Share

02 Julie

KUNG GAANO KA naging malapit sina Prince at Rome sa isa't isa pagkatapos nang araw na 'yon ay ganoon din lumayo ang loob ko sa kanila. They became best friends. Akala ko hanggang doon lang iyon kaso nang makatungtong kaming tatlo ng hayskul ay lalong nagbago ang lahat.

"Sabi na sa'yo, sis, e," saad agad ni Ate Julia sabay tulak bahagya sa may balikat ko gamit ang kamay niya.

Graduating na sa senior high school si ate kaya marami na siyang experience at lalo pang nadagdagan ang mga kaalaman niya. Itinago ko agad 'yong cellphone ko kung saan ko tinitingnan ang post ni Prince kasama si Rome. Nasa isang coffee shop silang dalawa at parehong nakangiti sa picture. Tapos may caption pang... 'finally'.

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan iyon. Prince was noticeably being extra sweet and caring when it comes to Rome.

Umiling na lang ako at umiwas kay ate saka lumapit kay Jillian at binuhat ito mula sa kuna niya. Magdadalawang taon na siya. Buo na rin kaming tres marias nina Gina at Jaime – Maria Juliana, Maria Juliena, at Maria Jilliana. Kami ni ate ang nagbabantay kay Jillian kapag nasa trabaho o inaasikaso nina nanay at tatay ang farm. Madalas ako nga lang, e. Si Ate Julia kasi paboritong anak kaya madalas nasusunod 'yong luho at hinahayaan na lang.

Hindi na lang ako nagsalita para sagutin si ate. Mabuti na lang at hindi ko masyadong inilapit ang loob ko kay Rome noon. Kaya okay lang ako ngayon. Okay lang...

BINATI AGAD AKO ng mga kaklase ko pagdating ko dahil top 1 ako sa grading na 'yon. Pumapangalawa naman si Prince. He's usually the top 1, ngayon second na lang.

"Oy, congrats, Julie!"

"Thank you."

"Sa tingin ko, kung hindi lang siguro nadistract si Prince dahil sa relasyon nila ni Rome ay baka siya pa rin ang top 1," hirit niya pa kaya agad ko siyang sinipat.

"Gano'n ba? Try mo kayang mag-aral nang mabuti, magsubmit ng requirements on time, at hindi umabsent para naman malaman mo na hindi lang dahil distracted si Prince kaya ako naging top 1," nakataas-kilay na sabat ko sa kanya.

Ngumiwi naman siya. "Suplada," aniya't tumayo na saka umalis.

Mabuti naman. Nakangiti namang lumapit sa akin si Rome.

"Congrats, Julie," he greeted.

Inirapan ko lang siya bago ako pumangalumbaba sa desk ko gamit ang isang palad ko.

Nang matanto niyang hindi ko siya papansinin ay nagtungo na siya sa pwesto niya. Dumating na rin iyong class president naming lintek na ngiting-ngiti naman kay Rome. He then sat beside him. His boyfriend congratulated him with a sweet smile.

Nag-iwas ako ng tingin at pinukol na lamang nang matatalim na titig ang blackboard. Bakit ba ako nagkakaganito? Pake ko ba kung sila na?

Pagkatapos ng klase ay kaagad akong nagligpit ng mga gamit. Isinukbit ko ang mga straps ng backpack sa balikat at aalis na sana nang biglang nagkumpulan ang mga estudyante sa labas ng classroom. Lumapit ako at sinilip ang nangyayari. Napangiwi ako nang masaksihang may pasurprisa pa at pa-bouquet ng roses na nalalaman si Prince para kay Rome na mukhang iiyak na sa pwesto niya. So they're really making it official in the public, huh?

Bwisit...

Mabilis akong naglakad at nilampasan ang lahat nang haharang-harang sa daraanan ko. Wala akong pakialam kung may nababangga ako. Napatigil lang ako nang may humila sa buhok ko.

"Aray! Ano ba?!" singhal ko sa kaklaseng babae ko na humila ng buhok ko.

"Bakit binangga mo ako?!" singhal niya pabalik.

"Bakit ka kasi haharang-harang? Kita niyong daanan 'to ng mga estudyanteng walang pake sa mga nakaka-bwisit niyong pakulo," ganti ko naman.

"Maldita ka nga talaga!" sigaw niya saka hinila ulit ang buhok ko.

Hinila ko rin 'yong kanya. Galit ako ngayon tapos hahamon-hamunin niya pa ako. Natigil lamang kami nang may bumuwag sa aming dalawa. Si Prince ro'n sa babae tapos pagtingin ko naman sa akin ay si Rome.

"Bitawan mo nga ako!" I hissed and swatted his hands.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Ano bang pakialam mo? Umalis ka nga sa daraanan ko. Lumayo ka at ayaw kong nahahawaan sa mga kaartehan at kabaklaan niyo," hayag ko at tinulak na siya para tuluyang mabitawan ako.

Inayos ko ang pagkakasabit ng straps ng backpack ko habang palayo sa kanila. Ilang taon ko nang tinatrato nang gano'n si Rome pero wala akong pakialam! Hanggang ngayon nagagalit ako sa kanya. Gusto ko ako lang! Tapos ngayon... tapos ngayon parang nakalimutan na talaga ako.

Sa inis ko ay sinipa ko ang batong haharang-harang sa daraanan ko. Pati bato dinadamay ko na! Kasalanan mo talaga 'to, Borromeo!

Prince and Rome's relationship stretched for a long time. Ang daming naiinggit sa kanila at naghihinayang kasi parehong may itsura raw. Perfect na perfect daw sila kasi kung may tampuhan man ay nagsusuyuan din agad. E, 'di wow!

Second year na kami sa hayskul nang may madiskubre ako. Naghihintay ako kay ate na makalabas na mula sa may counter ng grocery sa isang mall. Paglabas niya ay kaagad ko siyang sinalubong.

"Julie, umuwi ka na ha," sabi niya kaagad pagbigay sa akin ng mga pinamili naming supplies.

"Ha? Bakit ako lang?"

"May kikitain pa ako."

"Sino?"

"Basta..."

"Ate naman, ang dami-dami nito. Paano ko 'to bibitbitin lahat?"

"Magtaxi ka, sis. Oh, heto, dagdag mo sa pamasahe mo," aniya sabay bigay sa akin ng isang daan.

Naungot ako pero tinanggap pa rin ang pera kasi walang makakapigil kay Ate Julia kapag gustong gumala. First year college na siya kaya lalong lumaki ang social circle niya at naging mas maligalig. Nakailang boyfriend na ba 'tong minsan ay nababasa ko ang mga nakakapangilabot nilang mga texts.

"Anong sasabihin ko kina nanay?!"

"Sabihin mo may group meeting kam-"

"Dito sa mall?"

"Ano ba, Julie? Akala ko ba matalino ka? Gamitin mo utak mo para humanap ng rason."

"Bahala ka basta hindi kita pagtatakpan. Sasabihin ko ang totoo kina tatay!"

"Hay, ewan ko sa'yo. Oh, basta alis na ako ha. Mag-ingat ka," bilin niya bago ako tuluyang iwan.

Nagngitngit ako sa inis. I stomped my right foot in frustration. Kahit kailan talaga!

"Julie..."

Napabaling ako sa mahinhing boses na tumawag sa akin. I grimaced when I found that it was Rome.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Nanood kami ng sine ni Prince. May binalikan lang siya ro'n saglit kasi naiwan niya 'yong pitaka niya."

Nag-iwas ako ng tingin at isa-isang inangat na ang mga pinamili namin. At hindi man lang talaga ako tinulungang magtawag ng taxi ni Ate Julia! Shuta!

"Wala kang kasama? Tulungan na kita r'y-"

"Hindi, kaya ko na," pigil ko sa sana'y alok niya.

"Oh my goodness! Is this Roma, your girlfriend, Prince?" saad ng isang ginang na lumapit bigla sa akin.

Nawindang naman ako. Sana okay ka lang, ma'am. Hindi ko syota ang anak niyo at lalong-lalo nang wala akong kilalang Rom– Gulat na napabaling ako kay Rome nang may natanto. He gave me a small smile before he subtly nodded. Saka ko lang naunawaan ang lahat nang sunod na lumapit sina Prince at ang tatay niyang naka-unipormeng pang-sundalo. Hindi alam ng parents niya ang totoo at mukhang ayaw nilang ipaalam...

TUMIGIL AKO SA pagpepedal ng bisikleta nang dumating na ako sa tapat ng gate ng tiny house ko. Bumaba ako mula sa bike at dinala na lang iyon papasok ng gate na binuksan ko muna.

Kasalukuyan akong nakatira sa isang village na puro tiny house ang mayroon. Luckily, maituturing kong dito talaga ako sinuwerte sa lahat ng endeavors ko rito abroad. Iyong may-ari kasi nito ay nakapangasawa ng Pinay na malaki ang utang na loob kay Lola Doray habang ito ay nasa Pilipinas pa. Sa pagkakaalam ko ay tinulungan siya ni lola na makapag-abroad din dahil na rin sa grasya ng farm namin noon. Kaya kahit medyo ma-delay ako sa upa kada buwan ay inuunawa ako ni Tita Shone. Pero siyempre kapag nakakaluwag naman ako ay nagbabayad ako agad kasi nakakahiya naman dahil negosyo pa rin nilang mag-asawa ito, e. Tapos kapag may sobrang ulam din ako o mga niluto ay bibigyan ko sila at gano'n din si Tita Shone sa akin.

Pagpasok ko ay kaagad akong sinalubong ng dalawang aso ko. Si Bayani iyong malaki tapos Ponkan naman iyong ipinangalan ko sa maliit at pandak na aso ko. I have adopted them both from the animal shelter nearby. Magsasara na kasi sila at balak nilang hanapan ng pet owners ang mga alagang naiwan. Kaya ngayon ay may dalawang fur babies na ako.

Malawak iyong garden ko pero malaki rin 'yong bakante kasi siyempre tiny house lang ang mayro'n ako saka isang patio table set. Pagkatapos kong ilagay sa pwesto niya ang bisikleta ko ay pinaandar ko na ang mga ilaw sa labas ng bahay ko. Inaya ko na rin papasok iyong dalawang mga anak kong aso. Naka-pink na  bestida pa si Ponkan. Lalaki siya pero gusto ko lang talaga siyang bihisan nang gano'n. Pati nga sana si Bayani kaso ay malaki siyang aso kaya 'yong mga damit pang-baby o pang-teddy bear ay kay Ponkan lang nagkakasya. When I have learned from school and my experience that clothes have nothing to do with sex and gender, I decided to dress my fur babies the way I want to. I verily believe that designating whether it's a feminine or masculine style of clothing and way of dressing one's self was one of the many socially constructed norms about gender. It's always our choice on how we are going to present ourselves to the world and the others.

Habang nagluluto ako ng spareribs na uulamin namin ng mga alaga ko ngayong hapunan ay nakikipag-video call din ako kina nanay sa Pilipinas. Fourteen years old na si Jillian na dati ay inaalagaan at kinakarga ko lamang. Tapos 'yong anak naman ni Ate Julia na si Junnie ay 11 years old na. Grabe, ang bilis talaga ng panahon. Pareho ring halatang napabayaan sa kusina ang dalawang bata. Si Ate Julia tumutulong na lamang kay nanay sa farm. Si tatay ay sekyu pa rin. Konting ipon na lang at talagang mababawi na namin ang farm tapos patitigilin ko na sa pagtatrabaho si tatay para tumutok na lang din siya sa pag-aalaga sa farm.

"Anak, kailan mo ba balak mag-asawa? Marami namang mga kano r'yan. Baka makaswerte ka ng blue eyes," pangungulit na naman ni nanay sa akin.

"Nay, ilang beses na nating pinag-usapan 'to. Ayokong mag-asawa at magka-pamilya lalo na kung..." Ipapasa ko lang naman lahat ng responsibilidad sa kanya gaya nang ginawa ninyo sa akin.

Gusto ko sanang sabihin iyon para matigil na sila sa pangungulit sa akin kaso ay hanggang ngayon, nauumid pa rin iyong dila ko. Lahat ng mga salita at mensaheng matagal ko nang gustong sabihin sa kanila ay hindi ko pa rin mailabas.

I faked my cough to hide that and didn't say anything after. Kung apo 'yong hanap nila ay dapat hindi na sila mag-alala pa dahil bukod sa dalawang aso ko rito ay nakadalawa naman na si Ate Julia. Iyong bunso niya ay bibong-bibong three years old na ngayon, si Gino. Sinunod niya sa pangalan ni nanay na laging mapagpatawad sa lahat ng kamalian niya. Anak si Gino ni Ate Julia mula sa pangalawang kinakasama niya na muntikan na niyang pakasalan kaso ay nambubugbog pala ang gago. Kung hindi pa tinutukan ng shotgun ni tatay ay hindi no'n papakawalan sina ate at ang mga pamangkin ko. Takot niya lang sa dambuhalang si Jaime Dimagiba.

Napahilot ako ng sentido nang maalala na naman kung gaano kagulo ang buhay namin. Gustong-gusto kong manisi pero hindi ko ginawa kasi nangyari na, e. Hindi naman mababawi no'n lahat-lahat ng sakripisyo at hirap na tiniis ko para sa pamilya naming 'to. Ultimo pangarap kong trabaho sa Pilipinas ay binitawan ko para sa kanila.

"Nay, sige na. Bukas na lang po ulit tayo mag-usap ha. Pakausap kina Jillian saka sa mga pamangkin ko sa susunod para naman may inspirasyon ako rito," nakangiting sabi ko.

Nanay smiled and I ended the call after that. Nasa kalagitnaan ako nang pagkain ng hapunan nang biglang may nagdoorbell sa gate. Baka si Tita Shone iyon at may dalang pagkain. Tamang-tama at bibigyan ko rin siya ng sweet and spicy spareribs ko.

Dali-dali akong lumabas ng tiny house ko para buksan ang gate. Sumama pa sa akin ang napaka-protective kong panganay na si Bayani.

"Magandang gabi, Tita Shon–" Naudlot ang pangalang sasabihin ko dahil sa hindi ko inaasahang bisitang nakatayo ngayon sa tapat ko.

Borromeo Buendia Jr. stood there in his yellow tank top that perfectly fitted his big pectorals, his small dragon tattoo peeking from his right arm, and high-waisted wide leg pants then branded white sneakers. Nakalugay lang iyong medyo mahaba na at kulot niyang buhok.

"Roma..." hindi makapaniwalang usal ko habang nakatitig sa seryosong mukha niya. Mayamaya pa ay nagtaas siya ng kilay.

"I received your call."

"H-Ha?" kandautal na tanong ko.

"Gusto mong mapatawad kita?" he asked. I nodded my head slowly.

He was referring to the call I have given him a few months ago. Noong una ko siyang makita sa drive thru ng Jollibee franchise sa bansa at siyudad na 'to. Hindi niya ako nakita no'n dahil 'yong boyfriend niya ang umorder. Ibang kotse rin kasi ang ginamit niya kanina kaya hindi ko nakilala agad na siya pala iyon. Kung alam ko lang ay ayoko rin namang magpakita sa kanya. Para saan pa 'di ba? Siguro para humingi ng tawad...

"Aren't you going to let me in, bish?" nakataas-kilay na tanong niya. Bish, his euphemistic version for his infamous endearment b*tch.

Nialawakan ko ang pagkakabukas ng gate ang nilahad ang loob ng lugar ko sa kanya. "Pasok ka."

I ushered him inside my tiny house. Mabuti na lang at maayos naman ang naging pagtanggap nina Bayani at Ponkan sa bisita namin.

"You're having dinner?" tanong niya nang mapansin ang mga nakahanda sa lamesa.

"Oo... Kumain ka na? Gusto mong sumabay sa akin?" alok ko naman sa kanya.

When I lifted my head to look at him, our eyes met. Napairap naman siya saka nag-iwas ng tingin.

"You're not like this before. You're mean and distant and unwelcoming and cold and a destroyer of relationship!" he hissed, finally.

Iyon lang naman ang hinihintay kong ipamukha niya sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"I'm really sorry for everything I did wrong before. Natuto na ako at nagbago, Rome–"

"Roma," pagtatama niya sa akin.

Tumango ako at inulit iyon. "Roma. I hope you find it in your heart to forgive me."

"You really want my forgiveness? Why?"

"Alam mo naman sigurong hirap akong humanap ng kaibigan noon. Kayong... Kayong dalawa lang ni Prince ang lumapit at nagtiis sa ugali ko..." tugon ko sa maliit na boses.

"I've heard you still aren't done paying for your grandma's farm. How much do you still need to fully get it back?" he asked.

Gulat na napatingin sa kanya. "I made it clear in my message. Hindi ako nanghihingi ng pera."

"You're thinking wrong, bish. Isa lang 'yon sa mga benefits na makukuha mo maliban sa kapatawaran ko kapag pumayag ka sa offer ko."

"Ano 'yon?"

Sa pagkakataong ito ay diretso niya akong tinitigan sa mga mata ko.

"I want to have my own family," seryosong aniya.

Hindi ako nagsalita kasi hindi ko agad makuha ang punto niya.

"Gusto ko ng anak," he added.

Dahan-dahan akong tumango nang may matanto. "G-Gusto mo akong maging surrogate mother no'ng bata?"

Nabasa ko 'to noon at napanood sa TV. Tuturukan lang ng sperms ng lalaki iyong surrogate mother at doon na hahayaang mabuo at lumaki ang sanggol pero kasi...

"Ayokong magkaanak..." pabulong na dagdag ko.

"Bish, sa akin lang ang bata. Wala akong pakialam kung anong gagawin mo at sa pera na ibibigay ko pagkatapos. But..."

"Pero ano?"

"I want to do it naturally," seryosong tugon niya na ikinagulat ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Simple, we're going to have sex until you conceive my child," diretsong sagot niyang hindi man lang siya kinilabutan.

"Bakit ako? Ang dami namang magaganda r'yan at may magagandang lahi. Bakit iba na lang ang bayaran mo para anakan ka?" tanong ko agad.

"Gusto kong siguraduhing hindi ako tatakbuhan. Gusto ko iyong katulad mo na guilty kaya hindi ako kayang takasan. Gusto ko iyong ayaw magkaroon ng pamilya para maangkin ko nang buo ang custody no'ng bata. I want someone I know who's so guilty she'll never think of running away from me to hide what's supposedly mine," paliwanag niya.

"Ayoko..."

"One million," he offered.

"Ayoko nga."

"...dollars. You can take it all after nine months or more. Mapapaaral mo na ang dalawang kapatid mo niyan at 'yong mga pamangkin mo. Matutubos mo na rin ang farm niyo at hindi mo na kailangan pang kumayod sa pagtatrabaho para kumita nang kakarampot–"

"Umalis ka na... please." I pleaded. He looked at me in the eye.

This was not the Rome I know. Mahinhin iyon, e. Mabait, maunawain, matulungin, at hindi selfish. Lahat nang pinapakita niya ngayon ay ugali ko noon. Anong nangyari sa kanya?

•|• Ilinoisdewriter •|•

Illinoisdewriter

I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status