Share

6

Tatlong lingo na lamang at ika dalawampung kaarawan na ni Aled. Huling meeting na rin para sa details nang madaliang kasal nila Sandy at Aled. Sina Lyn at Loreta ang nagplano at excited na ang mga ito.

Iniabot nang dalawang ina sa mga anak nila ang isang katerbang wedding magazine upang mamili ang mga ito nang gown na isusuot ni Sandy.

Tila bored na bumuntong hininga lang si Aled, nakatingin sa malayo. Si Sandy naman ay naexcite bigla nang makita ang mga design nang gowns. Ayaw nya sa mga ito pero aminado sya na nagandahan sya sa mga design na nasa magazines.

“Nakapili ka na ba anak?” Tanong ni Loreta kay Sandy.

“Hindi ako makapili ma. Ang daming maganda.” Sabi nya.

Natawa si Lyn sa sinabi ni Sandy. “Alam mo hija, ganyang ganyan din ako noong ikakasal pa lang kami ni Renato. Sa ganda nang designs nang mga wedding gowns ay hindi ako makapili.”

Sa huli ay pinili nya ang isang off shoulder na gown na may mga lace. May kahabaan ang buntot nito at sa tingin nya ay babagay ito sa kanya.

Bigla syang nagulat sa sarili nya. Bakit parang excited sya sa kasalan na magaganap? Hindi ba at dapat nalulungkot sya dahil bukod sa mag-aasawa na sya agad ay sa kinaiinisan nyang tao pa sya ikakasal?

Alas dose nang gabi na sila umuwi noon ni Aled at medyo nahilo sya sa ininom na vodka. Naparami ang inom nya sa inis sa lalaki. Nang makabalik na sya ay sinermonan sya nito. Kesyo kung saan saan daw sya pumunta at baka mawala daw sya, hindi daw ito mag-aaksaya nang panahon para hanapin sya.

Wala man lang talaga itong pagka gentleman sa dugo nito.  It came to her mind na kung may pagkakataon na maari syang mamili nang papakasalan ay siguradong hindi ito ang pipiliin nya. Madaldal sya kaya ang gusto nya ay makwento rin, hindi tulad nang lalaki na ginto ata ang laway.

Gusto nya rin nang lalaking palaging nakangiti at masayahin, pampaswerte raw kasi iyon. Pero malayong malayo ang mga iyon sa characteristics nang lalaking papakasalan at pakikisamahan nya nang ilang taon.

Matapos mamili nang gown ay dumiretso sya sa kusina at doon tumambay. Naabutan sya doon ni Lisa, ang pinaka batang kasambahay nang mga Santillan. Matanda lang ito sa kanya nang isang taon at masayahin ito kaya kausndo nya ito.

“Senyorita, bakit nandito kayo?” Tanong nito.

“Hay ano ka ba. Tayo lang ang nandito.” Saway nya.

“Okay Sandy.”  She giggled. “Nakapili ka na ba nang design nang gown?” Tanong nito. May inayos ito sa ref.

“Oo.” Sagot nya. “Halika nga, kwentuhan muna tayo kung wala ka nang gagawin.” Aya nya rito. Tinuro nya ang upuan na malapit sa kanya.

Halos lahat nang kasambahay sa mansion ay close nya na, lalo na ang mga bata pa. Early twenties ang edad nang karamihan sa mga nagtatrabaho sa mansion.

Umupo ito sa tabi nya. “Bakit malungkot ka?”

“Wala lang, naiinis ako kay Alejandro.” Sabi nya na naka nguso.

Napahagikhik si Lisa. “Mukha ngang naiinis ka. Binuo mo ba naman ang pangalan ni senyorito.”

“Sya rin naman no. Tinawag nya akong Cassandra.” Nakanguso na sabi nya.

“Ay Cassandra ba ang totoong pangalan mo?” Tila nagulat si Lisa.

Tumango sya. “Oo, palayaw ko lang ang Sandy. Bakit?”

“Nakakatuwa naman. Ang alam ko, yun din ang pangalan nang isa sa mga paboritong kabayo ni senyorito Aled. Yung isa naman, si Cassiopeia.”

“Talaga? Aba. Talagang kapangalan ko pa pala ang kabayo nya.” Natatawang sabi nya. “Ano pa ba ang mga hilig nya?” She find herself interested in Aled’s lifestyle.

Lumingon lingon si Lisa kung may tao. “Huwag kang maingay Sandy ha. Ang alam ko, mahilig sa karera nang sasakyan si senyorito.”

Nagtaka sya. “Ha? Sigurado ka ba? Eh mukhang walang social life ang lalaking iyon eh.” Hindi sya makasang-ayon sa sinabi na iyon ni Lisa.

“Hindi, tuwing gabi madalas umalis si senyorito. Hindi mo pa kasi nakikita sa garage ang mga kotse at motorbikes nyan. Puro sports car, ang gaganda pa nang pintura.” Sabi pa nito.

Namilog ang mga mata nya. “T-talaga? Maluho pala yang lalaki na yan.” Komento nya.

“Hindi naman. Hindi sya masyado maarte sa katawan, may pagka misteryoso nga lang. Tsaka ano, madali magalit. Parang babae na may dalaw.” Sabi ni Lisa.

Sabay silang natawa. “Hay nako. Sinabi mo pa. Kaya nga nakakinis yun eh. Alam mo ba, hindi ko pa pala sayo naikwento na may nakaaway ako sa school dahil sa kanya. Actually yung babae yung nang-away.”

“Bakit naman?”

“May gusto ata yun kay Aled eh. Bigla akong sinabunutan, edi lumaban ako. Tapos nung naawat kami nang bodyguards ni Alejandro, ako pa ang pinagalitan nya. Nakakinis. Hindi ako makaget-over.” Malungkot na sabi nya.

“Ay ganon? Madami ngang babae ang dati nagpapadala nang kung anu-ano kay senyorito. Mga sulat, cakes, candy at regalo pero pinapatapon nya lang. Sayang nga eh.”

“Hindi nya man lang maapreciate yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Pasalamat nga sya eh.”

Tumango si Lisa. “Oo nga. Hindi ko rin talaga maintindihan si sir. Sabi ni manang mameng,” Tukoy nito sa mayordoma nang mansion. “Kaya raw naging ganyan ang ugali ni senyorito kasi palaging wala noong bata pa sya sila senyora Lyn at senyor Renato. Wala pa syang kapatid dito. Wala syang masyado maka-usap.”

“Tapos kapag umuuwi galling ibang bansa sila senyora, puro pasalubong lang ang mga dala nila tapos hindi magtatagal, aalis na naman. Ngayon lang ulit natipon dito sa mansion ang mag-asawa, mula nang mamatay si senyor Rafael.”

“Kawawa naman pala si Alejandro. Now I know. Pero hindi pa rin mawawala ang inis ko sa kanya. Malaki na sya, dapat alam nyang nakakaasar ang mga ginagawa nya minsan. Tapos ang dami pang nagkakagusto sa kanya.”

Natawa si Lisa. “Para kang desperadang girlfriend.”

“Ha? Hindi no. Ang ibig kong sabihin, nagkakaroon ako nang kaaway dahil sa kanya.” Sabi nya pa.

Natawa na lang si Lisa kay Sandy.

“What? Na expelled sya?” Gulat na tanong ni Sandy kay Judy.

Tumango ang babae. “Yup, and I heared na ang mama daw mismo ni Aled ang nagpa expelled kay Maricar last week.” Sabi nito. Ang Maricar na tinutukoy nito ay ang babaeng nanugod  at nang-away sa kanya.

Kahit na ganoon ito ay naawa sya rito. Naisip nya na may magulang rin ito na umaasa rito kaya doon ito pinag-aral nang mga magulang nito.

“Manong, huwag mo na po akong idaan sa bahay, sasama ho ako sa mansion, may sasabihin ako kay tita Lyn.” Sabi ni Sandy sa driver nang makasakay na sila ni Aled.

Nilingon sya ni Aled, hindi nya ito pinansin. Alam nyang nagtataka ito pero wala syang balak sabihin dito iyon.

“Ganoon po ba ma’am. Sige ho.” Sabi nang driver.

Kagaya nang dati ay tuloy-tuloy lang na bumaba si Aled.

“Senyorita! Nandito ka.” Tuwang tuwang sabi naman ni Aileen, isa sa mga kasambahay. Kasama nito si Lisa na nagdidilig sa mga halaman sa garden.

Nginitian nya ang mga ito. “May sasabihin sana ako kay tita Lyn. Nandyan ba sya?”

“Nako, umalis si senyora at senyor. Pero mamayang bago maghapunan ay darating sila. Hintayin mo na lang.” sagot ni Lisa.

Tinulungan nya ang mga ito na magdilig nang halaman habang nagkekwentuhan matapos nyang itext ang mama nya na naroon sya sa mansion.

“Hindi ka katulong dito para magdilig ka nang halaman.” Ang malamig na boses na iyon ni Aled ang nagpatigil sa pagtatawanan nila Sandy, Lisa at Aileen.

Unit-unting humarap ang tatlo rito. Seryoso as always ang mukha nito.

“Kayong dalawa, kung kailangan nyo nang tulong, wala na ba kayong pwedeng tawagin? Ang dami dami nyo ah.” Baling naman ni Aled sa dalawang katulong.

Nanginginig sa takot ang mga ito.

“Ano bang problema mo? Ako ang nagkusa na tulungan sila, huwag mo silang pagalitan at sisihin!” Pagtatanggol ni Sandy sa mga ito.

“Pumasok na nga kayo sa loob.” Imbes ay utos ni Aled sa dalawang babae. Pagkasabi noon ay tumalikod na ito at naglakad papasok.

Hinabol nya ito. “Ano ka ba? Ano bang problema mo?” Tanong nya rito. Tinulak nya ito sa balikat nito. Hindi nya na ma-take ang ugali nito.

“None of your business.” Sagot nito at muling naglakad.

Muli naman nya itong hinabol at hinarang. “None of my business? Eh bakit mo pinagalitan yung dalawa? Alam mo, kung ayaw mo na nandito ako sa inyo, you can just say so hindi yung dinadamay mo pa sila. Ano bang ugali meron ka?” Hindi nya na mapigilan ang galit para dito.

“Edi umuwi ka.” Sabi nito bago tuloy-tuloy na lumakad papasok.

Hindi na nakagalaw si Sandy matapos marinig ang sinabi nito. Pakiramdam nya ay lumubog sya sa lupa. Hindi nya maintindihan pero nasaktan sya nang sobra sa sinabi nitong iyon. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata nya. Mababaw lang sya at sa tingin nya ay masakit iyon.

Hindi nya na napigilan ang mapaiyak habang naglalakad sya upang kunin ang kanyang bag. Palabas na sya nang makasalubong nya ang mag-asawa. Nagulat ang mga ito nang makitang umiiyak sya.

“Sandy? My God bakit ka umiiyak? What happened?” Gulat na sabi ni Lyn dito.

Agad na pinunasan ni Sandy ang luha nya. “Ah, tita wala ho ito. May naalala lang ako. May gusto ho sana akong sabihin sa inyo.” Pag-iiba nya nang usapan.

“Okay. Let’s get inside first.” Sabi nito. Naupo sila sa living room nang mansion. “What is it Sandy?”

“Ah tita, pina expelled nyo raw ho si Maricar? Y-yung babaeng-“

“Yes I did. After what happened to you? My God. Ang sabi sa akin nang mga bodyguard ni Aled ay kung hindi pa raw kayo napigil ay baka mas nasaktan ka. Napatunayan ko rin naman na sya ang nanugod sayo.” Sabi nito.

“I know tita. Kaya lang, kawawa naman ho sya. I mean, I’m sure pinag-aral sya nang mga magulang nya sa St.Bernard for her future. Baka wala na hong eskwelahan ang tumanggap sa kanya.”

“Are you sure hija? Paano kapag inulit nya pa sayo ang ginawa nya?”

“I’m sure hindi na po tita. Maybe she learned her lessons.” Sagot nya.

Tumango-tango si Lyn. “After what she did to you? I can’t believe you are asking me para ibalik sya sa St.Bernard.”

Sa huli ay pumayag din ito. Bukas na bukas din daw ay ipapatawag nito ang parents ni Maricar. Matapos nilang mag usap ay ipinahatid na sya nito sa driver.

Hindi mawala sa isip ni Sandy ang ginawa ni Aled sa kanya. Para lang syang b****a. Sa bagay, papakasalan lang naman sya nito para sa mana nito, na makikinabang rin naman sya. Pero hindi nya gusto ang ginagawa nito.

Tama ang sinabi ni Lisa, para itong babaeng may buwanang dalaw. Sana hindi na lang ito ang nakatakda nyang mapangasawa, o sana hindi ganoon ang ugali nito. Walang gentleness sa galaw nito, at walang appreciation.

Nang makauwi sya ay agad syang natulog. Hindi nya alam kung ano ang plano nya kinabukasan pero ayaw nya na sanang sumabay rito pagpasok at pag-uwi. Nagulo ang tahimik na buhay nya sa university tapos ay papakasalan nya pa ang lalaking iyon.

Kung alam nya lang na ganoon ang ugali nito edi sana ay mas napag-isipan nya pa kung papayag sya. Mas malaki ang mawawala rito kung sakaling umatras sya sa kasunduan. Hindi man lang ito magpakita nang kabutihan sa kanya.

Palagi sya nitong pinapagalitan o sinisisi na parang bata. Para syang hindi babae kung tratuhin nito kaya lalo syang naiinis.

Nagpasabi si Sandy sa driver ni Aled na hindi sya sasabay pauwi sa mga ito. Nagdahilan na lamang sya na may group project silang gagawin kaya kailangan nya nang umalis nang maaga.

Bagamat tutol ang driver dahil mahigpit na bilin ni Donya Lyn na hindi sila pwedeng umuwi nang hindi kasama si Sandy ay hindi na sya napigilan nang mga ito.

Kaagad syang umalis. Pagkalabas nya nang gate ay tumawid sya at bumili nang paboritong shake sa isang restaurant na nasa tapat lang nang St.Bernard.

Matagal na rin nang huli syang makainum noon dahil nga hatid sundo na sya nang kotse ni Aled. Dahan dahan syang naglakad patungo sa sakayan nang jeep. Bagamat may kalayuan din ang terminal ay ayos lang sa kanya.

Mangilan ngilang estudyante lang ang dumadaan sa lugar na iyon dahil karamihan ay sa main road dumadaan dahil de kotse ang mga ito. Papalapit na sya sa sakayan nang mga tatlong lalaki ang biglan sumulpot sa harap nya at pinalibutan sya.

“S-sino kayo?” Sa takot nya ay nalaglag mula sa kamay nya ang iniinum na shake.

Doon biglang nagpakita si Maricar, at ang dalawang babaeng kasama rin nito noong sugurin sya nito sa canteen. May mga hawak itong baseball bat. Nanginig sa takot si Sandy. Bagamat matapang sya ay napakarami nang mga ito at baka mamatay sya kung sakali.

“Hello, Sandy. Remember me?” Maricar grinned. Linaro nito ang baseball bat sa kamay nito.

Napalunok sya. “M-maricar..” Bulong nya.

Lumapit ito sa kanya. “So, alam mo na pala ang pangalan ko. I bet alam mo na rin na expelled na ako dahil sayo.” Biglang naging matapang ang mukha nito.

“H-hindi ko kasalanan..” Sabi nya. Unti unti syang naglalakad paatras hanggang mapatigil sya nang maramdaman nya ang school wall sa likod nya.

“Don’t be silly. Of course you did.” She mocked. “And it’s paytime, Sandy.” Umatras nang kaunti si Maricar at inambahan na nang baseball bat si Sandy.

Napapikit si Sandy. Isinalag nya ang kanyang mga braso sa kanyang mukha.

“Stop it!” Isang kamay ang humawak sa baseball bat na nakahanda nang tumama kay Sandy.

Agad na dumilat si Sandy. Nanlaki ang mga mata nya nang makit kung sino ito. Si Prince!

“P-prince?” koro nang tatlong lalake at tatlong babae nang makilala ang lalaki.

“Ano ba ang atraso nya sa inyo?” Mariin na tanong nang lalaki.

“Sya ang dahilan kung bakit na expelled ako. Dapat sa kanya ang gantihan!” Puno nang determinasyon na sabi ni Maricar bago muling iniamba ang hawak na baseball bat.

Muli ay sinalag ito ni Prince at nagawang itapon sa malayo. Sumugod na rin ang tatlong lalaki ngunit tila isang action star na nakaya iyon ni Prince. Alam nang mga tao na black belter ang celebrity na iyon. Agad na tumakbo ang mga ito.

Agad na nilapitan nang lalaki ang takot na takot na si Sandy at inalo ito.

“It’s alright now. Wala na sila.” Nakangiting sabi nito.

“S-salamat ha. Pasensya na rin.” Sabi nya at yumuko rito.

“No, ayos lang iyon. Kahit naman siguro sino ay ganoon ang gagawin kung makita ang pangyayari.” Inilabas nito ang panyo nito at pinunasan ang mukha nya.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ni Sandy.

“Pinuntahan ko ang auntie ko, professor sya dito. Doon ko kasi iginarahe ang sasakyan ko.” Turo nito sa isang nakaparadang sasakyan di kalayuan.

Nilingon ito ni Sandy at tumango. “M-maraming salamat ulit.”

Tumawa si Prince then smiled. He wore a bright smile, tipong kahit umuulan, kapag ngumiti ito ay tila may araw. Ngumiti rin si Sandy.

“So, pauwi ka na ba?

Tumango si Sandy. “Oo sana. Malapit na lang naman ang terminal nang jeep.”

“If you don’t mind, pwede kitang ihatid sa inyo? Wala naman akong gagawin.”

Bago makasagot si Sandy ay nagring ang cellphone sa bag nya. Si Aled!

“H-hello..”

“Where the hell are you? Bakit ka umalis mag-isa?” Tila naiimagine na ni Sandy ang itsura nito na nanggagalaiti sa galit.

“M-may group project kami ngayon. I can’t go home with you.” Dahilan nya rito. Ayaw nya sanang magsinungaling pero iyon na ang naidahilan nya sa driver nito.

“Fine.” Malakas na sagot nito bago ibaba putulin ang linya.Halatang gigil.

“P-pasensya ulit. Ano nga iyong sinasabi mo?” Tinago nyang muli ang cellphone sa bag.

“Sabi ko, if it’s okay, ihahatid na kita sa inyo. Wala naman akong ibang gagawin.” Tila nahihiyang inulit ni Prince.

“Ah.. ganon ba. Eh hindi ba nakakahiya sayo?” Tila nahihiyang sabi rin ni Sandy.

“Ano ka ba. I’m the one who offered, right? Baka hindi nga lang kita maihatid sa mismong pintuan nyo, hindi ako naka disguise ngayon. You know..” Sabi nito na agad naman naintindihan ni Sandy.

“Mas mabuti nga. Baka pagkaguluhan ka pa sa lugar namin. Madami pa naming may gusto sayo doon.” Natatawang sabi nya.

Nagsimula na silang maglakad nang may mapansin na pamilyar na kotse. Tumigil ito sa gilid nila. At tama ang hinala nya. Mula roon ay lumabas ang isang guard ni Aled at pinagbuksan ito nang pinto.

She dropped her jaw after he saw Aled. Bakas sa mukha nito na hindi ito natutuwa. Nakalimutan nya na doon din ang daan nang sasakyan ni Aled. Lumapit ito sa kanilang dalawa.

“So, group project huh. Nice group project.” Sarkastikong sabi ni Aled. Palipat lipat ang tingin nito sa dalawa.

“Ah, wait, it’s not what you think-“ Agad na sabi ni Sandy ngunit agad na nagsalita si Aled.

“Ano ba ang dapat kong isipin? You told me you were gonna do a group project, dammit!” Ito ang unang beses na narinig ni Sandy na nagmura ang binata.

“Wait Aled, it’s not what you think it is.” Sabi naman ni Prince.

“You shut up, Prince. It’s between me and my fiancée.” Matigas na sabi ni Aled dito sa lalaki.

“No, Aled. You shut up!” Tumaas na rin ang boses nang lalaki.

Ikinagulat ni Sandy kung paano magsagutan at magtinginan ang mga ito. Palipat lipat ang tingin nya sa dalawang lalaki.

“Now what? Why would I listen to you, jerk?” Sarkastikong sabi ni Aled. Disgust is written all over his face. Tila may nais ito’ng sabihin na idinadaan na lamang sa disgust look nito.

“You have no choice. You will listen to this jerk, Aled. You got it all wrong!” Prince is still trying to stress the point.

“Oh just shut up! Just stay away from my fiancée!”

Tiningnan ni Prince si Sandy na litong lito na sa nangyayari. Halata sa mukha nito na naguguluhan ito.

“You call her your fiancée? Oh please! Where were you?” Sarkastikong sabi ni Prince.

“I’m telling you Prince, stay away from her.” Sabi ni Aled bago hinila si Sandy at pinasakay sa kotse nito. Naiwan si Prince na gulat rin sa pangyayari

“Ano ba ang problema mo? Why don’t you listen to me first?” Galit na rin si Sandy sa lalaki. Kinuyom nya ang mga palad.

Diretso lang ang tingin ni Aled, not saying anything. Nakakuyom rin ang mga kamay nito, parang galit na galit at hindi maintindihan ni Sandy kung bakit ito ganoon. Bagamat galit din sya ay minabuti nya na lang na huwag magsalita. Baka kung ano ang masabi nya at lumala ang sitwasyon. Hindi nya na lamang kakausapin ang lalaki.

Mystery girl, torn between Clandestine Corporation’s heir and the said Corporation’s own talent, endorser and model, Prince Montreal.

   Iyon ang bumungad kay Sandy pagkagising na pagkagising nya. It is written in bold red letters, at iyon ang pinaka headline sa isang society page nang isang pahayagan. May ilang kuha pa sila noong hapon na nagkaharap harap silang tatlo.

Agad na ipinakita sa kanya nang mama nya ang naturang article. Naka-upo silang lahat sa hapag-kainan. They were supposed to eat breakfast.

“My God, Cassandra. Bakit kausap mo dyan si Prince Montreal? Matagal mo na ba syang kilala?” Hindi makapaniwalang tanong ni Loreta. “May picture pa kayo. Nako naman anak.” Tila problemado na sabi pa nito.

Sila Chloe at Carina naman ay namimilog na ang mga mata kakatingin sa picture na nasa pahayagan. Alam ni Sandy na crush na crush nang kapatid na si Carina si Prince, kaya nya ito agad namukhaan sa party. Puno nang posters nito ang dingding malapit kay Carina sa kwarto nila.

“Eh mama, aksidente lang yan.” Ang tanging nasabi nya. Parang may pumipigil sa kanya para ipaliwanag ang nangyari. Malalaman nang mama nya na nagdahilan sya upang hindi makasabay pauwi.

“Paanong aksidente? May nakakuha nang picture nyo na iyan. Nako talaga. Mabuti at wala kang pasok ngayon. Kailangan mong magpaliwang sa kanila sa mansion.”

Kahit si Sandy ay hindi rin inakala na may ganoong mangyayari. May paparazzi na sumusunod kay Prince, na hindi nya na dapat ipagtaka dahil talaga namang sikat ito sa Pilipinas.

Noon lang din naalala ni Sandy na endorser nga pala si Prince nang Clandestine. Nadawit pa ang pangalan ni Aled na mismong magmamana nang Calndestine! Nanghina sya sa mga naisip. Mukha yatang talagang kailangan nyang magpaliwanag sa mama ni Aled. Sana lang ay hayaan muna sya nitong makapagpaliwanag. Ayaw nya rin na magalit ito sa kanya.

Anong gulo ba ang nangyari?

“I don’t care.” Matigas na sagot ni Aled. Kasalukuyan silang nasa library. Iniwan sila roon ni Loreta at ni Lyn para mag-usap.

Nagtalo kasi sila sa harap nang mga ina nila habang nagpapaliwanag ang dalaga. Ipinagpipilitan naman ni Aled na hindi nya kasalanan ang pangyayari.

Nagkasagutan sila at ipinasya nang dalawang ina na hayaang mag-usap ang dalawa.

“Oh please. Don’t give me that crap, Alejandro. You keep on insisting na kami ni Prince ang may kasalanan at nakuhaan tayo nang mga picture!”

“Bakit, hindi ba? Sino ba ang artista na sinusundan nang mga paparazzi? Ako ba? Is it me?!” Itinuro nito ang sarili at tumaas muli ang boses nito.

“My God Alejandro! Your’e impossible! I told you, Iniligtas lang ako ni Prince kay Maricar, and I’m thankful he was there! Hindi namin alam na may paparazzi na kumukuha nang mga litrato that time dahil accidentally lang ang pagkikita namin.”

“Of course! Ano ba ang alam mo? Your’e so naïve! And now, what will happened? We are all over the papers! Hindi pa man tayo kasal ay nakikipagtagpo ka na sa ibang lalaki. You can back out anytime if you really like him, just don’t drag my name into papers, specially kung negative write-up’s!”

“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ako nakikipagtagpo kung kanino! I told you many times na aksidente lang ang pagkikita naming dalawa ni Prince!” She insisted

“Oh. So that’s why you told me about group projects? Paano mo maipapaliwanag yon? At artista si Prince, a big celebrity. What would he be doing there?”

Sandy was caught off-guard. Bigla syang naumid. Ang totoo naman kasi ay ayaw nya lang ito makasabay kaya nagdahilan sya. Lalong hindi nya alam na inaabangan sya ni Maricar at lalong lalong hindi nya alam na naroon si Prince.

“Speak.” Utos ni Aled.

Huminga muna sya nang malalim. “Okay I admit I lied. Pero sinabi ko lang iyon dahil ayaw kitang makasabay umuwi. Naiinis ako sayo noon, hanggang ngayon. At hindi ko talaga alam na magkikita kami ni Prince. I told you, I was about to get beaten!” Amin nya. “Prince parked his car near the area, that’s why he is there.”

Si Aled naman ang naumid sa pag-amin na sinabi ni Sandy. “So, you don’t want to be with me,huh.” Natatawa na parang galit na sabi nito.

Hindi sumagot si Sandy. Nahiya sya sa sinabi nya. Yumuko na lamang sya.

“That’s good anyway. I feel the same. Kung gusto mo, doon ka sa Prince mo magpahatid araw-araw.” He said then walk through the door. But before he opened it,

‘Why do I have this feeling na galit na galit ka kay Prince?” mahinang sabi ni Sandy.

“Because I really am.” Sagot nito bago sya tuluyang iwanan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Faye Ancheta Guasch
magandang basahin kaso mahirap kumuha ng coins
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status