Minu-minuto ko na sigurong tinitingnan ang dummy account ko sa IG para makita kung nag-reply na ba sina Chloe at Tristan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa din.
"Huy bruha ka!" tili ni Fredo na bigla na lamang sumulpot mula sa likod ko at mahinang hinila ang buhok ko na kaagad din namang dumulas sa kanyang daliri dahil sa ikli nito.
Andito ako ngayon sa karinderia ni Aling Berna at kumakain ng pananghalian.
Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang inayos ang aking buhok. Umupo siya harap ko at mataray akong pinasadahan ng tingin.
"Gaga ka talaga! Alam mo bang ikakaltas sa sweldo ko ang kinain mo kahapon. Kaloka! Sana man lang binayaran mo 'yong kinain mo bago ka tumakas," litanya niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil natulala ako sa labi niyang ubod ng pula. Ilang patong kaya ng lipstick ang ginawa niya?
Dumukot ako ng pera sa aking bulsa at iniabot sa kan'ya.
"Para sa'yo pambili mo ng pink na lipstick. Hindi sayo bagay ang pula," nakangiwing sabi ko.
Para siyang malanding bakla sa kanto na nag-aalok ng 'wampipti' sa mga lalaking dumaraan.
Nakangiti niya iyong tinanggap. Basta talaga pera mabilis mapangiti ang isang 'to.
"Bakit ka nga pala hinahanap ni sir Zid? Siya ba ang biktima mo kahapon?" kaswal na tanong ni Fredo.
Napatigil ako sa sunod-sunod na pagsubo ng kanin sa pag-iisip kung sinong Zid ang tinutukoy ng kaibigan ko. Hanggang sa maalala kong iyon ang pangalan ng kabit ni Chloe.
"Huh? Bakit naman ako hinahanap 'non?" Napangiwi si Fredo ng tumalsik sa harap niya ang ilang butil ng kanin mula sa bibig ko.
Maarte niya itong pinunasan ng tissue.
"Aba malay ko! Ikaw 'ata itong may atraso d'yan. Pina-check nga lahat ng cctv tapos pina-zoom pa 'yong mukha mo. Binilinan pa si boss Mago na kapag bumalik ka daw doon ay tawagan siya kaagad at huwag kang papaalisin," pananakot ng kaharap ko bago kinuha ang pagkain na dala ni Aling Berna sa table namin.
Akala niya 'ata matatakot ako sa kwento niya. Kahit magpunta ako doon ngayon ay walang makakakilala sa akin. Para saan pang nag-disguise ako?
Ang pinagtataka ko lang kung bakit niya naman ako hinahanap? Kahit ipalabas ko pa ang video na hawak ko ay hindi naman maaapektuhan ang buhay niya. Mukhang hindi naman siya kilalang tao katulad ng ChloTan loveteam.
"Wala akong pake d'yan sa Zid na 'yan. Sino ba 'yan? Ang business ko dito ay ang ChloTan. Hindi naman ako magkakapera sa Zid na 'yan," gigil kong saad.
Hindi ko pa din makakalimutan kung paanong muntik na akong mahuli kahapon dahil sa kan'ya.
"Gosh! Hindi mo kilala si Zid Paulo Sena? One of the hottest bachelor in town. Isang kilalang CEO ng sikat na publishing company dito sa Pilipinas," litanya ng kaibigan ko na tila naghugis puso pa ang mga mata.
Oo gwapo 'yon, pero nakaka-turn-off ang pagiging kabit niya. Nanira siya ng isang relasyon. Well, may kasalanan din naman si Chloe. Pero kahit na, naging instrumento pa din siya sa bagay na iyon. Ang landi lang talaga.
Pero sandali, CEO? Hottest bachelor in town?
Ibig sabihin, may reputasyon siyang iniingatan. Hindi kaya hinahanap niya ako para ipabura ang video?
Nangangamoy pera na naman.
Nakangiti kong tiningnan si Fredo na nagtataka sa paraan ng pagngiti ko. Panay lang ang subo niya ng kanin at ulam bago ako tinaasan ng dalawang kilay, para bang nagtatanong kung bakit ako nakangiti.
"Pakiramdam ko lang makaka-jackpot ako ngayon." Tinaas baba ko pa ang aking kilay tapos ay muling sumubo ng pagkain.
Kung siniswerte ka nga naman. Tatlo ang mag-aagawan sa video, ibig sabihin ay more chances of winning. Kung sino ang may pinakamataas na offer iyon ang tatanggapin ko o pwede namang silang tatlo ang magbigay. Mukhang malaki-laki ang kikitain ko.
Iniisip ko nang ihanda mamaya ang mga gamit ko para oras na makuha ko na ang pera ay makakaalis na ako patungong New York.
"Asa ka naman! Kung 'yong mga artista madali mong mahuthutan ng pera ibahin mo si sir Zid. Negosyante kaya iyon, hindi iyon maglalabas ng pera para sa mga gan'yang bagay. Wala naman 'yong pakialam sa reputasyon niya. Kung sino-sino ngang babae ang dinadala 'non sa restaurant," kwento niya na nagpawi ng sayang nararamdaman ko kanina.
Tama si Fredo, iba ang negosyante at artista.
Sigurado akong hindi iyon magpapalugi, lalo na sa tulad kong simpleng mandurugas lamang.
"So bakit niya ako hinahanap?" nahihilakbot kong tanong.
Na-i-imagine ko na baka katulad siya ng mga ruthless CEO na nababasa ko sa mga nobela. 'Yong tipong papahirapan nila ang mga taong hindi kaagad naibibigay ang kanilang mga gusto. Ang pinakamalala pa, ayos lang sa kanila ang pumatay dahil kaya nilang bayaran ang batas.
Nagkibit balikat lamang ang aking kaibigan na mas lalong ikinapangamba ko.
Huminga ako ng malalim upang iwaksi sa isipan ang mga masasamang bagay. Hindi niya naman alam ang tunay kong itsura at pangalan. Ibig sabihin ay hindi niya ako mahahanap kaya dapat ay mag-focus lang ako sa ChloTan loveteam.
Buong araw akong nakahiga at nakatunganga sa kisame ng maliit na kwartong inuupahan ko. Tumingin ako sa bintana at napansing madilim na pala. Hanggang ngayon ay wala pa din reply ang dalawa.
Akala ko pa naman ito na ang pinakamadaling makakanegosasyon ko dahil sa iniingatan nilang kasikatan pero kung minamalas ka nga naman parang walang pakialam ang dalawa. Nag-post pa nga si Chloe ng sweet na larawan nila ni Tristan. Hindi ba siya nahihiya?
Muli ay nag-iwan ako ng mensahe sa IG account ni Tristan.
Naghintay ako ng ilang saglit. Nabuhayan ako ng loob at kaagad na napabangon sa aking kama ng makitang nag-ta-type ito.
Ngunit naglaho ang malaking ngiti sa aking labi ng mabasa ang mensaheng ipinadala niya.
[Then post it! It's not my loss. People will bash Chloe and his fling not me. I don't care about her anymore.]
Napakagaling mag-english tapos ang kuripot naman. Sana sinabi niya na lang na wala siyang pera.
Muli ko iyong binasa dahil baka mali ang pagkaintindi ko. Bakit ba kasi english pa ang reply sa akin?
Hindi ko pa naman naranasan na ma-broken hearted dahil hindi pa ako nagkakanobyo pero hindi ko maiwasan makaramdam ng awa sa kan'ya. Sa kanilang tatlo sigurado akong siya ang pinakanasasaktan. Kaya tama siya, si Chloe talaga dapat ang kino-contact ko.
Nag-iwan ulit ako ng mensahe kay Chloe. Sinabi ko sa kan'ya na kung hindi siya magrereply hanggang bukas ay lalabas na ang pinakatatagong lihim niya sa media.
Napabuntong hininga ako at sign of the cross.
"Sorry po papa God hindi ko po talaga gustong gawin ito pero kailangan. Huli na po ito. Pangako." Pinagdaop ko pa ang dalawang palad ko at tumingin sa taas. Ipinapangako ko talagang kapag yumaman ako ay mag-do-donate ako sa simbahan para kahit papaano ay mabawasan ang mga kasalanan ko.
Kinabukasan ay kaagad kong binuksan ang aking IG account. Laking tuwa ko nang makitang nag-reply na si Chloe. Tinatanong niya ako kung magkano.
Isang daang libo na lamang ang kulang sa ipon ko kaya iyon ang aking sinabi. Hindi naman ako naghahangad ng malaki dahil alam ko naman na masama ang ginagawa kong paraan upang kumita ng pera.
Kaagad din naman pumayag si Chloe at hiningi ang aking account number.
"Kai! Kai! Gising na!" Nabigla ako sa sunod-sunod na katok ni Madam Ome, ang kahera ng inuupahan kong kwarto.
Ibinaba ko muna ang aking cellphone at pinakatitigan ang pinto. Iniisip ko kung dapat ko bang buksan iyon. Sa pagkakatanda ko ay nakapagbayad na ako ng renta para sa buwan na ito kaya siguradong hindi niya naman ako sisingilin.
Tinatamad kong tinungo ang pinto at binuksan. Bumungad sa akin si Madam Ome na mapula ang pisngi at nakasuot pa ng makapal na eyelashes. Matamis itong ngumiti sa akin at mahinhin na kumilos.
"Good morning Kai. Mayroon kang bisita," mabait na sabi niya.
Nangunot ang noo ko dahil wala namang bumibisita sa akin.
Hanggang sa maagaw ang atensyon ko ng lalaking sumulpot mula sa likod ni Madam Ome.
Matangkad ito at malaki ang pangangatawan. Matangos ang ilong, makapal ang kilay na bumagay sa mapupungay niyang mga mata. Ang mga matang pamilyar ang paraan ng pagtitig sa'kin.
Agad na nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino siya. Siya ang other man ni Chloe. Siya si Zid.
Iniiwas ko ang aking tingin sa kan'ya nang mapansin na may sumilay na ngisi sa kan'yang labi katulad 'nung nakita ko sa video.
Tinitigan ko si Madam Ome na tila namimilipit na uod sa kinakatayuan habang nakatingin kay Zid. Tumikhim si Zid dahilan upang umayos ng tayo si Madam Ome at maging ako.
"Sige Kai, sige sir pogi iwan ko na po kayo. Kai kung may kailangan ka nasa baba lang ako," malambing na sabi ng kahera ko bago ito umalis sa harap namin.
Nais ko sana siyang pigilan dahil talagang kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin sa akin ng lalaking nasa aking harap.
Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat kabahan. Impossible naman na makilala niya ako. Kailangan ko lang umarte at magpanggap na hindi ako ang babaeng iyon.
"Sino po kayo?" nakangiting tanong ko sa kan'ya. Pinilit kong maging kaswal kahit na kinakabahan na ako.
Tinaasan niya lamang ako ng dalawang kilay at sarkastikong tumawa. Napatulala ako sa paraan ng pagtawa niya. Bakit naman parang nang-aakit siya?
Hindi niya ako pinansin bagkus ay kusang pinapasok ang sarili sa aking kwarto.
"Hoy! Trespassing ka! Lumabas ka nga." Pagtataboy ko sa kan'ya. Baka makita niya pa ang video, masisira ang plano ko. Isa pa, baka kung anong gawin niya sa'kin dito sa loob ng kwarto, lalo pa't kaming dalawa lang ang nandito.
Nanatili lamang akong nakatayo malapit sa may pinto para kung sakaling may gagawin siyang masama ay kaagad akong makakahingi ng tulong sa labas.
Pinagmasdan ko ang kan'yang malapad na likod habang abala siyang pagmasdan ang kabuuan ng aking kwarto. Mas lalong nagmukhang maliit ang kwarto ko dahil sa laki niya. Pakiramdam ko nga'y isang talon niya lang ay lalampas na sa kisame ang kan'yang ulo.
Humakbang siya sa tapat ng aking mesa kung nasaan ang aking laptop at cellphone, pagkatapos ay humarap sa'kin.
"Close the door," seryosong saad niya.
Malalim ang boses niya ng sabihin iyon dahilan upang mangilabot ako at sa hindi malamang rason ay sinunod ko ang kan'yang sinabi at sinara nga ang pinto ng aking kwarto.
Ngumisi siya at sinabing, "Give me the video."
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam