"HUMAYO na kayo, sa aking hudyat ay susugod tayo," wika ko bilang pagtatapos sa aming plano ngayong gabi. Tahimik na nagtanguan ang aking mga kasama at umalis para pumunta sa mga nakaatas na lugar para sa kanila.
Gamit ang aking bilis ay agad akong nakarating sa mataas na bahagi ng lugar, isang talampas kung saan tanaw ko ang buong kagubatan. Mula sa kadiliman ng gabi ay natatanaw ko sa malayo ang ilaw ng mga sulu'ng papalapit sa pwesto kung saan namin gagawin ang pagsalakay.
Tinatahak nila ang daan patungo sa Subastahan ngunit hindi namin hahayaan na mangyari iyon. Tumalim ang aking tingin ng tuluyan kong masilayan ang mga nilalang na iyon mula dito sa aking kinatatayuan. Ang mga Verdantes, mga kalalakihang malalaki ang katawan, may dalawang kayumanggi na sungay na paibaba ang tusok at may taglay din silang kakaibang lakas katulad ko, ngunit hindi ko sila kauri, nakatira sila sa timog na bahagi ng Farianio.
Hawak nila ang mga sulu upang magbigay liwanag sa madilim na daan, pinangungunahan ng kanilang pinuno na si Dardo. Sa bandang dulo ay ang dalawang kabayo na hatak ang isang malaking kulungan na gawa sa makapal na kahoy at sa loob nito ay higit sa limang kababaihan, ang iba ay nagmula sa aming kaharian, ang Kozania.
Narito kami ngayon sa kanlurang bahagi ng Farianio upang iligtas ang mga kababaihang ito na binihag upang ipagbili sa mga kalalakihang hayok sa laman, isusubasta sila sa Bahay Aliwan na pinamumunuan ng isa sa pinakamayaman sa kahariang ito.
Madali lamang silang nahuhuli ng mga verdantes dahil sa taglay nilang lakas, ngunit mahihina at mga mahihirap lamang ang kanilang nahuhuli, mga nilalang na nagmula sa mga bumagsak na kaharian, ang mga nilalang na hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili.
Nakagapos din ang mga kababaihang ito sa kadenang pumipigil sa kanilang gamitin ang kanilang kapangyarihan na siya ring ginagamit ng mga kawal sa nahuhuling kriminal. Ang mga Verdantes ang gumawa ng kasangkapang iyon kaya mayroon sila ng kadenang iyon, kilala rin ang mga ito sa paggawa ng mga sandata na siyang ikinakalakal nila ngunit hindi pa sapat para sa kanila iyon kaya pati ang mga mahihinang kababaihan ay ikinakalakal din nila. Ganoon sila kaganid sa salapi.
"Vivi," wika ko nang makitang lumilipad papalapit ang aking alaga, dumapo ito sa aking balikat.
"Ang mga kalaban, ang mga kalaban," aniya. Hinimas ko ang ulo niya at mahinang pinitik ang suot niyang maliit na kalasag sa kaniyang dibdib.
Muli kong ibinaling ang atensyon sa mga paparating, itinaas ko ang hawak na pana at palaso, humanda ako sa pagtira. Nang makarating sila sa tamang pwesto ay pinakawalan ko ang palaso, tumama iyon sa paa ni Dardo dahilan upang magulat ito at magsisigaw, kasabay nang paglipad ng mga ibong nabulabog sa kanilang tahanan.
Iyon ang naging hudyat upang magsilabasan ang aking mga kasama mula sa mga punong pinagtataguan. Agad na naalerto ang mga kalaban, pito silang lahat ngunit higit kami sa sampu kaya alam kong mananalo kami.
"Vivi." Agad niyang nakuha ang gusto kong sabihin, hindi ko siya maisasama dahil masyado akong mabilis. Lumipad ito paalis sa balikat ko kaya gamit ang taglay kong bilis ay agad akong lumapit kay Dardo.
Nakahandusay ito sa lupa at iniinda ang sakit mula sa kaniyang paa.
"Ikaw na naman," gigil niyang wika nang makita ako. Ibinaba ko ang talukbong ng aking balabal at matunog na ngumisi.
"Hindi ka pa ba nasasanay, Dardo? Asahan mong palaging magtatagpo ang ating landas sa tuwing dadakip ka ng mga kababaihang nagmula sa Kozania," madiin kong wika sa huli kong mga salita.
"At hindi ka pa rin ba nasasanay sa gawain naming ito, Binibini? Bakit hindi ka na lamang manahimik sa iyong kuta at hayaan nalang ang mga kababaihang ito na makatikim ng ginhawa mula sa masalimuot nilang buhay," aniya. Pikit mata niyang hinugot ang palasong bumaon sa kaniyang paa. Tumayo siya at mabilis na kinuha sa kaha ang kaniyang espada.
"Ginhawa?" gigil kong wika, mabilis akong umilag nang sumugod siya sa akin. "Ginhawa bang maituturing ang alipinin ng mga maharlikang hayok sa laman?" Inilabas ko ang aking espada at agad na nakipagtunggali sa kaniya.
"At ano naman ang iyong magagawa para sa mga kababaihang ito matapos mo silang palayain? Babalik sila sa putikan kung saan sila nanggaling?" sarkastikong aniya. "Dadalhin mo sila sa kahariang bumagsak na at wala ng buhay?" puno ng panunuya niyang dugtong.
Agad na sumiklab ang galit ko sa kanyang pambubuyo, lalo na nang marinig ko ang kaniyang nakakainsultong halakhak.
"Manahimik ka!" Gigil akong sumugod sa kaniya, hindi na nais pang marinig ang mga susunod niyang sasabihin.
Mahirap siyang kalaban dahil tila pareho lamang kami nang lakas, ngunit mas lamang pa rin ako dahil sa angkin kong bilis. Wala pang ilang sandali ay naagaw ko na ang susi'ng nakakwintas sa kaniya na kanina ko pa sinisipat.
"Matias!" tawag ko sa aking kasama na kasalukuyang nakikipagtunggali. Agad nitong tinalo ang kalaban at itinuon ang atensyon sa akin. Ibinato ko sa kaniya ang hawak na susi para sa kadenang nasa kulungan, tumango ito at agad na pinuntahan ang mga babae.
Nang ibaling ko ang atensyon kay Dardo ay wala na ito sa aking harapan, inilibot ko ang aking paningin at nakita ko siyang iika-ikang tumatakbo palabas ng kagubatan.
Nakangisi akong umiling, alam niya ang taglay kong bilis ngunit may lakas pa rin siya ng loob na takasan ako. Hangal.
Gamit ang aking bilis ay agad akong nakarating sa kaniyang harapan, ngumiti ako at malakas na sinipa ang kaniyang tiyan dahilan upang matumba siya.
"Hangal, ang laki mong nilalang ngunit duwag ka," mapanuya kong wika.
Agad na bumalatay ang galit sa mukha niya, mabilis siyang tumayo at sumugod sa akin.
Muli kaming nagpambuno at sa ikalawang pagkakataon ay muli ko siyang napatumba dahil sa panghihina ng kaniyang kapangyarihan, hindi yata kinaya ng lakas niya ang matagal na pakikipagtunggali sa akin.
"Hayop ka, Aliara! Dadarating ang araw na mapapaslang din kita!" galit niyang wika, hindi na makatayo dahil sa tinamo niya mula sa akin.
Umupo ako sa harap niya, inilag niya ang kaniyang mukha sa pag-aakalang sasaktan ko siyang muli.
"Mahina ka, Dardo, kahit kailan ay hindi mo ako magagapi."
Nilihis ko ang aking kamay patungo sa supot ng salapi na nakasabit sa kaniyang baywang.
Sevasti's Point of ViewPINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m
"MAHAL na mahal kita, Aliara! At oo, mali ka kung iyan ang iniisip mo tungkol sa akin. Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, ang babaeng patuloy kong minamahal at mamahalin pa hanggang sa huling hininga ako," aniya, tila pilit ipinapaintindi sa akin ang sinasabi. Mas tumindi ang pagbigat ng hininga niya. Tumingin siya sa ibaba at nang muling magsalita ay mahinahon na, "Patawad at wala ako sa lahat ng paghihirap mo, wala ako kapag kailangan mo ako, wala ako kapag hinahanap mo ako. Pero, Aliara, gustong-gusto kitang puntahan sa mga oras na hinihiling mong nandoon ako. Gusto kitang iligtas at protektahan ngunit palagi akong hinahadlangan ng aking ama. Ginagawa niya ang lahat para lamang hindi kita makita." Tumiim ang bagang niya at muling tumingin sa akin, puno ng galit, pangungulila at kalungkutan ang kaniyang mga mata. "Totoong mahal kita, Aliara. Hindi iyon magbabago kailanman. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. At pakiusap, huwag mong alisi
SA MULI naming pagkikita ni Adrina ay binigyan niya akong muli ng pag-asa upang ituloy ang sinimulan ko, ang paghihiganti kay Henicio. Ilang beses niya akong kinausap tungkol doon ngunit kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako hinihikayat ay hindi siya sumasagot at iniiba ang usapan. Ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kagubatan habang nakatingin sa buwan. Napagtanto ko kung bakit nais niyang patayin ko si Henicio. Dahil kay Matias, nais niya itong ipaghiganti. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniibig niya ang ginoo at hindi ko man nakita ang paghihinagpis niya sa pagkamatay nito ay alam ko kung gaano niyang dinamdam iyon. Marahil ay hindi pa siya nakakalimot. Hindi pa nawawala ang galit niya para sa mga nilalang na naging ugat ng pagkamatay nito. Lalo na kay Henicio. Siya ang pinakautak ng lahat kaya siya ang dapat paghihigantihan. Napalingon ako kay Zalina na nasa gilid ko, siya ang ina ni Adrina ngunit tila kaunti lamang ang tanda niya sa akin kung
MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig."Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon
"ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil
MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko."Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak
NILAMPASAN ko si Casias nang magkasalubong kami sa pamilihan, inirapan ko pa siya upang ipakitang naiirita ako sa presensya niya."Magandang umaga, Aliara!" nakangiti niyang bati ngunit hindi ko na pinansin. Palagi namang walang maganda sa umaga kapag siya ang nakikita ko.Itinabi ko ang tinutulak na karitela nang makarating sa tindahan ni Rowan. Abala ito sa maraming mamimili sa umagang ito kaya kahit ang pagbati ay hindi niya nagawa sa akin."Tulungan na kita!" muling wika ni Casias na nasa harapan ko na. Hindi ko napansin ang pagsunod niya sa akin. Nasa likod niya rin ang dalawang kasama."Huwag na, ipagpatuloy mo na lamang ang ginagawa mo." Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuhat ko ang isang sako na nasa karitela.Alam kong naniningil siya ngayon sa mga manininda rito sa pamilihan kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang ginugulo niya ngayon."Wala na akong ginagawa kaya tutulungan na lamang kita!" masigla niyang wika. Binuhat
HUMINTO ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya. Matagal bago siya nagsalita."Palagi rin akong nagtutungo roon kapag nais kong magpahangin at makapag-isip," aniya, nakatingin sa kawalan. "Noong unang beses kitang nakita roon ay noong araw rin nang makilala kita. Simula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang malungkot mong mga mata." Bumuntong hininga siya. "Palagi kong ipinagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kalungkutan sa iyong mga mata noong gabing iyon. At maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Ano ang sanhi ng kaniyang kalungkutan? Anong nangyari? Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko naman siya sa pamilihan ay walang bahid ng lungkot doon, walang kahit na anong emosyon."Marahan siyang bumaling sa akin matapos sabihin ang mga iyon. Ako naman ngayon ang umiwas, hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya. O kailangan ko nga ba siyang sagutin?Nakakahiya lamang na nakita niya ako sa ganoong ayos. Sa lahat ng nilalang ay siya pa talaga an
NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg