Share

Chapter 72

"What do you want to eat?" 

Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya.

Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog.

Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. 

Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain.

Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? 

Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity?

Sa dam

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status