Share

Chapter 5

 “Call me when you need anything,” sambit ni Jeanne nang makarating kami sa apartment niya..

I nodded and went inside of the guest room. Nahiga ako sa kama at muling nakatulugan ang pag-iyak

When I woke up the next day, sobrang hapdi ng mata ko. Hindi ako makabangon sa bigat ng pakiramdam. Akala ko noong una, maayos na. Pero nang maalala ko ulit ay tumulo na naman ang luha ko.

Kinatok ako ni Jeanne. “Sandra, magtatrabaho lang muna ako. Ayos ka lang ba rito?” she asked.

I smiled at her and nodded.

“Magbreakfast ka na. May pagkain sa lamesa.”

“Salamat, Jeanne. Uuwi din ako ngayon,” sabi ko.

Tumango naman siya. Later on, she left while I ate breakfast. Bagsak pa rin ang balikat ko at pinag-iisipan kung uuwi na ba ako.

Mayamaya ay nakita kong tumatawag sa ‘kin si Vincent, the CEO of my airline, kaya kahit gaano kasama ang mood ko ay kailangan kong sagutin iyon.

“Hello, Sir, good morning.” I tried to sound happy.

He laughed at it. This asshole!

“Why so formal, Sandra? Para namang hindi kita kaibigan. Anyway, I'll discuss something which I know you'll want,” he said.

My brows furrowed at his offer.

“You're not gonna ask me to deliver drugs, right?”

“What? Gaga, siyempre hindi!” Napatawa ako nang lumabas na ang pagiging bakla niya.

“Eh ano?”

“Do you want to go to Kalibo?” nakangiting tanong niya.

“No,” I said.

“I already agreed to Mr. Costales!”

Costales.

Tumawa naman ako dahil gulat na gulat siya.

“I’m just kidding. Magkano ang bayad?” tanong ko.

“They will pay you three hundred thousand pesos for one month. You just have to send him to Kalibo, tapos ihahatid mo pauwi si Alejandro Samaniego, tapos babalik ng Kalibo. That’s it!”

I was about to say yes. Pero naisip kong hindi pala ako puwedeng umalis na ganito ang sitwasyon.

“I-I'm not sure. Siguro sa iba na lang?”

“Sandra, hindi daw magbabayad si Mr.Costales ng ganoon kalaki kung hindi ikaw,” aniya.

What?!

“Sige na, please? He'll invest more in the airlines if he's satisfied with the flight,” aniya.

Bumuntonghininga ako at saka tumango. “Alright.”

“Great! I guarantee you, saka ka lang nila gagambalain kung magpapalipad ka,” he said.

I smiled and agreed to sign a month contract that he’ll send to me.

I decided to go back home and take some clothes to bring with me nang malaman kong bukas na pala ang aming alis.

Nang ummuwi ako ay naabutan ko si Mama at Kuya.

“Kumusta ang punta mo kay Jeanne?” tanong ni Mama.

Ngumiti ako sa kaniya. Naalala ko na naman ang mga nangyari na nagpaluha ng aking mata.

“Okay naman po, Mama.  Aalis po pala ako.”

“Saan ka pupunta? Kadarating mo lang, ah?” tanong ni Kuya.

“I have to pilot an aircraft of a businessman to Kalibo tomorrow. Mga isang buwan ako roon,” nakangiting sabi ko.

Tumango naman si Kuya.

“Isang buwan? Hindi ka makakauwi kaagad?”

“Hindi po, Mama. Baka po kasi hindi lang sa Kalibo ang tigil niya sa buong buwan na iyon. I'll have to escort him to travel by air,”

“Sige, mag-iimpake ka ba? Halika, tutulungan kita,” aniya.

“Mama, ako na po ang tutulong kay Sandra,” sambit ni Kuya.

Nagulat ako roon habang nakatitig lang si Kuya sa akin.

“Tara.” Hinila ako ni Kuya papasok ng kwarto ko at saka itinaas ang kaliwang kamay ko.

“Nasaan na?” tanong niya.

“A-Alin?”

“Ang singsing?” tanong niya.

Tumungo ako, naiiyak na naman.

“Wala na kayo?”

Hindi ko akalaing mapapahikbi ako kaagad sa simpleng tanong niya.

“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo. Mabuti na lang at tinigilan mo na iyang pagpapakatanga mo!” he said.

Pigil ko ang mga hikbi ko. I heard him sigh before he hugged me. Inaalu ako sa pag-iyak.

“Nambabae siya, Kuya. Nambabae siya.” Pumiyok ang aking boses sa pag-iyak. Hindi ko sasabihin ang tungkol kay Aubree. Ayaw ko.

“Tang inang gago 'yon,” mariing sambit niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya at akmang lalakad papalayo.

My lips parted and I held his wrist when I realized that maybe, he'll go to Damien!

“Hayaan mo na, Kuya. Hayaan mo na lang siya, please.”

Bumuntonghininga siya at saka tumango. Kumuha siya ng tissue sa gilid at inabot iyon sa akin.

“Anong sasabihin mo kay Mama?”

“Saka ko na lang sasabihin pagbalik ko galing Kalibo. Hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya,” sambit ko.

Noon ko pa talaga ayaw magpakasal kay Damien. I don’t want to accept his proposal but Mama said that she's not going to get younger, and she wanted to see me get married.

I was pressured to say yes to him because I want my mom to be happy.

Kalaunan ay naging maayos para sa ‘kin dahil mahal ko naman si Damien. Alam kong dito rin naman papunta ang lahat. Kaya lang, ganito ang nangyari.

“I understand you, Sandra. I'll help you with it, alright? Kailangan mo nang sabihin ngayon,” he said.

“Pero—”

“Sandra,”

Napalingon kami sa aking likuran nang bumukas ang pinto at marinig si Mama. She was smiling sadly. Lumapit siya sa ‘kin kaya siya naman ang aking niyakap.

“Pasensya na kung pinilit kitang patagalin ang pagsasama ninyo ni Damien. Naiintindihan ko kung hindi matuloy ang kasal ninyo. Pero kung mahal ninyo ang isa't isa ay maayos nyo ito,” saad ng Mama.

Umiyak ako lalo sa kaniya dahil hindi ko na napigilan. The acceptance from them made me feel light.

Kakayanin ko pa rin kasi hindi lang naman si Damien ang pinagkakapitan ko. Mahal ko siya, pero masakit na. Sa sobrang sakit ay hindi ko na alam kung sapat ba na mahal ko siya.

Tinulungan nila akong mag-impake nang gabing iyon. I excused myself that our flight tomorrow is early and I have to sleep in a hotel. But the truth is, I'm gonna go to Jeanne and bid goodbye. Ikukwento ko rin ang buong pangyayari kagabi.

“Makikitulog ulit ako. Is it okay?” I asked.

She smiled and opened her door.

“Magtatrabaho ka ba bukas?” she asked.

“Oo, isang buwan ako sa Kalibo, para magtrabaho sa isang businessman.”

“You sure you can do it, Sandra?”

I smiled at him and nodded. “Oo naman. I have to do this.”

“Did you call off the engagement?”

Ipinakita ko sa kaniya ang aking kamay bago tumango.

“I had to. Hindi na kami maayos.”

“You did the right thing,” she said.

I smiled at her. Mayamaya ay tumunog ang telepono niya dahil sa isang text.

“May lakad ka?” I asked her.

Umiling siya kaagad saka nagtatakang tumingin sa akin.

“You didn't know? Birthday ni Lionel ngayon. He invited us to a bar.”

“Really? I didn't know.”

“I just greeted him. Sabi ko ay hindi tayo makakapunta.”

I sighed at the thought of it. Bagsak man ang balikat at gustong mahiga, alam kong sobra ko nang naaabala si Jeanne.

“No, let's go,” I said.

“Are you serious?” inis na tanong niya.

I smiled at her before I nodded.

“Masyado na kitang naaabala. Besides, birthday din ni Lionel. Maybe a party can make me forget my problems,” I said.

Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na siya. I made her change clothes before pulling her to my car.

Buong buhay ko, matapang kong hinaharap ang mga problema ko. I was so proper and straightforward. Sinasalo ko ang bawat problema at hindi humihingi ng tulong sa iba.

I never voiced out my true feelings to anyone. I keep it to myself. Kinakaya ko naman, eh. What if I try to run away from my problems? Even just for tonight?

I'll run away from my problems just this once. Ngayong gabi lang.

“Reservation ni Lionel Marcus Alicante?” Humarap ako sa doormen habang nakasuot ng black strapless jumpsuit.

“Dito po, Ma'am.” The bartender guided us to their table.

“Hey, Happy Birthday!” bati ko kay Lionel nang magkatinginan kami.

“Thank you for coming!”

“Sorry, wala kaming regalo. Akala ko hindi sasama si Sandra,” Jeanne said.

“No, it's okay. Sapat nang pumunta kayo...” Lionel looked at me “...na pumunta ka.”

I smiled at him.

Naupo kami sa couch. It was vacant beside Lionel, but I chose to sit beside CK.

“Hi, CK! You drink?” I asked her.

She shyly looked at me and nodded. “Ikaw, Captain? Anong iinumin mo?”

“Sandra na lang! Stop being so shy, you're so cute,” nakangiting sabi ko.

Nagkuwentuhan ang mga nasa table habang panay naman ang landi sa ‘kin ni Lionel.

I didn't mind him. Ilang saglit pa ay nararamdaman ko na kaagad ang tama sa ‘kin ng alak.

Kalaunan, napagpasyahan naming lahat na sumugod sa dancefloor. Ayaw ko pa noong una pero napilit din nila ako.

The world is spinning when I stood up at muntik pa akong madapa!

Suddenly, someone held my waist.

“Careful,” Lionel said. I smiled and thanked him.

“Powder room lang ako,” rinig kong sabi ni CK kaya nilingon ko agad siya.

“You know where? Samahan kita?” tanong ko sa kaniya.

“H-Hindi na,” tugon niya.

“No, baka mabastos ka. Tara—shit!” I shouted when she accidentally spilt her cocktail at me.

“H-Hala! Sorry, Captain!” she said.

I smiled at her.

“No problem. It’s okay,” I said.

“What the hell, CK?” tanong ni Lionel at hinawakan si CK.

Pinagalitan pa niya ito pero wala akong pakialam. I want to fucking dance!

Umiikot ang mundo pero lumapit ako sa dancefloor. I started dancing with the beat of the loud music. Ang sarap sa pakiramdam! Mas nakakalasing at mas nakakatuwa!

Nakakaadik ang ganitong pakiramdam. Parang ngayon ka lang nakatakas sa lahat ng problema.

Bakit ba ngayon ko lang ito sinubukan?

While dancing, I felt someone dancing behind me erotically. Napatawa ako nang maisip na ganito pala talaga dito.

A large and calloused palm holds my waist and danced closer. Bahagya akong nainis sa kaniya at medyo lumayo.

I was about to stop him But then I realized, kung si Damien nambabae dahil nagkulang ako, bakit ako hindi?

Bakit ako, hindi pwede?

But fuck, who says I can't?

Kung kaya niyang gawin iyon, kaya ko rin! Kaya ko rin magloko!

No one holds my decision. I can do whatever I want!

Damn it, I'm really drunk. Of course, I'm not like that. I won't do that.

I felt him slowly grinding behind me. Napapikit ako dahil doon lalo na nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

Napasinghap ako nang muling gumalaw ang kamay niya papunta sa bewang ko. It felt so good that it's killing me!

“Maybe we should stop,” Hindi ko makilala ang boses ko dahil sa nangyayari.

I felt the electricity in my body, and the burning passion inside me.

“Why? Aren't you enjoying this, Darling?” he asked.

I bit my lip. Hindi ko alam kung bakit pero ang boses niya ay kakaiba. Para iyong musika sa aking mga tainga.

I smirked when I remembered someone calling me that way. However, it's all in the past now.

I continued dancing as he pulled me closer and grinded behind me, which made me gasp.

He laughed at it.

“Hmm, enjoying it, huh?” He sniffed my neck, which made me shiver and close my eyes.

“I-I can't—”

“Do you want me to stop?” he asked.

Nagulat ako at napamulat. Kaagad akong umiling sa tanong niya.

“N-No, don't,” I said. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman.

“Can I kiss you?” he asked.

Hinarap ko kaagad siya na ikinagulat niya.

I stopped dancing and I looked at him. He is handsome, but he looks so rough. He looks like someone I can't remember.

I looked at his long and messy hair, his deep brown eyes, and his narrow nose.

My hand slowly went to touch his familiar face. I couldn't control it. It has its own mind!

Dumako ang tingin ko sa labi niya. Damn, I can’t even think properly!

The sensation he gives me is powerful.

Kung kaya ni Damien makipaghalikan sa iba, kaya ko rin! It's just kiss!

“Damn it,” he said before he kissed cupped my cheeks, and kissed my lips.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leona de la Peña
Wth! Who's that guy? ¬.0
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status