Share

Kabanata 27.4

Nang makarating ako sa tatlong palapag ay naroon na ang mga tauhan ni Kaito pati ang lagi kong nakikitang dalawang babae na nakatoka rito sa ikatlong palapag.

Tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako patungo sa safe house ni Kaito kaya kinapa ko ito sa aking bulsa ng uniporme at binasa. Mensahe galing kay Mickey.

095565******: Great, Anna! You gave me a damn problem. You know I’m in my weakness times but you still brought Lisa here. You even invited those jerks to came here. Shit.

095565******: Hey! Reply to my message!

095565******: I’m damn mad, Anna.

Marami pa itong mensahe sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sine-save ang number nito sa phone ko. Umiling na lang ako at binulsa ang cellphone. Kinuha ko ang spare key na binigay sa akin ni Tukmol para magkaroon din ng sarili kung sakali man wala sila rito.

Hinawakan ko ang siradora at nang ma-unlock ko ito ay pumasok na agad sa loob. Napakunot-noo ako nang makita ko sila Tanda at Tukmol na abala sa ginagawa nila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status