“Anak…” Hinaplos ni Nanay ang kamay ko habang mahigpit kong hinahawakan ang bag na may laman na kaunting gamit ko.
“Nay, bibisita ako,” sambit ko sabay lingon sa kanya.
Nakapagdesisyon na ako na tanggapin ang gusto niya. Gusto ko rin naman na kilalanin niya ako bilang anak niya. Gusto ko rin maipagamot si Nanay sa madaling panahon kaya nakapagdesisyon na ako na tatanggapin ko ang alok niya.
Kung magpapakasal man ako sa isang estranghero, ayos lang sa akin. Hindi ko naman siya kilala at tingin ko ay maghihiwalay lang kami lalo na’t ako ang tipo na babae na hindi magugustuhan basta-basta ng isang lalaki.
Gaya nga ng sabi ko noon, gusto kong maranasan ang buhay na meron ang mga kapatid ko. Gusto ko rin maranasan ang lahat na naranasan nila na hindi ko naranasan. Kaya gagawin ko ang gusto niya.
Kung magpapakasal lang ang paraan upang tuluyan na niya akong tatanggapin sa buhay niya, gagawin ko.
“Miss Alexa, pumasok na po kayo sa loob,” sambit ng isang lalaki na batid ko ay isa sa mga tauhan ni Papa.
Niyakap ko si Nanay bago ako tuluyang namaalam sa kanya. Sana hindi ako magsisisi sa desisyon ko. Sana papanindigan ko ito dahil alam ko na magbabago na ang daloy ng buhay ko.
***
Bumungad sa akin ang mala-palasyo na bahay ni Papa. May nakaukit sa metal na “Monteverde” sa may gate. Nawala saglit ang pag-iisip ko tungkol sa totoong pakay ko rito dahil na rin sa pagkamangha. Talaga namang mayaman si Papa at hindi basta-basta.
Noong tinanong ako ng prof ko kung sino ang Papa ko. Sinagot ko ang pangalan ni Papa pero tinawanan lang ako ng prof ko dahil nag-iilusyon lang daw ako.
Sa pagkakaalam niya kasi, dalawa lang ang anak ni Papa at hindi ako kasali roon. Masakit man pero tinanggap ko ang pangungutya ng ibang tao. Ngayong narito na ako sa lugar nila, gagawin ko ang lahat, kilalanin niya lang ako at hindi kinakahiya.
Everyone deserves the world and that includes me. I may be an illegitimate daughter, but I will prove to them that I deserve everything they have. Na hindi basehan ang anak sa labas para lang hindi kilalanin.
Kung ang pagkilala ni Papa at ang tuluyang paggaling ni Nanay ang magiging bunga ng pagpapakasal ko, hindi ako magsisisi sa desisyon ko.
“Ikaw na ba ang bagong kasambahay ng mga Monteverde?” tanong sa akin ng matanda nang nakababa ako sa sasakyan. Tingin ko ay siya ang mayordoma ng mansyon na ito.
“P-Po?”
Nagulat ako at napatingin sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at binalingan ang kotse na nasa likuran ko pa rin.
“Ang sosyal mo namang kasambahay at sumakay ka pa talaga sa kotse ng mga Monteverde!” asik niya sabay irap.
Kumunot ang noo ko at biglang nainsulto.
“Hindi po ako kasambahay,” tanggi ko.
Akmang magsasalita na sana ang matanda nang biglang sumulpot si Arissa, ang nakakatanda ko na kapatid sa ama.
“Mukha ba siyang kasambahay, Manang Terna?” Humalakhak si Arissa at eleganteng naglakad patungo sa akin. “Sa bagay, mukha naman talaga siyang kasambahay.”
Naikuyom ko ang kamao ko at hindi na nagsalita. Hindi pa rin talaga magiging madali ang buhay ko sa mansyong ito lalo na’t nandito ang mga kapatid ko at ang ina nila.
“Sino ba siya, Senyora Arissa?” nagtatakang tanong ng matanda. “May inaasahan akong bagong kasambahay lalo na’t may nasisante kahapon lang.”
“Well…” Humalukipkip si Arissa sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Anak siya ni Daddy…”
Namilog ang mata ng matandang mayordoma sabay baling sa akin. Kita ko ang palihim na pagpasensya niya sa akin.
“Huwag mo siyang e-treat like us kasi anak naman siya sa labas, Manang Terna. Puwede mo siya utusang magpunas ng sahig kung gusto ninyo…” dagdag ni Arissa sabay halakhak.
Hindi na ako nagsalita. Hindi na lang ako nagpapaapekto dahil gano’n talaga kapag masyadong mataas ang tingin sa sarili.
“Guess what, little sister! Walang pa-welcome sa ‘yo kasi hindi ka naman talaga welcome sa pamamahay na ito. Kung hindi lang talaga kailangan ni Daddy ang mga Del Real ay wala ka sa mansyong ito. Hindi ko pa naman sila nakikita pero rinig ko ay mga panget daw mga kamag-anak nila kaya tumanggi ako sa gusto nila. You should thank me, kasi ako ang nag-suggest kay Dad na ikaw ang ipapakasal, kapalit ng pagkakilanlan mo bilang anak niya!”
Wala naman akong pakialam kung pangit o hindi ang mapapangasawa ko. Basta maganda lang ang kalooban ay maayos na sa ‘kin. Pero ngayong hindi ko kilala kung sino ang pakakasalan ko, kinakabahan ako.
Matapos ang eksenang iyon ay sumunod ako sa mga tauhan ni Papa. Dumiretso ako sa opisina niya at kitang-kita ko ang galak sa kanyang mukha nang makita ako.
“Mabuti at pumayag ka sa gusto ko,” maligayang sambit niya habang nakaupo sa kanyang swivel chair. “Huwag kang mag-alala, sa ganda mong iyan ay hindi mahahalata na anak ka sa labas. Sa katunayan, ikaw ang natipuhan ng isa sa mga Del Real kaya mabuti’t tumanggi ang panganay na anak ko dahil hindi rin naman papayag ang mga Del Real kung si Arissa ang ipagkakasundo ko.”
Wala akong naintindihan sa kanyang sinabi bukod sa sundo. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Tatawagin ko ba siyang Papa?
“Bibisita sila sa susunod na linggo upang pag-usapan ang kasunduan…”
Nanatili ang tingin ko sa kanya. “Kailan ipapagamot si Nanay?”
Tumawa siya at hindi makapaniwalang binalingan ako. “Nag-uusap pa tayo tungkol sa gagawin mo, Alexa. Hindi naman gaano kalaki ang kailangan para maoperahan si Alejandra.”
“Gusto ko lang makasiguro at…talaga bang kilalanin mo ako?” umaasa ko na tanong. “Alam kong masyadong makapal ang mukha ko…pero puwede ba kitang matawag na Papa?”
Napawi ang kanyang ngiti at nag-iwas ng tingin. “Saka na kapag tuluyan ka nang naikasal sa lalaking iyon…”
Umawang ang labi ko at nakaramdam ng kirot sa dibdib. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi na muli nagsalita. Sana pala hindi na ako nagtanong. Ako lang pala ang masasaktan.
***
“Dito ka muna sa guest room ng mga Monteverde, Hija, dahil inaayos pa ang magiging kuwarto mo…” paliwanag ng mayordoma habang pinapakita sa akin ang malaking guest room na sobrang ganda at linis.
Lumiwanag ang mata ko sa sobrang mangha. Para akong isang batang nakakita ng magandang laruan. Para akong nasa palasyo.
“Hala, ang ganda po!” Nilingon ko ang mayordoma na ngayon ay nakataas na ang kilay sa ‘kin. “Ako na po ang bahala sa aking sarili. Magpahinga na po kayo…”
“Sino ka para utusan ako?” masungit niyang tanong.
Natigil ako at kinagat ang ibabang labi. “P-Pasensya na po…”
Yumuko ako at hindi na muli nagsalita.
“Tsk! Hindi ka basta-basta magdo-donyahan dito lalo na’t anak ka lang naman pala sa labas,” narinig kong bulong niya na ikinagulat ko.
“Ang sakit niyo naman pong magsalita,” hindi ko mapigilang magsalita. “Mayordoma rin naman po kayo rito. Sino rin po kayo para pagsalitaan ako ng ganiyan?”
Namilog ang mata ng matandang mayordoma at hindi makapaniwalang nilingon ako. Hindi siya makapagsalita at nanatili lang gulat habang nakatitig sa ‘kin. Hindi ako mabait kaya pasensya na talaga.
Hindi na ako umimik at pumasok na sa guest room na siyang tutulugan ko. Sinampa ko ang sarili ko sa malambot na kama at napapikit.
“This is life!” sambit ko. “Sana maranasan din ni Nanay ang maranasan ko sa bahay na ito.”
Bumangon ako at inilibot ang sarili sa buong guest room. May sariling shower at bath tub. Walk-in-closet, flat screen TV, may mini sala at malaking kama.
Hindi dapat ako magpapa-api rito. Alam ko namang anak ako sa labas, pero kahit gano’n, anak pa rin naman ako ni Papa.
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay