Share

Chapter 4

 “Fuck you, Damien! Fuck you! Ang makita kitang nambababae nang paulit ulit ay kinakaya ko pa! Pero ang makita kitang kasama ang kapatid ko? Sa tingin mo ba talaga ay papakasalan pa kita?”

“Love, makinig ka muna sa akin. I'll explain. I can explain.”

“You can explain? That's bullshit! Anong rason mo? Anong rason mo ang tatanggapin ko?!” sigaw ko sa kaniya.

“Ate, I'm sorry, please.” Lumapit na rin sa akin si Aubree. It hurts seeing her cry in front of me. I hate her for being like this! I hate her for trying to do this!

“Bakit ganito, Aubree? Anong pagkukulang namin sa pagpapalaki sa ‘yo para maging ganito ka?”

“Ate, I love him! I love Damien, Ate.” Tumulo ang luha ko sa sinabi niyang iyon.

Nagagalit ako dahil nagiging ganito siya. Nagagalit ako dahil sinisira niya ang reputasyon at pagkatao niya at hindi dahil mahal niya si Damien.

Nagagalit ako kasi hindi puwedeng ganito si Aubree! Kay Damien man o sa ibang magkarelasyon, hindi siya dapat nagiging ganitong klaseng babae!

“You're just eighteen! You even told me that you caught him cheating on me! What the hell?”

“Pero totoo iyon, Ate!”

“Wow! Tapos ngayon, kayo itong magkapulupot? Paano kung hindi ko kayo nakita? Ibibigay mo ang sarili mo, Aubree? And you'd fucking do him, Damien?!” Hindi ko alam kung kanino ko idederekta ang galit ko ngayon.

“I'm sorry, Ate.”

“She blackmailed me!” nagulat ako sa sigaw ni Damien na parang nagpipigil ng inis.

“Blackmailed you? What for?” I asked.

“She said that she'll make sure that you're going to call off our engagement once we didn't do it! Sandra, ayokong mawala ka.”

I laughed without humor. Hindi ko alam pero kahit na nasasaktan ako ay nagagawa ko pa ring matawa sa kalokohang sinasabi niya.

“Really, Damien? Ayaw mong mawala ako kaya papayag kang galawin ang kapatid ko? Tangina Damien, kahit hindi mo sundin si Aubree, hihiwalayan kita!”

His eyes widened with my statement. Parang gulat na gulat pa siyang hihiwalayan ko siya. Iniisip niya bang papayag pa akong magpakasal sa kaniya sa kabila ng lahat ng ginagawa niya?

“S-Sandra,”

“A-Ate, I'm sorry, I-I can explain. D-Damien love you—”

“You have nothing to do with this, Aubree. Umuwi ka na,” prenteng sabi ko.

“P-Pero Ate—”

“Umuwi ka na sabi! Tawagan mo si Angelo tapos umuwi ka na! Sa bahay tayo mag-uusap," sigaw ko sa kaniya. Napayuko siya at saka dahan-dahan tumango.

“Nasa entrance si Jeanne, doon ka muna,” sabi ko.

Naglakad papalayo si Aubree. Hinawakan naman ni Damien ang aking palapulsuhan na kaagad kong kinalas.

“L-Love, no, hindi ba magpapakasal na tayo? L-Let’s get married right away! Maybe after three weeks? Magpakasal na tayo, Love, please.”

“Are you insane? Damien, I'm sorry but I tried my best to accept you again. I did my best to forgive you so many times pero tao lang din ako! Nagsasawa at napapagod din akong magpatawad nang paulit-ulit sa mga kasalanan mo. I'm not a saint for pete's sake!”

“I know. Nagsisisi ako...nagsisisi ako, Sandra. Alam kong nagkamali ako. But believe me, I love you! I love you so much!”

“If you love me, why would you cheat?” My voice broke as I asked him desperately.

The hint of shock was evident in his eyes. Bumagsak ang kaniyang balikat sa sobrang panghihina habang ako naman ay nanginginig sa galit at pagkamuhi sa kaniya.

I hate that he's telling me that he loves me, then still cheats on me. Ano yun? Parang sinasabi niyang huwag akong mabahala dahil flings niya lang iyon?

“I'm sorry—”

“Stop saying sorry, and tell me why! I don't need your sorry, Damien, I need your explanation! Ang kailangan ko ay sabihin mo sa akin kung bakit at kung saan ako nagkulang!” Pumiyok ang boses ko dahil sa sigaw at sa walang tigil na pag-iyak.

It broke my heart when I heard him crying and sobbing. Pero anong magagawa ko? Kalokohan kung itutuloy pa rin namin ito.

“Dahil pakiramdam ko kulang pa rin ako sa ‘yo!” halos pasigaw niyang sabi.

My jaw dropped. Umiling ako nang paulit-ulit sa sinasabi niya.

“Ayaw kong isumbat ito, Sandra. I know my reasons are unacceptable, but my ego is ruined and it pushed me to do that. Alam mo ba kung gaano kasakit na paulit-ulit na maisip na kulang pa rin ako para sa ‘yo. And what hurts the most... wala ka noong mga panahong ‘yon. You were busy, and I can't complain!” His tears were unstoppable now.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Sa gitna ng galit na nararamdaman ko ay biglang sumilay ang sakit dahil sa sinabi niya.

“W-What do you mean?” I asked.

Hinawakan niya ang magkabila kong braso at iniharap ako sa kaniya.

“Sandra,” he called. “D-Did you really love me?”

My breathing almost stopped at his question. I stared at him.

Matagal ko siyang tinitigan at pilit iniintindi ang kaniyang tanong. Iniisip ko kung anong ibig niyang sabihin at kung saan nagmumula ang mga tanong niya.

May pagkakamali ba ako? Hindi ko ba naiparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya?

“Of course,”

“Or am I just a rebound?”

Kumunot ang aking noo at bahagya siyang tinulak.

“No! Of course, not! I love you, Damien, and you're enough!”

“Because I don't feel like you do! Pakiramdam ko ay hindi ka sa akin nang buong-buo! Pakiramdam ko ay sa akin ka ikakasal... pero hindi ako ang nagmamay-ari sa ‘yo,” he said.

My heart sank when I heard his thoughts. Hearing him say that it's my entire fault made me put the blame to me.

“What are you saying? I love you! I love you so damn much! Mahal na mahal kita kaya pumayag pa rin akong magpakasal sa ‘yo kahit ilang beses kong nahuli ang panloloko mo! Mahal na mahal kita kaya hindi ko inisip na hiwalayan ka kahit ang sakit-sakit na,” I said.

Nasasaktan ako. Gusto kong magpatawad pero paano? Magpapatawad na ba ulit ako?

Magbabago ba siya kung magpapatawad ako?

Pinunasan ko ang mga luha ko. I stared at my ring for the longest time before I decided what to do.

“L-Love, I'm sorry—”

“Cheating is a choice, Damien. Kung may pagkukulang ako, sana sinabi mo. Hindi ‘yong hinahanap mo sa iba ang alam mong sa akin mo lang makikita,” umiiyak kong sabi.

Umiyak ako nang umiyak bago ko hinawakan ang aking singsing at dahan-dahan iyong tinanggal.

“Sandra, ‘wag. Please, huwag.”

Umiling ako bago kinuha ang kamay niya at sapilitang ibinigay ang singsing.

“Don't do this!” he shouted.

“You shouldn't have done that!” I said back.

Tumulo ang luha niya. Lumapit siya pero umatras na ako.

“This is goodbye. I hope we'll never meet again,” I said before I turned my back to leave him.

Mabilis ang lakad ko habang patuloy niya akong tinatawag. Hindi ko na siya nilingon pa kahit ang sakit-sakit maglakad papalayo sa kaniya.

Nang makarating sa may sasakyan ni Jeanne ay kaagad niya iyong bumukas kaya pumasok na ako.

“Sandra,” Jeanne called as she hugged me. Umiyak ako nangg umiyak at hindi nagsasalita. Maybe this is over. Maybe this is it.

“Ihahatid na kita sa inyo,” aniya.

“N-No, baka magtanong si Kuya. He'll do something to Damien kung malaman niya. Puwede bang sa apartment mo muna ako?” I asked.

Bumuntonghininga siya at tumango.

“Sige, magpahinga ka muna. I'll drive,” she said.

I was still crying while she's driving. Parang gripo ang mga luha ko dahil walang tigil ito. The pain in my chest was suffocating.

Nakakalunod sa sakit. Hindi ko alam na nagkulang na pala ako. Sa tuwing umuuwi ako ay siya lang ang gusto kong makasama pero ganoon ang naririnig ko! Ang pambababae niya.

My sister loves him. He's cheating on me because I failed being his girlfriend.

Gustong gusto kong sisihin siya. Gusto kong magalit kay Aubree pero ako yung nagkulang, ako yung nabulag.

Pero ako ba ang may kasalanan?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status