Share

Huling Kabanat

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Nagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.

Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.

“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”

“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.

Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.

“Ang mga kwarto? Wala bang mga tao? Wala ba sila roon?” tanong ni Joselito.

Umiling naman ang kanyang kausap.

“Negative,” sagot nito sa kanya.

“Ako na ang titingin,” ani ni Joselito. Hindi siya naniniwalang tumakas ang mga ito.

Ito ay mga matatapang na mga tao. Sigurado siya na imbes na tumakas ay mananatil ang mga ito sa kanilang teritoryo at pagbabantaan ang sino mang bumangga sa kanila.

Kaya naman hindi siya naniniwalang wala na ang mga ito sa kanilang bahay. Nakabukas pa nga ang mga ilaw ng kusina.

Tumungo si Joselito sa hagdan saka nagsimulang umakyat. Ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ay gumagawa ng tunog ng kahoy na animo ay marupok na at ano mang oras ay pwede ng masira.

Ramdam na ramdam niya ang bigat ng paligid. Halatadong mga gumagamit ang mga naninirahan dito ng itim na mahika.

Noong marating ni Joselito ang second floor ay nabungaran niya ang tatlong kwarto na pawang mga nakabukas ang pintuan. Inuna niyang lapitan ang kwarto na mag isa lamang sa kanyang hilera.

Binuksan niya pa ng mas maigi ang pinto nito. Kinapa niya ang switch ng ilaw ngunit noong sindihan niya ay hindi gumagana ang bumbilya.

Madilim ang kwarto dahil sarado ang parehong bintana kaya naman kinuha na lamang ni Joselito ang kanyang flashlight sa bewang saka inilawan ang kwarto.

Simpleng kwarto lamang ito na may katabing tumba tumba sa gilid ng kama. Ang mga bagay rin sa gilid ay tumpok tumpok at magulo. Tinignan niya ang mga gamit sa gilid na lamesa. Magulo rin ang mga ito.

Nilapitan niya ang lagayan ng damit na aparador. Nakaawang ito ng kaonti. Binuksan niya rin ito upang tignan baka mayroong nagtatago roon ngunit tanging mga damit lamang ang sumalubong sa kanya.

Lumapit siya sa bintana at isa isang binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang malawak na bukirin sa tapat ng bahay ni Teresa.

Sunod niyang sinilip ang ilalim ng higaan. May mga gamit doon na nakaharang. Hinawi niya ang mga ito upang makita ang likuran. Wala pa ring tao.

Noong makasiguradong walang laman ang kwarto na kinatatayuan ay dumiretso siya sa katapat na kwarto nito.

Pumasok siya rito at kinapa ang switch ng ilaw ngunit gaya ng naunang kwarto ay sira rin ang bumbilya nito.

Napatakip siya dahil sa nakakasulasok na amoy na sumasalubong sa kanyang ilong. Alam niya ang amoy na ito. Sa tagal niya sa kanyang trabaho ay hindi na bago sa kanya ang ganoong mga amoy.

Amoy ng isang nabubulok na bangkay.

Lumapit agad si Joselito sa bintana upang buksan ito. Kahit papaano ay mas pumasok na liwanag mula sa labas.

Hinalungkat niya rin ang  mga aparador.

Sunod ay sinilip niya ang higaan.

Inilawan niya ito ng flashlight.  Napakunot ang kanyang noo dahil may mga tuyong dugo roon. Puno din ng uuod ang ilalim ng kama. Inilawan niya ang ibabaw. Ang kobre kama nito ay may mga natuyong dugo. Ang mga uod ay nagkalat sa paligid.

Sa palagay ay may inilagay na bangkay dito at inuuod na lamang sa katagalan. Ipaiimbestiga niya ang dugong ito sa kanyang mga kasamahan.

Noong makasiguro siya na wala ng tao  sa kwarto ay lumipat naman sya sa kwarto na kabila.

Hindi tulad ng dalawang kwarto ay mas maliwanag ito at mas maaliwalas. Kaonti lamang ang gamit at masinop.

Sinilip niya ang aparador sa gilid ng kwarto. Walang kalaman laman ito. Napaupo siya sa may higaan. Napahawak siya sa kanyang ulo. Sumasakit ang kanyang ulo. Hindi niya malaman kung saan hahanpin ang kanyang anak.

“JOSELITO!! MAY ISA PANG PINTO RITO!” narinig niyang sigaw ng kanyang kasama sa ibaba.

Agad siyang napatayo saka bumaba ng hagdan.

“Saan?!” agad niyang tanong sa kasama.

Itinaas nito ang kamay saka tumuro sa isang lugar. Napatingin siya sa itinuturo nito. Sa ilalim ng hagdan.

Inilawan niya ito at hindi nga ito nagkakamali. May isa pang pinto rito. Hindi agad ito mapapansin dahil nakatago at madilim ang kinalalagyan.

Agad nya itong nilapitan saka binukasan. Tumabad sa kanya ang mga estante na puno ng mga bote. May iba’t ibang mga laman ang mga boteng ito na sa kanyang tingin ay mga parte ng kung anong hayop.

Iniikot niya ang tingin at napukaw ng kanyang atensyon ang hugis parisukat sa may sahig. May lalagyan pa ito ng lock at nakalagay pa dito ang lock na nakabukas.

Nilapitan niya ito at kinatok. Agad na binuksan niya ang  pintong ito.

May hagdan pababa ngunit hindi niya tanaw kung anong mayroon sa ibaba. Madilim ang paligid. Napatakip siya ng kanyang ilong pagka’t naaamoy na naman niya ang amoy ng isang bangkay.

Binuksan niya ang flashlight at nag ilaw sa ibaba. Nanlaki ang kanyang mga mata pagka’t may nakahiga sa may sahig.

“HUWAG KANG GAGALAW!” sigaw niya rito.

Humakbang siya sa may hagdan at kinapa ang gilid ng basement. Inaasahan niya an sira rin ang ilaw ngunit sa pagbukas niya nito ay bumukas din ang ilaw. Kanyang natanaw ang dalawang stretcher ang isang nilalang na nakahiga sa sahig.

Marahan niyang inobserbahan ang nilalang na ito kung bakit nakahiga sa may sahig ngunit napagtanto niya na isa na itong malamig na bangkay. Nagkalat ang tuyong dugo sa uluhan nito. Nilalangaw na, at may mga uod sa katawan.

Inikot niya ang paningin may mga gamit sa gilid na may mga alikabok. Mukhang hindi ginagamit ang silid na ito.

May mga kandila na itim sa paligid. May batsa sa bandang gitna na may laman na pulang likido. Marahan siyang bumaba habang hindi inaalis ang tingin sa nilalang na nakahiga.

Noong siya ay makalapit ay noon niya lamang napagtanto na tadtad din ang katawan ng saksak. Ag itim na suot nito ay naninigas na dahil sa mga natuyong dugo.

Sinilip niya ang mukha ng nilalang na ito. Si Teresa. Ang matandang si Teresa ang babaeng nakaratay sa sahig.

Patay na ito at wala ng hininga. Ngunit ang kanilang pinagtataka ay wala na itong buhay. Sino ang pumatay dito?

Isang pulis ang lumapit sa basement.

“May nakita pa kaming bangkay hindi kalayuan sa bahay. Isang babae na mukhang nahulog sa bangin. Patay na.”

Agad na umakyat si Joselito upang tignan ang narecover na bangkay ng pulisya. Labis labis ang kanyang kaba habang papalabas ng bahay.

Nakita niya ang nakatakip na puting tela na bangkay. Agad niya itong nilapitan. Nanginginig ang kanyang mga kamay na unti unting tinanggal ang telang puti.

Napahinga siya ng maluwag noong mapagtanto na si Maria ang babaeng ito.

Umaasa siya na buhay pa ang kanyang anak na si Carmen.

“Ipagpatuloy niyo ang paghahanap,” ani ni Joselito. “Dalawang tao pa ang nawawala. Ang anak ko at ang apo ni Teresa.”

Tumango naman ang mga ito saka muling umalis upang ipagpatuloy ang paghahanap sa dalawang taong nawawala.

“Carmen nasaan ka na ba anak ko?” ani ni Joselito habang nakatingin sa malayo. “Umuwi ka na anak. Nag aalala na ang iyong ina, at kuya. Ang tatay ay lubhang nag aalala na rin. Kung nasaan ka man ay sana ligtas ka.”

***

                Nagdaan ang mga araw,linggo, at buwan ngunit wala nang natagpuan pa ang team ni Joselito. Bigo silang mahanap si Carmen, at Gilda. Mismong pulisya na ang sumuko sa kanilang paghahanap.

Lubos na napuno ng pighati, at lungkot ang pamilya ni Carmen. Hindi nila matanggap ang kung ano man ang nangyari sa dalaga. Hanggang wala silang nahahanap na bangkay nito ay hindi sila titigil sa paghahanap ng nag iisang babaeng anak.

Sila ay magpapatuloy na hanapin ito hanggag sila ay humihinga. Umaasana na pagdating ng panahon ay magkita muli sila ni Carmen.

Habang si Joselito naman ay siyang nagpakalulong sa alak. Napakasakit sa kanya na wala na ang anak na si Carmen. Hindi niya matanggap. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Pakiradam niya ay wala siyang karapatan na maging isang pulis ang kanyang mga mahal sa buhay ay hindi niya kayang protektahan.

Habang si Popoy naman ay sinisi rin ang kanyang sarili na dapat ay naging mas mahigpit pa siya sa kanyang kapatid. Hindi niya lamang dapat ito pinagalitan. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat na hindi na niya masyadong pinansin pa ang kapatid noong araw na iyon. Dapat ay mas naging mapag obserba siya.

***

Inilapag ng isang babae ang bulalak sa may puntod. Dinadalaw niya ang kanyang mahal sa buhay. Hawak hawak niya ang payong pagkat umuulan noong araw na iyon.

Napakunot ang kanyang noo noong makita niya ang isang babaeng nakasuot ng mahabang bestida. Sabukot ang buhok nito habang humuhukay sa lupa.

Nahintakutan siya sa ginagawa nito pagka’t hindi ito normal. Animo ay isa itong makina na tuloy tuloy ang pagbungkal sa lupa gamit ang sariling mga kamay.

Sa takot ng babae ay hindi na lamang niya ito sinita dahil baka pakalat kalat itong baliw sa may sementeryo. Tumalikod na lamang siya at iniwan ito.

***

“Tatlong babae ang natagpuang patay sa ilalim ng tulay ngayong hapon. Ayon sa mga pulisya ay mag iisang linggo ng patay ang mga babaeng ito. Wakwak ang dibdib at nawawala ang kanilang puso. Ayon sa pulisya ay wala ring dugo na makikita sa katawan ng mga biktima. Malinis na malinis ang mga ito. Kinilalang magkakaibigan ang tatlong biktima na ayon sa kanilang mga magulang ay naki sleep over lang sa bahay ng kanilang isa pang kaibigan. Ito ay pang ilan lamang sa mga biktima na mga natagpuan ng mga pulisya dito sa maynila. Ang hinala nila ay ibenebenta ang mga laman loob ng mga ito sa illegal na paraan sa black market.”

Rinig ng mga kumakain sa loob ng karinderya ang balita sa tv na nakasabit sa itaas ng dingding.

“Nako po! Sobrang nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Biruin mo. Ilan na iyan sa mga naging biktma ng mga sindikato. Ano na ang mga gagawin ng mga pulisya? Takot na takot tuloy ang mga tao ngayon dahil sa van na kumakalat na iyan. Puro mga kababaihan pa ang mga binibiktima nila. Mga dalaga,” ani ng may ari ng karinderya.

“Kaya nga yung dalaga ko ay hindi ko na pinapalabas lagi. Kung maari nga na dito na lamang siya sa bahay ay dito na lamang. Nakakatakot na ang mundo ngayo. Napakadaming halang ang bituka. Dapat sa kanila ay maparusahan. Death penalty!”

“Isa pa pong sabaw,” ani ng isang dalaga habang inaabot ang mangkok sa tindera. Napatingin naman dito ang tindera. Ang mga mata nito ay malalim at kitang kita ang eyebag sa ilalim ng mata. Ang labi nito ay namumutla na.

Sabukot ang kanyang buhok na animo ay hindi naligo ng ilang linggo. Ang ngipin nito ay naninilaw at nangingitim. Ang damit nito ay animo damit ng isang pulupi sa dumi.

Kinuha naman ng tindera ang inaabot na mangkok nito at napansin niya ang mga kuko nito na akala mo may taniman ng palay sa ilalim. Napangiwi ang tindera pagka’t nandidiri siya.

Kung hindi lamang ito nakakadagdag sa kanyang kita ay papalayasin na niya ito sa kanyang karinderya.

Sumalok na lamang siya muli ng libreng sabaw, at pagkatapos ay ibinigay sa dalaang nanghihingi sa kanya kanina.

Matapos kumain ni Gilda sa karinderya ay tumayo na siya saka nagbayad. Inabot niya ang kanyang saklay sa gilid at nagsimulang maglakad paalis pauwi ng kanilang bahay.

Pagkadating nya sa may inuupahang bahay ay napangiti siya sa kanyang pagbukas ng ilaw.

“Nay kumain ka na ba?” tanong ni Gilda sa isang bangkay na halos buto na lamang. Nakatingin ito sa kanya at tulala.

Bumaling naman si Gilda kay Dan na nakaupo sa gilid. Katabi nito ay isa pang bangkay ng dalaga na naagnas na. Ang bangkay ni Carmen.

“Huwag kayong mag – alala, tay, at Carmen. Malapit ko ng makumpleto ang mga puso. Mabubuhay ko na muli kayo,” ani ni Gila dala ang ngiti sa kanyang labi habang nakabukas ang itim na libro sa gitna ng lamesa.

ANG PAGTATAPOS

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status