The Last Sacrifice
The Last Sacrifice
Author: Maharlikang Pilipina
I

Third Person Point of View

Pinunasan ni Gilda ang kanyang luha. Ito na ang huling araw ng burol ng kanyang mga magulang at ililibing na ito ngayon rin. Ayaw niya pang mapawalay dito ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan talaga ilibing ang mga patay.

 Hindi niya alam kung siya pupulitin ngayong nag – iisa na siya. Hindi niya rin makontak pa ang mga kapatid ng kanyang ina  nasa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot nito ang mga mensaheng iniwan niya.

Wala siyang alam sa mundo. Sanay siyang narito ang kanyang ama at ina upang umagapay sa kanya. Kumbaga ay isa siyang tao na kailangan pa na dumepende sa kanyang magulang.

Nagulat siya noong may kumukha ng kabaong ng kanyang ama.

“S-saan niyo po siya dadalhin?” tanong ni Gild sa lalaking bumubuhat ng ataul.

Napatingin naman sa kanya ang isa sa mga lalaking nagbubuhat.

“Inutos sa amin na isakay ito sa sasakyan dahil iuuwi siya ng probinsya,” ani ng lalaki sa kanya.

Lubos naman na nagtaka si Gilda sa sinabi nito pagka’t hindi niya alam kung sino ang tinutuloy ng lalaki na nag-utos dito.

Wala man lang paalam sa kanya na anak mismo ng namatay.

“Sino ang nag – utos sa inyo?” tanong ni Gilda sa mga ito.

“Ako,” sagot ng isang matanda na lumalakad patungo sa kanila.

May suot itong itim na bestida na kulang na lamang ay sumayad na sa lupa sa haba.

Napalunok si Gilda sa nakita. Ang lola niya ang matandang babae na ito. Hindi niya alam na dumating pala ito sa burol ng kanyang mga magulang.

“Sa probinsya ko ililibing ang aking anak,” sabi ni Teresa – ang lola ni Gilda at nanay ng kanyang ama.

“Narito na ho pala kayo,” ani ni Gilda at napahawak sa kanyang braso. Hindi sila close ng kanyang lola dahil ayaw nito sa kanilang mag – ina.

Gayunpaman, lumapit si Gilda dito upang magmano dito.

Mabigat naman na huminga si Teresa sa ginawa ng dalaga sa kanyang kamay. Mabilis niya rin itong binawi.

“Binalaan ko na kasi si Dan,” ani ng kanyang lola habang may dalang payong dahil umaabon. “Sinabi ko na sa kanya na manatili na lamang sa probinsya ngunit ang tigas ng kanyang ulo! Sige at ilagay niyo na ang anak ko sa sasakyan.”

“Opo, ma’am.” Sagot ng mga lalaki sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi naman makapalag si Gilda. Wala siyang magagawa kung iyon ang gusto ng kanyang lola.

Lumapit naman si Teresa sa kabaong ng ina ni Gilda at bahagyang umakyat ang dulo ng labi.

‘Tignan mo ang napala mo, sinabi ko na kasi sa iyo na huwag mo akong kakalabanin.’ ani ni Teresa sa kanyang isipan pagkatapos ay bumaling na muli sa kanyang apo na maga na ang mga mata kakaiyak.

Sa loob - loob ni Teresa ay kung bakit hindi pa isinama ng kanyang nanay ang anak sa hukay.

“Anong gagawin mo ngayon?” tanong ni Teresa sa kanyang apo. Naiinis siya dito sa tuwing nakikita niya ang bata noon pa man dahil anak ito ng ayaw niya na babae.

“H-hindi ko po alam,” ani ni Gilda at muling napaiyak. “Hindi ko po makontak ang mga kapatid ni mama sa ibang bansa.”

Mas lalong nainis si Teresa sa pag – iyak nito. Pinagmasdan niyang mabuti ang dalaga. Kamukha ito ng kanyang anak na si Dan. May itsura rin ito.

“May boyfriend ka ba?” tanong ni Teresa sa kanya.

Agad na umiling – iling si Gilda sa kanyang lola. Nakangiti naman sa loob si Teresa. May malaking maitutulong sa kanya ang kanyang apo sa kanyang mga ritwal.

“Sa akin ka na manirahan,” sabi ni Teresa. “Iimpake mo na ang mga gamit mo at iuuwi kita ng probinsya.”

Nagpunas naman ng luha si Gilda at sumang ayon sa kanyang lola.

“Sige po,” ani ni Gilda. Wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niya ng tao na kakapitan niya dahil wala pa naman siyang alam sa mundo.

Hindi niya pa kaya mabuhay mag – isa.

Matapos ilibing ang kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay na inuupahan nila upang mag – impake.

Dala – dala niya ang malaking maleta habang naghihintay sa labas ang kanyang sasakyan.

“Nasaan si lola Teresa?” tanong ni Gilda sa driver ng sasakyan.

Umiinom ito ng malamig na tubig ngayon.

“Nauna na siya,” ani ng driver sa kanya. “Sa ama mo na daw ikaw sumabay.”

“Ha?” tanong ni Gilda na naguguluhan sa sinabi ng driver.

“Sumakay ka na kung saan nakalagay yung kabaong ng tatay mo para makaalis na tayo,” sabi ng driver sa kanya at sumakay ng sasakyan.

Dumiretso naman si Gilda agad sa likod ng sasakyan upang sumakay dahil takot siyang maiwan mag – isa.

“Lola mo pala si Teresa,” sabi ng driver habang panay ang tingin kay Gilda na nakasakay sa likod ng sasakyan.

Napabaling naman sa kanya ang atensyon ng dalaga at napansin nito ang patingin tingin ng lalaki sa kanya.

“O-opo,” sagot ni Gilda at bumaling na sa may binatana.

May gustong sabihin ang driver kay Gilda ngunit wala siyang lakas ng loob upang sabihin ito dahil baka mabalingan siya ng galit ng lola ni Gilda.

“Kamusta naman ang buhay dito sa maynila?” tanong muli ng driver sa kanya.

“Ayos naman po,” sabi ni Gilda. “Ngunit hindi naging maganda ang takbo ng buhay namin.”

Ayaw sanang makipag – usap ni Gilda ngayon dahil sa sinapit ng knayang pamilya ngunit ayaw niyang maging bastossa matandang lalaki.

“Condolence ha,” sabi ng driver sa kanya. “Dapat dito mo na lang sa maynila inilibing ang tatay mo o kaya nama ipinacremate mo.”

Nagtaka naman ang dalaga sa sinabi nito.

“Bakit po?” tanong ni Gilda na naguguluhan.

“W-wala naman,” ani ng driver. “Naisip ko lang. Matulog ka na muna dahil mahaba pa ang lalakbayin natin para makapagpahinga ka.”

Hindi naman na sumagot si Gilda at nahiga sa kanyang upuan. Pagod rin siya sa pag – aayos ng lamay ng kanyang magulang at ilang gabi na siya gising.

Niyakap niya ang litrato ng kanyang ama at ina at ipinikit ang kanyang mga mata. Mabilis lang naman nakatulog si Gilda sa antok at pagod ng dalaga.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
firsty.luvi
Can't wait for the next updates!!! This is so great! I wish you could share any social media I could follow so I can send you lots of love!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status