Share

Kabanata 79

"ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.

At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.

Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.

Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?

Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.

Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status