamang lalaki ka." Wika ni Leila.

Lumapit si Jack at inalalayan tumayo si Leila. Hinawakan naman ni Tin si Leila ng makatayo ito.

"Kaya mo ba maglakad?" Seryosong tanong ni Jack sa kawawang si Leila.

"Oo kaya niya yan." Mabilis na sinaagot ni Robert si Jack.

" I hate you Robert." Naiinis na wika ni Leila.

Tinawanan lang siya ni Robert ng mga oras na yun.

"Bitawan nyo ko kaya ko na ang sarili ko."

"Sigurado ka Leila?" Tanong ni Tin na nag aalala sa lagay ng kaibigan.

" Hayaan nyo siya,,narinig nyo naman sabi niya na kaya niya." Wika ni Robert na may pilyong ngiti.

Nagsimula na sila maglakad at di pa sila nakakalayo ng biglang napasigaw si Leila.

" Ahhhhhh......." Sigaw ni Leila na kinabigla ng magkaibigan.

Agad naman sumaklolo si Robert at di na napigilan ang sarili para tulungan ang kawawang dilag. Nang makalapit si Robert kay Leila ay walang ano-ano binuhat niya ito at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Tin at Jack. Nagulat naman si Leila sa ginawa ni Robert kaya napamangha siya sa binata. Tiningnan niya ang mapupungay na mga mata ni Robert. Nakaramdam siya ng panghihina ng pinagmasdan niya ang binata habang patuloy ang kanilang paglalakad. Biglang Bumagal ang oras sa paningin niya habang titig na titig siya kay Robert.

" Ah Jack ok ka lang? Pansin ko kasi na tahimik ka." 

"Oo Tin ok lang ako, wag mo ko isipin."

Lumingon si Tin kila Robert at Leila. Napangiti na lang siya sa kasweetan nangyayari sa dalawa niyang kaibigan.

" Guys ayun na yung labasan." Tinuro ni Jack ang bahagi kung saan sila lalabas mula sa nakakatakot at madilim na kagubatan.

Tinawag na madilim kasi laging maulap  sa lugar na yun kaya di nasisinagan ng araw o matapatan ng araw ang lugar. Nang makalabas na sila sa gubat ay nagtungo na sila sa sasakyan. Buhat pa rin ni Robert si Leila.

"Ok na ako dito, let me down." 

" Masusunod po senyorita, ibaba na po kita." Biro ni Robert.

Binaba na niya si Leila. Si Jack at Tin naman ang magkasama kinuha ang kanilang sasakyan sa di kalayuan. Tahimik naman na nag antay si Robert at Leila.

"Guys tara na." Wika sa kanilang dalawa ni Tin ng makalapit na ang sasakyan sa kanilang kinatatayuan.

Sumakay na si Leila at Inalalayan naman siya ni Robert mula sa likuran. Huli naman sumakay si Robert after ni Leila. Pinaandar na ni Jack ang sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho. Bakas ang lungkot sa kanilang mga mata lalo na si Jack ng di nila natagpuan ang kaibigan nilang si Cal. Maayos naman na nakauwi ang magkakaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status