LOGINMADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising -na handa na siyang gumising -mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano. Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot. Hanggang sa may nakapagbanggit sa kanya ng kinaroroonan niya. "Hindi ito langit. Hindi rin ito impyerno," sabi ng isang lalaking walang permanenteng pangalan, na kanyang "taga-bantay." Sunod nitong ipinaliwanag na patay na siya at binigyan siya ng bagong buhay sa bagong mundong ginagalawan niya.
View MoreNakasalampak si Jehanne sa sahig. Pakiramdam niya, nawalan siya ng lakas. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Hinang-hina siya. Dahan-dahan siyang bumangon. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Naalala niya tuloy yung unang beses siyang nagising sa mundong ito. Ang naisip lang niya, masyadong madilim. "Anong lugar ito?" Kinapa niya ang paligid. Wala siyang mahawakang pader. Para lang siyang kumukumpas sa hangin. Para siyang isang bulag na naghahanap ng makakapitan. Nang mahanap niya ang balanse niya, sinubukan ng mga mata niyang mag-adjust sa liwanag, pero walang talab. Wala pa rin siyang makita. Walang kahit na anong liwanag sa lugar na ito. Pakiramdam niya tuloy, tinakasan na rin siya ng pag-asa. &
"Na-miss kita," sabi ni Hogan. "Ako rin," tugon ni Jehanne at humiwalay siya sa pagkakayakap. "Pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw. Naging abala kasi ako sa ilang mga bagay." "Gaya ng ano?" "Trabaho at... paghahanap ng impormasyon, gaya ng ipinangako ko sa iyo." "Nakahanap ka na ba ng sagot?" tanong ni Jehanne. "Wala pang malinaw na sagot," tugon ni Hogan. Kahit alam naman nating nadiskubre niya na ang tungkol kay Elana, pakiramdam niya marami pa siyang hindi nalalaman. "Narinig mo ba ang balita?" pag-iba ni Je
"Hindi mabuti," sagot ni Mara kasunod ng pagbubuntong-hininga. Wala naman sigurong masama kung magpapakatotoo siya sa damdamin niya. Gaya nga ng sinabi ni Jehanne sa kanya, mas makabubuti kung tatanggapin niya ang kahinaan niya. Tumango si Andrei. "Naiintindihan ko." Seryoso ang mukha niya.
Mas matindi pa sa bangungot. Hindi sukat akalain ni Mara na mangyayari uli ang ganitong tagpo. Nasa opisina sila ni Cadis. Kasalukuyang ipinalalabas ang eksena ng kapalpakan ng isa nilang kasama sa trabaho nito. Nakaupo si Alric, ang pumalpak na taga-bulong, sa sofa habang pinanonood ang imaheng nakunan sa kanyang trabaho. Tahimik lang siya at tinanggap na nang buong loob ang mapait niyang kapalaran. Konsensya. Sabi ni Mara iyan ang pinakamahigpit nilang kalaban. Hindi lang pala mga tao ang tinatablan ng konsensya. Sa tagal na nitong nagtatraba
May mga lumulutang na kandila. Bilog ang hugis ng mga iyon at iba-iba ang kulay. May sindi ang mga iyon na siyang nagpapaliwanag sa buong paligid. Nilibot niya ng tingin ang paligid. May m
Walang ingay na maririnig sa paligid maliban na lang sa pagtama ng swelas ng sapatos ng lalaking kasama niya sa daanang nilalakaran nila. Kanina niya pa nga tinitingnan ang likod nito haba
Nabigla ang lalaki sa itinanong niya, pero mukhang inaasahan na rin naman nito ang ganoong tanong. Ibinaba nito ang kamay at inilagay sa bulsa ng pantalon. "Hindi mo alam?" balik na tanong nito.
MADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising —na hand
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews