Share

DW - VII.I

          Lumapit si Jehanne kay Andrei na kasalukuyang nakatayo at nakatingin sa ibaba. "Hindi man lang ako nahirapan!" pagmamayabang nito. Nakaramdam ng pagkasuklam si Jehanne kay Andrei, pero pilit niyang isinaisip na trabaho lang ito. Hindi rin malayong mangyaring ganito rin ang gagawin niya sa mga tao sa hinaharap.

          Ilang sandali pa, nakita niya mula sa taas ng gusali na humiwalay ang kaluluwa ni Greg sa katawan nito. Mayroong dalawang tao, lalaki at babaeng naka-itim, na siyang umalalay sa kaluluwa.

          "Mga taga-gabay," sabi ni Andrei. "Sila ang magtuturo ng daan para 'di ka maligaw."

          Napagtanto ni Jehanne na ang mga taga-gabay ay sina Hogan at ang binabantayan nito.

          "Tara na," yakag ni Andrei habang patuloy na nagkakagulo sa ibaba.

          "Saan tayo pupunta?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status