Share

Chapter 81

Nasa may tea shop kami nagtungo sa resort na ito. Hindi ko akalain na nagbabago na ang babaeng ito. Mula sa pagiging artem nagiging simple na lang. Hindi ko talaga maatim na kasama niya ang anak ko kanina.

Takot na takot ako na baka na may nangyari sa kanya tapos kasama niya pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam at baka may ginawa ang babaeng ito sa anak ko.

Binaba niya ang kanyang baso at saka tumikhim.

“H-Hindi ko alam na nandito ka na pala,” panimula niya at binalingan ang anak ko. “At hindi ko akalain na anak mo ito.”

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Wala ka bang TV?”

Mahina siyang natawa at saka bahagyang yumuko. “Wala na akong panahong mag-TV.”

Umawang ang labi ko. “At bakit mo kasama ang anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanya?”

Umiling siya at tiningnan muli ang anak ko. “Hindi ko alam na anak mo pala siya. Lumapit kasi siya sa akin nang dumaan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status