Share

Alala

CARMEN POINT OF VIEW

                Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa.

                Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load?

                Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan.

                Siguro kung hindi ako kokontakin ni Gilda ng mag – iisang buwan ay tatawag na ako sa papa kong pulis ng tulong upang makasiguradong ligtas si Gilda.

                Ngunit baka naman mapahiya kami pagdating roon o baka mapag initan kami ng kanilang mga mata at paliparan kami sa hangin ng sumpa. Nakakatakot lamang.

                O kaya ay siguro mga isang linggo pa? Parang ang tagal naman kung maghihintay ako ng isang buwan pero mukhang matagal din kung maghihintay pa ako ng isang linggo.

                Baka mamaya ay kailangan na kailangan nap ala ni Gilda ng tulong namin tapos paabutin ko pa ng ganon katagal.

                Ngayon na kaya? Papuntahan ko na kaya siya ngayon? Kaso… Baka mamaya ay mali ako. Saka isa pa… hindi kaya I’m crossing the line na kung makikielam ako sa kanila.

                Mahirap talaga mangialam. Siguro ay ipauubaya ko na lang sa kanila ang problema nilang pamilya. Wala namang mawawala sa akin.

                Hindi ko naman sagutin si Gilda kaya kung ano man gang mangyari sa kanya ay wala naman akong sagutin. Isa pa ay hindi naman kami magkadugo o close na close hindi ba? Hindi ko naman kailangan iligtas siya. Saka hindi ko naman alam.

                Baka mamaya kapag nakielam ako ay maipahamak ko pa ang aking pamilya. Ayoko naman iyon. Masyadong malakas ang mga kapangyarihan nila na kaya nilang gawin ang kahit ano sa aking pamilya basta magsalita lamang sila ng mga dasal  sa hangin.

                Ayokong madamay ang pamilya ko. Iba na ang usapan pagdating sa kanila. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Pero kasi… parang hindi rin kaya ng konsensya ko na pabayaan na lamang si Gilda.

                Ngayon pa nga lang ay nag – aalala na ako. Makokonsensya rin ako lalo na pag nabalitaan ko na napahamak siya at wala man lang akong ginawa upang tulungan siya kahit papaano.

                Sinubukan ko siyang tawagan ngunit nag riring lamang ang kanyang phone. Hindi niya sinasagot. Baka inilayo nga sa kanya.

                Hays, ano ba ang ipinag aalala ko. Hindi naman nila sasaktan si Gilda. Tama ako hindi ba? Kapamilya naman nila iyon.

                Nakakalungkot lamang na may mga nagiging biktima nanaman ng kulto. Ang kaklase ko ay hinahanap niya lamang ang kanyang kapatid ay nadamay pa. Mga wala silang awa.

                Kailangan nilang managot sa batas. Paano kaya kung iyon ang gamitin namin upang mahuli na silang mga kulto? Upang matapos na ang mga krimen sa probinsya namin. Upang mawala na rin ang takot sa aming mga puso.

                Mas makakabuting mawala na silang lahat. Akala nga namin ay tapos na ang lahat ng kaguluhan sa bayan pero hindi pa pala. Nagsisimula muli sila. Puro babae pa ang kanilang mga pinapatay.

                Ah basta! Hindi ako naniniwalang ang mga nahuli nilang suspek ang may gawa noon. Naniniwala ako na mga kulto iyon na nanghahasik nanaman ng mga lagim.

                Grabe na talaga ang panahon ngayon! Sobrang nakakatakot. Hindi na tuloy kami makalabas ng bahay sa gabi. Hapon pa lamang ay nagsasara na kami ng amng mga bintana, saka gate.

                Hindi kami mapakali kahit sa sarili naming bahay. Puno ng takot an gaming mga puso.

                Naaawa ako para sa kanilang mga nabiktima. Wala ba silang puso? Wala ba silang pamilya? Hindi ba nila naisip ang mga taong uuwian ng mga iyon? hindi ba nila naisip na kay hirap na nga ng buhay ay dadagdagan pa nila ang problema.

                Napakabuti, at napakasipag ng taong mga pinapatay nila! Nagtratrabaho lamang ang mga iyon ngunit hindi nila akalain magiging biktima sila ng kagimbal gimbal na krimen.

                Nakapagtataka. Bakit kaya nila kinukuha ang puso ng bawat biktima. Saan kaya nila gagamitin iyon?

                Nagresearch na ako tungkol doon pero as expected wala akong nakuhang impormasyon. Wala naman kasi sa internet yung mga kulto na iyan. As if din na ituturo nila sa mga tao ang mga ginagawa nilang kababalaghan.

                Si nanay tuloy ay hindi na ako pinapalabas ng bahay. Tanghali pa lang ay dapat nasa loob na ako ng bahay namin. Nandyan si kuya popoy upang bantayan ako habang nasa trabaho sila ni tatay. Natatakot sila para sa kaligtasan ko.

                Maging ako naman ay natatakot din sa kung anong pwedeng mangyari. Anong alam natin sa kung ano ang mga balak ng taong nakapaligid sa atin? Akala natin ay mabubuti sila ngunit may impakto pa lang itinatago sa kanilang mga mukha.

                “Tulala ka nanaman diyan. Ano iniisip mo?” narinig kong tanong ni kuya popoy sa akin. Umupo siya sa tabi ko sa may sofa saka kinuha ang remote sa maliit na lamesa. Binuksan niya ang tv namin upang manood.

                “Kasi yung kaibigan ko ay hindi ko pa rin makontak hanggang ngayon. Wala akong balita sa kanya. Nag – aalala tuloy ako,” ani ko kay kuya.

                “Sino namang kaibigan iyan?” tanong ni kuya sa akin. “Baka boyfriend mo yan ha. Sumbong kita kila tatay.”

                Hindi naman ako sumagot dahil pag nalaman niya na si Gilda ang tinutukoy ko ay pagagalitan ako nito.

                “Nako po! Huwag mong sabihin na iyong apo noong kulto ang tinutukoy mo!” ani ni kuya sa akin. Iyon nga siya nga! “Tigil tigilan mo iyan Carmen! Ipapahamak mo ang sarili mo! Huwag kang lumapit sa kanya. Isa pa ay wala kang pakielam sa kanila kung ano man ang mnagyari sa buhay nila. Naiintindihan mo ba?”

                Sabi ko na nga ba at pagagalitan niya ako sa bagay na iyon. Ayaw niya na nakikipagkaibigan ako kay Gilda. Alam ko naman kung bakit naiintindihan ko siya. Alam kong gusto niya lang ang kaligtasan ko.

                Tumango na lamang ako sa aknya upang hindi na humaba ang aming diskusyunan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status