Pagpasok namin sa loob ay tilian ng mga babae ang narinig ko. May artista ba? Nilibot ko ang paningin ko at pati sa likod ko pero wala naman akong makita.
“May God artista ba siya?” rinig kong bulong ng isang bakla sa gilid namin.
“Sino kaya yung girl na kasama niya?”
“Baka PA niya.” sagot naman ng isa. Sino bang binabanggit nila? Wala naman akong makita.
“Papicture naman po.” Rinig kong sabi ng isang babae at kay Sir Kyler siya lumapit. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi naman artista si Sir. Tiningnan ko ang paligid ko at sa kaniya pala halos nakatingin lahat ng mga tao dito.
“Ay teka Miss. Hindi artista si Sir.” Pagharang ko dito dahil baka masigawan siya at baka hindi magustuhan ni Sir Kyler mapag-abutan pa dito ng galit.
“Ah picture lang naman.” Pagpipilit ng babae.
“Hindi pwede baka magalit girlfriend ko. Selosa pa naman.” Sabay akbay niya sa akin at nginitian ako ng pagkalapad lapad. Napabuga ako ng hangin dahil dun. Ganito ba talaga ito ngumiti? Napakagwapo? Kaso demonyo.
“Ay sayang girlfriend niya akala ko PA or PM.”
“Anong Pm?”
“Personal Maid.” Mga ilan pa sa narinig ko. Grabe naman para pagkamalan akong maid. Sinipat ko ang suot ko at Nakasuot lang naman ako ng black fitted jeans at white t-shirt para tuloy akong mag-a-ROTC. Tinanggal ko ang pagkakaakbay sakin ni Sir at mag-oorder na sana ko ng sa akin ng hilain niya na ako at nakapag-order na raw siya para sa amin.
Umupo na kami sa isang malawak na table at hindi pa rin naaalis ang mga tinginan ng mga tao dito sa loob ng Jollibee.
“This is your food ma’am Sir. Enjoy your meal.” Nakangiting sabi ng isang staff na siyang naghatid ng pagkain namin. Nginitian ko na lang siya. Bubuksan ko na sana yung pagkain ko ng iabot sakin ni Sir ang pagkain niyang nakabukas na.
“Ito food mo baby.” Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.
“Ok ka lang? May problema ba? Ito oh inumin mo.” Abot niya sa akin nung softdrinks. Mabilis ko naman itong kinuha at ininom. Tiningnan ko siya at ang gago nakangiti. May pababy baby pa siyang nalalaman. Tsss
“Ang swerteng babae. Gwapo na, matangkad, maputi at gentleman pa. Nakakainggit.” Sambit ng isang babaeng kanina pa nakatingin sa pwesto namin. Mabilis kong inubos ang pagkain ko para makalabas na kami dito sa fast food na ito. Grabe nakakasakal yung presensya nila lalong lalo na yung bawat pagngiti sakin ni Sir.
Paglabas na paglabas namin sa fastfood ay mabilis akong nagtungo at sumakay sa kotse ni Sir. Pagpasok na pagpasok niya sa kotse hindi ko alam kung bakit uminit sa loob ng kotse niya. Itinutok ko sakin ang aircon para malamigan naman ako.
“Ok ka lang?” tanong niya ng maayos niya na ang seatbelt niya.
“Ah opo Sir. Ok lang ako.” Sagot ko naman sa kaniya kahit na kinakabahan ako.
“Tsss. Naiilang ka? Dibale ng mailang ka huwag lang mahulog.” Wow ha. Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya.
“Asa ka naman. Ang dami mo kasing pwedeng idahilan para hindi ka na abalahin ng mga babaeng yun ako pa.” Reklamo ko sa kaniya.
“Yun ang pumasok sa isip ko eh.”
“Tsss.” Hindi na lang ulit ako nagsalita at nagpatuloy na kami sa byahe namin.
Nakarating kami sa Nueva Ecija ng pass 11. Grabe yung tagal ng byahe namin ah.
“Welcome here Sir.” Bati sa kaniya ng isang nasa mid 40s na lalaki.
Tinulungan nila kaming mabuhat ang mga gamit namin at ipinunta sa isang bahay na gawa sa kawayan at ang kalahati ay sa semento. Matutulog kaya si Sir Kyler sa ganitong lugar.
Pumasok kami sa loob nito at maayos at malinis naman.
“Pasensya na kayo Sir sa bahay namin. Kung gusto niyo ipapasama ko sa inyo ang anak ko para samahan kayong pumuntang bayan para dun na lang magcheck in.” Sabi ng matanda. Ok lang naman sakin dito pero si Sir? Hindi ko alam.
“No, ok na ako dito para hindi na abala ang byahe namin papunta dito bukas para diretso na tayo sa sinasabi mong lupa.” Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sir Kyler. Inilagay namin ang mga gamit namin sa kwarto.
“Sa iisang kwarto lang po kami?” nahihiya kong sabi hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi babae ako tapos siya lalaki saka boss ko siya baka hindi yan sanay na may kahati sa kwarto.
“Ah pasensya ka na iha ano kasi.”
“Pa” tawag ng isang lalaking parang nasa edad ko lang din. Lumapit siya sa amin at tumingin sakin saka ngumiti.
“Pwede naman siya sa kwarto ko pa.” Mabilis na suggestion niya. wait? What the hell eh lalaki rin siya eh.
“No need. Ok na kami dito sa kwartong ito manong Vic."
Pagtanggi naman ni Sir Kyler. Mas ok na rin ako rito kesa sa anak ni manong Vic eh hindi ko naman siya kilala. Inayos ko na ang mga gamit namin ni Sir at lumabas naman silang dalawa. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit namin ay lumabas na rin ako naabutan ko si Manong Vic at ang anak niyang nag-uusap.
“Ikaw talagang bata ka. Hindi ka na nahiya kay Sir inalukan mo pa ng kwarto mo yung kasama niya.”
“Eh hindi naman sa ganun itay. Hindi pa kasi ako tapos eh nagsalita na yung boss niyo. Ang ibig kong sabihin dun na siya sa kwarto ko tapos ako tatabi na sa inyo ni inay. Ang dumi talaga ng utak niyo tay eh.” Napangiti naman ako dahil dun yun pala yung ibig niyang sabihin nahusgahan ko tuloy agad. Naglakad na ako palapit sa kanila dahil hindi ko naman makita si Sir Kyler.
“Uiy iha nanjan ka na pala.” Lumingon sakin ang anak niyang nakatalikod kasi mula sakin.
“Ay ganda kanina ka pa jan?”
“Umayos ka Jake.” Napatawa na lang ako sa kanilang mag-ama dahil dun. Ang close naman pala nila namiss ko tuloy sila mama at papa.
“Hello po.” Bati ko sa kanila ng makalapit na ako.
“Nasan po kaya si Sir Kyler?” tanong ko kay Manong Vic.
“Ay baka nasa likod may tambayan kasi dun.” Sagot naman sakin ni Manong Vic. Napatango na lang ako dahil lalapit lang naman siguro sakin yun kung may iuutos.
“Ganda gusto mo sumama mag-ani ng gulay mamaya para sa hapunan natin?” pag-aaya sakin ni Jake.
Mukhang magandang ideya yun ah. Mahilig kasi ako sa halaman. Ngumiti at tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Dahil tanghali naman na pinuntahan ko ang asawa ni Manong Vic na naghahanda ng pananghalian namin. Tinulungan ko siya sa paghihiwa ng mga gulay na ihahalo sa karne.
“Naku iha ako na jan. Magpahinga ka na lang dun.” Pag-aawat sakin ng asawa ni Manong Vic.
“Ok lang naman po wala naman po akong ginagawa. Ano po pala pangalan niyo?” tanong ko sa kaniya.
“Ah ako nga pala si Leth.” Ngumiti ako sa kaniya at pinagpatuloy ko na ang mga ginagawa ko kanina.
Natapos kaming magluto at tinawag na sila para kumain.
“Pasensya na po kayo Sir sa naihanda lang namin.” hinging paumanhin ni Manong Vic. Wala naman dapat na ikahingi ng paumanhin dahil nakikikain lang naman kami.
“Ayos lang Manong Vic.” Wala talagang galang ito eh.
“Wow ang sarap ng luto niyong dalawa ma, ganda. Siguro kung ikaw magiging asawa ko lagi akong gaganahan kumain dahil puro masasarap.” Birong sabi naman ni Jake at binatukan siya ng tatay niya.
“Ikaw talagang bata ka puro ka biro.” Sabi naman ng nanay niya.
Napatingin ako kay Sir Kyler ng makita ko siyang nakatingin sakin ay umiwas agad ito ng tingin. Kumain na lang ako at tumulong kay Manang Leth sa pagliligpit ng pinagkainan namin.
Pagkatapos naming magligpit nagpunta akong likod kung saan ang sinasabi ni Manong Vic na pwedeng tambayan. Nakita ko dun ang isang upuan na gawa sa kawayan. Wala namang tao dun kaya umupo na muna ako. Ang sarap ng simoy ng hangin sa probinsya parang ang layo mula sa gulo. Nanatili ako dun dahil mainit naman sa loob.
“Kanina pa kita hinahanap.”
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag