Kabanata 3.1

Hinarap ko siya at nginitian. 

“Maraming salamat Sir pero-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ang sasabihin ko. 

“Aalis ka lang sa kompanya ko kung terminated ang kontrata mo. Fine kung yan ang gusto mo hindi ko na aalisin si Mrs. Cruz. Now go back to your work and Keisha let’s go to my office.” Tumalikod na siya at nanatili pa akong nakatayo dito. 

“Ang swerte niya si Sir pa parang nakikiusap sa kaniya manatili samantalang yung mga naging secretary niyang iba nagmakaawa kay Sir.” Rinig kong bulong sa gilid ko. Nagkibit balikat na lang ako dun. 

“Maraming salamat iha dahil sayo hindi na ako naalis sa trabaho, sige na sundan mo na si Sir.” Nakangiti niya ng sabi sa akin pero halata sa mga mata niya na umiyak ito. Nginitian ko na lang siya at tumango. 

Bumalik na ako sa office ni Sir at naabutan ko siyang nagpipirma sa mga papeles na nasa harapan niya. Umupo ako na parang walang nangyari. Nilingon ko siya pero focus lang siya sa ginagawa niya. 

“Gusto kong ibigay mo ito kay Mrs. Santos.” Utos niya sa akin at iniabot ang mga papel. Kinuha ko na lang sa kaniya ang mga ito at lumabas ng opisina niya. 

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng mga empleyado ay mga mata nila agad ang napansin ko dahil nakatingin na silang lahat sakin.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at mabilis na hinanap ng mga mata ko si Mrs. Santos dahil hindi ko siya nakita sa cubicle niya. 

“Keisha?” nilingon ko si Mrs. Santos at nilapitan na siya. 

“Pinapabigay ni Sir Kyler.” Sabi ko sa kaniya at kinuha niya naman sakin ang mga papel. 

“Pwede ba tayong mag-usap?” ani niya at tumango naman ako.

Sinundan ko si Mrs. Santos palabas ng office nila at iginiya ako malapit sa exit. 

“Alam kong hindi ka katulad ng iba.” Panimula niya ng huminto kami. 

“Pero Keisha nakikiusap ako sayo na kapag pinagalitan ang mga empleyado huwag ka ng mangialam hmmf?” 

“Paano ako hindi mangingialam Mrs. Santos?” 

“Sa lahat ng secretary ni Sir Kyler ikaw lang ang kakaiba sa kanilang lahat. Baka mahirapan na akong maghanap ng katulad mo.” 

“So sinasabi mo ba Mrs. Santos na ok lang matanggal ang mga empleyado dito huwag ka lang mahirapan maghanap ng bagong secretary ni Sir?” napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

“Hindi naman sa ganun baka kasi tanggalin ka niya.” ani niya. 

“Bakit hindi niya ako inalis kanina?” tanong ko sa kaniya dahil kung may balak naman pala siyang tanggalin ako bakit hindi pa ngayon?

“Sabi niya kasi mas ok na daw pagtiisan ang ugali mo kesa sa mga malalandi.” Sagot niya. 

“Yun naman pala edi walang problema huwag syang mag-alala dahil kahit siya na ang natitirang lalaki sa mundo hindi ko siya pipiliin.” Tinalikuran ko na si Mrs. Santos at bumalik na sa office ni Sir. 

--

Lumipas ang araw at linggo at nananatili pa rin ako sa kompanya niya. Hindi pa naman ulit nangyari yung nangyari noong nakaraan.

Nagagalit pa rin siya sa mga empleyado niya pero kapag nakita niya ng nakapasok na ako sa office niya ay paaalisin niya na ito. 

“Good morning Sir.” Bati ko sa kaniya ng maabutan ko na siyang nasa office na. Hindi niya ako pinansin kaya umupo na lang ako sa upuan ko at kita ko doon ang medyo tambak na mga papeles kaya mabilis ko itong binuklat isa isa. 

“Reviewhin at basahin mo yan lahat at gusto kong idiscuss mo na lang sakin ang laman ng mga yan. Marami akong ginagawa.” Sabi niya sakin ng hindi ako nililingon. Inumpisahan ko na lang na basahin ang mga ito.

Napainat na lang ako sa katawan ko ng matapos kong basahin lahat. Tiningnan ko ang oras at nanlaki ang mga mata ko dahil 1:30 na pala. Nilingon ko si Sir nandun pa rin at busy sa ginagawa. 

“Ah Sir kumain na po ba kayo?” tanong ko sa kaniya dahil baka lumabas na siya para kumain pero hindi ko naramdaman. Tiningnan niya ang oras niya at tumingin sakin.

“Hindi ko napansin ang oras. Bakit hindi ka na lang nauna kumain?” 

“Sorry Sir hindi ko rin po kasi napansin yung oras at tinapos ko yung pinapagawa niyo.” Sabi ko sa kaniya. 

“You’re done? Ok let’s eat first tapos idiscuss mo lahat sakin kung anong laman ng mga papel na yan.” Medyo naiilang ako kasi sabay kaming lumabas ni Sir Kyler ng office niya. Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado niya ng ang tungo namin ay sa cafeteria. Umorder na ako ng kakainin ko at ganun din si Sir.

Pagkatapos kong kumuha ng mga pagkain naghanap na ako ng magandang mauupuan dahil may mga ilan pang kumakain din. Siguro mga nalate din maglunch. Pagkaupo ko ay umupo na din si Sir sa harapan ko. 

“Seryoso? Sabay sila kakain?” rinig kong sabi sa kabilang table pero pinagsawalang bahala yun ni Sir. 

“Parang ngayon lang sumabay si Sir sa secretary niya kumain tapos nasa iisang table.” Balik na sabi naman ng isang babae. Napalingon ako kay Sir ng bigla itong magsalita. 

“Kumain kana at may pag-uusapan pa tayo.” Mabilis ko namang kinuha ang kutsara ko at sumubo ng pagkain. Lumipas ang ilang minuto at natapos kaming kumain.

“So tell me anong mga nakalagay dun?” sabi ni Sir habang nagpupunas ng tissue sa labi niya. Uminom muna ako ng tubig bago ko sinimulan ang discuss kay Sir. 

“Nakalagay po dun about sa bagong lupa na nahanap nila para sa pagtataniman ng mga gulay Sir. Kailangan niyo po itong puntahan ngayong linggo para macheck kung maayos na ba ito para sa inyo o hindi. Saka yung sa pagtatayuan niyo ng bagong building parang may problema dun dahil may nagkakainterest din daw po sa lupa na yun na negosyante. Kung maaasikaso niyo po ito ngayong linggo ay mabilis nilang aayusin lahat ng kailangan para masimulan na nila ang operation dun Sir.” Nagpatuloy pa ako sa mga sinasabi ko kay Sir na nabasa ko lahat sa mga binigay niyang papel sa akin. Tanging tango lang ang ginagawad sakin. 

“Sa Nueva Ecija, Cabanatuan ang nakuha nilang lupa para sa mga pagtataniman ng mga gulay.” Paninigurado ni Sir sa lugar na binaggit ko kanina pa. 

“Opo Sir.” Sagot ko sa kaniya at tinanguan lang ako. Tumayo na si Sir sinundan ko naman na siya. 

“Sasama ka sakin sa Nueva Ecija.” Sabi niya sa akin at tumango na lang ako. 

“Bakit hindi ka sumasagot.” Napahinto ako sa paglalakad ng mabangga ko ang likod niya. Grabeng tigas naman ng likod mo Sir. 

“Sasama po Sir.” Sambit ko at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Bakit ba kasi at tumango ako eh nakatalikod siya sa akin. 

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon na ang byahe namin ni Sir Kyler patungong Nueva Ecija. 

“Dalawang araw tayo dun.” Pagpapaalala niya sakin habang sinasakay ko ang mga ilang gamit ko sa likod ng kotse niya. Alas kwatro pa lang ng umaga ay paalis na kami ng Manila dahil ang alam ko 5 to 7 hours ang byahe mula dito hanggang Nueva Ecija. 

“Matulog ka muna.” Sambit niya ng mahalata sigurong kanina pa ako hikab ng hikab. Nakatulog ako buong byahe at nagising na lamang ako na sikat na sikat na ang araw. Umupo akong maayos ng biglang may nahulog na unan mula sa ulo ko. Pinulot ko ito at inalala kung naglagay ba ako ng unan ko ng matulog kanina pero ang alam ko wala saka wala akong unan na ganto. Nilingon ko si Sir pero nasa daanan lang ang buong atensyon niya. 

“Kumain muna tayo.” Sambit niya at iniliko ang kotse saka ipinark. Nang bumaba na siya sa kotse niya ay bumaba na rin ako. Tiningala ko ang building na hinintuan namin isa itong fast food chain. 

‘Jollibee’ basa ko sa karatula sa taas. Nasa Jollibee kami. Kumakain pala sa ganitong lugar si Sir, malay ko ba eh sa mayaman siya eh. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Coa Kowa
Parang baligtag ikaw yata ang naging boss hahahha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status